You are on page 1of 11

Kagawaran ng Edukasyon

Araling
Panlipunan 10-
Isyu at Hamong Panlipunan
Ikaapat na Markahan – SleM Week 4

Bienvinido C. Dayuta Jr
Manunulat

Mark Joseph C. Fernandez


Tagasuri

Mariel Eugene L. Luna


Editor at Layout

Schools Division Office – Muntinlupa City


Student Center for Life Skills Bldg., Centennial Ave., Brgy. Tunasan, Muntinlupa City
(02) 8805-9935 / (02) 8805-9940
Isang maganda at mapagpalang araw sa ating lahat. Sa bahaging ito ng
aralin ay iyong matutunghayana ang ilang halimbawa ng mga organisasyong
nagtataguyod ng sa mga karapatang pantao.Inaasahan din na matatapos moa ng
mga gawaing nakapaloob ditto, matataya at masusuri mo ang mga nasabing isyu
na magbibigay daan sa iyong malawak na pag-unawa sa pangangalaga at
pagtataguyod ng mga karapatang pantao.
Tayo na. Sabay-sabay nating tunghayan ang mga kaalamang inihanda sa
inyo sa module na ito. Lubos akong umaasa na kayo ay magkakaroon ng
kasanayang Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan (MELCs
#2 Qrt.4)
Aralin at Sakop ng Modyul
Aralin 1 – Mga Organisasyong Nagtataguyod ng mga Karapatang Pantao
1. Mga pandaigdigang organisasyon na nagtataguyod ng karapatang
panatao
2. Mga Lokal na organisasyon na nagtataguyod ng karapatang panatao
3.

Bilang panimula, subukin mong sagutan ang paunang pagsusulit na


matutunghayan mo sa bahaging ito. Alamin natin ang lawak ng iyong kaalaman
hinggil sa mga paksang ating tatalakayin.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang.


Piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot.

A. Human Rights Action Center B. Commission on Human Rights C. Global


Rights

D. Amnesty International E. African Human Rights Commission

F. National Human Rights Institution G. Free Legal Assistance Group

H. Task Force Detainee of the Philippines I. Asian Human Rights Commission

J. Philippines Alliance of Human Rights Advocates

1. Nagkakaloob ang samahang ito ng suportang legal, pinansyal, at moral sa mga


political prisoner at kanilang pamilya.
2. Ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na nagtataguyod at
nangangalaga ng mga karapatang pantao.
3. Kinilala ang Commission on Human Rights bilang ________________
4. Naging tagapagtaguyod ito ng mga karapatang pantao sa buong daigdig at

