You are on page 1of 19

Kahayagan National High School

Kahayaga, Tagbina, Surigao Del Sur

Ikaapat na Markahan
Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

Pamantayang Pangnilalaman
Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa mga isyu tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Sekswalidad

Pamantayan sa Pagganap
Nakagagawa ang magaaral ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad.

Kasanayang Pampagkatuto #1
1.Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad
2. Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad

I. Layunin
a. Naiisa-isa ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at sekswalidad.
b. Nakapagtatanghal ng mga gawain upang masuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa
dignidad at sekswalidad sa masining na pamamaraan.
c. Nakapagpapasya ng tumpak sa mga sitwasyong kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at
sekswalidad.

II. Paksang-Aralin
A. Paksa: Paninindigan Tungkol sa Pangangalaga ng Sarili Laban sa Pangaabusong Sekswal Tungo sa
Maayos na Pagtingin sa Sarili at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao
Code: EsP10PIIVe-15.1 at EsP10PIIVe-15.2
B. Petsa at Oras: March 2,2020
C. Sanggunian: ESP10 LM pp. 303-313, ESP10 TG pp. 164-169

D. Kagamitan: TV,PPT,manila papers, pentel pens,laptop,clippings ng mga lathalain


graphic organizers,mga larawan,envelopes, metacards

III. Pamaraan/Proseso ng Pagtuturo

A. Panimulang Gawain

A.Panalangin
 Panalangin
 Pagtukoy sa Liban
 Pagpapangkat-pangkat
B.Pagbabalik-aral

 Ano ang leksyon na ating tinalakay natin noong nakaraang sesyon?


 Mayroon pa ba kayong mga katanungan?
 Handa naba kayo sa ating leksyon ngayon?

C. Pagganyak

Ngayon ay hahatiin ko kayo sa apat na pangkat. Magbilang.

Ang gawaing ito ay tatawagin nating “Hulaan Mo Ako”

 Makikita sa ilalim ng envelope A ang iba’t-ibang larawan.Sa envelope B naman ay mga letrang
inyong bubuuin upang bigyang kahulugan ang larawan. Pagkatapos ay idikit ninyo ang larawan
kasama ng salitang inyong nabuo sa isang manila paper. Ipaskil ninyo ang kinalabasan sa
pisara at sabihin kung ano ang ibig sabihin ng larawan.Naintindihan?
 Anu-ano ang mga ipinahihiwatig ng mga larawan?
 Tama, ang mga larawan ay tumutukoy sa iba’t-ibang isyung moral tungkol sa sekswalidad. Iyan
ang ating tatalakayin sa araw na ito.
 Alin sa mga isyung ito ang madalas mong nababasa at naririnig na pinag-uusapan dito sa ating
pamayanan?Bakit?

GAWAIN/AKTIBIDAD

Pangkat 1: Pagsusuri sa bilang 1-5 sa Gawain 3 sa pamamagitan ng maikling pagsasadula.

Pangkat 2: Pagsusuri sa Gawain 6-10 sa pamamagitan ng “Dagliang Pagpapahayag”

Pangkat 3: Pagtatanghal ng Gawain 4 sa pamamagitan ng panradyong drama.

Pangkat 4: Pagbubuo ng pasya sa isang sitwasyon gamit ang graphic organizer.

Mga Pamantayan sa Pangkatang Gawain/Rubriks

Pamantayan Mahusay Katamtaman Kailangan pang magsanay


5 pts. 3 pts (2 pts)
Kawastuhan ng mga konsepto
Kaangkupan ng mga diyalogo
Linaw ng mensahe
Pagkamalikhain

PAGSUSURI/ANALISIS

 Presentasyon ng pangkatang gawain.

