You are on page 1of 19

Araling Panlipunan

Kontemporaryong Isyu
Ikaapat na Markahan-Modyul 4
POLITIKAL NA PAKIKILAHOK
10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan – Modyul 4:
Aralin 4- Politikal na Pakikilahok
Araling Panlipunan – Ikasampu na Baitang
Ikaapat na Markahan- Modyul 4: Politikal na Pakikilahok
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Development Team of the Module

Writers: Dr. Rosana J. Garbo, MT1 AP Dept.


Editors: ___________________
Reviewers: ___________________
Illustrator: ___________________
Layout Artist: Gerald L. Bernardo
Management Team:

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Office Address: _____________________________________________________


_____________________________________________________
Telefax: _____________________________________________________
E-mail Address: _____________________________________________________
Paunang Salita

Ang modyul na ito sa Araling Panlipunan-Kontemporaryong Isyu ay suplementaryong


materyal na nakabatay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) na magagamit ng
mag-aaral sa ikasampu na baitang upang matutunan ang mga paksa sa Ikaapat na Markahan.

Nilalaman ng Modyul na ito ang kahalagahan ng pag-aaral ng Isyung Panlipunan na nakatuon


sa Kasanayang Pagkatuto- Aralin 4. Ito ay ang kahalagahan ng papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan. Sa paggamit ng modyul na ito ay inaasahang
matututunan ang mga itinadhana ng Kagawaran ng Edukasyon tungo sa pagkamit ng mga
kasanayang pang-21 siglo at mga pamantayang itinakda ng K-12 kurikulum.

Para sa Magulang/Tagapatnubay ng Mag-Aaral:

Malaki ang bahaging ginagampanan ng magulang sa pagkatuto ng mag-aaral. Ang inyong


paggabay sa bawat aralin at mga gawaing nasa modyul na ito ay lubos na napakahalaga.
Bilang magulang o tagapatnubay ng mag-aaral kayo rin po ay magsisilbing guro ng inyong
anak katuwang ng guro sa Araling Panlipunan. Sa panahong ito ng pandemya, na kung saaan
ang buong mundo ay humaharap sa napalaking hamong ito sa larangan ng Edukasyon. Ang
pagtutulungan at bukas na komunikasyon ay inaasahan upang makamit ang mga kasanayang
dapat matutunan ng mag-aaral sa modyul na ito. Kung may mga paksa at gawaing hindi
maunawaan kung paano ito isasagawa, huwag mag atubiling makipag- ugnayan sa guro ng
inyong anak sa asignaturang Araling Panlipunan.

Para sa Mag-aaral:

Inaasahan na pag-aaralan at uunawaing mabuti ang mga paksang nakapaloob sa modyul na


ito. Sikaping masagutan ang mga gawain ng tapat at seryoso upang matugunan ang mga
kailangang kasanayang pampagkatuto. Gayunpaman, sakaling mahirapan sa pag-unawa sa
mga konseptong pang ekonomiya huwag mag-atubiling lumapit sa iyong guro sa Araling
Panlipunan.

Layon ng may-akda na mapagtagumpayan at matutunan mo ang mga paksa o aralin sa


modyul na ito. Nawa’y makatulong sa iyong pag-aaral ang modyul na ito upang kahit ikaw ay
nasa tahanan lamang dahil sa pandemyang nararanasan ay mangibabaw ang karunungang
magagamit mo sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Narito ang mga dapat tandaan sa paggamit ng modyul:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.
ARALING PANLIPUNAN 10
KONTEMPORARYONG ISYU

Aralin
4 Politikal na Pakikilahok
PANIMULA
Sa araling ito ay iyong mauunawaan ang mga paraan ng politikal na pakikilahok. Ang mga
paraang ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa mamamayan para makamit ang tinatamasang
mabuting pamamahala.

ALAMIN

Inaasahang makakamit sa modyul na ito ang sumusunod na pamantayan sa pagkatuto:


Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap

Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa


kahalagahan ng pagkamamamayan at kalagayan ng pakikilahok sa mga gawaing
pakiki-lahok sa mga gawaing pansibiko at pansibiko at politikal ng mga mamamayan
politikal tungo sa pagkakaroon ng sa kanilang sariling pamayanan.
pamayanan at bansang maunlad,
mapayapa, at may pagkakaisa.

Mga Tiyak na layunin:

• Napaliliwanag ang kahulugan ng politikal na pakikilahok.


