You are on page 1of 12

BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL

IBP Road, Batasan Hills Quezon City


SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

ESP Reviewer

Contents:
● Aralin 9 - Katarungang Panlipunan
● Aralin 10 - Kagalingan sa Paggawa
● Aralin 11 - Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala sa
Naimpok
● Aralin 12 - Pamamahala sa Paggamit ng Oras

Aralin 9 - Katarungang Panlipunan

Katuturan ng Katarungan
- Ayon kay Dr. Manuel B. Dy Jr, ang katarungan ay pagbibigay sa kapwa ng
nararapat sa kanya.
- Ayon naman kay Santo Tomas de Aquino, ang katarungan ay isang gawi na
gumagamit ng kilos-loob sa pagbibigay ng nararapat sa isang indibidwal.
- Kailangan ng isang nilalang na maging makatarungan sa kanyang kapwa hindi
lamang dahil siya ay tao kundi dahil siya ay namumuhay sa lipunan ng mga tao.
- Nawawalan ng katarungan kung ang karapatang mabuhay at mamuhay ay
hinahadlangan ng iba.
Masasabi na isang kang makatarungang tao kung:
1. Ginagamit mo ang iyong lakas sa paggalang sa batas
2. Ginagalang mo ang karapatan ng iyong kapwa.
3. Isinasaalang-alang mo ang pagiging patas sa lahat ng tao

Ang Katarungang Panlipunan


- Masasabing makatarungan ang isang lipunan kung ang kabutihan na dulot ng
pagkilos ng bawat mamamayan ay pinakikinabangan ng lahat at hindi ng iilan
lamang sa lipunan.
- Ayon kay Dr. Dy, ang katarungang panlipunan ay nauukol sa maayos na
ugnayan ng tao sa kanyang kapwa at sa kalipunan.
- Ang kapwa ay personal o interpersonal na ugnayan ng tao sa iba gaya ng
pakikiramay mo sa iyong kaklase na may problema sa pamilya

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

- Ang kalipunan ay tumutukoy sa ugnayan mo sa isang institusyon dahil sa


kaakibat na tungkulin mo dito gaya ng tungkulin mo bilang kasapi ng simbahan
o isang samahan.
- Naaayos ang ugnayan ng tao sa kapwa at kalipunan sa pamamagitan ng
pagsunod ng mga batas at patakaran sa lahat ng aspekto ng lipunan.
Ang batas sibil ay dapat nakabatay sa batas moral na ang ibig sabihin ay dapat
nakaangkla sa moralidad ng kilos. Ang sistemang legal ng lipunan ay nararapat na
magbigay proteksiyon sa lahat at walang nadedehado na mamamayan ano man
ang estado ng isang tao sa lipunan. Hindi makatarungan ang isang batas sibil kung
hindi nasusunod ang batas moral.

Ang Papel ng Pamilya sa Pagkamit ng Katarungang Panlipunan


- Sa pamilya mo unang naranasan ang mga bagay-bagay na nagbibigay sa iyo
ng kamalayan tungkol sa katarungan. Dahil sa pamilya, nahubog ang iyong
konsensiya na naging gabay mo upang maging makatarungang nilalang. Ang
iyong mga magulang ang humubog sa iyong pagiging makatarungan. Sila ang
gumabay sayo upang mapahalagahan mo ang mapanagutang ugnayan sa
kapuwa upang ganap na maging makatarungan.

Mga Kaugnay na Pagpapahalaga ng Katarungang Panlipunan


- Ang kaugnay na pagpapahalaga sa katarungang panlipunan ay dignidad ng
tao, katotohanan, pagmamahal, pagkakaisa at kapayapaan. Makakamit ang
katarungang panlipunan kung umiiral ang mga pagpapahalagang ito sa
lipunan at sa bawat isa. Ang katarungang panlipunan ay kumikilala sa mga
pagpapahalagang ito dahil sa mga sumusunod na dahilan:
1. Ang tao ay may dignidad hindi dahil sa kanyang estado sa lipunan kundi dahil sa
kanyang pagkatao at natatangi siyang nilikha ng Diyos na may isip at kalayaan kung
kaya ang makatarungang lipunan ay nararapat na nakatuon sa kabutihan ng lahat ng
tao. Sa pamamagitan ng pagbibigay sa kapwa ng nararapat sa kanya bilang nilalang
na may dignidad ay naitataguyod ang katarungang panlipunan.
2. Ang katotohanan ay nakatuon sa pag-unawa sa iba pang apektado sa sitwasyong
kinalalagyan mo at pag-unawa sa sitwasyon upang makita ang katotohanang
nakakubli dito. Mahalaga na maiwasan ang monopolya sa mga kaganapan at

