You are on page 1of 14

ARALING PANLIPUNAN

TUGON NG PAMAHALAAN AT
MAMAMAYAN SA MGA ISYU NG
KARAHASAN AT DISKRIMINASYON
Ikatlong Markahan-MELC 3
1.prinsipyo ng
yogyakarta ANG

2. Convention on the Elimination of All


MAHAHALAGANG
Forms of Discrimination Against Women
(CEDAW)
IMPORMASYON

TUNGKOL SA
3. Anti-Violence Against Women and
their Children Act (RA 9262) PAGTUGON NG

PAMAHALAAN.
4. Magna Carta for Women
Nasa 27 eksperto sa oryentasyong sekswal at
pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at
1.PRINSIPYO NG gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi

YOGYAKARTA ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia


noong Nobyembre 6-9, 2006 upang pagtibayin ang mga
prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng
mga LGBT. Ayon sa prinsipyong ito ang orientasyong
sekswal at pangkakilanlan ng kasarian ay hindi dapat
maging batayan ng diskriminasyon o pang-aabuso. Ilan sa
mga prinsipyong nakapaloob ay ang karapatan sa
unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao,
ang mga karapatan sa pagkakapantay-pantay at
kalayaan sa diskriminasyon, ang karapatan sa buhay, ang
karapatan sa trabaho, ang karapatan sa edukasyon at
ang karapatang lumahok sa buhay-pampubliko.
2. CONVENTION ON THE ELIMINATION
OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION
AGAINST WOMEN (CEDAW)
Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal
na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil
at politikal na larangan gayundin sa aspetong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya. Inaprubahan ng United Nations
General Assembly ang CEDAW noong Disyembre
18,1979 noong UN Decade for Women. Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
2. CONVENTION ON THE ELIMINATION
OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION
AGAINST WOMEN (CEDAW)
Ang ibang katawagan nito ay International Bill
for Women, The Women’s Convention at United
Nations Treaty for the Rights of Women. Ilan sa
mga tinataguyod nito ay pagkapantay-pantay ng
kababaihan, pagbabawal sa mga patakarang
umaagrabyado sa kababaihan, pagsugpo sa lahat
ng paglabag sa karapatan ng kababaihan,
pagbabago sa mga kostumbre at gawi na
nagdidiskrimina sa mga babae.
3. ANTI-VIOLENCE
AGAINST WOMEN AND
THEIR CHILDREN ACT (RA
9262)

Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban


sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at
proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.

Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa


kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at
babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon.

3. ANTI-VIOLENCE
AGAINST WOMEN AND
THEIR CHILDREN ACT (RA
9262)

Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng


babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong
(18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may
edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin
ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa
ilalim ng kaniyang pangangalaga.

3. ANTI-VIOLENCE
AGAINST WOMEN AND
THEIR CHILDREN ACT (RA
9262)

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring


managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan
at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating
kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or dating relationship” sa babae.
4. MAGNA CARTA
FOR WOMEN
Ito ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin
ang lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa
lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas
at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang
CEDAW.
4. MAGNA CARTA
FOR WOMEN
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng
bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad sa pamamagitan ng
pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang
mga karapatan ng kababaihan ay karapatang
pantao.

Sa mga batas na nabanggit pangunahing tungkulin ng


pamahalaan bilang “prime duty bearer” na ipatupad
ang mga batas na nangangalaga sa karapatang
pantao sa lipunan.
IV. MGA GAWAIN
A. ITAPAT!

Panuto: Natutunan mo ang mga batas na nagpoprotekta


mga batas sa talahanayan na kukumpleto sa hanay.
sa kababaihan at LGBT. Itala ang

iba pang babasahin, o maaring magtanong


sa kapatid, magulang o
Pagkatapos ay magsaliksik sa pamamagitan ng internet, diyaryo o

iba pang kasapi ng pamilya o komunidad sa mga batas na nangangalaga sa karapatan ng


kalalakihan.

Para sa Para sa Para sa


Kababaihan LGBT Kalalakihan

1. Bilang mag-aaral, bakit kailangang bigyan ng


proteksiyon ang mga mamamayan laban sa
karahasan at diskriminasyon?
2. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa
mga tugon ng pamahalaan sa isyu ng
karahasan at diskriminasyon?
V. Repleksiyon
Panuto: Gumawa ng repleksiyon na hindi bababa
sa lima at hindi hihigit sa sampung pangungusap
tungkol sa sinabi ni dating UN Secretary General
Ban Ki-Moon na “LGBT Rights are Human
Rights.”
THANK YOU!!!

Guimbal National Highschool group 1 and 2

end of discussion

You might also like