You are on page 1of 13

NAME:__________________________________________

10
GRADE/SECTION:______________________________

ARALING PANLIPUNAN
Kwarter III - Linggo 8
Mga Hakbang Tungo
sa Pagkakapantay-pantay

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Araling Panlipunan- Baitang 10
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter III - Linggo 8: Mga Hakbang Tungo sa Pagkakapantay-pantay

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa

Bumubuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Julie An P. Lambino

Pangnilalamang Patnugot: Rodney M. Ballaran

Editor: Enrile O. Abrigo

Tagawasto: Nimfa V. Alaska

Tagasuri: Marites L. Arenio, Fe O. Cabasal, Nimfa V. Alaska, Maria Lea A. Magbanua,


Rodney M. Ballaran, Carissa M. Calalin

Tagalapat: Baby Erma P. Anas

Tagapamahala:
Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado PhD. ASDS
Cyril C. Serador PhD. CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Marites L. Arenio, EPS-Araling Panlipunan
Fe O. Cabasal, PSDS
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyon Tagasuri ng LR: Ronald S. Brillantes, Mary Jane J. Parcon,


Rodney M. Ballaran, Jouilyn O. Agot, Carissa M. Calalin

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.(048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Aralin 1
Mga Hakbang Tungo
sa Pagkakapantay-pantay

MELC: Nakagagawa ng hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at paggalang sa


kasarian na nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
pamayanan

Layunin:
1. Natutukoy ang mga gawain na nagpapakita ng pagtanggap at paggalang sa
kasarian
2. Nasusuri ang mga karahasan at diskriminasyon sa kasarian na nararanasan
sa ating lipunan
3. Nakabubuo ng mga hakbang na nagtataguyod ng pagtanggap at paggalang
sa kasarian

Subukin Natin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

_____1. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga batas at programa na


nagpapatupad ng mga karapatan at pantay na pagtingin sa kasarian?
A. CEDAW C. Gender and Development
B. Anti VAWC D. Labor Code

_____2. Anong konsepto ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa


karapatan at responsibilidad sa lipunang kinabibilangan?
A. Gender Inequality C. Gender Sensitivity
B. Gender Equality D. Gender identity

_____3. Paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa kasarian ng iyong kapuwa?


A. Pagtanggap sa sexual orientation ng iyong kapuwa
B. Gayahin ang mga gawain at kilos ng iyong kaibigang LGBT
C. Kausapin ang iyong kaibigang LGBT na magbagong buhay
D. Pag-iwas na lamang sa mga kakilala mong LGBT

_____4. Inamin sa iyo ng iyong kaibigang babae na siya ay isang lesbian. Ano ang
magiging reaksyon mo ukol dito?
A. Iiwasan ko siya at hindi na kakausapin
B. Ipapaalam ko sa magulang niya para siya ay mapagsabihan
C. Tatanggapin at irerespeto anuman ang kasarian niya
D. Magagalit at lalayuan ko siya

1
_____5. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang at pagtanggap sa
kasarian?
A. Madalas nakararanas ng diskriminasyon ang mga LGBT
B. Tumaas ang bilang ng mga kababaihang nakararanas ng karahasan
ngayong panahon ng pandemya
C. Isinusulong ng grupong LADLAD ang karapatan ng mga LGBT
D. Ang mga kalalakihan ay nakararanas din ng di pantay na pagtingin sa lipunan

_____6. Natuklasan mo na ang iyong kaibigan ay isang bisexual. Siya ang lagi mong
kasama simula pa noon. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong
seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan
B. Ipagkakalat ko na siya ay bisexual
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong sekswal at panatilihin ang
aming pagkakaibigan.

_____7. Si Mina ay isang OFW at nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa ibang bansa.
Samantala ang kaniya namang asawa na si Rico ang naiwan sa kanilang mga
anak upang bantayan at alagaan ang mga ito. Ano ang mahihinuha mo sa
sitwasyong ito?
A. Mas maraming babae ang naghahanapbuhay at ang mga lalaki ang naiiwan
sa bahay
B. May pantay na karapatan ang babae at lalaki
C. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay
D. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan

_____8. Bakit mahalaga ang pagkilala at paggalang sa kasarian ng isang tao?


A. Ito ay ipinag-uutos ng ating batas.
B. Sila ay may malaking pakinabang sa ikauunlad ng ating lipunan.
C. Ang kawalang paggalang sa kapwa ay magdudulot ng magulong lipunan.
D. Bawat tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at karapatan.