• Pagsusuri sa kinalabasan ng pangkatang -gawain

Mga Tanong:

1. Tama ba ang mga nagging pasya ng pangkat 1 at 2?


2. Ano ang nagging posisyon mo sa suliranin ni Clarissa?
3. Ano ang nagging batayan mo sa paggawa ng posisyon o paninindigan?
4. Tama at Mabuti ba ang nagawa mong posisyon?Pangatuwiranan

PAGHAHALAW/ABSTRAKSYON

 Pagpapaliwanag sa paksa gamit ang power point presentation


 Malayang talakayan/ Tanungan at Sagutan
1. Anu-ano ang mga isyung moral tungkol sa sekswalidad? Isa-isahin at ipaliwanag.
2. Ano ang mga maling pananaw ng kabataan sa mga isyung sekawalidad na inyong kinakaharap ngayon?
Ipaliwanag
3. Bilang kabataan, anong mabuting pasya ang maari mong gawinbilang paggalang sa sekswalidad?

PAGLALAPAT/APLIKASYON

Panuto: Pag-aralan ang mga sitwasyon sa ibaba. Pag-usapan sa inyong pangkat kung ano ang tamang gawin
sa mga sitwasyon o isyung nabanggit. Pangatwiranan ang bawat sagot.
1. Maysakit ang nanay mo at di siya makapagtrabaho. Wala kayong pambili ng gamot at pagkain. Nagugutom na ang maliliit
mong mga kapatid. Nakita ng kapitbahay ninyong lalaki ang inyong sitwasyon. Inalok ka niya na makipagtalik sa kaniya
kapalit ng perang pambili ng gamot at pagkain.

2. Isang araw, umuwi ang nanay mo na may kasamang lalaki. Ipinakilala niya ito sa inyong magkakapatid bilang kaniyang
kasintahan. Sa bahay din ninyo na tumira ang lalaki. Mahal na mahal niya ito at sinusunod lahat ng gusto nito. Binilinan
kayo ng inyong ina na sumunod at paglingkuran ang kaniyang kasintahan. Sa isang gabing wala ang inyong ina,
pumasok ang kasintahan ng inyong ina sa iyong kuwarto at hinipuan ka sa maseselang bahagi ng iyong katawan. Sinabi
niyang huwag kang magsusumbong dahil pag ginawa mo iyon, papatayin niya ang inyong ina.
Talakayin ang inyong mga sagot. Buuin ang mga kasagutan ng bawat miyembro ng grupo at gumawa ng
isang posisyon tungkol sa mga isyung nabanggit sa itaas.sa pamamagitan ng Layunin-Paraan-Sirkumstansiya-
Kahihinatan.Maghandang ibahagi ito sa klase.

IV. Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot.

1. Ang gawaing pagtatalik bago ang kasal ay isyung may kinalaman sa


a. Pang-aabusong seksuwal b. Pre-marital sex
c. Pornograpiya d. Prostitusyon

2. Ang pang-seksuwal na kakayahang kaloob ng Diyos sa tao ay tumutugon sa mga layuning


a. Magkaroon ng anak at magkaisa.
b. Magkaisa at maipahayag ang pagnanasa.
c. Makadama ng kasiyahan at magkaroon ng anak.
d. Magkaroon ng trabaho at makadama ng kasiyahan.

3. Kailan masasabing ang paggamit sa seksuwalidad ng tao ay masama?


a. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa kasiyahan.
b. Kapag ang paggamit nito ay nauuwi sa pang-aabuso.
c. Kapag ang paggamit ay hindi nagdadala sa tunay na layunin ng seksuwalidad.
d. Kapag ang paggamit ay nagdadala sa tao upang maging isang pakay o kasangkapan.

4. Alin sa sumusunod ang hindi tumutukoy sa mga isyung seksuwal?


a. Si Jessica ay araw-araw hinihipuan ng kaniyang amain sa maseselang bahagi ng kaniyang katawan.
b. Niyaya ni Noli ang matagal na niyang kasintahang si Malyn na magpakasal sapagkat gusto na nilang magtatag ng
pamilya.
c. Dala ng kabataan at bugso ng damdamin, nagbunga ang isang gabing pagkalimot sa sarili ni Daisy at ng kaniyang
boyfriend na si Ariel.
d. Maganda ang hubog ng katawan ni Ann kaya nagpasiya siyang magpaguhit nang nakahubad.