• Natutukoy ang mabuting epekto ng politikal na pakikilahok.
• Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng isang
mabuting pamahalaan.

SUBUKIN
Panuto: Suriin ang pangungusap. Isulat ang T kung ito ay tama at M kung ito ay mali.
Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. Ang Democracy Index ay isang paraan upang malaman kung tunay na umiiral ang
demokrasya sa isang bansa.
2. Ayon sa survey noong 2019, ang bansang Germany ang nagkamit ng titulong
“most democratic country in the world”.
3. Ang Corruption Perception Process ay isang paraan naman para malaman kung
matindi ang korupsyon ng mga nanunungkulan sa isang bansa.
4. Ang eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pagpapakita ng pakikilahok politikal
ng isang mamamayan.

1
5. Ang mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa
seguridad ng bansa ay maaaring makaboto.
6. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng
ating Saligang batas.
7. Sa Pilipinas ang ligal na edad na pinahihintulutang makaboto sa halalan ay nasa
labinglima (15) pataas.
8. Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan para maisakatuparan
ang ating iginigiit na pagbabago sa pamayanan.
9. Ang politikal na pakikilahok ay tumatalakay sa paraan kung paano aktibong
makiklahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng
pamahalaan at ng kapakanan ng iilang indibidwal.
10. Ang vote buying ay hindi pinahihintulutan ng Saligang Batas natin dito sa Pilipinas.
11. Ang mga mamamayan dito sa ating bansa ay maaaring bumoto ng dalawang
beses sa isang kandidato sa panahon ng eleksyon.
12. Ang NAMPHREL ay ang opisyal na tagapangalaga o tagapangasiwa ng
pamahalaan sa bansa sa panahon ng halalan.
13. Hindi pinahihintulutan ng Saligang Batas ng Pilipinas na magkaroon ng
partisipasyon ang mga taong may suliranin sa pag-iisip sa panahon ng halalan.
14. Ang ‘elitist democracy’ ay isang uri ng pamamahala na kung saan ang desisyon
ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
15. Ang pagkakaroon ng “transparency” ng ating pamahalaan ay isang katangian
upang makamit ang mabuting pamamahala.

BALIKAN

GAWAIN. Isulat sa loob ng bilog ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan na
iyong natutunan sa nakaraang aralin. Ilagay sa isang buong papel ang iyong sagot.

Katangian
ng Isang
Aktibong
Mamamay
an

TUKLASIN

GAWAIN: K-W-L Chart


Panuto: Masdan mo ang K-W-L Chart sa ibaba. Sikaping makapagtala ng tatlong sagot
sa bawat hanay. Iwan munang blangko ang bahagi ng “Learned” sapagkat ito ay
sasagutan lamang sa sandaling matapos na ang aralin. Gamiting gabay ang mga
pamprosesong tanong sa talakayan. Isulat ang iyong sagot sa isang buong papel.

2
(KNOW) (WANT)
(LEARNED)
Mga Bagay na Alam Mga Gusto Kong
Mga Natutunan Ko
Ko Na Malaman

____________________ ____________________ ____________________


____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________

SURIIN

Kahulugan at Kahalagahan ng Politikal na Pakikilahok

Ang politikal na pakikilahok ay tumatalakay sa paraan kung paano aktibong


makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng
pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.
Tinalakay sa mga nakaraang aralin ang mga isyung kinakaharap ng mundo sa
kasalukuyan. Nararanasan natin ang iba’t ibang manipestasyon ng mga isyung ito at
kadalasan pa nga’y kabilang tayo sa sanhi o sa nagpapalala sa mga ito. Bilang
pinakamahalagang elemento ng Estado, nasa kamay natin bilang mamamayan ang
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan na ating kinakaharap.
Dahil nasa ating mga kamay ang susi para sa pagbabago ng ating lipunan,
nararapat lamang na kalimutan ang maling pananaw na pamahalaan lamang ang may
tungkulin na bigyang-solusyon ang mga isyung panlipunan; na sila ay ating inihalal upang
bigyang-katugunan ang lahat ng ating pangangailangan at wala na tayong gagawin bilang
mamamayan. Ang ganitong pag-iisip ay nagdudulot ng sentimyentong paninisi sa
pamahalaan kapag ang ating mga pangangailangan at suliranin ay hindi natugunan.
Sa katunayan, ayon sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng ating Saligang-batas, “Ang
Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay
angkin ng sambayanan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na
pampamahalaan”. Ito ay patunay lamang na ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala
sa pamahalaan at sa mga taong bumubuo nito, sa halip, ito ay nagmumula sa mga

