You are on page 1of 10

ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 1

PANGALAN:
PANGKAT: GURO:

Aralin

5
MELC/ Kasanayan
Nasusuri ang dahilan at epekto ng migrasyon dulot ng globalisasyon.

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman ang dahilan at epekto ng


migrasyon sa aspeto ng pamilya at ekonomiya ng bansa.
Pagkatapos basahin ang modyul na ito inaasahang:
1. Matutukoy ang mga dahilan at epekto ng migrasyon;
2. Maipaliliwanag ang mabuti at di mabuting epekto ng migrasyon sa
lipunan at ekonomiya ng bansa; at
3. Maisabubuhay ang bukas na isip sa mga isyung pangkabuhayan na
nakaaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.

A. Pagtapat-tapatin ang mga sumusunod. Itapat ang Hanay A sa


tinutukoy sa Hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang
bago ang bilang.
Hanay A Hanay B
1. Tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat a. Multiculturalism
mula sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa
iba pa maging ito man ay pansamantala o permanente.
2. Bilang ng nandayuhan na naninirahan o b. Stock
nananatili sa bansang nilipatan.
3. Naghahanap ng mas magandang pagkakataon c. Refugee
upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
4. Isang doktrinang naniniwala na ang iba’t ibang d. Migrasyon
kultura ang maaaring magsama-sama nang payapa at
pantay-pantay sa isang lugar o bansa.
5. Lumilikas sa sariling bayan upang umiwas sa e. Economic migrants
labanan, prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng kalamidad.

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 2

B. Iguhit sa patlang ang Like sign kung ang pahayag ay dahilan at

dislike sign kung epekto.

1. Pagbabago ng populasyon

2. Refugee

3. Hanapbuhay

4. Brain Drain

5. Integration

Atbash Cipher: Bawat ibibigay na letra ay may katapat na titik (itaas at ibaba)
na magsisilbing panghalili rito. Kung kaya’t ang mga titik na RHBF ay katumbas
ng salitang ISYU. Isulat sa patlang ang tamang sagot.

A B C D E F G H I J K L M

Z Y X W V U T S R Q P 0 N

1. TOLYZORHZHBLM -

2. WLOBZI -

3. NZMTTZTZDZ -

4. PLMGIZPGFDZORHZHBLM -

5. UOVCRYOV OZYLI -

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 3

PAKSA 1: Migrasyon: Konsepto at Konteksto

Ang migrasyon ay tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula


sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pang lugar. Migrante ang
tawag sa mga taong lumilipat ng lugar. Ito ay maaaring Migrant o
pansamantala at Immigrant naman kung permanente.

Panloob na migrasyon (Internal migration) ay ang migrasyon sa loob


lamang ng bansa, samantalang ang Migrasyong Panlabas (International
migration) ang tawag kapag lumilipat na ang mga tao sa ibang bansa upang
doon na manirahan o mamalagi ng matagal na panahon.

Sa International migration ay mahalagang maunawaan ang ilang


termino o salitang madalas gamitin.

Ang flow ay tumutukoy sa dami o bilang ng mga nandarayuhang


pumapasok sa isang bansa sa isang takdang panahon na kadalasan ay kada
taon. Madalas ditong gamitin ang mga salitang inflow, entries or immigration.
Kasama din dito ang bilang ng mga taong umaalis o lumalabas ng bansa na
madalas tukuyin bilang emigration, departures or outflows. Kapag ibinawas
ang bilang ng umalis sa bilang ng pumasok nakukuha ang tinatawag na net
migration. Samantala, ang stock ay ang bilang ng nandayuhan na naninirahan
o nananatili sa bansang nilipatan. Mahalaga ang flow sa pag-unawa sa trend o
daloy ng paglipat o mobility ng mga tao habang ang stock naman ay
makatutulong sa pagsusuri sa matagalang epekto ng migrasyon sa isang
populasyon.

MGA DAHILAN NG MIGRASYON


1. ECONOMIC MIGRANTS- iyong naghahanap ng mas magandang
pagkakataon upang mapaunlad ang kanilang kabuhayan.
2. REFUGEE-lumilikas sa sariling bayan upang umiwas sa labanan,
prosekusyon o karahasan, at gutom na sanhi ng mga kalamidad.
3. Hanapbuhay na makapagbibigay ng malaking kita na inaasahang
maghahatid ng masaganang pamumuhay.

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN

4. Panghihikayat ng mga kapamilya o kamag-anak na matagal nang


naninirahan sa ibang bansa.
5. Pag-aaral o pagkuha ng mga teknikal na kaalaman partikular sa mga
bansang industriyalisado.
6. Paghahanap ng ligtas na tirahan.