5. Alin sa sumusunod ang tamang pananaw sa pakikipagtalik?


a. Ang pakikipagtalik ay isang karapatang makaranas ng kasiyahan.
b. Ang pakikipagtalik ay kailangan ng tao upang maging malusog at mabuhay.
c. Ang pakikipagtalik ay tama kapag parehong may pagsang-ayon ang gagawa nito.
d. Ang pakikipagtalik ay ang pagsasakatawan ng pagmamahal na ipinapahayag ng mag-asawa sa bawat isa.

6. Ang isang lalaki o babae ay nagkakaroon ng kakayahang makibahagi sa pagiging manlilikha ng Diyos kapag tumuntong na sa
edad ng pagdadalaga o pagbibinata (puberty). Subalit kahit sila ay may kakayahang pisyolohikal na gamitin ito, hindi
nangangahulugang maaari na silang makipagtalik at magkaroon ng anak. Hanggang wala sila sa wastong gulang at hindi pa
tumatanggap ng sakramento ng kasal, hindi sila kailanman magkakaroon ng karapatang makipagtalik. Anong katotohanan ang
ibinubuod ng pahayag na ito?
a. Maaari nang makipagtalik ang kabataang nagdadalaga at nagbibinata na.
b. Maaari nang magkaroon ng anak ang kabataang nagtatalik.
c. Ang mga taong may kakayahang pisyolohikal ay maaari nang makipagtalik.
d. Ang mga taong nasa wastong gulang at ipinagbuklod ng kasal ang maaari lamang na makipagtalik.
7. Nag-iisa sa bahay si Arlyn at dumating ang kaniyang kasintahang si Jonel. Pinatuloy niya ito at sila’y nag-usap. Habang
tumatagal ay nag-iba ang tema ng kanilang usapan. Naging agresibo si Jonel at sinimulan nitong halikan si Arlyn. Sabi pa ni Jonel,
“tayo lang naman ang nandito.” Kung ikaw si Arlyn, ano ang iyong gagawin?
a. Magagalit kay Jonel at ito ay paaalisin sa kanilang bahay.
b. Magpapakipot muna pero sasang-ayon din sa kagustuhan ni Jonel.
c. Kakausapin si Jonel at sasabihing panagutan kung anuman ang mangyayari sa kanila.
d. Kakausapin si Jonel nang mahinahon at ipapaliwanag kung ano ang tama.

Para sa Bilang 8-10. Panuto: Suriin ang sumusunod na sitwasyon at tukuyin kung nararapat o hindi ang pagpapasiyang
ginawa ng mga tauhan sa kuwento. Isulat ang N kung ito ay nararapat at HN kung hindi marapat. Ipaliwanag ang iyong
sagot.

8. Si Wilson ay nakatira sa kaniyang nanay at amain. Isang araw, pumasok ang kaniyang amain sa kuwarto niya at
nagpakita ng mga malalaswang litrato. Hindi mapakali si Wilson at hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Sabi ng
kaniyang amain,“Halika rito, anong klaseng lalaki ka?” Kinuha ni Wilson ang babasahin at ito’y kaniyang tiningnan at
nagustuhan naman niya ito.

9. Hiniling ng isang kapitbahay ni Mela na kunan siya ng litrato na nakabikini. Sinabi sa kaniyang maaari itong ipagbili
sa isang kompanya ng pagmomodelo at kumita ng malaking pera. Tumanggi si Mela at sinabing ang katawan niya ay
hindi kailanman maaaring i-display.