_____9. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang na maaari mong
magawa at maitulong sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian?
A. Irespeto ang kapuwa anuman ang kasarian nito
B. Paglahok sa mga programang nagtataguyod ng karapatan sa kasarian
C. Manguna sa mga kumukwestiyon sa LGBT
D. Pagbahagi ng impormasyon ukol sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
sa kasarian

_____10. Bakit dapat magkaroon ng pantay na pagtingin sa kababaihan, kalalakihan, at


LGBT?
A. Nagpapakita ito ng magandang ugnayan sa isa’t isa
B. Magdudulot ito ng kaayusan sa ating lipunan
C. Ang lahat ng tao anuman ang kasarian ay may pantay na karapatan
D. Ito ay nasa batas at dapat sundin

2
Ating Alamin at Tuklasin

Paghawan Nananatiling malaking isyu at hamon ang


ng Balakid pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Ito ay isang
seryosong usapin at bawat isa ay hindi makakaiwas na
makaranas ng karahasan at diskriminasyon.
Gender Equality Ang mga kababaihan, kalalakihan at LGBT o
-ang pagkakapantay- Lesbian, Gay, Bisexual, at Transgender ay nahaharap sa
pantay ng kababaihan, malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-
kalalakihan, at LGBT pantay sa pamilya, paaralan, negosyo, lipunan at
sa karapatan at maging sa kasaysayan. Ibat ibang anyo ng
responsibilidad sa ating diskriminasyon at karahasan ang kanilang
lipunan. Tumutukoy ito nararanasan.
sa panininiwalang Kung kaya’t mahalagang malaman at
dapat magkaroon ng maunawaan natin ang mga bagay na maaari nating
pantay na pagtingin magawa at maitulong upang maisulong ang pagtanggap
anuman ang kasarian o at paggalang sa kasarian at maitaguyod ang
aspeto mayroon ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang kasapi ng
isang tao. pamayanan. Kaya halina at simulan mo ang iyong
pagkatuto sa araling ito.

Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin? Nawa’y iyong napahalagahan ang tugon


ng pamahalaan at mamamayan ng Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon. Sa bahaging ito, inaasahan na ikaw ay makabubuo ng mga hakbang
na magtataguyod ng pagtanggap at paggalang sa kasarian. Makatutulong ang mga
inihandang gawain upang higit na lumalim ang iyong pag-unawa sa isyung ito.

Ang pagkakapantay-pantay ng kasarian o Gender Equality ay nangangahulugan


na ang mga kababaihan, kalalakihan, at LGBT ay may pantay-pantay na karapatan at
responsibilidad sa lipunang kinabibilangan.Tumutukoy ito sa paniniwala na parehong
kalalakihan at kababaihan ay dapat makatanggap ng pantay na pagtingin sa anumang
aspeto sa ating lipunan. Ang pagkakapantay-pantay ng kasaraian ay tungkol din sa
pakikibahagi ng tungkulin para sa ikauunlad ng lahat. Kung mahahadlangan tayo ng
kasarian na makita ang kahinaan at kalakasan ng bawat indibiduwal, maari itong maging
dahilan ng diskriminasyon sa bawat isa.

Sa kabila ng nararanasang diskriminasyon at karahasang ito, patuloy pa rin ang


ginagawang hakbang ng pamahalaan at ilang mga pribadong mga grupo upang
matulungan at tuluyang mawakasan ang mga nangyayaring karahasan at diskriminasyon
sa kasarian. Matatandaan na may ilang mga grupo ang nagtataguyod ng karapatan ng
mga LGBT, gayundin ang pagsusulong din ng pamahalaan ng pantay na karapatan at
proteksiyon para sa mga kababaihan at kalalakihan.