EPEKTO NG MIGRASYON

1. Pagbabago ng populasyon – ang pagkakaroon ng napakataas at


napakababang populasyon ay may tuwirang epekto sa migrasyon.
2. Kaligtasan at karapatang pantao – ayon sa International Oranization for
Migration, umaabot sa milyon-milyong migrante ang walang kaukulang
papeles taon-taon.
3. Pamilya at pamayanan- ang pangingibang bansa sa mga OFW ay may
epekto sa kanilang mga naiwang pamilya, lalo na sa kanilang mga anak.
4. Pag-unlad ng ekonomiya- Malaki ang naitutulong ng mga OFW sa
pagpaplano ng ekonomiya ng Pilipinas, maraming OFW ang nakapag-ahon
sa kanilang pamilya sa kahirapan. Ang kanilang Remittance o
ipinapadalang pera para sa kanilang pamilya ay nagsisilbing kapital para
sa negosyo.
5. Brain Drain – kung saan matapos makapag-aral sa Pilipinas ang mga
eksperto sa iba’t ibang larangan ay mas pinili nilang mangibang bansa
dahil sa mas magandang oportunidad na naghihintay sa kanila.
6. Intregration at Multiculturalism- sa Italy, mayroon silang “batas sa
seguridad” (Legge Sulla Sicurezza).
Layunin nito ang magkaroon ng maayos na integration ng mga dayuhan sa
Italy at magandang relasyon. Multiculturalism - isang doktrinang
naniniwala na ang iba’t ibang kultura ang maaaring magsama-sama nang
payapa at pantay-pantay sa isang lugar o bansa.

Tinatayang 232 milyong sa kabuuang 3.1 porsiyento ng


populasyon na nandarayuhan sa buong mundo.

Ang 48 porsiyento ng mga imigrante ay kababaihan


Mga datos at
impormasyon sa Karamihan ng mga nandarayuhan ay maghahanap ng
pandarayuhan trabaho. Mahigit pa sa 90 porsiyento ay kasama ang mga
ng mga pamilya.
mangagawa sa
Noong taong 2013, nagmula sa Asya ang pinakamalaking
buong mundo
bilang ng mga migrante na lumalabas ng kanilang bansa.

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 5

Gawain A: MAGDAHILAN KA. Isulat sa kahon ang mga dahilan ng migrasyon

Mga
dahilan ng
migrasyon

Gawain B: Concept Map

Gamit ang concept map, magtala sa iyong kuwaderno ng mga dahilan at epekto
ng migrasyon sa buhay ng OFW. Gamiting gabay ang halimbawa na sagot.

Bunga

Sanhi MIGRASYON

Positibo
Nagkatrabaho Negatibo
Pull Factors Napahiwalay
Push Factors sa pamilya
Kahirapan
Kawalan ng
oportunidad sa
dating tirahan

Pamprosesong tanong: Isulat sa iyong kwaderno ang sagot

1. Ibigay ang kahulugan ng migrasyon?


2. Ano-ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pull at push factor sa
migrasyon?
3. Para sa iyo, alin ang mas nakalalamang ang positibo o negatibong bunga
ng migrasyon? Ipaliwanag.

Sa bahaging ito, isaisip ang mahalagang konsepto ng ating aralin.

MIGRASYON - tumutukoy sa proseso ng pag-alis o paglipat mula


sa isang lugar o teritoryong politikal patungo sa iba pang lugar

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 6

Magaling! Napagtagumpayan mo ang inihandang gawain. Ngayon naman ay alamin


natin ang iyong natutuhan.

Mahusay. Napagtagumpayan mo ang mga gawain. Marami ka ng nalalaman sa


aralin. Handa ka na bang ibuod ang iyong mga natutunan? Dugtungan ang
pangungusap.

Ang migrasyon ay nakabubuti/nakasasama dahil

kaya dapat na .

Basahing mabuti ang pangungusap. Piliin at bilugan ang titik ng tamang


sagot.

1. Ang mga sumusunod ay dahilan ng migrasyon MALIBAN sa

A. hanapbuhay B. ligtas na tirahan C. pag-aaral D. peminisasyon

2. Alin ang salitang HINDI tumutukoy sa paglabas sa bansa?

A. Emigration B. Immigration C. Departure D. Outflows

3. Ito ay nakatutulong sa pagsusuri ng matagalang epekto ng migrasyon/

A. Stock B. Flow C. Mobility D. Trend

4. Saang kontinente may pinakamaraming bilang ng imigrante na lumalabas


ng kanilang bansa?

