You are on page 1of 11

Edukasyon sa

Pagpapakatao 10
Ikatlong Markahan
Modyul 2
Ang Kahalagahan ng pakikipag-ugnayan sa Diyos
(unang Bahagi)
Mga inaasahan
• Matapos ang araling ito , ikaw ay inaasahan na:
1. Nakikilala ang apat na uri ng pagmamahal ayon ka C.S Lewis;
2. Nakagagawa ng Personal Log para sa isang linggong gawain na may
kaugnayan sa pangangalaga ng ugnayan sa Diyos;
3. Nakapagbibigay ng panahon sa sarili upang mapaunlad ang pakikipag-
ugnayan sa kapuwa at Diyos.

Paunang Pagsubok
Panuto: Basahin at unawain ang tanong bilugan ang titik ng wastong sagot.
1.Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pagninilay?
A. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Panginoon
B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay
C. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at pagsasabuhay ng aral ng
Diyos
D.Upang mapagyaman ng tao ang kaniyang sarili sa pagbabahagi ng salita
ng Diyos.

2. Ito ay tumutukoy sa pamamaraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos.


A. Espiritwalidad B. Pagsamba
C. Panalangin D.Relihiyon

3. Ito ang itinuturing na pinakamataas na uri ng pagmamahal.


A.Agape B. Affection
C. Eros D. philia

4. Paano masasabi na ang tao ay nagmamahal sa Diyos?


A.kung ang tao ay nagmamahal at naghihintay ng kapalit
B.kung ang tao ay hinihiwalay ang kaniyang ugnayan sa kapuwa.
C.kung ang tao ay nagmamahal sa kapuwa ng walang hinihintay na kapalit.
D.kung ang tao ay sarili lamang ang nakikita at hindi marunong
magsakripisyo

5. Ito ay tumutukoy sa paraan na dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan


sa Diyos na kung saan nakatutulong upang mapalawak ang inyong kaalaman sa
salita ng Diyos.
A.pagninilay B.panalangin
C.pagsisimba D.pananahimik
Balik-Aral
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag.Isulat ang salitang TAMA kung
ang pahayag ay tama at salitang MALI kung ang pahayag ay mali

__________1.Ang Salah sa Islam ay isang obligasyon ng bawat muslim.


__________2.Ang pananampalatayang kristiyanismo ay itinuturo ang buhay na
halimbawa ng pag-asa ,pag-ibig.

__________3.Ang pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan ay nagbibigay


kahulugan sa buhay ng mga kristiyano.

__________4.Si Budha ang kinikilalang mangangaral ng relihiyong Buddismo.


__________5.Naipapahayag ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng
mabuting kalusugan.

Aralin

Paano mo nga ba minamahal ang Sa pamamagitan ng paggalang sa


Diyos at ang sa ating kapuwa karapatan ng ating kapuwa

Tama! Alam mo bang dapat


pangalagaan ang pananampalataya
upang manatiling matatag ang ating
ugnayan sa Diyos?

Narito ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan sa
Diyos at sa ating kapuwa
1. Panalangin- Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa
panalangin,ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat,
paghingi ng tawad at paghiling sa kaniya.
2. Pagninilay- Ito ay nakatutulong upang ang tao ay mag-isip upang
maunawaan ng tao ang mensahe ng Diyos,sa kaniyang buhay.
3. Pagsisimba/samba –Ito ang nakatutulong sa tao upang mapalawak
ang kaniyang kaalaman sa salita ng Diyos at maibahagi sa
pamamagitan ng pagsasabuhay ng napupulot na kaalaman sa
pagsimba o pagsamba.
4. Pag-aaral ng salita ng Diyos- Upang lubos na makilala ng tao ang
Diyos,nararapat na malaman ang kaniyang mga turo o aral.
5. Pagmamahal sa kapuwa- Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao,
ang mamuhay kasama ang kapuwa.
Ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa ang tunay na
pananampalataya

Sinasabi sa Juan 4:20 “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos,subalit


napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang
kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin,paano niya
maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?’ kaya masasabi lamang na ang
tao ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa,
at ang pagmamahal ay mayroon apat na uri.
Apat na uri ng pagmamahal ayon kay C.S Lewis
1. Affection- pagmamahal bilang magkakapatid o magkakapamilya.
2. Philia- ito ang pagmamahal ng magkakaibigan
3. Eros- Ito ang pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng tao.
4. Agape- Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal sapagkat hindi
ito nag-aantay ng kapalit. Ganito ang Diyos sa tao,patuloy na
nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at pagkakasala patuloy
niya pa rin itong minamahal dahil ang tao ay mahalaga sa kaniya.

Pagsasanay

Unang pagsasanay

Panuto:

1.Gumawa ng sariling talahanayan para sa buong lingo na may kinalaman


sa pagpapaunlad ng iyong pananampalataya.

2. sumulat ng isang gawain para sa buong araw na nagpapakita ng


mabuting ugnayan sa kapuwa at Diyos.

3.Maglakip ng patunay sa bawat gawain araw-araw

4.Ipabasa sa iyong magulang. Bigyan sila ng pagkakataon na magkomento


sa iyong ginawa.