10. Si Aileen ay 15 taong gulang at miyembro ng mahirap na pamilya. Wala na siyang interes na mag-aral mula ng
paulit-ulit siyang pagsamantalahan ng kaniyang amain. Nakilala niya si Merly at niyaya siya nitong mamuhay sa
lansangan at magbenta ng aliw. Sumama siya rito at nagsabing lubog na rin naman siya sa putik kung kaya’t marapat
lang na ito ang kaniyang gawin at kikita pa siya.

V. Kasunduan

Panuto: Punan o sagutin mo ang mga hanay at tanong na nakapaloob sa gawaing nasa ibaba.

Planuhin Mo ang Iyong Kinabukasan


1. Ano ang ninanais mong makamit o layunin sa sumusunod na aspekto ng buhay?
a. Edukasyon
b. Kasal
c. Anak
d. Libangan
e. Pagreretiro
f. Iba pang Aspekto ng Buhay
2.Sa gulang na 30, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

3.Sa gulang na 40, alin sa mga aspekto/layuning ito ang sa palagay mo ay nakamit mo na?

4.Sa iyong buhay ngayon, ano kaya ang maaari mong gawin upang makatiyak na ang iyong mga
layunin ay makamit o maisakatuparan?

5 .Ano kayang pagbabago ang maaaring mangyari sa mga plano mo sa buhay kung ikaw ay
mabuntis? Maging batang ama o ina? Masangkot sa prostitusyon, at iba
Inihanda ni:

JONALYN B. BALUCA
SST-I
Iniwasto ni

ARIELJUN P. ROSAL
Head Teacher I
Anu-ano ang mga paraan upang maibsan ang pagbabago ng klima o climate change?
3. Paghahalaw (Abstraction)

-Pagpapaliwanag sa paksa gamit ang powerpoint presentation na sumasagot sa mga tanong na:

Ano ang klima o climate? Ano ang kaibahan nito sa panahon?

- Ang klima o climate ay pumapatungkol sa panahon o weather na karaniwang kondisyon sa isang lugar sa mas
mahaba-habang saklaw na panahon. Sa karaniwan ay tatlumpung taon (30) o mas matagal pa.

- Ang panahon o weather ay ang kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong element sa loob ng maikling
panahon –isang araw hanggang isang lingo.

Ano ang climate change?


- Ang pagbabago ng klima ay tumutukoy sa mga pangmatagalang pagbabago sa klima na nangyari sa mga
dekada, siglo o mas matagal. Ito ay sanhi ng mabilis na pagtaas ng mga greenhouse gasses (water vapor,
methane,carbon dioxide, nitrous oxide,ozone, fluorinated gasses) sa kapaligiran ng mundo lalong lalo na sa pagsunog
ng fossil fuel.

Anu-ano ang mga salik na nakakaapekto sa pagbabago ng klima?

a. Natural na salik

 Plate tectonics- ang paggalaw ng mga tectonic platesna nagpapabago sa posisyon ng kalupaan at mga erya ng
katubigan na siyang nagreresulta sa topograpiya ng daigdig.

 Orbital at solar variations- pagbabago sa pag-ikot ng mundo na nakaaapekto sa layo at lapit nito sa araw.

 Volcanism- natural na proseso kung saan ang mga element mula sa crust o mantle ng mundo ay ibinubuga
palabas gaya ng pagputok ng mga bulkan.

b. Mga aktibidad na gawa ng tao (Anthropogenic factors)

 Polusyon sa hangin at katubigan mula sa ibinubugang usok ng mga industriya.

 Hindi tamang pagtapon ng mga basura.

 Kumbersyon ng mga kakahuyan para maging kaparangan at pastulan at ang paggamit ng slash and burn
technique nito o pagkakaingin.

 Polusyon sa kalupaan at katubigan dahil sa malawakang paggamit ng kemikal sa abono’t pestisidyo.

 Pagkawala ng topsoil at polusyon sa tubig na dulot ng pagmimina.

 Pagkasira ng natural o likas na panirahan dahil sa konstruksyon ng mga gusali at iba pang imprastruktura.