A. Africa B. America C. Asya D. Australia

5. Nandarayuhan ang mga tao upang matugunan ang iba’t ibang


pangangailangan maliban sa:

A. pampaaral ng anak C. pampagawa ng bahay

B. tulong sa ibang bansa D. ipon sa bangko

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 7

6. Tumataas ang bilang ng mga bansang naaapektuhan ng migrasyon.

A. Ang pahayag ay walang katotohanan

B. Ang pahayag ay may katotohanan

C. Ang pahayag ay kuro-kuro lamang

D. Ang pahayag ay hindi sigurado

7. May iba’t ibang batas at polisiya para sa mga nandarayuhan na


ipinatutupad sa destinasyong bansa.

A. Ang pahayag ay walang katotohanan

B. Ang pahayag ay may katotohanan

C. Ang pahayag ay kuro-kuro lamang

D. Ang pahayag ay hindi sigurado

8. Sa Italy, mayroon silang “batas sa seguridad” (Legge Sulla Sicurezza).


Layunin nito ang mga sumusunod MALIBAN sa

A. paalisin ang mga dayuhan

B. magkaroon ng maayos na integration ng mga dayuhan sa Italy

C. pangalagaan ang dayuhan

D. magandang relasyon

9. Ang sumusunod ay nagpapakita na malaki ang naitutulong ng mga OFW sa


bansa MALIBAN sa

A. nababawasan ang bilang ng tao sa Pilipinas

B. nagkakaroon ng maayos na edukasyon ang mga anak ng OFW

C. maraming OFW ang nakapag-ahon sa kanilang pamilya sa kahirapan

D. ang kanilang Remittance ay nagsisilbing kapital para sa negosyo

10. Ang mga Refugee ay lumilikas sa sariling bayan upang

A. umiwas sa labanan C. umiwas sa karahasan

B. umiwas sa gutom na sanhi ng mga kalamidad D. lahat ng nabanggit

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 8

Panuto: Sagutin ang sumusunod na gawain sa iyong kuwaderno.

1. Makatwiran ba ang mga dahilan ng pangingibang bansa ng mga OFW?


Gumawa ng liham kung paano mo paninindigan o ipagtatanggol ang
ginawa nilang pag-alis ng bansa. (Communication)
2. Gumawa ng simbolo o karikatura hinggil sa paksang migrante. Bigyang
paliwanag ito. (Creativity)
3. Paano binago ng Covid 19 pandemic ang pag uugali mo lalo na sa
panahon na ang magulang mo ay ipagpalagay natin na inabutan ng
lockdown sa probinsya, o sa ibang bansa, nahinto at walang katiyakan
na makababalik sa dating trabaho? (Critical thinking.
4. Bilang bahagi ng inyong pamilya at komunidad, paano mo hihikayatin
ang iyong mga kapitbahay upang makibahagi sa mga programa at
gawain ng pamahalaan para matulungan ang mga migrante na inabutan
ng pandemia sa ibang bansa? (Collaboration)

5. Bilang anak at mag-aaral, anong mahalagang aral ang dapat taglayin


upang magiging responsible at bukas ang isip sa mga isyung
pangkabuhayan na nakaaapekto sa pang araw-araw na pamumuhay.
(Character)
Rubric sa Pagmamarka

Pamantayan 1 2 3 4

Paksa Walang Kaunti Marami ang Lubos ang


kinalaman
lamang ang kaalaman sa kaalaman
sa paksa
kaalaman paksa sa paksa
sa paksa
Pagkamalikhain Hindi Kaunti Maraming Kumpleto
angkop ang lamang ang mahahalagang ang
detalye mahalagang detalye detalye
detalye

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 9

SAGUTANG PAPEL

Pangalan:_____________________ Pangkat__________Guro: ___________________

Aralin

5
I. PAUNANG PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

II. BALIK-TANAW

1. 2. 3. 4. 5.
III. GAWAIN A : Dahilan

1. 2. 3.

4. 5. 6.
GAWAIN B: Punan ang tabulasyon:
Sanhi Bunga

IV. PANGHULING PAGSUSULIT

1. 2. 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

V. PAGNINILAY

Ilagay ang sagot sa iyong portfolio.

AP 10-QRT2-WEEK 5
ARALING PANLIPUNAN 10- IKALAWANG MARKAHAN 10

AP 10-QRT2-WEEK 5

You might also like