2
nagsilbing –boses ng mga nalalabag ang karapatan sa buong daigidig.
5. Pinalalakas nito ang mga aktibong kalahok na samahan na itala at ilantad ang
mga pang-aabuso sa karapatang pantao gayundin ang pagtataguyod ng mga
repormang patungkol dito.
6. Itinatag ito noong 1984 ng mga tanyag na grupong aktibo sa pakikipaglaban
para sa karapatang pantao sa Asya.
7. Pangunahing adhikain nito ang magsagawa ng pagsasaliksik at kampanya laban
sa pang-aabuso ng mga karapatang pantao sa buong daigdig.
8. Itinatag ang alyansang ito noong 1986 sa ating bansa at nilahukan ng mahigit sa
100 organisasyon mula sa iba’t-ibang bahagi ng Pilipinas.
9. Pangunahing ahensiya ng ating pamahalaan na tumitityak at nangangalaga sa
karapatang pantao ng mga mamamayan.
10. Layon nitong proteksiyonan at itaguyod ang karapatan ng mga tao at magbigay ng
interpretasyon sa African Charter on Human and People’s Rights.
Panuto: (Para sa bilang 11-15)
Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng
tamang sagot.
11.Ang ama ni Juan ay ipinakulong ng pamahalaan dahil sa tahasang pagtutol nito
sa mga kahina-hinalang gawain ng mga namumuno sa pamahalaan, ninanais
niyang humingi ng tulong sa isang pribadong samahan. Anong organisasyon ang
maari niyang lapitan?
a. SAGIP B. TASK FORCE DETAINEE C. GABRIELA D. KADAMAY
12. Ang mga sumusunod ay kabilang sa pandaigidigang organisasyon na
nagtatanggol sa karapatang pantao maliban sa ____________
a. Global Rights c. Amnesty International
b. Free Legal Assistance Group d. Human Rights Action Center
13.Bakit mahalaga na magkaroon ng aktibong Non –Government Organization na
nangangalaga sa karapatamg pantao ng isang bansa?
a. Dahil Ito ay nagsasagawa ng mga gawain at proyektong naglalayong
proteksyunan at siguraduhing natatamasa ng bawat isa ang karapatang pantao.
b. Dahil ito ay Nagsasagawa ng mga kilos protesta upang imulat ang mga
mamamayan sa katiwalian ng pamahalaan.
c. Dahil ito ay mahalaga sa pagpapaganda ng imahe ng mga namumuno sa
pamahalaan.
d. Dahil ang layunin nila ay maging bahagi ng pagpapatakbo ng pamahalaan
14. Ang mga sumusunod ay mga Non-Government Organizationsa na aktibong
nakikibahagi sa mga usapin ng karapatang-pantao sa Pilipinas maliban
sa_______
a. KARAPATAN b. F.L.A.G. c. UNESCO d. PHILRIGHTS
15. Si Phia ay isang mag-aaral na mulat sa mga isyung may kinalaman sa pang-
aabuso sa mga kabaihan. Nais niyang lumahok sa isang samahang nagtataguyod
ng karapatan ng mga kababaihan. Alin sa mga sumusunod ang nararapat niyang

salihan?
a. Grassroot Support Organization c. People’s Organization
b. Non-Governement Organization d. Civic Volunteer Group

3
Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang konsepto ng Universal Declaration
of Human Rights at Bill of Rights. Subukan nating alamin kung natatandaan pa
ninyo ang mga bagay na natutunan ninyo mula roon. Halina at subukan natin!

MEMORY GAME
Panuto: Gamit ang mga larawan/simbolo ng iba’t-ibang karapatang-pantao nasa
hanay A ay inyong tutukuyin ang ibig sabihin nito gamit ang mga salitang nasa
hanay b.

A B

A. Karapatang
Makapag-aral
1. B. Karapatang
makapag-lakbay
C. Karapatang
2. magkaroon ng due
process sa ilalim
ng batas
D. Karapatan sa
pagkakaroon ng
3.
pribadong
komunikasyon
E. Karapatan laban
sa lahat ng uri ng
4. pang-aabuso

5.

Sa nakaraang aralin, ating tinalakay ang mga dokumento ng Universal


Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights ng Saligang Batas ng 1987,
Bilang pagpapatuloy, ang bahaging ito ay tatalakay sa organisasyong nagtagaguyod
ng karapatang pantao sa loob at labas ng ating bansa.

Kinikilala ang makabuluhang papel ng pandaigdigang pagtutulungan, mahalagang


Gawain ng mga inidibidwal, grupo at samahan sa pag-ambag sa mabisang
pagwakas ng mga paglabag ng karapatang pantao at saligang kalayaan ng mga

4
mamamayan at indibiwal kasama din ang kaugnayan sa malawakan, walang
pakundangan at sistematikong paglabag tulad ng binunga ng apartheid, at lahat
ng porma ng diskirminasyong batay sa lahi, kolonyalismo, dominasyo ng mga
dayuhan o pananakop, pananalakay o pagbabanta sa pambansang soberenya,
pambansang pagkakaisa o integridad ng teritoryo at bunga ng pagtanggi na
kilalanin ang karapatan ng mamamayan sa pagsasarili (self-determination) at ang
karapatan ng lahat ng mamamayan sa paggamit ng buong soberenya sa kanyang
kayamanan at likas na yaman (Hango mula sa Pahayag ng Bansang Nagkakaisa
Hinggil Sa Mga Tagapagtanggol ng Karapatang Pantao, Panglalahatang Pagtitipon,
December 9, 1998).
Maraming samahan sa daigdig ang nabuo sa layuning itaguyod ang mga
karapatang pantao at tuluyang wakasan ang pang-aabusong nagaganap sa
kasalukuyan. Maging ito man ay panloob na organisasyon o pandaigdiga, at
magkakaiba man ng pamamaraan sa pagtugon ay iisa ang kanilang layuning
makapagbigay ng proteksyon sa mga karapatang pantao at tiyakin ang mga
mamamayan ay malayang natatamasa ang bawat karapatang nakapaloob sa kanila
bilang isang bahagi ng kanilang bansa.
Ang ilan sa mga pandaigdigang samahan ay ang mga sumusunod:

