You are on page 1of 5

BANGHAY ARALIN SA PAGTUTURO NG EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Ikasampung Baitang

Ikatlog Markahan
Ikalawang Linggo

Modyul 11: Pagmamahal sa Bayan

I. Layunin

Pamantayang Pangnilalaman ( Content Standard ):


Naipamamalas ng magaaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Pamantayan sa Pagganap ( Performance Standard):


Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan
(Patriyotismo)

Mga kasanayang Pampagkatuto ( Learning Competencies):


Nakagagawa ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

Code: EsP10PBIIIe-11.2
II. Nilalaman

Paksa: Pagmamahal sa bayan

Kagamitang Panturo:

A. Sanggunian : K to 12 Gabay sa Pangkuriculum, Edukasyon sa Pagpappakatao 10, Mayo 2016


pahina
B. Iba pang kagamitang Panturo : larawan, video, CD o MP3 ng awiting nabanggit.
C. Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino MAPEH

III. Pamamaraan:

A. Balik-aral sa nakaraang aralin:


Paano natin maipapakita ang pagmamahal sa bayan?
B. Paghahabi sa Layunin:
Itanong:
1. Napansin mo ba ang pagkahilig ng marami sa pagsusuot ng mga damit na
naglalarawan ng pagiging makabayan? O kaya naman ang mga sasakyan na may
mga bandila o mapa ng bansa?
2. Sa ganitong paraan ba naipapakita o naisasabuhay ang pagmamahal sa bayan? , O
kailangan mong ibuwis ang iyong buhay tulad ng ating mga bayani upnag
masabing mahal mo nga ang iyong bayan?
3. Maliban sa mga nabanggit, alam nyo ba na sa ating bayan ng Libacao ay meron
din tayong itinuturing na mga selebrasyon bilang pagpapakita ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa bayan?

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin


Pagtuklas ng datng Kaalaman

1. Pasimulan ang aralin sa pamamagitan ng pagtatanong ng guro ng mga sumusunod:


a. Anong taunang selebrasyon dito sa bayan ng Libacao and idinadaos tuwing ika
tatlungpot- isa ng Disyembre hanggang ika unang araw ng Enero.
b. Saang partikular na lugar dito sa Libacao ito idinadaos?
c. May mga kuwento ba kayong narinig o nasaliksik tungkol sa pagdiriwang ng taonang
selebrasyon?
2. Babasahin ng guro sa mga mag-aaral ang kasaysayan ng selebrasyon ng “Kali-ugyon
Festival”.
3. Magkakaroon ng maikling talakayan tungkol sa kasaysayang binasa.

a. Tungkol saan ang kuwento na inyong narinig?


b. Kailan ito naganap?
c. Pamilyar ba kayo sa kasaysayang ito?
d. Sinu-sino ang mga taong nag organisa ng naturang selebrasyon?
e. Anu ang nagtulak sa mga taong ito upang maisakatuparan ang naturang selebrasyon?
f. Paanu naipapakita ng naturang selebrasyon ang pagpapakita ng pagmamahal natin sa
bayan?

D. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan

Paglinang ng bagong kaalaman , kakayahan, at pag-unawa

1. Pasimulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagpapabasa sa isang kwento bilang


simpleng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. (Tunghayan natin ang isang halimbawa)

Si Mang Ben ay tanod sa kanilang barangay. Ang oras ng kaniyang ronda ay mula
ikapito ng gabi hanngang ikalabindalawa ng madaling araw. Ang pasok niya sa trabaho
sa kanilang bayan ay mula kawalo ng umaga hanggang ikaapat ng hapon.
Walang kapagurang ginagawa ito ni Mang Ben araw-araw. Hindi nagrereklamo
ang kanyang asawa dahil alam niya na si Mang Ben ay talagang matulungin at masipag.
Aktibo rin siya bilang isang lay minister ng kanilang simbahan. Maganda ang bonding
nila ng kanilang apat na anak. Isang araw, napili siya g kanilang munisipalidad bilang
natatanging mamamayan ng kanilang bayan. Nang taungin ng mga hurado kung hindi ba
siya nahihirapan sa kaniyang ginagawa, walang pag-aalinlangan na sinagot niya na “ito
ay bunga ng pagmamahal”. Hindi natatapos sa pamilya ang pagpapakita ng pagmamahal
kundi nagpapatuloy ito sa kapuwa at sa pamayanan. Sa pagsisiyasat at pagtatanong ng
mga hurado sa mga taong malapit at hindi gaanong kilala si Mang Ben, lumitaw na siya
ang huwaran bilang mamamayan.
May pagmamahal ba sa bayan si Mang Ben? Paano ipakikita ang pagmamahal sa
bayan?