3
mamamayan. Katulad ng nabanggit na, ang mamamayan ay dapat aktibong
nakikisangkot sa diskurso sa pamamahala upang bigyang-katugunan ang mga hamong
panlipunan. Nararapat na magkasamang buuin ng pamahalaan at ng mga mamamayan
ang solusyon sa mga suliraning kinakaharap ng lipunan. Mangyayari lamang ito kung ang
mamamayan ay may kaalaman at kamalayan sa mga isyung panlipunan. Ang
kamalayang ito ang magtutulak sa mamamayan na aktibong makilahok sa mga
hakbanging magbibigay katugunan sa maraming isyung panlipunan.
Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan ay mas
mahalaga rito ang pagtugon mismo ng mamamayan. Isang mahalagang paraan para
matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal. Ngunit, may
iba’t ibang paraan para maging kalahok dito ang isang mamamayan. Maaaring ito ay sa
paraan ng pagboto o maaaring sa mas masidhing mga aksiyon para igiit ang
pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.

Eleksiyon

Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng


mamamayan. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na
ginagarantiyahan ng ating Saligang batas. Ayon sa Artikulo V ng Saligang Batas ng 1987,
ang mga maaaring makaboto ay
a.) mamamayan ng Pilipinas,
b.) hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas,
c.) 18 taon gulang pataas, at
d.) tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon at sa lugar kung saan niya gustong bomoto
nang hindi bababa sa anim na buwan bago mag-eleksiyon.
Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng
pamahalaan na sa tingin nila ay makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon
kung saan naipakikita ng mamamayan na siya ang pinanggagalingan ng kapangyarihan
ng mga halal na opisyal; na siya ring may kapangyarihan na alisin sila sa puwesto kung
sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin.
Sa pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating
bayan.

4
Mga Diskwalipikadong Bumoto

1. Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi bababa sa isang taon. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang inihatol
sa kaniya.
2. Mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa
anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa seguridad ng bansa. Maaari
siyang makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang matapos ang parusang
inihatol sa kaniya.
3. Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.
Sanggunian:Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksiyon 116

PAGYAMANIN
GAWAIN 1. Suriin Natin!
Suriin ang sumusunod na larawan at isulat ang iyong nakikita sa mga ito. Ipahayag ang
iyong reaksiyon sa mga larawang ito. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

_____________________________

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

_____________________________

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

_____________________________

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

_____________________________

5
1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

_____________________________

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

_____________________________

1. Ano ang iyong nakikita sa larawan?

_____________________________

2. Ano ang iyong reaksyon sa larawan?

_____________________________

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang pinatutungkulan ng mga larawan?


2. Ano ang mensaheng nais iparating ng mga larawan patungkol sa pagboto?
3. Bakit mahalaga para sa mamamayan ng isang bansa ang bumoto?

GAWAIN 2. PANGATWIRANAN MO!


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa mga sumusunod na bilang. Isulat sa
isang buong papel ang iyong sagot.

1. Bakit mahalaga ang boto ng


_____________________________________________________
bawat indibidwal sa panahon ng _____________________________________________________
halalan? _____________________________________________________
________________

2. Paano ka pumipili ng mga _____________________________________________________


kandidato na ilalagay mo sa _____________________________________________________
pwesto? _____________________________________________________
________________

3. Para sa iyo ano ang katangiang ____________________________________________________


hinahanap mo sa mga susunod na ____________________________________________________
lider ng bansa na iluloklok sa
pwesto? ____________________________________________________
___________________