Isa sa mga itinaguyod ay ang Prinsipyo ng Yogyakarta na naglalayong maikabit


sa Unibersong Karapatang Pantao ang karapatan ng LGBT at mabawasan ang
diskriminasyon at pang-aapi sa kanila. Nabuo naman ang Convention on the Elimination
of All Forms of Discrimination (CEDAW) na tumatalakay sa karapatan ng kababaihan
hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi pati sa aspetong kultural, pang-
ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
3
Dito naman sa Pilipinas,naisabatas ang Anti Violence Against Women and Their
Children Act na nagbibigay proteksiyon sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak
laban sa karahasan. Isinabatas naman ang Magna Carta for Women upang alisin ang
lahat ng diskriminasyon laban sa kababaihan at magkaroon ng pagkakapantay-pantay sa
mga babae at lalaki sa lahat ng bagay. Nagkaroon din ng Gender and Developmet o
GAD na nagnanais na magkaroon ang kababaihan ng kaparehong pagkakataon tulad ng
sa kalalakihan. Ang mga patakaran ng GAD ay naglalayong repormahan ang tradisyonal
na pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian. Ang plano ng pamahalaan para sa
GAD ay magkaroon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at
kababaihan. Ang gobyerno ay naglalaan ng badyet para sa iba’t ibang ahensya nito
upang higit na mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng
kasarian.

Hindi lamang ang mga pribadong grupo at pamahalaan ang maaaring


makapagsagawa ng mga hakbang upang maitaguyod ang pagtanggap, paggalang at
pagkakapantay pantay sa kasarian. Bilang mag-aaral at kasapi ng lipunan, maaaring
ikaw ang manguna at simulan sa iyong sarili ang mga bagay na makatutulong upang
maisakatuparan ito. Ang pagrespeto sa naramdaman ng isang tao ay nagpapakita ng
paggalang anuman ang kasarian mayroon sila. Ang pagsulong ng mga adbokasiya na
magpapalawak ng kaalaman sa iba’t ibang kasarian para mabigyan ng pang-unawa ang
bawat indibiduwal ay maaaring makatulong upang magkaroon ng pantay-pantay na
pagtingin sa kasarian ng tao. Pagyamanin ang pagmamahal sa kapuwa sa pamamagitan
ng paggalang at pangtanggap ang susi upang mawakasan ang ang mga isyu ng
diskriminasyon sa ating lipunan.

(Pinagkunan: “Araling Panlipunan 10- Mga Kontemporaryong Isyu-Learning


Module”, Learning Resource Management Development System, accessed
January 25, 2021, https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15478.)

Tayo’y Magsanay

Gawain 1
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap at iguhit sa patlang ang happy
face kung ito ay may katotohanan at sad face naman kung di-
makatotohanan.

_________ 1. Ang Anti “Violence Against Women and their Children” ay batas na
nagpoprotekta sa mga kababaihan at sa kanilang mga anak laban sa iba’t
ibang anyo ng karahasan.
_______ 2. Tumutukoy ang Gender Equality sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa
paniniwala na parehong kalalakihan at kababaihan ay dapat makatanggap ng
pantay na pagtingin.
_________ 3. Tumatalakay sa karapatan ng kababaihan ukol sa sibil, politikal, kultural,
pang ekonomiya, panlipunan, at pampamilya ang ”Prinsipyo ng Yogyakarta”.
_________ 4. Ang Gender and Development ay naglalayong repormahan ang tradisyunal na
pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian.
_________ 5. Ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan, at LGBT ay nagpapakita
lamang ng pantay na pagtingin sa kasarian ng isang tao.

4
Gawain 2
Panuto: Lagyan ng tsek (/) kung ang sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
pagtanggap at paggalang sa kasarian at ekis (X) naman kung hindi.

Gawain Tsek (/) Ekis (X)

1. Isinusulong at ipinaglalaban ng grupong GABRIELA ang mga


isyu at karapatan patungkol sa kababaihan.

2. Hindi tinanggap si Tessie sa inaaplayan niyang trabaho bilang


driver dahil siya ay isang babae.

3. Madalas tuksuhin ng iyong mga kaklase ang inyong kamag-


aral na lalaki dahil sa pagkikilos babae nito.