2. Sa pamamagitan ng gawaing “ IAKTO MO” . Papangkatin ng guro ang klase sa tatlong


pangkat. Pag-uusapan nila ang konsepto/sitwasyon na nakalaan para sa kanila . Ang bawat
pangkat ay bibigyan ng limang minutong paghahanda at tatlong minutong pagpapakita ng
kanilang gagawin sa pamamagitan ng pag arte o pagtatanghal.

Mga sitwasyon/Panuto: Mga angkop na kilos na nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan:


Mag-isip ng isang sitwasyon na nagpapakita ng bawat konsepto ng pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan sa bawat bilang at IAKTO sa harap ng klase.

a. Huwag magpapahuli, ang oras ay mahalaga-


Ang pwedeng maging susi upang maging positibo ang ibig sabihin ng Filipino
Time, ang pagiging huli sa mga pagtitipon, programa, at ilan pang gawain ay
hindi nakatutulong sa pagsulong ng anumang grupo, organisasyon at sa kabuuan
ng bansa, Ang pagpasa ng RA 10535 o mas kilala bilang Philippine Standard
Time ay makatutulong upang ang bawat Pilipino ay ay magkaroon ng tamang
oras na susundan. May batas o wala, kailangang gamitin ang oras ng tama,
Kalangang isulong ang kultura nang pagiging maagap (culture of punctuality).

b. Pumila nang maayos-


Unahan sa pila, gitgitan sa kalsada na kung minsan, dahilan ng pagtatalo na
nauuwi sa aksidente, away, bugbugan hanggang sa patayan. Sabi nga lagi,
“Disiplina lang pakiusap”. Mababaw kung tutuusin pero kailangan.

c. Awitin ang pambansang awit nang may paggalang at dignidad-

Kung may simpleng bagay na maaaring gawin ang isang mamamayan para sa
kanyang bayan. Ito ay ang igalang ang kaniyang pagkakakilanlan, pangunahin na
rito ang pambansang awit. Awitin ito ng buong puso at paggalang.

3. Ipaliwanag ang rubrics o pamantayan na gagamitin sa pagmamarka ng pagtatanghal.

Pamantayan
Pakikiisa Lahat ng kasapi ng Isa o dalawag kasapi Tatlo o higit pang
pangkat ay nakiisa sa ng pangkat ay hindi kasapi ay hindi
gawain nakiisa sa gawain nakiisa sa gawain
Kagalakang Lahat ng kasapi ng Isa o dalawang Tatlo o mahgit pang
ipinamalas sa gawain pangkat ay nagpakita kasapi ng pangkat ay kasapi ng pangkat ay
ng kasiyahan sa hindi nagpamalas ng hindi nagpamalas ng
pakikilahok sa kagalakan sa kagalakan sa
gawain pakikilahok sa pakikilahok sa
gawain gawain
May kaangkupan sa Angkop na angkop Angkop Di gaanung angkop
paksa

4. Talakayin ang mga ipinakitang pagtatanghal ng bawat pangkat.


Itanong ang mgs sumusunod:
a. Nangyayari ba sa totoong buhay ang mga sitwasyon inilahad? May pagkakaugnay
ba ito sa iyong buhay bilang mag-aaral, miyembro ng pamilya at mamamayan ng
bansa sa kabuuan? Ipaliwanag.
b. May pagkakatulad ba ang mga kilos na ipinapakita sa mga sitwasyon sa iyong
pang-araw-araw na gawain? Kung ikaw ang nasa sitwasyon, anu ang iyong
gagawin o magiging tugon? Ano ang epekto nito sa iyo sa kabuuan? Ipaliwanag.
c. Sa mga sitwasyong nabanggit, paano gagamitin ang mapanuring pag-iisip bilang
pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan?
d. Ano-anong angkop na kilos ang ginawa ng mga karakter na nagpapamalas ng
pagmamahal sa bayan?
e. Kaya mo rin bang isabuhay ang mga ito? Ano-anong hakbang ang iyog gagawin?
Ipaliwanag.

