You are on page 1of 2

esp g 9

Modyul 10 KAGALINGAN SA PAGGAWA


Ang paggawa ng isang gawain o produkto ay nangangailangan ng sapat na kasanayan upang ito ay maisagawa. Kailangang may
angking kahusayan ang gagawa nito. Hindi sapat ang lakas ng katawan at ang layuning makagawa. May mga partikular na kakayahan at
kasanayan ang kailangan sa paggawa. Ang pagkakaroon ng propesyon o kursong natapos ay isang salik na dapat-isaalang-alang, ngunit
hindi lang ito ang kailangan upang makagawa ng isang produkto o gawaing mag-aangat sa iyo bilang tao.
Ayon kay Pope John Paul II sa kanyang isinulat na “Laborem Exercens” noong taong 1981,---
ang paggawa ay mabuti sa tao, dahil sa pamamagitan nito naisasakatuparan nito ang kanyang responsibilidad sa sarili, kapwa at sa
Diyos. Ang kagustuhang maisabuhay ang layuning ito ang nagtutulak sa kanya upang magkaroon nang “Kagalingan sa Paggawa”.
Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin mo ang mga sumusunod na katangian:
(1) nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga, (2) pagtataglay ng positibong kakayahan, at (3) nagpupuri at
nagpapasalamat sa Diyos.
1. Nagsasabuhay ng mga Pagpapahalaga Ang mga pagpapahalagang ito ang nagsisilbing gabay niya upang gumawa ng kakaibang
produkto o serbisyo na may kalidad. Ang produktong kanyang lilikhain ay bunga ng kasipagan, tiyaga, pagiging malikhain at pagkakaroon
ng disiplina sa sarili.
a. Kasipagan. Ito ay tumutukoy sa pagsisikap na gawin o tapusin ang isang gawain nang walang pagmamadali at buong pagpapaubaya.
Ang produkto o gawaing likha ng isang taong masipag ay bunga ng kahusayan at buong pagmamahal na ginagawa. Dahil dito ang
nagiging resulta ng kanyang pagsasagawa ng gawain ay maayos, kahanga-hanga at kapuri-puri. May kagalingan ang produkto o gawain
o ang paggawa sa kabuuan kung ito ay bunga ng pagpapamahal at pagkagustong gawin ito ng buong husay.
b. Tiyaga. Ito ay ang pagpapatuloy sa paggawa sa kabila ng mga hadlang sa kanyang paligid. Isinasantabi ng taong may tiyaga ang mga
kaisipang makahahadlang sa paggawa ng isang produkto o gawain gaya: pagrereklamo, pagkukumpara ng gawain sa likha ng iba at
pag-iisip ng mga kadahilanan upang hindi isagawa ang gawain. Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng
inspirasyon, turo at gabay na kanyang nakukukuha sa ibang tao.
c. Masigasig. Ito ay ang pagkakaroon ng kasiyahan, pagkagusto at siglang nararamdaman sa paggawa ng gawain o produkto. Ang
atensyon o oras niya ay nakatuon lamang sa produkto o gawaing kanyang lilikhain. Sa pamamagitan nito madali siyang nakatatapos ng
produkto at gawain nang hindi nakararamdam nang anomang pagod o pagkabagot. Ang damdaming di nakararamdam ng pagod at
pagkabagot sa anomang gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa.
d. Malikhain. Ang produkto o gawaing lilikhain ay hindi bunga nang panggagaya ito ay likha ng mayamang pag-iisip. Orihihinal at bago
ang produkto, bunga ito nang ideyang
maging iba at kakaiba, ganun din naman sa gawain kailangan hindi ito katulad ng iba o nang nakararami, maaring ipakita ang kahusayan
ng isang produkto o gawain sa pamamagitan ng pagiging una. Magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay bago sa tao. Ito ang
magtatakda ng kalidad nito hindi kamukha pag ito ay ginaya kailangang hungusan o higitan ang kinopya.
e. Disiplina sa Sarili. Ang taong may disiplina ay nalalaman ang hangganan ng kanyang ginagawa at mayroon siyang paggalang sa ibang
tao. Maari niyang ipagwalang bahala ang pansariling kaligayahan para sa kapakanan ng ibang tao. Ang kagalingan ng gawain o produkto
ng taong may disiplina sa sarili ay sa ikabubuti ng lahat.
Ang mga sumusunod na bunga ng pagsasabuhay ng mga pagpapahalaga ay ilan sa mga mahahalagang basehan sa kagalingan ng
paggawa ng isang produkto o gawain.
• Ang kagalingan sa paggawa ay bunga ng pagmamahal at pagkagustong gawin ito ng buong husay at pagmamahal.
• Ang likha ng taong may kagalingan sa paggawa ay bunga ng inspirasyon, turo at gabay na kanyang nakukukuha sa
ibang tao.
• Ang damdaming di nakararamdam ng pagod at pagkabagot sa anomang gawain ay resulta ng kagalingan sa paggawa.
• Magaling ang produkto o ang gawain kung ito ay bago sa tao.
• Ang kagalingan ng produkto at gawain ay sa ikabubuti ng lahat