 Emisyon mula sa fossil fuel combustion o pagsusunog ng uling at langis ang siyang pinakagrabeng umaambag
sa pagtaas ng lebel ng CO² sa kalawakan.

Anu-ano ang mga epekto ng climate change?

 Kalamidad o natural disasters

 Implikasyon sa seguridad sa pagkain.

 Epekto sa suplay at kalidad ng tubig.

 Paglaganap ng mga sakit.

 Punlipunang dislokasyon

Anu-ano ang mga simpleng paraan na ating magagawa upang maibsan ang masamang epekto ng climate change?
 Magtanim ng mga puno at halaman.

 Magpalit ng bombilya . Gumamit ng tinatawag na compact flouresent light bulbs (CFLs)

 Magtipid sa paggamit ng koryente . Buksan ang mga bintana at hayaang makapasok ang natural na liwanag at
hangin sa tahanan . Iwasang gumamit ng aircon.

 Bunutin ang plug ng mga appliances kung hindi ginagamit.

 Magtipid sa paggamit ng tubig.

 Maging praktikal sa paggamit ng sasakyan. Maglakad kung kinakailangan.

 Huwag magsunog ng anumang basura.

4. Aplikasyon

Dugtungan ang pangungusap sa ibaba.

Maipapakita ko ang aking pagpapahalaga at pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng________________.

IV. Pagtataya

Paksa Maalwan Katamtaman MahirapKabuuan

Climate Change 6

3 1 10
1. Ito ang paglihis ng klima mula sa nakasanayang pattern ng klima na naitala daang taon na ang nakalipas .

a. global warming b. climate change c. greenhouse gasses

2. Alin sa mga sumusunod ang greenhouse gas?

a. water vapor b. methane c. ozone d. lahat

3. Tumutukoy sa pangkaraniwang kondisyon sa isang lugar sa mas mahaba-habang panahon na karaniwan ay


umaabot ng 30 taon o higit pa.

a. klima b. panahon c. temperature

4. Kasalukuyang kondisyon ng mga kaparehong element sa loob ng maikli-ikling panahon-isang araw hanggang
dalawang lingo.

a. panahon b. klima c. temperature

5. Kailan nagsimula ang kontribusyon ng tao sa climate change?

a. Industriyal Revolution b. Modernong panahon

c. Panahon ng pananakop

6. Ang pagtaas ng karaniwang temperatura ng mundo kayat nagdudulot ng pangkalahatang pag-iinit ng kalawakan , ng
kalupaan at karagatan.

a. climate change b. global warming c. sea level rise

7. Alin sumusunod ay mga epekto ng climate change?

a. pagkakaroon ng kalamidad o natural disasters

b. pagtaas ng tubig dagat dahil sa global warming.

c. pagkakaroon ng mga sakit

d. lahat ng nabanggit

8. Alin sa sumusunod ang pinatutungkulan ng global warming?


a. malakihan o ganap na pagbabago sa klima o panahon sa mga lugar sa daigdig.

b. di makalkula o paiba-ibang klima o panahon

c. matitinding mga kaganapang may kinalaman sa weather patterns sa iba’t-ibang panig ng daigdig.

d. Lahat ng nabanggit

9. Ano ang greenhouse gasses?

a. Bumubuo ng kalawakan ng daigdig

b. Sumasalo at kumukulong sa mga infrared radiation mula sa init ng araw.

c. Kinakailangan para mabuhay ang tao

d. lahat ng nabanggit

10. Mahalaga ba ang mga greenhouse gasses?

a. Oo.Dahil dito napapanatili na may buhay sa mundo.

b. Oo. Dahil gamit ito ng mga siyentipiko sa kanilang mga pag-aaral.

c. Hindi.Dahil ito ang dahilan ng global warming.

d. Hindi, dahil nakakamatay ang epekto nito.

V. Kasunduan

Magsaliksik ng mga programa ng pamahalaan sa iba’t-ibang panig ng mudo na sumusuporta para sa climate change.
.
-

You might also like