You are on page 1of 58

EDUKASYON SA

PAGPAPAKATAO 9
YUNIT 4 :

MAPANAGUTANG PAGPAPLANO NG KURSONG AKADEMIKO O


TEKNIKAL-BOKASYONAL, SINING AT ISPORTS, NEGOSYO O
HANAPBUHAY
Bakit ka ba
nag-aaral?
“KURSONG PINAG-
IISIPAN: HATID AY
TAGUMPAY”
ARALIN 1
Paano mo nakikita ang
iyong sarili sampung taon
mula ngayon?
Ano-ano ang mga dapat
mong gawing paghahanda
upang makamit mo ang
iyong pangarap?
Mga Pansariling Salik Sa Pagpili ng
Tamang Kursong Akademiko o
Teknikal-bokasyonal, Sining at
Isports, Negosyo o Hanapbuhay
“Mag-aral ka nang mabuti. Wala kaming
maipapamana sa iyo kundi ang tanging
edukasiyon lamang.”

“Hindi tayo mayaman. Pinagsisikapan naming


na makapag-aral ka. Pahalagahan mo ito”
“Tanging edukasyon ang lunas sa kahirapan,
kaya mag-aral ka nang mabuti para hindi mo
danasin ang naranasan namin.”

“Noong panahon naming, naglalakad ng ilang


kilometro para makapasok lang. Masuwerte
kayo at hindi Ninyo nararanasan iyon ngayon.”
“Kami noon pumapasok nang walang baon,
masuwerte pa kung umalis kami ng bahay na
may laman ang tiyan.”

“Kami noon nakakapasok na supot/plastic bag


lang ang dalang bag, napakasuwerte ninyo
ngayon!”
Mga Pansariling Salik
Sa Pagpili ng Kurso
1. Talento
• Mahalaga ang talento o talino sa pagpili ng kurso o
larangang papasukin.

• Sa pamamagitan ng pagtiyak sa taglay na talino o


talento ay nagiging malinaw sa iyo kung ano ang
kursong nababagay sa iyo.
Theory of Multiple Intelligences by Dr. Howard Garner
(1983)

a. Visual/Spatial

b. Verbal/Linguistic

c. Mathematical/Logical

d. Bodily/Kinestetic
Theory of Multiple Intelligences by Dr. Howard Garner
(1983)

e. Musical/Rhytmic

f. Intrapersonal

g. Interpersonal

h. Existential
2. Kasanayan
• Ang pagkilala sa sariling kasanayan ay
nakatutulong upang matiyak kung anong
kurso ang higit na nababagay sa iyo.
3. Hilig
• Mahalagang salik sa pagpili ng kurso ang
iyong hilig. Mas magiging makabuluhan
ang iyong pag-aaral sa kolehiyo kung ang
kursong kinukuha mo ay nakahiligan mo.
Mga Uri ng Hilig ayon kay Dr. Joh Holland:

a. Realistic d. Social

b. Investigative e. Enterprising

c. Artistic f. Conventional
4. Pagpapahalaga

5. Katayuang Pinansyal

6. Mithiin
“ITO ANG MISYON
KO: ANO ANG SA
IYO?”
ARALIN 2
Ano ang Mission
Statement ng Liceo De
Los Baños?
Ano-anong Gawain ng
paaralan ang tumutugon
sa misyong ito?
Alin sa mga bagay na
nakatala ang nagawa o
ginagawa ng paaralan?
Ano ang kahalagahan ng
misyon?
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
Misyon
• Ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino, ang
misyon ay particular na Gawain o hangaring
itinakda sa isang tao o pangkat.
Misyon
• Ang misyon ay tumutukoy sa nais marating sa
buhay; ito ay kinakailangan ng matalinong pagbuo ng
plano at siguradong hakbang sa pag-abot ng pangarap.

