You are on page 1of 7

PINAGSANIB NA BANGHAY ARALIN SA EsP 10, EsP 7,

ARALING PANLIPINAN 10 at FILIPINO 10

I. Layunin: Sa loob ng itinakdang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

a. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;


b. Naisasagawa ang mga gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
c. Napahahalagahan ang mga mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob.

MELCs:
1.1 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob EsP10MP-Ia-1.1
1.2 Nakikilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga
kongkretong hakbang upang malagpasan ang mga ito EsP10MP-Ia-1.2

INTEGRASYON

Within Curriculum

Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob EsP7PS-IIa-5.1

Across Curriculum

AP 10
*Nasusuri ang kahalagahan ng kahandaan, disiplina at kooperasyon sa pagtugon ng
mga hamong pangkapaligiran

FILIPINO 10
Naipahahayag nang malinaw ang sariling opinyon sa paksang tinalakay F10PS-Ia-b-64

II. Paksang Aralin: Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob


Sanggunian: ADM EsP 10, Unang Markahan – Modyul 1
Kagamitan: PPT, TV, at iba pa.
Pagpapahalaga: Gamitin ng maayos ang kahalagahan ng mataas na gamit at
tunguhin sa isip at kilos-loob.

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
1. Panalangin

2. Pagtsek ng attendans
3. Pagbibigay ng mga alintuntunin sa loob ng klase

Kodigo ng Silid-Aralan

1. Panatilihing malinis at maayos ang silid aralan.


2. Huwag mag-aaway sa loob o sa labas ng silid aralan.
3. Makilahok sa leksyon sa loob ng silid aralan sumagot sa mga tanong
ng guro.
4. Igalang ang iyong guro, kaklase maging ang bawat opinion ng isa.
5. Huwag sisirain ang mga kagamitan sa loob ng silid aralan.
6. Huwag mag-ingay sa loob ng silid aralan.
7. Huwag kumain sa loob ng silid aralan kung may klase at hindi
naman oras ng reses.
8. Huwag basta makikialam sa gamit sa loob ng paaralan mag paalam
ng maayos sa guro.
9. Huwag mang bubully sa loob o labas ng paaralan.
 Paalalahanan din ng Guro angmga mag-aaral ng health protocols:
- Laging mag-suot ng mask
- I-sanitize ang mga kamay sa pamamagitan ng paggamit ng alcohol
- Obserbahan ang Physical distancing
- Iwasang hawakan ang isa’t isa.

PUNTOS NG GANDANG ASAL

ASAL PANGKAT 1 PANGKAT 2 PANGKAT 3


MABUTI (+)
DI MABUTI (-)

4. Pagganyak
Ang guro ay magpakita ng larawan tungkol sa isang tao at hayop na
nakatayo sa traffic light.

Mga Tanong:

1. Ano ang mayroon ang tao at ang hayop upang Makita nila ang babala
ng traffic light ?

2. Ano ang kakayahang taglay ng tao at ng hayop upang Makita nila ang
babala?

3. Ano ang inaasahan mong magiging tugon o gagawin ng tao at ng


hayop sa babala?

5. Presentasyon ng Aralin
Ano kaya sa tingin ninyo ang aralin natin ngayon?

6. Paglalahad ng layunin

a. Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;


b. Naisasagawa ang mga gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob;
c. Napahahalagahan ang mga mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob.

B. Panlinang na Gawain (4As)

1. Mga Gawain (Activity)

A. Paglalahad ng Aralin
Ngayong umaga/hapon ay ating tatalakayin Ang Mataas na Gamit
at Tunguhin ng Isip at Kilos-loob.

Panuntunan:

Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat. Bawat pangkat ay may


lider, tagasulat at taga basa/reporter. Bibigyan lamang sila ng 3 minuto
upang suriin at sagutan ang tanong batay sa sitwasyon na ibinigay sa
kanila. Pagkatapos ay bibigyan lang sila ng 3 minuto upang ipresenta
sa klase ang kanilang gawa. Maging desiplinado sa pagawa ng gawain.

Tanong:
1. Ano ang gagawin mo sa pangyayari?

2. Pagsusuri (Analysis)

 Ang guro ay magtatanong sa klase kung ano ang kakayahang taglay ng


tao.

 Ang guro ay magbibigay ng gabay sa Pagsagot ng mga mahalagang tanong.

 Tatalakayin ng guro ang tungkol sa Maataas na GAmit at tunguhin ng isip t


kilos loob at ang mga mag-aaral ay sasagot sa mga tanong ng guro.
3. Abstraksyon (Abstraction)

Ang guro ay magpapakita ng video tungkol sa Mataas na Gamit ng Isip at Kilos-loob

 Ang guro ay magtatanong sa klase tungkol sa Mataas na Gamit ng Isip at


Kilos-loob.
 Ang guro ay magbibigay ng isang gawain tungkol sa pagpapaliwanag
kung ano ang naunawaan sa mga tinalakay tungkol sa Mataas na Gamit
ng Isip at Kilos-loob.

