You are on page 1of 1

MODYUL 7: ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD AT PAGTAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO

ANG PAGGAWA BILANG PAGLILINGKOD, AT BILANG PAGTATAGUYOD NG DIGNIDAD NG TAO

Paggawa

Ito ay itinuturing na isang tungkuling kailangang isagawa nang may


pananagutan (Esteban, S. J. 2009).

Ayon sa aklat na “Work: The Channel of Values Education”, ang paggawa ay


isang aktibidad ng tao

Ang paggawa ay para sa tao at nilikha ang tao para sa paggawa. (institute
for development education, 1991)

Ang paggawa ay isang gawain ng tao na nangangailangan ng orihinalidad,


pagkukusa at pagkamalikhain; at ang produkto nito, materyal man o hindi ay
magbubunga ng pagbabago sa anomang bagay.

Sinabi sa panulat ni Pope John Paul II sa kaniyang akda na Laborem Exrcens


na ang paggawa ay anomang gawain - pangkaisipan man ito o manwal, anoman ang
kaniyang kalikasan o kalagayan, na makatao, nararapat para sa tao bilang anak ng
Diyos.

MGA MAHAHALAGANG LAYUNIN NG PAGGAWA

1. Ang tao ay gumagawa upang kitain niya ang salapi na kaniyang kailangan upang
matugunan ang kaniyang mga pangunahing pangangailangan
2. Makapag-ambag sa patuloy na pag-angat at pagbabago ng agham at teknolohiya.
3. Maiangat ang kultura at moralidad ng lipunanang kinabibilangan.
4. May kakayahin rin ang tao na gamitin ang paggawa sa pagtulong sa mga
nangangailangan.
5. Ang paggawa ay nagbibigay ng dahilan sa pag-iral ng tao

Sa pamamagitan ng paggawa nakakamit niya ang mga sumusunod:

1. nakakayanan niyang suportahan ang kaniyang mga pangangailangan;


2. napagyayaman ang kaniyang pagkamalikhain;
3. napatataas ang tiwala sa kaniyang sarili;
4. nabibigyang-dangal ang kaniyang pagkatao
5. nagkakaroon siya ng pagkakataon na makasama at makasalamuha ang kaniyang
kapwa at ang mapaglingkuran ang mga ito;
6. nagkakaroon siya ng pagkakataon na isabuhay ang tunay na pagbibigay;
7. nabibigyan siya ng pagkakataon bilang indibidwal at kasapi ng lipunan na
maipagpatuloy ang kaniyang bokasyon at bigyang katuparan ito;
8. nagiging kabahagi siya sa paggawa tungo sa kaganapan sarili at ng kapwa;
9. nagagampanan niya ang kaniyang tungkulin sa Diyos.

ANG SUBHETO AT OBHETO NG PAGGAWA

Ang obhetong paggawa ay ang kalipunan ng mga gawain, resources, instrumento,


at teknolohiya na ginagamit ng tao upang makalikha ng mga produkto.

Ang subhetong paggawa ay ang tao.

ANG PANLIPUNANG DIMENSYON NG PAGGAWA


Ang paggawa ay mayroon ding panlipunang dimesyon. Ang gawain ng tao ay
likas na nakaugnay sa gawain ng kaniyang kapwa. Ang paggawa ay paggawa para
sa kapwa at kasama ang kapwa. Ito ay paggawa ng isang bagat para sa iba.

You might also like