You are on page 1of 10

Rebuplika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
REHIYON V-BICOL
SCHOOLS DIVISION OF SORSOGON
MATAAS NA PAARALAN NG ABUCAY
ABUCAY, PILAR, SORSOGON

PANG-ARAW-ARAW NA PLANO SA PAGTUTURO


(DAILY LESSON PLAN)

Paaralan MATAAS NA PAARALAN NG ABUCAY Baitang 10

Guro CHRISTIAN MARK V. CADAG Asignatura EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO

Petsa / Oras Markahan IKATLONG MARKAHAN

I. LAYUNIN

A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa pagmamahal sa bayan (Patriyotismo)

B. Pamantayan sa Pagganap Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maipamalas ang pagmamahal sa
bayan (Patriyotismo)

a. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan


(patriyotismo) ESP10PB-IIIe-11.1
C. Mga Kasanayan sa b. Mahuhusgahan ang angkop na kilos o tugon sa mga sitwasyong
pagkatuto/Layunin kailangan ang mapanuring pag-iisip bilang pagpapakita ng
pagmamahal sa bayan;at
c. Naipapamalas ang sariling pag-unawa sa pagmamahal sa bayan.

II. NILALAMAN

A. Sanggunian:

1. Mga pahina sa Gabay ng Guro

2. Mga pahina sa Kagamitang Modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10 LM p. 184-200


Pang-mag-aaral

3. Karagdagang kagamitan mula


sa Portal ng Learning
Resources

B. Iba pang kagamitang pangturo Visual Aids, MP3 music, Manila Paper at pentel pen

III. PAMAMARAAN Teacher’s activity Learner’s Activity

Pagbati “Magandang umaga/hapon sa lahat.” “Magandang umaga/hapon naman


po sir.”

(Tatawag ng isang mag-aaral


“Yumayo muna ang lahat para sa pangalangin.” upang pangunahan ang
panalangin)

(Tatayo ang monitor ng klase


upang ilahad kung sino ang
“May liban ba sa ating klase ngayong araw.” lumiban
“Bago tayo magsimula, ayusin muna natin ang
ating mga sarili, pakiupo ng maayos at pulutin ang
mga kalat sa ilalim ng iyong mga upuan.”

“Maraming salamat.”

A. Balik-Aral sa nakaraang aralin at “Bago tayo dumako sa ating panibagong aralin,


pagsisimula ng bagong aralin. balikan muna natin ang inyong mga natutunan sa
mga nakaraang aralin sa nagdaang 2nd kwarter.”

“Meron bang makapaglalahad ng kaniyang Unang mag-aaral: Sir, Tinalakay po


natutunan sa nagdaang kwarter.” sa nagdaang kwarter ang tungkol
sa konsensiya. Ito po ang munting
tinig na nagsasabi sa atin na dapat
gawin natin ang tama at iwasan
ang mali.

Ikalawang mag-aaral: Natutunan ko


rin po sir ang tungkol sa kilos-loob,
ito po ay ang kalayaan nating
gumawa ng ayon sa ating
kalooban.

Ikatlong mag-aaral: Tinalakay din


po naming ang tungkol sa kalayan,
responsibilidad at tungkulin.

“Maraming Salamat sa inyong mga binahagi.


Tunay na marami kayong natutunan sa nagdaang
aralin niyo sa EsP. Kaya’t bigyan natin ng isang
malakas na palakpak ang ating mga sarili tayo ay
naririto na patunay na nalagpasan natin ang mga
pagsubok maging ito’y akademiko o personal na
buhay.”

“Ngayon ay dumako tayo sa ating panibagong


paksa, ang tungkol sa pagmamahal sa bayan.

B. Paghahabi sa layunin ng aralin “Narito ang layunin ng ating bagong aralin.”


at pagganyak “Sabay-sabay po nating basahin”

(Ipapaskil ng guro ang manila paper na


naglalaman ng mga layunin ng bagong aralin at
sabay-sabay na babasahin ng mga mag-aaral)

“Umpisahan natin ang ating bagong aralin na isang


masayang laro”
Laro: “Show me a scene”

Mekaniks ng laro:

1. Bubuo ng apat na pangkat sa isang


buong klase.
2. Ang bawat pangkat ay kinakailangan
magpakita ng isang akwal na senaryo
batay sa pahayan na sasabihan ng
guro.
3. Ang guro ang magbibigay ng
sampung segundo upang upang
makapagisip na ipapakitang scenario
at pagkatapos ang guro magsasambit
ng katangang “freeze” at lahat ay
hihinto na parang mga estatwa.
4. Ang grupo na may pinakamagandang
presentasyon ay makakakuha ng
isang puntos.

Mga Pahayag:

a. Pagmamahal sa bayan ay nagigigng


daan upang makamit ang isang
layunin.
b. Pagbubuklod-buklod ng mga tao sa
isang lipunan.
c. Pagiingat at pagpapahalaga sa sa
karapatan at dignidad ng tao.
d. Pagpapahalaga sa kultura,
paniniwala, at pagkakakilanlan.

