You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION VIII
SCHOOLS DIVISION OF LEYTE
MAHAPLAG NATIONAL HIGH SCHOOL-UPPER

Gawain sa Pagkatuto sa ARALING PANLIPUNAN- 10


(WEEK 5&6)

MELC 5-6: Natatalakay ang mga epekto ng aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga gawaing
pansibiko sa kabuhayan, politika at lipunan.

Aralin 1 Politikal na Pakikilahok: Eleksiyon

Paksa: Politikal na Pakikilahok


Eleksiyon
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Ang pagboto ay isang
obligasyon at karapatang politikal na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas.

Sa pamamagitan ng pagboto, nakapipili ang mamamayan ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin nila ay
makapaglilingkod nang maayos. Ito ang pagkakataon kung saan naipakikita natin bilang mamamayan na tayo ang
pinanggagalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal; na tayo ay may kapangyarihan na alisin sila sa
puwesto kung sa tingin nila ay hindi ginagampanan nang maayos ang kanilang sinumpaang tungkulin. Sa
pamamagitan ng ating pagboto, tayo mismo ang nagtatakda ng kinabukasan ng ating bayan.

Pantay-pantay ang mga tao pagdating sa boto. Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto, mayaman
man o mahirap. Ngunit ang iisang botong ito ay lubhang makapangyarihan sapagkat maaari nitong baguhin ang
takbo ng buhay ng mga Pilipino. Ngunit sa kabila nito ay may mga nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa
eleksiyon. Halimbawa, nababalitaan pa rin natin na mayroon tayong mga kababayan na nagbebenta ng kanilang
boto sa mga politiko. Dahil dito maaaring sa halip na ang nakaupo sa pamahalaan ay mahuhusay at matitinong
opisyal na bumabalangkas at nagpapatupad ng mga programang may kinalaman sa edukasyon, kalusugan at
kabuhayan, maaaring ang maupo ay mga opisyal na sarili lamang ang iniisip.

Mga Kuwalipikadong Bumoto Mga Diskuwalipikadong Bumoto

- Mamamayan ng Pilipinas - Mga taong nasentensiyahan na makulong nang hindi


bababa sa isang taon. Maaari siyang makaboto muli
- Hindi diskwalipikado ayon sa batas pagkaraan ng limang taon pagkatapos niyang
- 18 taon gulang pataas matapos ang parusang inihatol sa kaniya

- Tumira sa Pilipinas nang kahit isang taon - Mga taong nasentensiyahan ng hukuman sa mga
at sa lugar kung saan niya gustong kasong rebelyon, sedisyon, paglabag sa Anti-
bumoto nang hindi bababa sa anim na Subversion at Firearms Law at anumang krimeng
buwan bago mag-eleksiyon laban sa seguridad ng bansa. Maaari siyang
makaboto muli pagkaraan ng limang taon pagkatapos
niyang matapos ang parusang inihatol sa kaniya.

- Mga taong idineklara ng mga eksperto bilang baliw.

Batay sa ISSP Citizenship Survey noong 2004, pangunahin ang pagboto bilang katangian ng isang mabuting
mamamayan para sa mga Pilipino. Kasama rin sa listahan ang wastong pagbabayad ng buwis, laging pagsunod sa
batas, pagsubaybay sa gawain ng pamahalaan at unawain ang opinyon ng ibang tao. Kung ang survey na ito ang
pagbabatayan, mababatid na malaki ang pagtingin ng mga Pilipino sa kahalagahan ng karapatang makaboto sa
kabila ng maraming balakid at mga suliranin.
Paksa: Politikal na Pakikilahok: Paglahok sa Civil Society
Hindi natatapos sa paglahok sa eleksiyon ang politikal na pakikilahok ng mga mamamayan. Sa
halip, unang hakbang lamang ito para sa isang malayang lipunan. Ang esensiya ng demokrasiya ay
ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan sa paraang higit pa sa
pagboto. Isang paraan dito ay ang pagbuo ng mga samahang direktang makikipag-ugnayan sa
pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan. Kaya naman napakahalagang
makilahok ng mamamayan sa tinatawag na civil society.
Ito ay tumutukoy sa isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado. Ang civil society ay
binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, lipunang pagkilos, at mga Non-
Governmental Organizations/People’s Organizations. Hindi naman bahagi nito ang tahanan, mga
negosyo, mga partido politikal, at mga armadong grupo na nagtatangkang pabagsakin ang
pamahalaan.
Katulad ng nabanggit, ang mga samahan na tinatawag na NonGovernmental Organizations
(NGOs) at People’s Organizations (POs) ay mahalagang bahagi ng civil society. Ang paglahok sa mga
samahang ito ay isa sa maraming paraan ng paglahok sa civil society.
Sa pamamagitan ng paglahok sa civil society, ang mga mithiin ng mga mamamayan ang
magiging batayan ng buong estado sa pamamahala ng isang bansa.
Sa katunayan, kinikilala ng Saligang Batas ng 1987 ang kahalagahan ng mga samahang
ito sa pagtataguyod ng kaunlaran.