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

gawing sunod-sunuran ang iba sa nais mong mangyari kung kaya kailangan ang
malayang pakikipag-usap at diyalogo upang matugunan ang pangangailangan ng
lahat.
3. Kung ang katarungan panlipunan ay ginagabayan ng diwa ng pagmamahal at
malasakit sa kapwa, naiiwasan ang pagdulot ng pinsala o pasakit sa iba at nagagamit
ang pagmamahal upang samahan siya sa pag unlad niya ng kanyang mga
kakayahan at potensiyal.
4. Ang pagkakaisa ay nagbubunga ng kapayapaan kung handa ang bawat isa na
isakripisyo ang pansariling adhikain para sa kabutihan ng lahat at hindi ng iilan lamang
sa lipunan.
5. Ang kapayapaan ay nagdudulot ng pagkakaisa sa puso ng mga tao na
naghahangad na maitaguyod ang kabutihan para sa lahat sa pamamagitan ng
mapayapang paraan at walang karapatan ng sinuman ang nasasagasaan.

Aralin 10 - Kagalingan sa Paggawa

Kalidad
- Gusto ng lahat
- Tumutukoy sa kabuuan ng mga katangian ng isang produkto o serbisyo na may
kinalaman sa kakayahan nitong bigyang kasiyahan ang mga pangangailangan
ng mga gagamit o ng mga customer.
- May kalidad ang produkto kung nasisiyahan ang mga taong gumagamit nito.

Katangian ng mga produktong may kalidad o kagalingan:


- Kinakatawan ang mga katangian ng mga produktong mahalaga sa mga
gagamit.
- Walang depepkto.
- Ayon sa mga hinihinging detalye.
- Maaasahan at nagagawa ang mga inaasahang gagawin nito.
- Naaayon sa mga inaasahan ng customer.
- Naaayon sa mga pangangailangan ng gagamit.
- Nabibigyang-kasiyahan ang mga gagamit.

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

- Natutugonan ang mga pangangailangan ng gagamit nang sobra sa kanyang


inaasahan.
- Malinis at walang mali.
- Ligtas, maaasahan, at nagtatagal.
- Matipid gamitin.
- Tama ang presyo at naidedeliver sa hinihinging oras.
- Tumutugon sa antas ng kahusayan na itinatakda ng gagamit.
- Umaayon sa mga pamantayan para sa produkto.

Kahalagahan ng kalidad sa paggawa:


- Katapatan ng gumagamit. Nagiging tapat ang gumagamit sa produktong may
kalidad.
- Nagkakaroon ng malakas na reputasyon ang produktong may kalidad.
- Mas marami ang gustong magbenta ng produktong may kalidad.
- Nakasisingil ng magandang presyo sa mga produktong may kalidad.
- Mas kaunti ang ibinabalik na mga produktong may kalidad.
- Nakahihikayat ang mga produktong may kalidad ng mahuhusay na
manggagawa, ahente, at empleyado.

Mga hakbang sa paggawa ng produktong may kalidad o kagalingan:


- Magplano, Isipin ang gustong kalalabasan ng produkto. Plan kung sino yung
mga gagawa.
- Gawin ang produkto.
- Magtsek, tignan kung ayon ba sa plano ang nagawang produkto.
- Kumilos, Ipagbili ang produkto o ibigay iyon sa gagamit.
- Suriin, Pagusapan pano mapapahusay ang produkto. Suriin ang produkto batay
sa kalidad, gastos, presyo, at iba pa.

Ang kagalingan sa paggawa ay naisasabuhay kung tataglayin ang mga sumusunod


na katangian:
1. Nagsasabuhay ng mga pagpapahalaga
- Masigasig, kasiyahan sa paggawa
- Kasipagan

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

- Tiyaga
- Disiplina sa sarili
- Pagkamalikhain
2. Nagtataglay ng kakailanganing kakayahan
Tatlong yugto ng pagkatuto
- Pagkatuto bago ang paggawa
- Pagkatuto habang gumagawa
- Pagkatuto matapos ang paggawa
3. Nagpupuri at nagpapasalamat sa diyos