4. Sa kabila ng pag-amin ni Lisa na siya ay isang lesbian, hindi


naging dahilan iyon para iwasan siya ng kaniyang mga
kaibigan.

5. Ayon sa isang ulat, madalas na nakararanas ng


diskriminasyon at karahasan ang mga LGBT

Sa paanong paaran mo maipakikita ang paggalang at pagtanggap sa kasarian ng


isang tao?

Ating Pagyamanin
Gawain 1
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang mga pahayag
na may kaugnayan sa mga hakbang na maaari mong magawa upang isulong ang
pagkakapantay-pantay sa kasarian. Piliin lamang ang angkop na sagot sa loob ng
kahon. Isulat ito sa nakalaang patlang.

1. ____________ ang iyong karapatan bilang


respeto babae, lalaki, at LGBT.
2. Magkaroon ,ng __________ sa kapuwa anuman
ang kasarian nito.
Alamin 3. Bilang mag-aaral makiisa at lumahok sa mga
programang nagsusulong ng __________________
Pagkakapantay-pantay sa kasarian.
4. Tumulong sa pagbibigay ng impormasyon sa
kapuwa kabataan ukol sa mga karapatan at mga
potensiyal isyu ng karahasan at ______________ sa kasarian.
5. Suportahan ang mga kababaihan,
diskriminasyon kalalakihan, at LGBT na mabigyan ng
pagkakataon na maipakita ang kanilang
___________
5 na makatulong sa pagpapaunlad ng
ating lipunan.
Gawain 2
Panuto: Isulat sa talahanayan ang mga hakbang na maaari mong maitulong
upang maisulong ang pagkakapantay-pantay ng kasarian sa ating lipunan.

Mga Hakbang na Nagtataguyod ng Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian

1.

2.

3.

4.

5.

Bakit mahalaga na magkaroon ng paggalang at pagtanggap anuman ang


kasarian ng isang tao?

Ang Aking Natutuhan

Panuto: Piliin ang tamang salita sa loob ng kahon. Isulat ang angkop na sagot sa
bawat patlang upang mabuo ang konseptong pangkaisipan.

karapatan pagtanggap paggalang


Gender Equality pagkakapantay-pantay

Nalaman ko na ang __________________________ ay tumutukoy sa


pagkakapantay-pantay ng kasarian sa karapatan at responsibilidad sa lipunan.
Maaaring ipakita ang _____________ at __________________ sa kasarian sa
iba’t ibang paraan.
Bilang mag-aaral maaaari akong manguna upang magbigay kaalaman
ukol sa mga ______________ at mga isyu ng karahanasan at diskriminasyon
nararanasan ng mga kababaihan, kalalakihan, at LGBT sa pamayanan.
Sa pagsasagawa ng mga hakbang na natalakay malaki ang magiging
papel ko sa pagtataguyod ng _____________________________ ng kasarian sa ating
lipunan.

6
Ating Tayahin

Panuto: Unawain ang mga katanungan at isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.

____1. Anong konsepto ang tumutukoy sa pagkakapantay-pantay ng kasarian sa karapatan


at responsibilidad sa lipunang kinabibilangan?
A. Gender Inequality C. Gender Sensitivity
B. Gender Equality D. Gender identity

_____2. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga batas at programa na


nagpapatupad ng mga karapatan at pantay na pagtingin sa kasarian?
A. CEDAW C. Gender and Development
B. Anti VAWC D. Labor Code

____3. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng paggalang at pagtanggap sa


kasarian?
A. Madalas nakararanas ng diskriminasyon ang mga LGBT
B. Tumaas ang bilang ng mga kababaihang nakararanas ng karahasan ngayong
panahon ng pandemya
C. Isinusulong ng grupong LADLAD ang karapatan ng mga LGBT
D. Ang mga kalalakihan ay nakararanas din ng di pantay na pagtingin sa lipunan.

____4. Natuklasan mo na ang iyong kaibigan ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama
simula pa noon. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang
iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan
B. Ipagkakalat ko na siya ay bisexual
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong sekswal at panatilihin ang
aming pagkakaibigan.