6
Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala

Bakit mahalaga para sa atin ang paglahok sa mga nagaganap sa ating


pamahalaan o lipunan sa kabuuan? Ano ba ang kalagayan ng ating demokrasiya sa
kasalukuyan?
Maaaring sagutin ang mga katanungang iyan ng mga pag-aaral tungkol sa ating
bansa. Ang Democracy Index at Corruption Perception Index ay dalawa lamang sa
mahahalagang pag-aaral tungkol sa estado ng demokrasiya ng ating bansa. Ang una ay
binubuo ng Economist Intelligence Unit. Pinag-aaralan nito ang kalagayan ng
demokrasiya sa 167 bansa sa buong mundo. Limang kategorya ang pinagbabatayan ng
index na ito: electoral process, civil liberties, functioning of government, political
participation, at political culture.
Ayon sa pag-aaral ng Economist Intelligence Unit sa Democracy Index 2019, ang
Pilipinas ay nasa ika-limampu’t apat na pwesto sa kabuuang 167 na bansa. Sa kabila ng
ating deklarasyon na tayo ay isang demokratikong bansa, ang Pilipinas ay itinuturing na
isang flawed democracy. Ibig sabihin, may malayang halalang nagaganap at nirerespeto
ang mga karapatan ng mamamayan nito. Ngunit, may mga ibang aspekto ng
demokrasiya ang nakararanas ng suliranin tulad ng pamamahala at mahinang politikal
na pakikilahok ng mamamayan. Samantala ang mga bansang katulad ng Norway,
Iceland, Sweden, New Zealand at Finland sa kontinente ng Europa ang maituturing na
“top five with the most democracy rule”. Sa kabilang banda ang Chad, Syria, Central
African Republic, Dem. Republic of Congo at North Korea ay nasa “bottom five”.
Hindi maganda ang estado ng Pilipinas kung katiwalian ang pag-uusapan. Ang
Corruptions Perception Index ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa
lawak ng katiwalian sa isang bansa. Ang isang bansa ay maaaring makakuha ng marka
na 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pinakamalinis na pamahalaan). Sa kanilang ulat para
sa taong 2019, Ang mga bansang Denmark, New Zealand at Finland ang may
pinakamataas na markang nakuha, 90/100 samantalang ang bansang Somalia naman
ang nakakuha ng pinakamababang marka na 10/100. Noong 2019 ay nakakuha ang
Pilipinas na markang 34/100 at ika-113 sa 180 na bansa sa mundo. Hindi maganda ang
markang ito sapagkat kasama ang Pilipinas sa 120 na bansa na ang marka ay hindi man
lang umabot ng 50. Ayon pa sa datos na ito, ang karamihan ng mga bansa sa Asya-
Pasipiko ay nasa pinakamababang mga ranggo. Makikita sa kanilng listahan na 19 mula
sa 30 bansa sa rehiyon ang nakakuha lamang ng marking 40 pababa mula sa
pinakamataas na marka na 100. Ayon sa pagsusuri ng Transparency International sa
datos na ito, maituturing na dahilan ng mababang markang ito sa Asya-Pasipiko ay ang
sumusunod: hindi pagiging accountable ng mga pamahalaan, kawalan ng sistema ng
pagtingin sa gawain ng pamahalaan, at lumiliit na espasyo para sa civil society.

7
Participatory Governance

Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri ng
pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay katuwang ng
pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa suliranin ng bayan.
Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng
mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.
Ang ganitong uri ng pamamahala ay isang tahasang pagtaliwas sa tinatawag na ‘elitist
democracy’ kung saan ang desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa
mga namumuno. Ngunit, may mga namumuno sa pamahalaan na ang iniisip lamang ay
ang kanilang sariling interes at hindi ng buong bayan. Kung ang kapangyarihan ng isang
estado ay tunay na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga
mamamayan sa pamamahala dahil mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung
malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan (Koryakov & Sisk, 2003).

Mabuting Pamamahala o Good Governance

Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa civil


society, at pagkakaroon ng participatory governance ay naglalayong magkaroon ng isang
mabuting pamamahala o good governance.
Ano ba ang governance o pamamahala? Ayon kay Gerardo Bulatao, ang pinuno
ng Local Governance Citizens and Network, ang governance ay interaksiyon ng mga
ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society organizations
(CSOs), at mga partido politikal (ANGOC, 2006). Ang mahusay na interaksiyong ito ay
makapagdudulot ng paggawa ng mga polisiya, pagtukoy ng mga nararapat na priyoridad,
paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal, at pagsasakatuparan ng mga hakbang.
Bagama’t maraming bansa sa daigdig ang naghahangad na mangibabaw ang good
governance sa kani-kanilang pamahalaan, hindi maikakaila na masalimuot ang konsepto
ng good governance dahil sa iba’t ibang pakahulugan at manipestasyon nito sa isang
bansa.

