You are on page 1of 46

Magandang Umaga Klas!

Lord, we look to you now for guidance and instruction. We ask that you bless this session in every way, bless the students, bless the teacher and the observers. Take full control, Oh God, and may everything go according to your will and purpose in
Jesus' name we pray. Amen!
KARAPATANG PANTAO
MODYUL 2

ARALING PANLIPUNAN 10
Layunin: Naipaliliwanag ang kahalagahan ng
pagsulong at pangangalaga ng karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong
Panlipunan.

SIMULAN NA
1. Ano ang naganap na gawaing
politikal noong May 9, 2022?
1.Sa Pilipinas, Saan nakasulat ang mga tungkulin at karapatan
bilang isang mamamayan ng bansa?

Sagot: Saligang Batas

2. Sa anong Artikulo ng Saligang Batas maituturing na


Pilipino sa bansa ang isang mamamayan?

Sagot: Artikulo 4
TUKLASIN

Mahalaga bilang isang


aktibong mamamayang
Pilipino na malaman mo ang
iyong mga karapatan.
Panata sa mga Karapatang Pantao
Ng Komisyon sa Karapatang Pantao

Ako ay Pilipino.
Kikilalanin ko, igagalang, ipagtatanggol
at isasakatuparan ang dignidad at
karapatan ng bawat tao nang walang
pagtatangi sa kasarian, lipi,
pananampalataya at katayuan sa buhay.
Igagalang ko ang iyong mga karapatan
maging sino ka man. Maging
magkasalungat man tayo ay
paninindigan ko ang mga karapatan mo.
Diringgin ko ang tinig ng kabataan,
kababaihan, nakatatanda, katutubo at
mga may kapansanan nang may
paggalang at pagkilala sa kanilang
kakayahan.
Titiyakin ko na ang bawat bata ay hindi
salat sa pagkalinga, at may matiwasay na
lipunang ginagalawan.

Tututulan ko ang anumang


pagmamalabis sa kapangyarihan,
katiwalian, at pagyurak sa karapatan ng
mga manggagawa, mga mahihirap, at
mga sektor na higit na nangangailangan.
Babantayan ko na gagampanan ng
pamahalaan ang kaniyang tungkulin na
igalang, ipagtanggol at isakatuparan ang
mga karapatang pantao ng lahat.
Paninindigan ko ang aking pananagutan
sa aking kapwa. Kung mayroon mang
Karapatang Pantao na ipinagkakait o ‘di-
binibigyang halaga, ako ay
MANININDIGAN.
Sisigaw ako. Kikilos ako. Gagamitin ko
ang aking mga karapatan para
MANINDIGAN sa mga Karapatan ng
aking kapwa tao.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang mga pangakong inilahad sa panata?

2. Bakit mahalagang gawin ng isang kabataang


katulad mo ang mga tungkulin at pananagutan
ng iyong nabasa?
K A HA L AG A HA N N G
KAHULU G A N AT
ATA N G PA N TA O
KARAP

SURIIN
Kahulugan at
Kahalagahan ng
Karapatang Pantao

ANO ANG KARAPATANG


PANTAO ?
Kung wala tayong
Eto ay yaong mga karapatang pantao,
karapatan na hindi natin lubusang
kinakailangan para sa magagamit at
ating buhay bilang tao. mapauunlad ang ating
mga katangian, ang
ating talino, talento at
espiritwalidad.
Ang karapatang pantao ay ang mga
karapatan na tinatamasa ng tao sa
sandaling siya ay isilang.
Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang
siya ay mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang
kanyang mga pangangailangan upang siya ay mabuhay nang
may dignidad bilang tao.

DEPED
HERO
Mahalagang malaman ang ating karapatan upang matamasa
natin ang mga pangunahing pangangailangan bilang tao.
Sinumang umagaw sa ating pangangailangan o kumitil sa
ating buhay nang walang dahilan ay lumalabag sa ating
karapatan bilang tao. Maaari tayong dumulog sa hukuman
kung sakaling nahahadlangan ang ating karapatan.
Ang pagkilala sa karapatang
pantao ay pagkilala sa
karapatan ng iba.
MGA BATAYANG LEGAL NG
KARAPATANG PANTAO
ARALIN NATIN
1. ANG PANDAIGDIGANG DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO
(UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS O UDHR)

agtakda ang United Nations ng isang


angkalahatang pamantayan ng karapatang pantao
ara sa lahat ng bansa noong 1948, nang itinatag nito
ng Universal Declaration of Human Rights (UDHR).
1. ANG PANDAIGDIGANG DEKLARASYON NG KARAPATANG PANTAO
(UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS O UDHR)

a pamamagitan ng deklarasyong ito, kinikilala ng


amahalaan ang kanilang obligasyon na siguraduhing
hat ng mga tao, mayaman at mahirap, lalaki o
abae, at mula sa anumang lahi at relihiyon, ay
atratuhin nang pantay. Kabilang sa mga ito ang
arapatang:
1. Ang Pandaigdigang Deklarasyon ng Karapatang Pantao
(Universal Declaration of Human Rights o UDHR)
Sibil-ang mga karapatan ng tao upang mabuhay na malaya at
mapayapa.
Politikal-ang mga karapatan ng tao na makisali sa
mga proseso ng pagdedesisyon ng pamayanan.