E. Paglinang sa Kabihasaan

Pagpapalalim

Gawain 1.

Paghinuha ng batayang konsepto. Magpagawa ng isahang gawain gamit ang concept


web.
Panuto: Anong mahalagang konsepto ang nahinuha mo mula sa nagdaang gawain at babasahin.
Pwede mo itong gawin o sagutin sa pamamagitan ng paglikha ng concept web. Gawin ito sa
kwaderno.

Ang
Pagmamahal
sa Bayan

Pag-uugnay ng atayang konsepto sa pag-unlad ko bilang tao


1. Ano ang kabuluhan ng batayang konsepto sa aking pag-unlad bilang tao?
2. Ano ang maaari kog gawn upang mailapat ang aking mga pagkatuto sa modyul a ito?

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay

Pagsasabuhay

Pangkatang gawain:

Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong grupo. An bawat grupo ay bubuo o gagawa ng mga angkop
na kilos sa kanilang pamayanan o barangay bilang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan (
Halimbawa ang pagpapaskil ng mga tarpaulin na may impormasyon kung saan hango ang
pagalan ng barangay at iba pang kaalama na di alam ng inyong mga kabaranggay). Sa
pamamagitan ng mga ito, kailangan ang patunay gaya ng larawan, mga dokumento, o kaya
video.

G. Paglalahat ng Aralin
Ang pagpapamalas ng pagmamahal sa bayan ay mahalaga. Walang sinuman ang
ligtas sa pagsasabuhay g responsibilidad na ito, dahil ang tao ay ay umiiral na
nagmamahal at sumasakatawang diwa. Ito ay nangangahulugan na tayo bilang tao ay
umiiral sa mundo kasama ang ating kapwa.
Ang isang mamamayan na may pagmamahal sa bayan aynaiingatan at
napapahalagahan ng karapatan at dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagpapahalaga at
pagmamahal sa kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.

Itanong:

1. Kung ikaw ay nasa ibang bansa, anong kilos ang isasagawa mo upang masabing
ipagmamalaki kang mamamayan ng bansa?
2. Ilang beses mo na bang ipinamalas ang wastong kilos bilang pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan?
3. Ilang beses mo na bang ipinagmalaki na ikaw ay isang Plipino?

Magkaroo ng malalim na talakayan sa mga kasagutan ng mga mag-aaral.


H. Pagtataya/Maikling Pagsusulit

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang angkop kung ito ay
nagpapakita ng angkop na kilos at di angkop naman kung ito ay nagpapakita ng di angkop na
kilos ng pagmamahal sa bayan.

____________1. Maging totoo at tapat, mangopya ng sagot sa kaklase kung di alam ang sagot.
____________2. Magtipid ng tubig, magtanim ng puno, at huwag magtapon ng basura kahit
saan.
____________3. Bumili ng mga produktong banyaga na mas mura.
____________4. Paglahok/at pagsuporta sa selebrasyong pambarangay at pambayan.
____________5. Alagaan at igalang ang nakatatanda.

I. Karagdagang Gawain para sa Takdang Aralin.

Magsaliksik ng mga infomercial na makikita sa inyong pamayanan bilang pagpapakita ng


pagmamahal sa bayan.

Isinulat ni:

ROGER N. DOLINOG
Teacher I
Loctuga National High School
Libacao, Aklan

Pinansin at iniwasto ni:

MA. CORAZON R. PANALIGAN


Pansangay na Superbisor sa EsP

You might also like