Amnesty International – ito ay isang


pandaigdigang kilusan na may kasapi
at tagasuportang umaabot sa mahigit
pitong milyong katao. Ang motto nito
ay “It is better to light a candle than
to curse the darkness.” Pangunahing
adhikain nito ang magsagawa ng
pagsasaliksik at kampanya laban sa
pang-aabuso ng mga karapatang
pantao sa buong daigdig. Gayundin
ang mabigyan ng katarungan ang
mga biktima ng paglabag sa
karapatang pantao. Aktibo Aktibo
ang organisasyong ito sa Pilipinas.

Human Rights Action Center


(HRAC) – Itinatag ito ni Jack Healey
na isang kilalang human rights
activist. Naging tagapagtaguyod ito
ng mga karapatang pantao sa
buong daigdig at nagsilbing-boses
ng mga walang boses at
tagapagtaguyod ng karapatang
pantao sa buong daigdig.
Nakikipag-ugnayan din ang HRAC
sa mga pinuno ng pandaigdigang
sining tulad sa musika, teatro,
pelikula, at maging ng printed
material upang maipalaganap ang
Global Rights –Pangunahing
kahalagahan ng karapatanglayunin
pantao
ng pandaigdigang samahang ito na
itaguyod at pangalagaan ang
karapatan ng mga taong walang
gaanong boses sa lipunan at 5
pamahalaan. Pinalalakas din nito ang
mga aktibong kalahok ng samahan na
itala at ilantad ang mga pang-aabuso
sa karapatang pantao at
Asian Human Rights Commission
(AHRC) – Itinatag ito noong 1984 ng
mga tanyag na grupong aktibo sa
pakikipaglaban para sa karapatang
pantao sa Asya. Layunin ng
samahang ito ang magkaroon ng higit
na kamalayan tungkol sa karapatang
pantao at pagsasakatuparan nito sa
buong Asya.

African Commission on Human


and People’s Rights – Ito ay isang
quasi-judicial body na
pinasinayaan noong 1987 sa
Ethiopia. Layon nitong
proteksiyonan at itaguyod ang
karapatan ng mga tao at magbigay
ng interpretasyon sa African
Charter on Human and People’s
Rights.

Sa ating bansa naman, ang may pangunahing responsibilidad na tiyaking ang


karapatang pantao ng mga mamamayan nito, ay natatamasa nang walang hadlang
ay ang Commission on Human Rights o mas kilala sa tawag na CHR. Ito rin ay
kinikilala bilang “National Human Rights Institution ( NHRI) ng ating bansa. Ito ay
nilikha sa pamamagitan ng Konstitusyon ng Pilipinas batay sa Artikilo XII, Seksyon
17 (1)

Ang mga sumusunod ang ilan sa mga programa at serbisyong pinagkakaloob ng


Commision on Human Rights upang maprotektahan ang karapatan ng bawat
Pilipino:
 Pagdodokumento at pangangasiwa ng mga reklamo tungkol sa paglabag sa
karapatang pantao.