4. Paglalapat (Application)

Panuntunan:
Ang bawat grupo ay bibigyan ng iba’t-ibang gawain at ang paglalahad
na ito ay isasagawa sa artistikong pamamaraan. Bibigyan lamang sila ng 5
minuto upang isagawa ang gawain. Maging gabay parin ang Puntos ng
Gandang-Asal sa pagsagawa ng nasabing gawain. Pagkatapos ay
bibigyan ang bawat grupo ng 2-3 minuto upang ilahad ang kanilang pananaw.
A. Multiple Intelligence:
Verbal Linguistic
Pangkat 1 - Gumawa o bumuo ng tula/patungkol sa mga Mataas na Gamit ng
Isip at Kilos-loob at basahin saa harapan ng klase.

Visual-Spatial
Pangkat 2 - Gumawa ng Poster hinggil sa mga Mataas na Gamit ng Isip at
Kilos-loob. Pagkatapos ay ilahad ito sa klase.

Bodily Kinesthetic
Pangkat 3 - Pumili ng isa sa mga Mataas na Gamit ng Isip at Kilos-loob.
Gagawin ito sa pamamagitan ng pantomina.

PAMANTAYAN

PRESENTASYON (Presentation) -5

PAGKAMALIKHAIN (Creativeness) - 5

KOOPERASYON (Cooperation) - 10

KABUUAN: - 20

5. Paglalahat

Basi sa ginawa nating mga gawain, ano ang nais iparating nito sa inyo?
Ang tao ay nagtataglay ng karunungan na wala ang ibang nilalang sa mundo .
Ang kaniyang karunungan ay bunga ng nahubog na isip at kilos-loob na batay
sa katotohanan sapagkat ang katotohanan ay inaalam sa tulong ng pag-iisip at
akmang kilos-loob.

V. Ebalwasyon (Google Form)


Panuto: Suriin ang sitwasyon. Isulat ang iyong mga katuwiran sa nagging
pasiya mo kaugnay ng iyong pag-aaral at ang gagawing solusyon kaugnay nito sa
speech balloon. Gawin ito sa iyong sagutang papel.

Maganda nag performance mo sa Paaralan. Lagi kang kasama sa mga may honors. Subali’t mula
nang nakilala mo at nagging barkada mo si John na may hindi magandang bisyo tulad ng
paninigarilyo at pag-inom ng aak, naimpluwensyahan ka nya. Napabayaan mo ang iyong pag-aaral at
nanganganib din ang iyong mga grado. Kinausap ka ng iyong ama, hiningi niya sa iyo na sabihin ang
iyong katuwiran sa iyong nagging pasiya at ang plano mong solsyon kaugnay nito.
Ano ang iyong katuwiran? Ano ang iyong magiging
solusyon?
_______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
_______________________ _______________________
____ _______________________
____________
PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMATAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
Pagpapaliwana ang Pagpapaliwanag ang isaayos (Malaki
g pagpapaliwanag (katamtamang pagpapliwanag ang
(buo at pagpapaliwanag (may kaunting kakulangan,
maliwanag) ) kamalian ang nagpapakita ng
pagpapaliwanag) kaunting
kaalaman)

VI. Kasunduan (Assignment)

Panuto: Magsulat ng apat mong kahinaan tungkol sa pagpapasiya. Sa tapat nito,


magbahagi ng paraan upang malampasan mo ang kahinaang ito at upang mas
mapabuti mo ang iyong pagpapasiya.

ANG AKING KAHINAAN MGA PARAAN UPANG MAS MAPABUTI


ANG AKING PAGPAPASIYA
a. a.
b. b.
c. c.
d. d.

PAMANTAYAN SA PAGWAWASTO SA GAWAIN

PAMATAYAN NAPAKAHUSAY MAHUSAY NALILINANG NAGSISIMULA


(10) (8) (6) (4)
Kalidad ng Napakahusay Mabuting Matatanggap Kailangang
Pagpapaliwana ang Pagpapaliwanag ang isaayos at
g pagpapaliwanag at nakapagtala pagpapliwanag nakapagtala
at nakapagtala ng tatlong at nakapagtala lamang ng
ng apat na kahinaan ng dalawang isang kahinaan
kahinaan (buo (katamtamang kahinaan (may (Malaki ang
at maliwanag) pagpapaliwanag kaunting kakulangan)
) kamalian ang
pagpapaliwanag)
Inihanda ni:

RONYLA ENRIQUEZ
Guro sa ESP7

Iniwasto ni:

MARVIN O. RANARIO
Master Teacher I

Inirekomenda ni:

ARIEL A. PALER
HT-I

Aprobado ni:

MARCELA G. MARTICION-ORTEGA
Principal

You might also like