You are on page 1of 12

MGA KARAPATANG

PANTAO
Module 4: Aralin 2
Sa araling ito, bibigyang-pansin
ang mga karapatang pantao na taglay ng
bawat mamamayan. Tatalakayin din ang
bahaging ginagampanan ng mga karapatang
ito upang maging aktibong mamamayan na
tutugon sa mga isyu at hamon ng lipunan.
Ang paggiit ng mga karapatan ng mga
mamamayan ay ang esensiya ng lumawak na
pagkahulugan ng isang mamamayan.
Binibigyan nito ng kapangyarihan ang
mamamayan para maging aktibong kalahok
sa lipunan.
2
Ta g l ay n g b a wa t t a o a n g
PAGKABUO NG mga karapatang
nakabatay sa prinsipyo
KARAPATANG ng paggalang sa isang
indibidwal
PANTAO

3
Sinakop ni Haring Cyrus
ng Persia ang lungsod
ng Babylon. Pinalaya
ang mga alipin at
ipinahayag na maaari
silang pumili ng sariling
539 B.C.E relihiyon. Idineklara rin
ang pagkakapantay-
pantay ng lahat ng lahi.

Cyrus Cylinder –
tinaguriang “world’s
first charter of human
r i g ht s .”

4
Kinakitaan din ng kaisipan
tungkol sa karapatang pantao
ang iba pang sinaunang
kabihasnan tulad ng India,
Greece, at Rome.
Ang Judaism, Hinduism,
Kristiyanismo, Buddhism,
Ta o i s m , Islam at iba pa ay
nakapaglahad ng mga kodigo
tungkol sa moralidad, kaisipan
tungkol sa dignidad ng tao at
tungkulin nito sa kaniyang
kapuwa.

5
NOONG 1215
Sapilitang lumagda si John I,
Hari ng England, sa Magna Carta.
Isinasaad dito na hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-
arian ng sinuman ng walang pagpapasiya
sa hukuman. Nilimitahan ang
kapangyarihan ng hari ng bansa

6
NOONG 1628
Sa England, ipinasa ang “Petition of
Right” na naglalaman ng hindi pagpataw ng
buwis nang walang pahintulot ng Parliament,
pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na
dahilan, at hindi pag deklara ng batas
militar sa panahon ng kapayapaan

7
Inaprubahan ng United
States Congress ang
Saligang-batas ng
kanilang bansa.
Nakapaloob rito ang Bill
NOONG 1787 of Rights – nagbigay-
proteksiyon sa mga
karapatang pantao ng
lahat ng mamamayan at
maging ang iba pang
taong naninirahan sa
ibang bansa.

8
NOONG 1789
Nagtagumpay ang French Revolution
na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni
Haring Louis XVI. Sumunod ang paglagda
ng “Declaration of the Rights of Man and
of the Citizen”, na naglalaman ng
karapatan ng mamamayan.

9
NOONG 1864
Isinagawa ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at
ilang estado ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala ito
bilang “The First Geneva Convention” na may layuning isaalang-alang
ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
anumang diskriminasyon.
10
NOONG 1948

Itinatag ng United
Nations Commission sa
pangunguna ni Eleanor
Roosevelt, asawa ng
yumaong pangulong Franklin
Roosevelt ng United
States. Sa pamamagitan ng
naturang komisyon,
nilagdaan at ipinatupad
ang dokumentong tinawag na
Universal Declaration of
Human Rights.

11
Sanggunian:
United for Human Rights (2014).
A Brief History of Human
Rights:
http://www.humanrights.com/what
-are-human-rights/brief-
history/cyrus-cylinder.html;
http://www.universalrights.net/
main/histo[him

Add a Footer 12

You might also like