Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
STA. ROSA INTEGRATED SCHOOL - HS
Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac
Email Add: srishs.2019@gmail.com / Tel. No. (045)-606-3139
_______13. Ang GABRIELA ay tumutukoy sa mga salitang - General Assembly ________ _________ for Reforms, Integrity,
Equality, Leadership, and Action.
A. Because Women C. Binding Women
B. Believed in Women D. Broadcast about Women
_______14. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang
pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo o spatula na pinainit sa
apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay apektado nito.
Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay upang: maiwasan
ang (1) maagang pagbubuntis ng anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. Paano maaaring ilarawan ang lipunang
kanilang kinamulatan?
A. Ang lipunan ay nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan at nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay
nag-uugat sa maling paniniwala.
B. Lipunan ay naglalarawan ng di pantay na pagtrato sa kababaihan at nagdudulot ng kasakiman sa tungkulin ng mga
kalalakihan.
C. May kaugaliang nagkakaroon ng pagkatakot sa buhay ng mga kababaihan at ang lipunan ang naging sandigan nila upang
makaahon sa pagkakalugmok.
D. Marahas at walang pakialam ang gobyerno kung kaya’t ang lipunang kanilang ginagalawan ay apektado.
_______15. Ang foot binding ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga babaeng ito ay
pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng
paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang
mahigpit na ibinalot sa buong paa. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong
umiral ang tradisyong ito. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda,
at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal. Anong karapatan ng mga kababaihan ang ipinapakita sa paraan ng foot binding?
A. Hindi nila nabibigyang kasiyahan ang kanilang pakikisalamuha sa mga paligsahan at patimpalak.
B. May mga pagkakataong nais nilang sumali sa mga beauty pageant subalit dahil sa kanilang sitwasyon ay hindi nila ito
naranasan.
C. Mainam ang ganitong sitwasyon sa kanilang seguridad.
D. Nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
_______16. Batay sa pag-aaral hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o
tinatawag na domestic violence, maging ang mga kalalakihan ay biktama nito.Ang mga sumusunod ay palatandaan ng
ganitong uri ng karahasan maliban sa isa.
A.Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
B.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyona nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
C. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
D. Nagseselos at palagi kang pinagdududahan.
_______17. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi
gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ito ng United Nations General
Assembly noong Disyembre 18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas dito noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
A. VAWC B. CEDAW C. GABRIELA D. Magna Carta of Women
_______18. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito:
“LGBT rights are human rights” - Ban Ki – Moon -UN secretary General
A. May pantay na karapatan ang lahat ng tao.
B. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao.
C. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao.
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao.
_______19. Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa
ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon
sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng
babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad
na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga
hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
B. Republic Act 9710
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta
_______20. Tawag sa mga babaeng mahirap o nasa di panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan
namatamo ang mga batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang
tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
A. Women in Especially Difficult Circumstances C. Marginalized Women
B. Primary duty bearer D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_______21. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
A. Nagsusulong ito mga ulat na nagpapakita ng mga kababaihang biktima ng karahasan.
B. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala
ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
C. Nilalayon ng CEDAW na maipahayag ang mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga kababaihang biktima ng pang-
aabuso at diskriminasyon.
D. Nagsusulong ang CEDAW ng mga patakarang magbibigay impormasyon sa mga nais iparating ng mga kababaihan sa kani-
kanilang gobyerno.
_______22. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong ika 6-9 ng Nobyembre 2006 nagtipon-tipon
sa Yogyakarta, Indonesia ang nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa
iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing layunin nito?
A. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig.
B. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT.
C. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan.
D. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT.
_______23. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bi-sexual.Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga
bata pa, para na kayong magkapatid hanggang sa matuklasan mo ang kanyang oryentasyon sekswal. Ano ang iyong gagawin?
A. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sayo.
B. Igagalang mo ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin ng aming pagkakaibigan.
C. Ipagkakalat kong siya ay isang bi-sexual.
D. Lalayuan at ikahihiya ang iyong kaibigan.
_______24. Suriin ang mga larawan at sagutin kasunod na tanong.
III. Panuto: Analohiya. Punan ng tamang salita upang mabuo ang konsepto at nilalaman ng mga salita.
30. Seven Deadly Sins : ____________________ ; International Bill for Women : CEDAW (GABRIELA)
31. foot binding : China ; __________________ : India (Purdah)
32. International Day for the Elimination of Violence Against Women : November 25
Anti-Homosexuality Act (Uganda) : _____________ (2014)
IV. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa patlang.
______33. Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16
______34. Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-
uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 2
______35. Mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at
karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng
nakakulong.
Women in Especially Difficult Circumstances
______36. Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago
at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
Magna Carta of Women
IV. (37-40) Panuto: Bilang mag-aaral, dapat lamang na aktibo kang makibahagi sa paglinang ng ganap na kalayaan ng lahat
ng Pilipino, maging anuman ang kasarian nito. Sa pagkakataong ito, ikaw ay gagawa ng isang Pledge of Commitment.
Pamantayan ng Pagmamarka
Pledge of Commitment
-Ang totoong nagmamahal ay parang matinong estudyanteng NAG-EEXAM. Hindi tumitingin sa iba kahit nahihirapan na. Goodluck!
Inihanda ni: Iniwasto ni:
Juna Corazon G. Poblacio Job DG. Lucero
Teacher III Head Teacher I