5.Gawin ito sa isang malinis o DIY na maliit na kuwaderno.


My Personal Daily Log

Mga Araw Gawain Ugnayan sa Ugnayan sa Mga Komento at


Diyos kapuwa patunay lagda ng
magulang
Lunes

Martes

Miyerkules

Huwebes

Biyernes

Sabado

Linggo
Tanong;

1.Paano pinatatag ng gawaing ito ang iyong pananampalataya at pagmamahal sa


iyong kapuwa?

Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

2. Paano mo maipagpapatuloy ang magandang gawaing nasimulan?

Sagot:___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Ikalawang Pagsasanay

Panuto: Matapos ang ginawang pagtalakay, mga-bigay ng sitwasyon na kung saan


naipapakita ang apat na uri ng pagmamahal.

Uri ng pagmamahal Sitwasyon ng naipapakita ang uri ng pagmamahal


1.affection

2.Philia

3.Erros

4.Agappe

Ikatlong pagsasanay

Panuto: Basahin at unawain ang bahayag. Isulat ang tsek ( ) kung sang-ayon
sa pahayag at ekis ( )naman kung hindi.

___________1. Ang pananalangin ay malayang desisyon ng tao na malaman ang


katotohanan sa pagmamahal sa Diyos.

___________2. Ang pagmamahal sa kapuwa ay nagdudulot ng kapahamakan sa tao


dahil nakakalimutan na sarili.

___________3. Malalaman mong nagmamahal ang tao kung kaya niyang


magsakripisyo at maglingkod sa kaniyang kapuwa.
___________4.Philia ay pagmamahal na mayroong tunguhin na kung saan sila

nagkakaugnay.
___________5. Erros ang pagmamahal na walang hinihintay na kapalit
___________6.Ang pagbabasa ng aklat tungkol sa esperitwwalidad ay malaki ang
maitutulong sa paglago ng pananampalataya ng isang tao.

___________7.Pananahimik ang isa sa mabisang paraan upang makapag-isip


ang tao ng mabuti.
___________8.Mahalaga ang paniniwala ng tao,subalit hindi ito nakatutulong sa
kaniya upang umasenso sa buhay.
___________9.Marapat na sikapin ng tao na mahalin ang kapuwa dahil ito ang
patunay ng pagmamahal sa Diyos.

___________10.Walang paraan ang tao upang makipag-ugnayan sa panginoon.

PAGLALAHAT

Panuto.
Bakit mahalaga ang mapanatiling malalim ang ating ugnayan sa kapwa at Diyod?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________

Paano makatutulong sa kabataang tulad mo ang kaalaman natutunan mo sa


araling ito?
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________
PAGPAPAHALAGA

Panuto: Sa pamamagitan ng teknik na pantasya at imahinasyon,iguhit ang


nabuong anyo ng kumunidad kung ang tao ay may pagpapahalaga sa kanilang
ugnayan sa Diyos. Isulat ang paglalarawan nito.

Anyo ng komunidad:

________________________________________________
Paglalarawan: ________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
_______________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto. Basahin at unawain ang bawat aytem at piliin ang titik ng tamang sagot.
Bilugan ko kulayan ang inyong sagot.
1. Ang Sumusunod ay naglalarawansa uri ng pagmamahal maliban sa:
A.pagmamahal sa kapated
B.pagmamahal sa kaibigan
C.pagmamahal sa kapwa
D.pagmamahal ng may pagnanais

2. Ito ay tumutukoy sa uri ng pagmamahal ng Diyos sa tao,walang


hinihintay na kapalit sa kabila ng pagkukulang ng mga tao
A. affection B.Agape
C.Erros D. Phillia

3. Paano masasabi na ang tao ay nagmamahal sa Diyos?


A.kung ang tao ay nagmamahal at naghihintay ng kapalit
B.kung ang tao ay hinihiwalay ang kaniyang ugnayan sa kapuwa.
C.kung ang tao ay nagmamahal sa kapuwa ng walang hinihintay na
kapalit.
D.kung ang tao ay sarili lamang ang nakikita at hindi marunong
magsakripisyo

4. Bakit mahalaga sa buhay ng tao ang panahon ng pagninilay?


A. Upang lumalim ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Panginoon
B. Upang malaman ng tao ang mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay
C. Upang lumawak ang kaniyang kaalaman at pagsasabuhay ng aral ng
Diyos
D.Upang mapagyaman ng tao ang kaniyang sarili sa pagbabahagi ng salita
ng Diyos.

5. Ito ay ang personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang


desisyon na malaman at tanggapin ang katotohanan sa pagkatao?
A. Espiritwalidad
B. Pag-ibig
C. Panalangin
D. Pananampalataya
(Manacob, Edukasyon sa Pagpapakatao 10 2020)
Sanggunian
Panapos na Pagsusulit
1. C Paunang pagsubok
2. B Balik-Aral
3. C 1. D
1. MALI 2. C
4. A 2. TAMA
5. C 3. A
3. MALI 4. C
4. TAMA 5. C
5. TAMA
SUSI SA PAGWAWASTO

You might also like