Ipinaliwanag ni Constantino-David (1998) ang mga bumubuo sa civil society.

. lipunang pagkilos
. kilos protesta
Voluntary Organizations
a. People's Organizations (POs)
b. Non-governmental Organizations (NGOs)
Ang mga POs ay naglalayong protektahan ang interes ng mga miyembro nito. Dito
nahahanay ang mga sectoral group ng kababaihan, kabataan, magsasaka, mangingisda, at mga
cause-oriented group. Sa kabilang banda, ang mga NGOs ay naglalayong suportahan ang mga
programa ng mga people’s organization. Magkaiba man ang layunin ng dalawang uri ng samahan,
nagkakapareho naman ang mga ito sa mga gawain tulad ng pagsusulong ng mga adbokasiya,
pagsasagawa ng mga kampaniya at lobbying, at pakikilahok sa mga gawain sa lipunan.

Sa Pilipinas, tinatayang noong dekada 1960 nagsimulang mabuo ang mga NGO sa
kasalukuyan nitong anyo (Constantino-David, 1998). Ang mga NGO na nabuo sa panahong ito at
sa sumunod na dekada ay naglalayong tuligsain ang mga hindi makataong patakaran ng
pamahalaan at tulongan ang mamamayan na makaahon sa kahirapan. Ibig sabihin, ang mga NGO
ay nabuo bilang tugon ng mamamayan sa kabiguan ng pamahalaan na tugunan ang mga suliranin
ng mamamayan at sa pananaw na ang pamahalaan ay isa sa mga dahilan ng paghihirap nila.

Nang paslangin si Benigno “Ninoy” Aquino Jr. noong ika-21 ng Agosto 1983, umusbong ang mga
samahang direktang tumutuligsa sa pamahalaan. Ang ilan sa mga ito ay ang Justice for Aquino,
Justice for All (JAJA), Kongreso ng Mamamayang Pilipino (KOMPIL), at Bagong Alyansang Makabayan
(BAYAN). Nang mapatalsik sa kapangyarihan si Ferdinand Marcos at maluklok sa kapangyarihan si
Cory Aquino noong 1986, ay lumago ang bilang ng mga NGO. Sa panahong ito, ang atensiyon ng mga
NGO ay natuon na sa paglulunsad ng mga programang magpapaunlad ng kabuhayan ng
mamamayan.

Kasabay ng pag-usbong ng maraming mga NGO ay ang paglawak ng kanilang kahalagahan sa


lipunang Pilipino. Ang Local Government Code of 1991 ay isang mahalagang patunay sa papel na
ginagampanan ng mga NGO. Ayon dito, kailangang magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO
ang mga ahensya ng pamahalaan para sa mga programang ilulunsad nito. Nakasaad din sa batas na
ito ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal na pamahalaan. Ang layunin nito ay
bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga bayan, lungsod, o
lalawigan. Hindi dapat bumaba sa 25% ng mga miyembro ng local development council ang
manggagaling sa mga NGO at PO. Dahil sa mga probisyong ito, binigyan ng pagkakataon ang
mamamayan na makibahagi sa mga pagbuo at pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan sa

ii
pamamagitan ng mga NGO at PO. Isa itong patunay na hindi lamang nalilimitahan sa pagboto ang
maaaring gawin ng mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa.

Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas at bawat isa ay may kani-
kaniyang tungkulin sa bayan. (Putzel, 1998)

Iba't ibang uri ng NGO at PO sa Pilipinas


 TANGOs (Traditional NGOs) – nagsasagawa ng mga proyekto para sa mahihirap
 FUNDANGOs (Funding-Agency NGOs) – nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga people’s
organization para tumulong sa mga nangangailangan
 DJANGOs (Development, justice, and advocacy NGOs) – Nagbibigay suporta sa mga
komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay ng ligal at medikal na mga serbisyo
 PACO (Professional, academic, and civic organizations) – binubuo ng mga propesyonal at ng
mga galing sa sektor ng akademiya
 GRIPO (Government-run and initiated POs) – mga POs nabinuo ng pamahalaan
 GUAPO (Genuine, autonomous POs) – ito ay mga POs na itinayo mula sa inisyatibo ng
mamamayan at hindi ng pamahalaan

Bakit mahalagang makilahok ang mamamayan sa mga ganitong uri ng samahan? Sa pamamagitan
ng paglahok sa mga NGO at PO ay mas napaghuhusay ng mamamayan ang kanilang kakayahan para sa
mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing panlipunan. Pinagyayaman din ng mga samahang ito ang
pagiging bukas ng mga tao sa paniniwala ng iba, at pagkilala at pagrespeto sa karapatang pantao; ito ay
mahahalagang katangian ng isang mabuti at aktibong mamamayan na lubhang napakahalaga sa isang
demokrasiya.

Sa kabuuan, ang civil society ay nakabubuti sa isang demokrasiya. Binibigyan ng civil society ang
mga mamamayan ng mas malawak na pakikilahok sa pamamahala ng isang bansa. Sa pamamagitan ng
pag-enganyo sa mga mamamayan sa mga gawain ng civil society, masisiguro na magkakaroon ng
pananagutan ang bawat opisyal ng pamahalaan sa kanilang tungkulin (Bello, 2000).

Mahahalagang tungkulin ang mga NGO at PO sa Pilipinas sa kasalukuyan

Una, ang paglulunsad ng mga proyektong naglalayong paunlarin ang kabuhayan ng mamamayan
na kadalasan ay hindi natutugunan ng pamahalaan.
Pangalawa, nagsasagawa ang mga NGO ng mga pagsasanay at pananaliksik tungkol sa
adbokasiyang kanilang ipinaglalaban upang magising ang kamalayan ng mamamayan.
Panghuli, malaki ang papel ng mga samahang ito sa direktang pakikipag-ugnayan sa pamahalaan
upang maiparating sa kanila ang hinaing ng kanilang sektor at mga naiisip na programa at batas
na naglalayong mapagbuti ang kalagayan ng mamamayan. Dito pumapasok ang mga ginagawang
pagpoprotesta, pakikipagnegosasyon at lobbying o ang pag-impluwensiya sa mga desisyon ng
opisyal ng pamahalaan para makamit ang isang mithiin. Ang ilan sa mga halimbawa nito ay ang
ginawa ng CPAR o Congress for a People’s Agrarian Reform, isang koalisyon ng 70 NGO at PO,
kung saan hinikayat ang Kongreso na bumuo ng isang tunay na repormang pang-agraryo. Ang
NAC-FAR naman o Nationwide Coalition of Fisherfolk for Aquatic Reform, isang alyansa ng
walong samahang pangmangingisda, ay nakipaglaban para sa pagkakaroon ng Comprehensive
Fisheries Reform Code.

iii
Kini lang ang inyung ibalik nako.

ARALING PANLIPUNAN- 10
QUARTER 4 (5th – 6th WEEK)
written works:____________

performance task:________
NAME:__________________________ Section:________________ score

Gawain 1
Panuto: Basahin ng maigi ang mga katanungan at intindihin kung ano ang hinihingi nito. Piliin ang titik ng
tamang sagot mula sa pagpipilian at ISULAT ANG SAGOT SA GILID NG NUMERO.