Ekonomiko (pangkabuhayan)-ang mga karapatan


ukol sa pagsusulong ng kabuhayan at disenteng
pamumuhay.

Sosyal (panlipunan)-ang mga karapatan upang


mabuhay ang tao sa isang lipunan at isulong ang
kanyang kapakanan.

Kultural-ang mga karapatan ng taong lumahok


sa buhay kultural ng pamayanan at magtamasa
ng siyentipikong pag-unlad ng pamayanan.
Ang mga probisyon ng UDHR ay ang mga sumusunod:

malaya at pantay-pantay (free kalayaan mula sa pagpapahirap


and equal); (freedom from torture);

kalayaan mula sa karapatang kilalanin sa harap


diskriminasyon (freedom ng batas (right to recognition
from discrimination); before the law);

karapatan sa pagkakapantay-
karapatan sa buhay (right
pantay sa harap ng batas
to life);
(right to equality before the
law)

kalayaan mula sa pang-aalipin karapatan sa mabisang lunas ng


(freedom from slavery); karampatang mga hukumang
pambansa (access to justice);
2. KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN, SALIGANG BATAS NG 1987

ng pamahalaan ng Pilipinas ang isa sa mga bansang


agbigay ng mataas na pagpapahalaga sa dignidad at
mga karapatang pantao.
2. KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN, SALIGANG BATAS NG 1987

ilang patunay, malinaw na inilalahad sa Artikulo II,


eksyon 11 ng Saligang Batas ng 1987 ang
agpapahalaga ng Estado sa karangalan ng bawat tao
t ginagarantiyahan nito ang lubos na paggalang sa
mga karapatang pantao.
2. KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN, SALIGANG BATAS NG 1987

nisa-isa ng Estado sa Artikulo III ng Saligang Batas


g 1987 ang Katipunan ng mga Karapatan (Bill of
ights) ang pinagsama-samang karapatan ng bawat
ao mula sa mga dating Saligang-Batas at
aragdagang karapatan ng mga indibiduwal na
akapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.
Ayon sa aklat ni De Leon
et al. (2014), may tatlong uri
ng mga karapatan ang bawat
mamamayan.
NATURAL
mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi
ipagkaloob ng Estado.

Halimbawa: karapatang mabuhay, maging malaya, at


magkaroon ng ariarian
CONSTITUTIONAL
mga karapatang ipinagkaloob at pinangangalagaan ng
Estado.
• Karapatang Politikal-kapangyarihan ng mamamayan na
makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatatag at
pangangasiwa ng pamahalaan.

• Karapatang Sibil-mga karapatan na titiyak sa mga pribadong


indibiduwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay
sa paraang nais nang hindi lumalabag sa batas.
• Karapatang Sosyo-ekonomik-mga karapatan na sisiguro sa
katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng
mga indibiduwal.

• Karapatan ng Akusado-mga karapatan na magbibigay


proteksiyon sa indibiduwal na inaakusahan sa anumang
krimen.
STATUTORY
mga karapatang kaloob ng binuong batas at maaaring
alisin sa pamamagitan ng panibagong batas.

Halimbawa: karapatang makatanggap ng minimum


wage
KANINO KA
KANINO KA
MAGREREKLAMO
KAPAG MAY
Paglabag
?
SA IYONG MGA

Karapatan
• Kapag bahagi ng gobyerno (pulis, militar,
korte, at iba pa) ang nag abuso ng tao, ito ay
isang human rights violation. Maari itong
i-report sa CHR.

• Kapag sibilyan o pribadong tao ang nang-


rape, pumatay at iba pa, ito ay krimen. Sa
pulis ka dapat pumunta.
• Kapag ang biktima ay kabilang sa
marginalized, disadvantaged o vulnerable
sector, ito ay isang krimen at human rights
violation. Sa pulis ka pumunta at sa CHR ka
dapat mag-report.
ANG MGA KARAPATANG PANTAO AT ANG
PAGKAMAMAMAYAN

Hindi sapat na bati d mo lamang ang iyong mga


karapatan. Hindi dapat ito nagwawakas o
tumiti gil sa ati ng pagtukoy lamang sa mga ito.
Tungkulin at responsibilidad nati n bilang mga
mamamayang Pilipino na isulong at pangalagaan
ang mga karapatang pantao.
PAGYAMANIN
Bilang isang mag-aaral paano mo
mapapangalagaan ang kapakanan ng
mga mamamayan batay sa karapatang
pantao na iyong natutunan?
Paglalahat ng Aralin: Anong karapatang pantao ang
tingin mo ay dapat nating pagtuunan ng pansin?
Pagtataya ng Aralin

Takdang Aralin
Ipagpatuloy na basahin ang tungkol sa
Karapatang Pantao
     
  Rubrik sa Pagpupuntos ng mga
Gawain
       
Pamantayan Paglalarawan Puntos Nakuhang
Puntos
       
  Wasto ang mga impormasyon.  
Nilalaman Naglalaman ng pangunahing 4
kaalaman tungkol sa mga
karapatang pantao
       
  Mahusay sa naipahatid ang mga  
Presentasyon mensahe sa mga karapatang pantao 3
       
  Mahusay ang pagkakalatag ng  
Pagkamalikhain angkop na salita at paliwanag ukol sa 3
  mga karapatang pantao
       
Kabuuang Puntos 10
Maraming Salamat sa
Pakikilahok!

You might also like