Aralin 11 - Kasipagan, Pagpupunyagi, Pagtitipid at Wastong Pamamahala


sa Naimpok

- Ang taong masipag ay masikap sa gawain, walang kapaguran sa paggawa,


masikap, at nagpupunyagi.
Kasipagan
- Napakahalagang katangian ng tao.
- Nagtutulak sa tao upang gawin at tapusin ang trabaho gaano man ito kahirap.
- Handang makipagtulungan ang taong masipag sa iba upang matapos ng mas
maaga ang mas maraming trabaho.
- Mas produktibo ang taong masipag.
Pagpupunyagi
- Ang tao ay nagpupunyagi kapag nagsisikap siya na matamo ang bagay na
ibig makamtan sa kabila ng mga balakid or distractions.
- Ang masipag ay nagpupunyagi at ang nagpupunyagi ay masipag
Pagtitipid
- Ang taong masipag ay matipid.
- Hindi sinasayang ang pera sa mga di kailangan
- In short, nag-iimpok siya.
- Ang pagtitipid ay ang maingat na paggamit sa pera at iba pang
pinagkukunan.
- Bahagi nito ang paggawa ng matatalinong desisyon para sa pamilya at sa
pamamahala ng badyet ng pamilya.

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Pag-iimpok
- Pagtatabi ng bahagi ng kitang natitipid
- Isang paraan ng pagpapaliban ng pagkonsumo
- Maaaring ilagay ang kitang hindi ginastos sa deposit account, pesion account,
o investment fund. Maaari rin itong ihulog sa alkansya o itabi bilang cash.

Aralin 12 - Pamamahala sa Paggamit ng Oras

S - Specific
M - Measurable
A - Attainable
R- Realistic
T - Time Bound

Oras
- Mahalaga
- Panahon
- Limitado
- Past, Present, Future

Pangangasiwa o Pamamahala ng Oras


1. Pagsisimula sa tamang oras
2. Pamamahala sa pagpapabukas o mañana habit
3. Prayoritasyon

Mga mahahalagang gawain sa pamamahala ng oras:


- Paglikha ng epektibong kapaligiran
Bago magsimula ang trabaho, dapat ihanda ang mga kakailanganin.
Magkaroon ng tamang mentalidad sa trabaho at huwag ipagliban ang
gawain. Huwag mong gagawing bukas ang mga magagawa mo na ngayon.
- Pagtatakda ng mga priyoridad

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Maaaring itala ang mga tunguhin at hati-hatiin sa proyekto, plano, o listahan ng


mga gawain. Tukuyin ang kahalagahan ng tunguhin o gawain at tiyakin kung
alin ang may priyoridad.
- Pag-alis ng mga hindi priyoridad
Upang hindi masayang ang oras, dapat alisin na sa listahan ang mga gawaing
walang halaga sa indibidwal o sa organisasyon.

Paraang Eisenhower
- Paraan ng pagtatakda ng priyoridad
- Hinahati ang isang kahon sa mga quadrant. Parang math lang
- Maaaring alisin na listahan ng mga gagawain ang nasa quadrant 4.

Pagsusuring Pareto
- Batay sa kaisipan na 80% ng mga gawain ay maaaring matapos sa 20% ng
magagamit na oras at ang natitirang 20% ng mga gawain ay gagamit ng 80%
ng oras.

Pagsusuring ABC
- Pagpangkat ng mga gawain ayon sa kahalagahan.
- Sa grupo A ang pinakamahalaga at nangangailangan ng agad na atensyon,
sa B ang mahahalaga na gawain pero hindi nangangailangan ng agad na
atensyon, at sa C ang mga gawaing hindi mahalaga at hindi kailangan ng
atensyon.

Time Log
- Paggawa ng time log upang maiwasan ang pagsayang ng oras.

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Mock Test

Panuto 1-5: Isulat ang salitang TAMA kung may katotohanan at kung mali ay
ipaliwanag bakit ito mali.

1. Ang Komisyon sa Mga Karapatang pantao ay isang malayang tanggapan na


nangangalaga sa mga Karapatang Pantao.

2. Sa dalawang milyong pamilyang rehistrado sa ating Pantawid Pamilyang Pilipino


Program, isang milyon at anim na raang libo na ang naka- katanggap ng benepisyo
nito.

3. Binigkas ng pangulo ang pagkakaloob ng maka- tarungang pasahod at benepisyo


para sa mga kasambahay at ang pagpapatupad ng isang mas maayos na sistema ng
pensyon para sa mga kawal.

4. Nawawalan ng tiwala ang Pangulo sa Kagawaran ng Katarungan sapagkat hindi


nagagampanan ang tungkulin nito upang maipiit ang mga salarin, lalo na sa mga
kaso ukol sa tax evasion, drug trafficking, human trafficking, smuggling, graft and
corruption, at extra-judi- cial killings.

5. Masasabing umiiral ang katarungang panlipunan sa bansa sa panahon ni


Pangulong Marcos noong Martial Law.

Panuto 6-20: Pumili ng titik ng tamang sagot.