• Ito ay may iba’t ibang pagpapakahulugan batay sa


mithiin ng isang tao.
May iba’t ibang kahulugan ang misyon batay sa
sitwasyon:

1. Misyon ng isang mag-aaral

2. Misyon ng nakatapos ng kolehiyo o isang


naghahanap ng trabaho

3. Misyong ng Pagpapamilya
Ano ba ang gusto ko sa
buhay?
Ano ba ang aking
pinahahalagahan?
Pinaniniwalaan?
Sa katapusan ng buhay,
ano ang gusto kong
nagawa ko?
Ano ang gusto kong
masabi ng tao sa akin?
Ang Halaga ng Pagsusulat
ng Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
Ohio Literacy Resource Center
• Ang mga sumusunod ay kahalagahan ng
pagkakaroon ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay:
1. Tinutulungan ka nitong kilalanin ang
iyong buhay; lianagin kung ano ang
layunin ng iyong buhay; at matukoy kung
ano o alin ang mahalaga para sa iyo.
2. Tinutulungan ka nitong linawin at
malinaw na maipahayag ang iyong mga
pagpapahalaga at adhikain.
3. Ikinikintal nito sa iyong isipan ang iyong
mga pagpapahalaga at layunin hanggang
sa maging bahagi na ito ng iyong pang-
araw-araw na buhay.
4. Pinaaalalahanan ka nitong isama sa lahat
ng iyong mga plano at balakin ang mga
nais mong mangyari sa iyong buhay.
Proseso ng Paglikha ng
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
1. Tumukoy ng isang taong may labis na
impluwensiya sa iyong buhay. Isa-isahin
ang mga katangiang hinahangaan mo sa
kanya.
2. Tiyakin kung anong gusto mong maging,
hindi lamang ang kung anong gusto mong
magkaroon.
3. Kilalanin ang iyong mga gampanin sa
buhay. Maaaring may gampanin ka sa
iyong paaralan, pamilya, komunidad,
kabarkada o sa iba pang bahagi ng iyong
buhay.
4. Isulat ang burador ng iyong personal na
pahayag ng misyon sa buhay. Mainam
kung palagi mong dala ang burador na ito.
Maaari mo itong dagdagan, bawasan o
maglagay ng karagdagang tala.
5. Isulat ang pinal na pahayag ng misyon sa
buhay. Palagi mo itong basahin o isaisip.
Gawin mo itong pamantayan sa paraan ng
iyong paghuhusga, kilos o gawi sa lahat
ng iyong mga gawain.
6. Magkaroon ng regular na pagsusuri sa
iyong personal na pahayag ng misyon sa
buhay upang makita kung paano umunlad
ang iyong sarili.
7. Ang pinakahuling pagtataya sa halaga ng
binuong misyon sa buhay ay:
NAGBIBIGAY-INSPIRASYON BA ITO
SA AKIN?
Mga Gabay sa Pagsulat ng
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay
1. Sikaping maging malinaw, simple at
maigsi. Ang isang mahusay na personal na
pahayag ng misyon sa buhay ay
kinapapalooban lamang ng tatlo hanggang
limang pangungusap.
2. Ang iyong personal na pahayag ng misyon
sa buhay ay dapat naglalaman ng iyong
pinahahalagahan at kung ano ang ibig
mong maging sa hinaharap.
3. Tiyaking positibo ang iyong personal na
pahayag ng misyon sa buhay. Sa halip na
magbanggit ng mga ayaw mong gawin at
ayaw mong maging, banggitin ang ibig
mong gawin at maging.
4. Isama ang mga positibong pag-uugali,
gawi, at pagpapahalagang itinuturing
mong mahalaga at ibig mo pang
pagyamanin.
5. Isaisip kung paano nakaaapekto ang iyong
kilos, gawi, ugali, at asal sa paglikha ng
mahahalagang ugnayan sa iyong buhay.
6. Lumikha ng personal na pahayag ng
misyon sa buhay na magiging bagay mo
sa iyong pang-araw-araw na kilos at
desisyon. Gawin itong bahagi ng iyong
buhay.
7. Isaisip kung paano nakaaapekto ang iyong
misyon sa iba pang bahagi ng iyong
buhay.
Paglikha ng Personal na
Pahayag ng Misyon sa
Buhay
• Ang personal na pahayag ng misyon sa
buhay ay sumasagot sa mga tanong na
katulad nito:
1. Ano ang gusto ko sa aking buhay?

2. Ano ang mga pinahahalagahan ko?

3. Ano ang aking talento?

4. Sa huling sandali ng aking buhay, ano ang


ibig kong nagawa o nagampanan?
• Sa pagbuo ng personal na pahayag ng misyon sa buhay,
kailangan mo ng panahon at malawak na pagkilala sa
sariling kakayahan, talino, pagpapahalaga, gawi, at ugali.

• Ang personal na misyon sa buhay ay patuloy na


nagbabago depende sa kaalamang natutunan mo at kung
gaano kalinaw ang iyong nais sa buhay.

You might also like