2. Nagtataglay ng Kakailanganing Kakayahan. Upang maisakatuparan ang mga mithiin sa buhay at magtagumpay sa anomang larangan,
kailangang pag-aralan at linangin ang mga kakailanganing kakayahan at katangian tulad ng: kakayahang magbasa, magsulat,
magkwenta, makinig at magsalita, at ang pagkakaroon ng mayamang kaisipan na gagabay sa iyo upang maging sistematiko at malinang
ang tatlong yugto ng pagkatuto: pagkatuto bago ang paggawa, pagkatuto habang gumagawa, at pagkatuto pagkatapos gawin ang isang
gawain.
a. Pagkatuto Bago ang Paggawa. Ang yugto ng paggawa ng iba’t ibang plano na siyang magsisilbing gabay upang maging malinaw ang
mga layuning isasakatuparan, paglalarawan ng mga katangian ng tunguhin (goal), pagbuo ng konsepto, pagtataya ng mga istratehiyang
gagamitin ayon konseptong binuo, pagtukoy ng mga hakbang gagawin at paghahanda ng mga kagamitang gagamitin, pagkilala sa mga
tutulong sa pagsasagawa ng kilos at pagtatakda ng panahon ng pagkilos. Sa yugtong ito, matututo kang gumawa ng plano, hakbang
maging handa at organisado ang gagawing gawain o proyekto.
b. Pagkatuto Habang Ginagawa. Ito ang yugto na magtuturo ng iba’t ibang istratehiyang maaaring gamitin upang mapadali ang
pagsasakatuparan ng mga tunguhin sa pamamagitan ng pagtatala ng mga konkretong hakbang upang maisagawa ang proyektong napili
at mga posibleng kakaharaping problema at posibleng solusyon.
c. Pagkatuto Pagkatapos Gawin ang Isang Gawain. Ito ang yugto ng pagtataya kung ano ang naging resulta o kinalabasan ng gawain.
Sa yugtong ito malalaman mo ang mga posibleng kilos, pagpapasya na dapat baguhin at panatilihin.
Ang mga sumusunod na kakayahan ay makatutulong din upang magkaroon ng matalinong pag-iisip na kailangan upang maisabuhay ang
kagalingan sa paggawa (“How to Think like Leonardo da Vinci” ni Michael J. Gelb):
1. Mausisa (Curiosita). Ang taong mausisa ay maraming tanong na hinahanapan niya ng kasagutan. Hindi siya kuntento sa simpleng
sagot o mababaw na kahulugan na kanyang narinig o nabasa. Dahil sa kanyang masidhing pagkahilig sa pagbabasa, pag-aaral at pag-
eeksperimento, nakadidiskubre siya ng bagong kaalaman o produkto na magiging isang malaking konstribusyon sa kaalaman o
nakapagpapaunlad ng kalidad ng buhay.
2. Demonstrasyon (Dimostrazione). Ito ang pagkatuto sa pamamagitan ng mga di malilimutang karanasan sa buhay upang maging
matagumpay at maiwasang maulit ang anomang pagkakamali. Sa karanasang ito natututo ang isang tao na tumayo at muling harapin
ang hamon na gumawa muli.
3. Pandama (Sansazione). Ito ang tamang paggamit ng mga pandama, sa pamamaraang kapaki-pakinabang sa tao. Ang kakulangan ng
bahagi nang katawan ay hindi hadlang upang isakatuparan ang tunguhin.
4. Misteryo (Sfumato). Ito ang kakayahang yakapin ang kawalang katiyakan ng isang bagay, kabaligtaran ng inaasahang pangyayari.
May mga pagkakataon sa buhay nang tao na nangyayari ang hindi inasahan at ang hindi inaasahan na ito ay ang siyang magbibigay
nang pagbabago sa buhay niya bilang tao.
5. Sining at Agham (Arte/Scienza). Ito ang pantay na pananaw sa pagitan ng agham, sining katuwiran at imahinasyon. Binibigyang diin
nito ang kaalamang magpapatibay upang lalo pang maging malikhain ang pag-iisip.
6. Ang kalusugan ng pisikal na pangangatwan (Corporalita). Ito ang tamang pangangalaga ng pisikal na pangangatawan ng tao upang
maging malusog upang maiwasan ang pagkakaroon ng karamdaman. Kasama dito ang pag-iwas sa anomang bisyo na pwedeng
makasama sa katawan.
7. Ang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng bagay (Connessione). Ito ang pagkilala at pagbibigay pagpapahalaga na ang lahat ng bagay at
mga pangyayari ay may kaugnayan sa isa’t-isa. Ayon sa Law of Ecology: “Everything is connected to everything else.” Ang mga halaman
ang nagbibigay ng Oxygen sa lahat ng uri ng mga hayop, ang mga hayop naman ay naglalabas ng carbon dioxide na gagamitin ulit ng
mga halaman sa paggawa ng pagkain.

PROYEKTO
ISAHANG GAWAIN
GAMIT ANG IYONG PAGIGING MALIKHAIN AT ANG KONSEPTONG RE USE AND RECYCLE .. GUMAWA NG ISANG PRODUKTO O
PROYEKTO GAMIT ANG MGA RECYCABLE MATERIALS TULAD NG BOTE, PLASTIC, WRAPPER , AT IBA PA.. ITO AT ISUSUBMIT
O IPAPASA SA ENERO 3, 2019 BILANG BAHAGI NG PERFORMANCE TASK NINYO. MARAMING SALAMAT

You might also like