6. Ang kalidad ay tumutukoy sa ___


a. presyo ng produkto
b. katangian ng produkto
c. popularidad ng produkto
d. pagiging mabenta ng produkto

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

7. Sa paggawa ng priyoridad, alin ang dapat alisin sa listahan?


a. ang mahihirap gawin
b. ang mga walang halaga sa organisasyon
c. ang magastos gawin
d. ang matagal gawin

8. Ano sa sitwasyong nabanggit ang hindi ulirang pagtitipid?


a. Pagbili ng mahal lamang.
b. Wag maging impulsive buyer.
c. Wag kumain ng lunch para makatipid
d. Wala sa nabanggit
e. Lahat ng nabanggit.

9. Ayon kay St. Peter dapat nating gamitin ang ating kasanayan para sa ___
a. pagpapayaman.
b. pagsisilbi sa iba
c. pag-angat ng kabuhayan
d. kapakanan natin at ng ating pamilya

10. Ang isang produkto ay maituturing na may kalidad kung ___


a. tumutugon ito sa antas ng kahusayan
b. umaayon ito sa mga pamantayan
c. kinakatawan nito ang mga katangiang mahalaga sa gagamit
d. lahat ng ito

11. Ang taong nagpupunyagi ay ang taong ___


a. Nagsisikap upang matamo ang minimithi.
b. Ginagawa ang lahat bagama't may mga balakid.
c. Hindi iniisip ang mga suliranin sa buhay
d. Walang pakialam sa mga bagay-bagay, basta
ang mahalaga ay ang pangarap.
e. Lahat ng nabanggit

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

12. Ang abogado, doktor, at accountant ay masasabing propesyonal sapagkat, ___


a. lahat sila ay may mas mataas na kasanayan
b. lahat sila ay nakapasa sa pagsusulit ng gobyerno
c. lahat sila ay dalubhasa sa kanilang trabaho
d. lahat ng ito

13. Ito ay hindi kasama sa mga nakagawian ng mga Pilipino ukol sa pagtitipid.
a. Pagpatay ng ilaw kung hindi ginagamit.
b. Pag-ubos ng pagkain.
c. One-day millionaire
d. Lahat ng nabanggit
e. Wala sa nabanggit.

14. Nagbibigay ng magandang tubo ang may kalidad na produkto dahil ___
a. nabibili ang produkto sa magandang presyo
b. marami ang gustong magbenta nito
c. marami ang gumagamit nito
d. lahat ng ito

15. Ang pagpapaliban ng gawain ay tinatawag na ___


a. mañana habit
b. postponement syndrome
c. delaying tactic
d. lazy strategy

16. Ang taong masipag ay naniniwalang ___


a. Ang paggawa ay isang dignidad.
b. Ang paggawa ay paraan upang mapuri.
c. Ang paggawa ay para lamang sa mga mababang uri ng tao.
d. Lahat ng nabanggit
e. Wala sa mga nabanggit.

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

17. Ito ang teknik ng pamamahala sa oras na gumagamit sa tuntuning 80-20.


a. pagsusuring ABC
b. pagsusuring Pareto
c. paraang Eisenhower
d. time log

18. Ano ang kinokontrol sa pamamahala ng oras?


a. ang dami ng oras
b. ang haba ng oras
c. ang dami ng trabaho
d. ang haba ng trabaho

19. Ano sa sitwasyong nabanggit ang hindi naaayon sa konsepto ng pag-impok?


a. Maglagay ng pera sa bangko.
b. Mamuhunan sa stock market
c. Maglagay ng pera sa alkansya.
d. Wala sa nabanggit
e. Lahat ng nabanggit.

20. Ang kapaligiran ay nagiging epektibo kapag ___


a. kompleto ng gamit
b. ligtas sa mga sakit
c. maayos ang lugar na pinagtatrabahuhan
d. produktibo ang mga manggagawa

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)


BATASAN HILLS NATIONAL HIGH SCHOOL
IBP Road, Batasan Hills Quezon City
SCIENCE, TECHNOLOGY, and ENGINEERING PROGRAM
Academic Year 2022 - 2023

Answer Key: ?
1. TAMA
2. TAMA
3. TAMA
4. MALI. Walang konkretong basehan ang nakasaad sa pahayag.
5. MALI. Dahil sa mga paglabag sa karapatang pantao na naganap sa panahong
iyon.
6. (b)
7. (b)
8. (a)
9. (b)
10. (d)
11. (a)
12. (c)
13. (d)
14. (a)
15. (a)
16. (d)
17. (b)
18. (c)
19. (d)
20. (c)

Sources:
- Kabuluhan 9
- NB ni Catelyn

Reviewer by: Vince Catelyn Lim (9 - STE Cepheus)

You might also like