C. Pag-uugnay ng mga halimbawa Gawain 1: Paggawa ng Graphic Organizer


sa bagong aralin
Panuto:

1. Manatili sa naunang pnagkat na


kinabibilangan.
2. Ang mga pahayag na nabanggit sa
laro ay dapat bigyan ng mga kilos o
ugali na dapat taglayin ng mga
Pilipino upang maisakayupran ang
mga ito.
3. Iuulat ang nagawa sa klase.

Pagkamit
ng isang
layunin

Unang Pangkat
Pagbubuklod
ng mga tao
sa lipunan

Ikalawang Pangkat

Pagiingat sa
kaparatan at
dignidad ng
tao.

Ikatlong Pangkat

Pagpapahalaga
sa kultura,
paniniwala at
pagkakakilanla
n

Ikaapat Pangkat

Pamprosesong mga tanong:

1. Sa iyong palagay ay nararapat taglayain ng mga


Pilipino ang mga ugali at kilos na inyong inilagay?
Bakit?

2. Anu-ano ang maaaring maging dulot kapat lahat


ng mga Pilipino ay tinataglay ang mga kaugaliang
nabanggit niyo? At anu naman ang maaaring dulot
kung walang Pilipino ang nagsasabuhay ng mga
kaugaliang ito.

3. Bilang isang Pilipino, alin sa mga kilos o ugali


ang tinataglay mo at alin pa ang mga dapat
lingangin sayo?
(Posibleng maging mga sagot)

1. Opo, Nararapat taglayin ito ng


mga Pilipino upang makamit ang
minimithi ng ating bansa, ang
pagunlad it bilang pagpapakita
pagmamahal sa bayan.

2. Ang magiging dulot kapag taglay


ng mga Pilipino ang mga nasambit
na kaugalian at kilos ay magiging
tahimk, maayos at maunlad ang
ating bansa.

(ang mga kasagutan ay maaaring


magkakaiba-iba batay sa kalikasan
ng isang mag-aaral)

D. Pagtalakay ng bagong konsepto PAGMAMAHAL SA BAYAN


at paglalahad ng bagong
kasanayan #1  Ito ang papel na dapat gampanan ng
bawat bumubo rito. Tinatawag din itong
“Patriyotismo”
 Ang pagsasabuhay nito ay sa
pamamagitan ng marubdob na paggawa
ng trabahong napili o ibinigay, aktibong
pakikilahok sa interes ng mayorya o
kabutihang panlahat, pagsasawata sa
mga kilos na di makatarungan at hindi
moral
 Ang patriyotismo ay iba sa nasyonalismo
sapagkat ang nasyonalismo ay tumutukoy
sa ideolohiyang tumutukoy sa
ideolohiyang pangmakabayan at
damdaming bumibigkis sa isang tao at sa
iba pang may pagkakaparehong wika,
kultura, at mga kaugalian o tradisyon,
samantalang ang patriyotismo naman ay
isinasaalang-alang ang kalikasn ng tao,
kasama rito ang wika, kultura, mga
kaugalian o tradisyon kung saan tuwiran
nitong binibigyan ng kahulugan ang
kabutihang panlahat.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto Ang Kahalagahan ng Pagmamahal sa Bayan


at paglalahad ng bagong
kasanayan #2 1. Ang pagmamahal sa bayan ay nagiging daan sa
paggkamit ng layunin
2. Pinagbubuklod ng pagmamahal sa bayan ang
tao sa lipunan.

3. Naiingatan at napapahalagahan ng pagmamahal


sa bayan ang karapatan at dignidad ng tao.

4. Napapahalagahan ng pagmamahal sa bayan


ang kultura, paniniwala at pagkakakilanlan.

F. Paglinang sa Kabihasahan Gawain #2


(Tungo sa Formative
Assessment) Panuto: Basahing mabuti, suriin at unawain ang
mga kaganapan.

Paano mo maipakikita ang iyong pagmamahal sa


bayan?

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka


sa Gawain 2:

Sapat at akma ang


10 puntos
nilalaman ng sanaysay
Maayos na
pagpapaliwanag sa mga 7 puntos
ideya
Maayos na
pagpapaliwanag sa mga 3 puntos
ideya
Kabuuang Puntos 20 puntos

1. May isang sikat na “tiktoker” ang hindi


nakakakilala sa ating pambansang bayani nung
pinahuhula sa kanya ito sa isang laro at natawa pa
siya nung nalaman niya ang sagot.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

2. Isang “vlogger” ang hindi nagpakita ng


paggalang sa ating pambansang awit. Sa halip,
siya ay nagpatawa pa sa pamamagitan ng
pagsayaw nito na ang mga galaw niya ay hindi
naaayon at may halong paglapastangan.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

3. May mga palabas o video sa “Youtube” ang


nagpapakita ng ilang dayuhan na iginuhit ang ating
pambansang watawat. Matapos nila itong iguhit ay
dahan-dahan at unti-unti nilang pinunit, niyurakan
at tinapakan.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