1. Ano ang pinakamahalagang elemento ng Estado?


A. Batas B. Lipunan C. Mamamayan D.Pamahalaan
2. Ang mga sumusunod ay maling pananaw sa ukol sa pamahalaan maliban sa isa.
A. Ang pamahalaan lamang ang may tungkulin na bigyang solusyon ang mga isyung panlipunan
B. Ang mga opisyal ng pamahalaan ay inihalal upang bigyang-katugunan ang lahat ng ating
pangangailangan
C. Lahat na nabanggit ay maling pananaw
D. Wala sa nabanggit ay maling pananaw
3. Alin sa mga sumusunod ay hindi kwalipikadong bumoto?
A. Mamamayan ng Pilipinas
B. 18 taong gulang pataas
C. Mga taong napatunayan na may pagkakasala at makulong nang hindi bababa sa isang taon
D. Tumira sa Pilipinas kahit isang taon at hindi bababa sa anim na buwan kung saan siya boboto
4. Ayon sa ating Saligang Batas, saan nagmula ang lahat ng awtoridad na pamahalaan?
A. Batas B. Diyos C. Politiko D. Sambayanan
5. Ano ang pinakapayak na paraan na pakikilahok ng mamamayan sa gawaing politikal?
A. Pagtanggol sa bayan C. Pagbabayad ng buwis
B. Pakikilahok sa eleksiyon D. Pagiging masunurin sa batas
6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang dahilan kung bakit mahalaga para sa atin
bilang mamamayan ang pagboto?
A. Dahil ito ay karapatan natin C. Dahil ito ay isinasaad sa Saligang Batas
B. Dahil ito ay katungkulan natin D. Dahil ito ang nagtatakda ng ating kinabukasan
7. Alin sa mga sumusunod ay isang halimbawa ng maling pananaw sa pamahalaan?
A. Ang kahirapan ay kasalanan ng pamahalaan lamang
B. Katuwang tayo ng pamahalaan sa pag-unlad ng bayan
C. Ang pagbabayad ng buwis ay nakakatulong sa pamahalaan para makapagbigay ng serbisyo
D. Ang paghalal sa tamang kandidato ay mahalaga para sa ika-uunlad ng buhay natin
8. Pantay-pantay ba tayong lahat sa pagboto?
A. Oo, dahil bawat Pilipino ay may katungkulang bumoto
B. Oo, dahil bawat Pilipino ay may karapatang bumoto kapag nasa tamang gulang
C. Hindi, dahil ang mga mayayaman lamang ang nananalo sa halalan
D. Hindi, dahil ang ibang Pilipino ay ibinebenta ang kanilang karapatang bumoto
9. Ito ang kalimitang nangyayari kapag iniaasa ng mga mamamayan sa pamahalaan ang pagbibigay
solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan.
A. Nagbibigyan ng solusyon ang mga isyu at hamong panlipunan
B. Napapadali ang pagibibgay ng solusyon sa mga isyu at hamong panlipunan dahil hindi
nakikialam ang mamamayan
C. Sinisisi ng mga mamamayan ang pamahalaan kapag ang mga isyu at suliraning panlipunan
ay hindi nabigyan ng solusyon
D. Lahat ng nabanggit ay maaring mangyari
10. Maliban sa pagiging mulat ng mga mamamayan sa mga isyung panlipunan, ano pa dapat ang gawin
ng mga mamamayan upang matugunan ang mga isyung panlipunan na ito?
A. Pagtugon sa isyu B. Pagboto tuwing halalan
B. Simulan ang pagbabago sa sarili D. Lahat ng nabanggit
11. Anong artikulo ng Saligang Batas ng 1987 nakatala ang mga qualifications ng maaaring makaboto?
A. Artikulo IV B. Artikulo V C. Artikulo IX D. Artikulo X
4
12. Alin sa mga sumusunod ang nagiging balakid sa pakikilahok ng mga tao sa eleksiyon?
A. Pamimili ng boto C. Kakulangan ng kaalaman
B. Sobrang kahirapan D. Automated election
13. Ang mga sumusunod ay naging tugon ng Commission on Elections sa talamak na pamimili ng boto
maliban sa isa:
A. Automated elections
B. Pagpataw ng parusa sa mga namimili ng boto
C. Pagsagawa ng kampanya tungkol sa tamang pagboto
D. Pagtatalaga ng common poster areas tuwing eleksiyon
14. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahalagang dahilan kung bakit mahalaga para sa atin
bilang mamamayan ang pagboto?
A. Dahil ito ay karapatan natin C. Dahil ito ay isinasaad sa Saligang Batas
B. Dahil ito ay katungkulan natin D.Dahil ito ang nagtatakda ng ating kinabukasan
15. Pantay-pantay ba tayong lahat sa pagboto?
A. Oo, dahil bawat Pilipino ay may katungkulang bumoto
B. Oo, dahil bawat Pilipino ay may karapatang bumoto kapag nasa tamang gulang
C. Hindi, dahil ang mga mayayaman lamang ang nananalo sa halalan
D. Hindi, dahil ang ibang Pilipino ay ibinebenta ang kanilang karapatang bumoto
16. Ano ang kadalasang ginagamit ng mga NGO at PO upang makamit ang kanilang mga mithiin sa
pamamagitan ng pag-impluwensiya sa mga desisyon ng opisyal ng pamahalaan?
A. Lobbying B. Pakikipagnegosasyon C.Kilos protesta D. Wala sa pagpipilian
17. Isang sektor ng lipunan na hiwalay sa estado na binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga
kilos protesta, lipunang pagkilos at mga NGO’s at PO’s.
A. Religion B. Academic institutions C. Economy D. Civil society
18. Ang Philippine Red Cross ay isang sikat na NGO. Anong uri ng NGO ito nabibilang?
A. Traditional NGO’s C. Professional, Academic and Civic Organizations
B. Funding-agency NGO’s D. Development, justice and advocacy NGO’s
19. Paano nakatutulong sa mga NGO at PO ang pagbuo ng mga local development council sa bawat lokal
na pamahalaan?
A. Layunin nito na bumuo ng isang komprehensibong plano para makamit ang kaunlaran sa mga
bayan, lungsod at lalawigan
B. Napapatunayan nito na hindi lamang limitado sa pagboto ang maaring gawin ng mga
mamamayan para pagbutihin ang kalagayan ng bansa
C. Nabibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na makibahagi sa pagbuo at pagpapatupad
ng mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga NGO at PO
D. Lahat ng nabanggit ay mga bagay na nakatutulong sa mga NGO at PO
20. Ang mga people’s organization ay binubuo ng mga sectoral groups. Alin sa mga sumusunod ang hindi
isang sectoral group?
A. Grupo ng mga rebelde C. Grupo ng mga kababaihan
B. Grupo ng mga kabataan Grupo ng mga lumad o indigenous people
21. Ano ang layunin ng people’s organization?
A. Protektahan ang interes ng mga miyembro C. Lahat ng nabanggit
B. Sumuporta sa mga programa ng mga miyembro D. Wala sa nabanggit
22. Alin sa mga sumusunod ang gawain ng people’s organization at non-governmental organizations?
A. pagsusulong ng adbokasya C. lahat ng nabanggit
B. pakikipag-ugnayan sa pamahalaan D. wala sa nabanggit
23. Ayon dito dapat magkaroon ng konsultasyon sa mga NGO at PO ang mga ahensiya ng pamahalaan
para sa mga programang ilulunsad nito.
A. Lobbying C. Saligang Batas ng 1987
B. Local development council D. Local Governmant Code of 1991
24. Ito ay mga NGO na nagsasagawa ng mga proyekto sa mahihirap.
A. DJANGO’s (Development, Justice and Advocacy NGO’s)
B. GRIPO (Government Run and Initiated PO’s)
C. PACO (Professional, Academic and Civic Organizations)
D. TANGO’s (Traditional NGO’s)