6
 Pagbigay ng tulong at serbisyong legal sa mga biktima.
 Pagsubaybay sa kalagayan ng mga piitan at rehabilitation center kung may
kaso ng paglabag sa karapatang pantao
 Pagsasagawa ng mga forensic at serbisyong medico legal
 Pagsasagawa ng mga programa at adbokasiya upang higit na makapagbigay
ng impormasyon atv aktibong makilahok ang mga mamamayan sa
pangagalaga ng mga karapatang pantao

Sa kasalukuyan, mayroong mga Non-Government Organization an nakakatuwang


ang CHR SA pangangalaga ng karapatang pantao sa ating bansa, ang mga ito ay
aktibong nakikilahok sa pagtataguyod ng ating mga karapatan. Ang ilan sa mga ito
ay ang mga:

Free Legal Assistance Group (FLAG) –


ito ay isang pambansang grupo ng mga
. human rights lawyer na nagtataguyod
at nangangalaga ng mga karapatang
Philippine Alliance of Human pantao. Itinatag ito noong 1974 nina
Rights Advocates (PAHRA) – Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at
itinatag ang alyansang ito noong Joker Arroyo. Ilan sa mga adbokasiya
1986 at nilahukan ng mahigit sa
ng FLAG ay ang paglaban sa pag-usig
100 organisasyon mula sa iba’t
sa mga indibidwal sa kadahilanang
ibang bahagi ng bansa. Nilalayon
ng PAHRA na itaguyod, politikal, pang-aabuso ng military.
pangalagaan, at isakatauparan
ang tunay nap ag-iral ng
karapatang pantao.
Philippine Human Rights
Information Center
Mga
(PhilRights) – isang
Organisasyon organisasyon na nakarehistro
sa Pilipinas na sa SEC simula pa noong
nagtataguyod 1994. Konektado ito sa United
ng Karapatang Nations Department of Public
Pantao Information (UNDPI) at sa UN
Economic and Social Council.
Hangad ng PhilRights na
magkaroon ng bansang may
kultura ng pagkakapantay-
KARAPATAN: Alliance for the pantay ng tao.
Advancement of People’s Rights –
ito ay alyansa ng mga indibidwal,
organisasyon, at grupo na itinatag
noong 1995. Itinataguyod at
Task Force Detainees of the
pinangangalagaan nito ang mga
karapatang pantao sa Pilipinas. Ilan Philippines (TFDP) – Itinatag ito
sa mga programa ng alyansa ang noong 1974. Sinimulan ito na may
magkaroon ng mataas na antas ng adhikaing matulungan ang mga
kamalayan ang mga mamamayan sa political prisoner. Nagkakaloob din
kanilang mga karapatan, maging ang samahan ng suportang legal,
aktibo sa pagsuporta sa mga gawaing pinansiyal, at moral sa mga political
magtataguyod sa karapatang pantao. prisoner at kanilang pamilya.

7
Subukang nating palawakin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa
gawaing ito.

Magsaliksik ng isang samahan o organisasyong nagtataguyod ng karapatang


pantao sa Lungsod ng Muntinlupa o sa inyong barangay (Kung meron), matapos ay
punan ang hinihingi sa bawat talahanayan.

Isyung Mga hakbang


Pangalan ng Motto ng Adbokasiya pinagtutuunanng
organisasyon organisasyon pansin na
isinasagawa

Gabay na tanong:
1. Batay sa inyong pagsasalikisik, paano nakakatulong ang iyong napiling
organisasyon sa pagpapatupad ng karapatang pantao sa lungsod ng
Muntinlupa?
2. Kung ikaw ay magtatayo ng isang samahang magtataguyod ng karapatang
pantao, anong isyu/suliraning kinakaharap ng nito ang iyong bibigyang
pansin, at Bakit?

Ang pagkakaroon ng iba’t-ibang organisasyon na nagbibigay daan upang


matiyak na ang ating mga karapatan ay napangangalagaan ay isang malaking
bagay kung bakit matiwasay na nakapapamuhay ang mga mamamayan ng isang
bansa. Sa pamamagitan ng mga ganitong samahan ay nababantayan at
naiwawaksi ang anumang uri pang-aabuso ng sa isang indibidwal, pamayanan, at
maging ng kalikasan. Ang pagiging bantay-bayan ng ibat-ibang organisasyon sa
pagtatangka o pagpapatuloy na pang-aabuso ay naipapahatid sa kinauukulan at
sa kamalayan ng mga mamamayan, sa ganitong paraan ay nagkakaroon ng

8
kolektibong pagkilos ang publiko, pribadong sector at maging ng pamahalaan
upang tiyakin ang tuluyang pagwawaksi sa pang-aabuso ng may kapangyarihan sa
anumang uri ng anyo nito. Ang kakulangan ng aksyon o programa ng pamahalaan
upang mapanatiling iginagalang at pinatutupad ang mga nasabing karapatan ay
binibigyang katotohanan ng mga organisasyong nagtataguyod ng pantay na
karapatan.