4. May narinig kang ilan sa mga kababayan mo


ang nagsabing walang talento ang mga artista
natin sa larangan ng musika kaya ang
pinakikinggan nila ay musika mula sa ibang bansa.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

5. Nagkaroon ng patimpalak ng Tagisan ng Talento


sa pagluluto. Humingi ng mungkahi ang iyong mga
kasama sa grupo kung anong mga putahe ang
inyong iluluto.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

6. Nakasakay ka sa jeep at napansin mong


pinahinto ito ng isang pulis sa isang kanto. Nakita
mong may inabot ang tsuper na salaping naka-tupi
nang maliit bago pinayagang makaalis ang jeep.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

7. Ikaw ay isa nang rehistradong mamboboto. Sa


iyong pagpunta sa paaralan para bumoto, ikaw ay
sinalubong ng isang kandidato at may iniabot sa
yong sobre na may halaga kapalit ng iyong
pagboto sa kanya.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

8. Araw ng pagsusulit sa inyong pangkat. Habang


sinasagutan ninyo ang mga katanungan ay
napansin mong ang kaklaseng iyong kinagigiliwan
ay may nakaipit na maliit na papel sa kanyang
palad at tumitingin siya doon habang hindi
nakatingin ang inyong guro.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

9. Isa sa iyong mga kaibigan ay nag-paskil o nag-


post sa social media na nagpapakita ng kanyang
paninira at tila ikinahihiya niya ang isa sa mga
kinagisnan nating paniniwala at marami ang
tumawa dahil doon.
Ipaliwanag ang gagawin:
________________________________________
________________________________________
________________________________________

10. Nabalitaan mo sa social media na ang


Kasaysayan ng Pilipinas (Philippine History) ay
aalisin na sa listahan ng mga asignatura sa
sekundarya.

Ipaliwanag ang gagawin:


________________________________________
________________________________________
________________________________________

G. Paglalapat sa aralin sa pang- “Anung mga kilos ang ginawa mo na nagpapakita (ang mga kasagutan ay maaaring
araw-araw na buhay ng pagmamahal sa bayan?” magkakaiba-iba batay sa kalikasan
ng isang mag-aaral)

H. Paglalahat “Ano ang kahalagahan ng pagmamahal sa bayan?” “Ang kahalagahan ng pagmamahal


sa bayan ay ang sumusunod:

1. Ang pagmamahal sa bayan ay


nagiging daan sa paggkamit ng
layunin

2. Pinagbubuklod ng pagmamahal
sa bayan ang tao sa lipunan.

3. Naiingatan at napapahalagahan
ng pagmamahal sa bayan ang
karapatan at dignidad ng tao.

4. Napapahalagahan ng
pagmamahal sa bayan ang kultura,
paniniwala at pagkakakilanlan.

I. Pagtataya ng Aralin Pagtataya:

Panuto: Sagutin ang bawat tanong nang ayon sa


iyong pagkakaunawa.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka

Kaalaman tungkol sa
10 puntos
hiningi ng bawat
katanungan
Maayos na
7 puntos
pagpapalalahad ng
saloobin
Wasto at akmang mga 3 puntos
salita ang ginamit
Kabuuang Puntos 20 puntos

1. Magbigay ng isang kaganapan na kung saan


ipinagmalaki mo ang iyong pagiging isang Pilipino
at ang bansa at magbigay ng isang kaganapan na
kung saan ikinahiya mo ang bansa at ang iyong
pagiging Pilipino.

________________________________________
________________________________________
________________________________________

2. Bakit napakahalaga na maisabuhay natin ang


mga pagpapahalagang itinataguyod ng bansa?
Ipaliwanag.

________________________________________
________________________________________
________________________________________

3. Bilang isang mag-aaral sa ika-10 baitang, anong


kakayahan ang taglay mo na maaari mong ibahagi
sa bansa at maipakita ang iyong pagmamahal?
Patunayan.

________________________________________
________________________________________
________________________________________

J. Karagdagang gawain para sa Takdang-aralin:


takdang-aralin at remediation
Panuto: Gumawa ng isang liham ng pasasalamat
sa Diyos sa mga biyayang ipinagkallob Niya bilang
isang mamamayang Pilipino na may pagmamahal
sa bayan.

Narito ang pamantayan sa pagkakaroon ng marka

Nilalaman ng liham 10 puntos

Akma sa temang 7 puntos


pagmamahal sa bayan
Wasto at akmang mga 3 puntos
salita ang ginamit
Kabuuang Puntos 20 puntos

IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY

A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.

B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation

C. Nakatulong ba ang remedial?


Bilang ng mag-aaral na
nakaunawa sa aralin?

D. Bilang ng mga mag-aaral na


magpapatuloy sa remediation?

E. Alin sa mga istratehiya ng


pagtuturo ang nakatulong nang
lubos? Paano ito nakatulong?

F. Anong suliranin ang aking


naranasang solusyunan sa
tulong ng aking punong guro at
superbisor?

G. Anong kagamitang panturo ang


aking nadibuhong nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like