Consensus Effectiveness at Resource Prudence Ecological


Orientation Efficiency Soundness

Transparency Responsiveness

Rule of Law Good Governance Accountability

Participation Strategic Vision

Equity Empowering Partnership Legitimacy

8
Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat
ng mamamayan, tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang
kinakatawan. Sa rule of law, nararapat na maipatupad ang mga batas at igalang ang
karapatang pantao nang patas at walang kinikilingan. Binibigyang-pansin din sa good
governance ang equity o pagbibigay sa bawat mamamayan ng pagkakataon na
mapaunlad o mapanatili ang kanilang kagalingan. Sa consensus orientation, sa kabila
ng pagkakaiba-iba ng mga interes ay pinahahalagahan ang pag-iral ng pangkalahatang
kabutihan at kung ano ang pinakamabuti sa isang organisasyon, komunidad o bansa sa
kabuuan. Sa strategic vision, nakikiisa ang mga opisyal ng pamahalaan at ng
mamamayan sa pagtukoy ng malawak at long term perspective para sa kabutihan ng
lipunan at pag-unlad ng tao. Ayon sa partnership, hindi kakayanin mag-isa ng
pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang lahat ng stakeholder
nito, mapapubliko o pribado.
Bukod sa tinalakay na mga katangian ng good governance, mahalaga ring pagtuunan
ng pansin ang dalawa sa katangian ng good governance: ang kapananagutang politikal
at katapatan. Ipinakikita ritong may pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at
maging ang pribadong sektor at mga organisasyon ng civil society sa mamamayan
pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang
pamayanan at ng bansa sa kabuuan.
Binibigyang-linaw ng kapananagutanang taglay na kapangyarihan at katungkulan
ng mga pinuno upang gampanan ang responsibilidad na nakaatang sa kanila. Sa
pagkakataong ito, madaling matukoy kung sino ang responsable at may pananagutan sa
komunidad. Ipinahayag din ni Bulatao na kabilang sa may pananagutang ito ang lahat ng
stakeholder tulad ng mga negosyante at community-based organization ngunit higit ang
pananagutan ng mga inihalal at hinirang na mga opisyal ng pamahalaan.
Ang katapatan naman ay tumutukoy sa malayang daloy ng impormasyon sa lahat ng
transaksiyon, proseso, desisyon, at ulat ng pamahalaan. Sa pagkakaroon ng
transparency, binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na magkaroon ng
kamalayan sa nagaganap sa pamahalaan at makalahok sa mga gawain nito.
Hindi magiging posible ang pagkakaroon ng isang mabuting pamamahala kung
walang kapananagutan at katapatan sa panig ng pamahalaan at mamamayang laging
mulat sa mga gawain ng pamahalaan. Kaya naman mahalagang magsagawa ang
mamamayan ng iba’t ibang paraan ng politikal na pakikilahok: pagboto, pagsali sa civil
society, at pakikilahok sa participatory governance. Kung ang mamamayan ay laging
naggigiit sa mga opisyal ng pamahalaan na magkaroon ng kapananagutan sa kanilang
tungkulin at maging bukas sa pagpapatupad ng mga ito, malaki ang posibilidad na
mabawasan kung hindi man tuluyang mawala ang mga suliranin ng pamahalaan tulad ng
katiwalian.

9
GAWAIN 3. HAMON ISIP!
Panuto: Gamit ang mga salita sa loob ng kahon sa ibaba. Pumili ng tatlo at
pangatwiranan kung bakit ito maituturing na mahalagang katangian tungo sa
pagkakaroon ng mabuting pamamahala. Ilagay ang iyong sagot sa isang buong papel.

Consensus
Transparency Rule of Law Participation Equity Empowering Partnership
Orientatio
n
Strategic Accountabilit Responsivenes Ecological Resource Effectiveness &
Legitimacy y s Soundnes Prudence Efficiency
Vision
s

1 ____________________ 2 ____________________ 3 ____________________


____________________ ____________________ ____________________
. 1
____________________ . ____________________ . ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________________ ____________________
____________________ ____________ __________

Pamprosesong Tanong:
Sa iyong palagay, anong katangian na nasa loob ng kahon mayroon ang pamahalaan ng
Pilipinas tungo sa pagkakaroon ng mabuting pamamahala?