Sa tulong ng mga mamamayan at ng pamahalaan, nakaiimpluwensiya ang


mga pandaigdigan at lokal na samahang ito upang magkaroon ng isang lipunang
nagtataguyod ng mga karapatang pantao.

Dial 888

PANUTO: Matapos ang pagbibigay linaw sa araling ito, ibabahagi mo naman sa


ibaba ang mga mahahalagang aral na natutunan mo. Gumupit ng Tatlong larawan
na patungkol sa paglabag sa karapatang pantao at idikit sa unang bahagi, tukuyin
ang paglabag na ginawa para sa gitnang bahagi at organisasyong maaring
pagsumbungan para tumugon sa isyung binigyang pansin.

Larawan Paglabag sa Karapatang Organisasyong pwedeng


Pantao lapitan
 Pag-aresto ng Free Legal Assistance
Gupit na larawan walang batayan group (FLAG)

II. Analohiya: Buoin ang analohiya sa pamamagitan ng pagsulat ng tamang


salita sa patlang.
1. HRAC: Human Rights Action Center ; AHRC:_____________________
2. Human Rights Action Center: Jack Healey ; Free Legal Assistance
Group:____
3. Pilipinas: Commission on Human Rights ; Ethiopia: ________________
4. PhilRights: Philippine Human Rights Information Center: TFDP:_______
5. Asian Human Rights Commission: 1984 ; PAHRA:______________
Panuto: (Para sa bilang 6-10) Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag
sa bawat bilang. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.

6. Sa Pilipinas, ang pangunahing ahensiya na namamahala sa pagtiyak


sa karapatang pantao ng mga mamamayan nito ay ang ________
a. Commission on Human Rights c.Free Legal Assistance Group
b. KARAPATAN d.Task Force Detainee of the Philippines

9
7. Nagsilbing-boses ng mga walang boses at tagapagtaguyod ng karapatang
pantao sa buong daigdig ______
a. Global Rights
b. African Commision on Human and People’s Right
c. Asian Human Rights Commission
d. Amnesty International
8. Ang samahang may motto na “It is better to light a candle than to curse the
darkness ay kilala bilang __________
a. Global Rights c. Commission on Human Rights
b. Amnesty International d. Asian Human Rights
9. Nakikipag-ugnayan din ito sa mga pinuno ng pandaigdigang sining tulad sa
musika, teatro, pelikula, at maging ng printed material upang maipalaganap
ang kahalagahan ng karapatang pantao
a. Asian Human Rights c. Human Rights Action Center
b. Amnesty International d. Global Rights
10.Ang Commision on Human Rights ay kinilala bilang “National Human Rights

Institution at pinagtibay ng Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas


alinsunod sa Seksyon 17 ng artikulo ______________
a. XV b. XIV c. XII d. XIII
(Para sa bilang 11-15) Ibigay ang hinihingi.
Magbigay ng limang gampanin o tungkulin ng Commission on Human
Rights sa pangangalaga at pagpapatupad ng karapatang pantao sa Pilipinas

SUSI SA PAGWAWASTO

Balik – tanaw Pagsusulit


Unang Pagsubok
1. E 1.Asian Human Rights
1. H 2. D Center
2. G 3. B 2. Jose Diokno,Lorenzo
3. F 4. A Tanada, Joker Arroyo
4. A 5. C 3. African Commission on
5. C Human and People’s
6. I Rights
7. D 4. Task Force Detainee of
8. J the Philippines
9. B 5. 1986
10.E 6. A
11.B 7. A
12.B 8. B
13.A 9. C
14.C 10.D
15.B 11-15: Refer to the page
6 for cross checking of
your answer

Sanggunian:
Kontemporaryong Isyu, Learner’s Manual 294-307 pp
https://tinyurl.com/y6avr7ul

10
11

You might also like