____5. Paano mo maipakikita ang iyong paggalang sa kasarian ng iyong kapuwa?


A. Pagtanggap sa sexual orientation ng iyong kapuwa
B. Gayahin ang mga gawain at kilos ng iyong kaibigang LGBT
C. Kausapin ang iyong kaibigang LGBT na magbagong buhay
D. Pag-iwas na lamang sa mga kakilala mong LGBT

____6. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga hakbang na maaari mong magawa
at maitulong sa pagsusulong ng pagkakapantay-pantay sa kasarian?
A. Irespeto ang kapuwa anuman ang kasarian nito
B. Paglahok sa mga programang nagtataguyod ng karapatan sa kasarian
C. Manguna sa mga kumukwestiyon sa LGBT
D. Pagbahagi ng impormasyon ukol sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon
sa kasarian

____7. Bakit mahalaga ang pagkilala at paggalang sa kasarian ng isang tao?


A. Ito ay ipinag-uutos ng ating batas.
B. Sila ay may malaking pakinabang sa ikauunlad ng ating lipunan.
C. Ang kawalang paggalang sa kapwa ay magdudulot ng magulong lipunan.
D. Bawat tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at karapatan.
7
____8. Inamin sa iyo ng iyong kaibigang babae na siya ay isang lesbian. Ano ang magiging
reaksyon mo ukol dito?
A. Iiwasan ko siya at hindi na kakausapin
B. Ipapaalam ko sa magulang niya para siya ay mapagsabihan
C. Tatanggapin at irerespeto anuman ang kasarian niya
D. Magagalit at lalayuan ko siya
____9. Si Mina ay isang OFW at nagtatrabaho bilang isang kasambahay sa ibang bansa.
Samantala ang kanya namang asawa na si Rico ang naiwan sa kanilang mga anak
upang bantayan at alagaan ang mga ito. Ano ang mahihinuha mo sa sitwasyong ito?
A. Mas maraming babae ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa
bahay
B. May pantay na karapatan ang babae at lalaki
C. Ang mga lalaki ay maaaring manatili sa bahay at gawin ang mga gawaing bahay
D. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan
____10. Bakit dapat magkaroon ng pantay na pagtingin sa kababaihan, kalalakihan at
LGBT?
A. Nagpapakita ito ng magandang ugnayan sa isat isa
B. Magdudulot ito ng kaayusan sa ating lipunan
C. Ang lahat ng tao anuman ang kasarian ay pantay na karapatan
D. Ito ay nasa batas at dapat sundin

8
Susi sa Pagwawasto

Tayo’y Magsanay Ating Pagyamanin

Gawain 1 Gawain 1
1. Alamin
2. Respeto
1.
3. Pagkakapantay-pantay
2. 4. Diskriminasyon
5. Potensyal
3.
4. Gawain 2
(Mga posibleng sagot)
5. 1. Irespeto ang kapwa anuman ang kasarian nito
2. Pag-alam sa karapatan ng mga kababaihan,
Gawain 2 kalalakihana, at LGBT
1. / 3 Paglahok sa mga programang nagtataguyod ng
2. X pagkakapantay-pantay sa kasarian
3. X 4. Pagbahagi ng impormasyon ukol sa mga
4. / karahasan at diskriminasyon sa kasarian
5. X 5. Pagsuporta sa kakayahan ng bawat isa
anuman ang kasarian

Ang Aking Natutuhan Subukin Ating Tayahin

1. Gender Equality 1. D 6. D 1. B 6. C
2. Pagtanggap 2. B 7. B 2. D 7. D
3. Paggalang 3. A 8. D 3. C 8. C
4. Karapatan 4. C 9. C 4. D 9. B
5. Pagkakapantay- 5. C 10. C 5. A 10. C
pantay

Sanggunian
Website

Learning Resource Management Development System. “Araling Panlipunan 10- Mga


Kontemporaryong Isyu-Learning Module.” Accessed January 25, 2021.
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15478.

9
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL

Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito ang


iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI

1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at


pamamaraang nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa
iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY

Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo at


pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Contact Number : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

10
11

You might also like