5
Gawain 2
Panuto: Basahin at unawain ang mga campaign slogan ng mga tumakbong pangulo noong nakaraang
halalan. Sagutan ang mga pamprosesong tanong.

Competence and Experience, Only Binay – Jejomar Binay

Tapang at Malasakit! – Rodrigo Duterte

Ituloy ang Daang Matuwid – Mar Roxas

Pamprosesong Tanong:

1. Alin sa mga campaign slogan ang mas nakahihikayat sa iyo na bumoto sa mga tumatakbong pangulo?
Bakit?

2. Sa iyong pananaw, nakatutulong ba ang magandang campaign slogan ng isang kandidato upang
mahikayat ang mga tao na bumoto?

Gawain 3

Panuto: Punan ang talahanayan sa ibaba ng mga katangian ng isang kandidato na iyong iboboto. Sagutan
ang mga pamprosesong tanong pagkatapos mong punan ang talahanayan.

Mga katangian ng kandidatong gusto kung iboto.


1. ______________________________________________________________________
2. ______________________________________________________________________
3. ______________________________________________________________________
4. ______________________________________________________________________
5. ______________________________________________________________________
Pamprosesong Tanong:
1. Alin sa mga katangian na iyong sinulat ang pinakamahalaga para sa isang kandidato? Bakit?

2. Payag ka ba na tanging mga taong marunong bumasa at sumulat lamang papayagang tumakbo sa halalan? Bakit?

Gawain 4
Panuto: Sa bahaging ito ikaw ay hinihikayat na dagdagan ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng paghahanap ng mga
balita sa diyaryo, telebisyon o internet na may kinalaman automated election.

1. Ano ang automated election?

2. Sa iyong palagay nahihikayat ba ang mga botante na bumoto dahil sa automated


election?

You might also like