ISAISIP

• Ang politikal na pakikilahok ay tumatalakay sa paraan kung paano aktibong


makikilahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng
pamahalaan at ng kapakanan ng buong bayan.
• Sa kabila ng kahalagahan ng pagiging mulat sa mga isyung panlipunan ay mas
mahalaga rito ang pagtugon mismo ng mamamayan. Isang mahalagang paraan
para matugunan ang mga isyung ito ay ang pakikilahok sa mga gawaing politikal.
Ngunit, may iba’t ibang paraan para maging kalahok dito ang isang mamamayan.
Maaaring ito ay sa paraan ng pagboto o maaaring sa mas masidhing mga aksiyon
para igiit ang pagkakaroon ng isang mabuting pamahalaan.
• Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para
maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan. Ito ay isang uri
ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong mamamayan ay
katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga solusyon sa
suliranin ng bayan. Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa
pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng
lipunan.

10
• Ang lahat ng paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa
civil society, at pagkakaroon ng participatory governance ay susi sa pagkakaroon
ng isang mabuting pamamahala o good governance.

ISAGAWA

Panuto: Gumawa ng talaan. Ilahad ang ang mga paraan ng pakikilahok ng mga
mamamayan sa mga gawain at usaping pampolitika. Isulat ang iyong sagot sa isang
buong papel.

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
TAYAHIN
_____________________________________________
___________________________________
PANUTO: Suriin ang pangungusap at isulat ang T kung ito ay tama at kung mali palitan
ang salitang may salungguhit upang maging tama ang pahayag. Ilagay ang iyong sagot
sa isang buong papel.

1. Ang Democracy Index ay isang paraan upang malaman kung tunay na umiiral ang
demokrasya sa isang bansa.
2. Ayon sa survey noong 2019, ang bansang Germany ang nagkamit ng titulong
“most democratic country in the world”.
3. Ang Corruption Perception Process ay isang paraan naman para malaman kung
matindi ang korupsyon ng mga nanunungkulan sa isang bansa.
4. Ang eleksyon ang pinakapayak na paraan ng pagpapakita ng pakikilahok politikal
ng isang mamamayan.
5. Ang mga taong nasentisyahan ng hukuman sa mga kasong rebelyon, sedisyon,
paglabag sa anti-subversion at firearms law at anumang krimeng laban sa
seguridad ng bansa ay maaaring makaboto.
6. Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng
ating Saligang batas.
7. Sa Pilipinas ang ligal na edad na pinahihintulutang makaboto sa halalan ay nasa
labinglima (15) pataas.
8. Ang participatory governance ay isang mahalagang paraan para maisakatuparan
ang ating iginigiit na pagbabago sa pamayanan.
9. Ang politikal na pakikilahok ay tumatalakay sa paraan kung paano aktibong
makiklahok ang mamamayan sa mga gawaing magpapabuti sa pamamalakad ng
pamahalaan at ng kapakanan ng iilang indibidwal.
10. Ang vote buying ay hindi pinahihintulutan ng Saligang Batas natin dito sa Pilipinas.

11
11. Ang mga mamamayan dito sa ating bansa ay maaaring bumoto ng dalawang
beses sa isang kandidato sa panahon ng eleksyon.
12. Ang NAMPHREL ay ang opisyal na tagapangalaga o tagapangasiwa ng
pamahalaan sa bansa sa panahon ng halalan.
13. Hindi pinahihintulutan ng Saligang Batas ng Pilipinas na magkaroon ng
partisipasyon ang mga taong may suliranin sa pag-iisip sa panahon ng halalan.
14. Ang ‘elitist democracy’ ay isang uri ng pamamahala na kung saan ang desisyon
ay nagmumula lamang sa mga namumuno.
15. Ang pagkakaroon ng “transparency” ng ating pamahalaan ay isang katangian
upang makamit ang mabuting pamamahala.

KARAGDAGANG GAWAIN

GAWAIN: PARA SA HINAHARAP


Panuto: Ang mamamayan at pamahalaan ay may mahalagang bahaging ginagampanan
sa lipunan. Iguhit sa loob ng kahon ang magiging itsura ng Pilipinas sa hinaharap kung
ang mga mamamayan at pamahalaan ay magtutulungan upang makamit ang mabuting
pamamahala tungo sa kaunlaran. Lagyan ng pamagat at kulayan ang iyong poster.

_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________
_________________________________________

12
13
IV. BALIK-ARAL V. TUKLASIN
III. SUBUKIN Gawain: K-W-L-S Chart
Sagot:
1. T 9. T (Depende sa sagot ng
2. M 10. T 1. Makabayan, Makatao,
Produktibo, Matulungin Mag-aaral)
3. M 11. M
4. T 12. M sa kapwa,
5. M 13. T Magkansandaigdigan
Pamprosesong Tanong PAGYAMANIN 1: SURIIN NATIN
6. T 14. T
(Depende sa sagot ng (Depende sa sagot ng Mag-aaral)
7. M 15. T
Mag-aaral) Pamprosesong Tanong
8. T
(Depende sa sagot ng Mag-aaral)
PAGYAMANIN 2: PANGATWIRANAN MO!
IX. TAYAHIN
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) X. KARAGDAGANG
1. T
2. Norway GAWAIN
3. Corruption Gawain: Para sa
PAGYAMANIN 3: HAMON ISIP Hinaharap
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) Perception Index
4. T (Depende sa sagot
Pamprosesong Tanong ng Mag-aaral)
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) 5. Hindi maaari
6. T
7. Labingwalo pataas
VIII. ISAGAWA 8. T
(Depende sa sagot ng Mag-aaral) 9. Lahat ng Indibiduwal
10. T
11. Isang beses
12. COMELEC
13. T
14. T
15. T
SUSI SA PAGWAWASTO:
SANGGUNIAN:

Antonio, Dallo, Imperial, Samson at Soriano 2017. Kayamanan: (MgaKontemporaryong


Isyu) Batayan at Sanayang Aklat sa Araling Panlipunan, BinagongEdisyon. Quezon City
Rex Bookstore, Inc (RBSI)
Grade 10 Araling Panlipunan Learning Materials Teacher’s Guides

ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN:
https://www.google.com/search?q=eleksiyon&tbm=isch&tbs=rimg%3ACTLs4R_13svBf
YbeZg6RMyDJD&hl=en&ved=0CBsQuIIBahcKEwjw1pregbXqAhUAAAAAHQAAAAAQ
EQ&biw=1082&bih=507#imgrc=Y4SHyXLHTmPZ6M&imgdii=EjeDbhvVfsz1QM
https://www.google.com/search?q=vote+wisely&tbm=isch&ved=2ahUKEwiulMTsgbXqA
hUK6ZQKHTlyBHgQ2cCegQIABAA&oq=vote+wisely&gs_lcp=CgNpbWcQAzICCAAyAg
gAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAAyAggAMgIIADICCAA6BQgAELEDUNfmBFjjgQVg
iYYFaABwAHgAgAH4BIgBhSCSAQswLjIuMS40LjMuMZgBAKABAaoBC2d3cy13aXota
W1n&sclient=img&ei=HzQBX6IDIrS0wS55JHABw&bih=507&biw=1082&hl=en#imgrc=T
bFJWPe9ar-Y6M&imgdii=EeYAMLw8-3FXmM
https://www.shutterstock.com/search/sad+face
https://www.google.com/search?q=political+dynasty&source=lnms&tbm=isch&sa=X&ve
d=2ahUKEwimuOrL_enqAhVgw4sBHaLGDZYQ_AUoAXoECBMQAw&biw=1098&bih=5
07#imgrc=oc-JpPw76Q88XM
https://pngtree.com/free-png-vectors/cartoon
https://www.gograph.com/vector-clip-art/pencil.html
https://www.transparency.org/en/countries/philippines
https://www.eiu.com/public/topical_report.aspx?campaignid=democracyindex2019
Koryakov, I., & Sisk, T. (2003). Democracy at the Local Level. Retrieved February 22,
2014, from I Know Politics: http://iknowpolitics.org/sites/default/files/democracy-
locallevelsouthcaucus.pdf
Sanggunian:Omnibus Election Code, Artikulo 12, Seksiyon 116
Sun Star. (n.d.). Retrieved March 26, 2014, from Vote Buying:
http://gallery.sunstar.com.ph/keyword/vote%20buying/
5. Democracy at Gunpoint: Election Related Violence in the Philippines. Retrieved March
26, 2014, from Vera Files: http://verafiles.org/taf-vera-files-to-launchdemocracy-at-
gunpoint-election-related-violence-in-thephilippines/ Yeban, F. (2004).
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Kagawaran ng Edukasyon- Justice Cecilia Munoz Palma High School
Molave St. Payatas B, Quezon City
Telefax:
E-mail Address: rosana.garbo@depedqc.ph

You might also like