You are on page 1of 10

ARALING

PANLIPUNAN 10
Ikaapat na Markahan
Unang Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use. All
Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Maria Fe L. Molo Evaluator/s: Fatima D. Notarte,


Illustrator Franklin P. Oranza
Layout Artist:
Learning Area EPS: Analiza G. Doloricon
PSDS/DIC: Aileen Glorina B. Abunda

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae M. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns

Telefax:

Email Address:
Kasanayang Pagkatuto: Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong
pagkamamamayan

Mga Layunin: Sa pagtatapos ng linggo, ikaw ay inaasahang:


▪ nasusuri ang konsepto ng pagkamamamayan;
▪ nakagagawa ng sanaysay tungkol sa kahalagahan ng aktibong
mamamayan; at
▪ napahahalagahan ang mga angkop na kilos bilang isang aktibong
mamamayan.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

Legal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan


Legal na Pananaw

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o


katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego
nang umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng
mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga
taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang isang mamamayan ay
inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis tulad ng paglahok sa mga
pampublikong asembleya at paglilitis. Ito ay maaaring pulitiko, administrador,
husgado, at sundalo.
Sa paglipas ng maraming panahon ay nagdaan sa maraming pagbabago
ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin
ang citizenship bilang isang legal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang
nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan
ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang
tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.
Dito rin makikita kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at
ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa,
tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng 1987
Saligang Batas ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan.
Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

1
ARTIKULO IV: PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang-
batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.

SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas


mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino.
Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1,
Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.

SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa


paraang itinatadhana ng batas.

SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng


Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.

SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang


pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sa kabila nito ay maaaring mawala ang pagkamamamayan ng isang


indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon
sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1.) ang panunumpa ng
katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa; 2.) tumakas sa hukbong sandatahan
ng ating bansa kapag may digmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.

Sa puntong ito ay maliwanag na sa iyo kung saan nagmula ang konsepto ng


citizenship at ang tradisyunal na pananaw nito. Sa susunod na mga talata ay iyong
matutunghayan kung paano sa pagdaan ng panahon ay lumawak ang konsepto
ng pagkamamamayan. Pansinin ang malaking pagkakaiba ng tradisyunal at ang
pagiging malawak na pakahulugan ng pagkamamamayan.

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.


Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga
tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan

2
at sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Mangyari pa, tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama
ang ibang tao.
Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga
karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong
kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na
layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang
mamamayan ang kaniyang mga karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang
gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga
kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay
hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng pamahalaan sapagkat wala
namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang
estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan
sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang kolektibong pananaw
at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban
(2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi
sa mga bayani, ganap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may
disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing
maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga
simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng
pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang
pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga puslit (smuggled) na kalakal. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-
bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang mga
anak.

3
Mga Katangian ng Isang Aktibong Mamamayan
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga maaaring maging katangian ng
isang mamamayan na aktibong nakikihalubilo sa kanyang kapwa at sa komunidad
na kanyang kinabibilangan:

1. Pagkakaroon ng katapatan: Ang katapatan ay nagiging ugat ng


pagkakaroon ng kapayapaang pansarili.
2. Pagiging responsable: Ang pagiging responsable ay susi sa pagkamit ng
kaunlarang pansarili.
3. Pagiging magalang: Ang pagiging magalang ay isang katangian na
nakapagdudulot ng kasiyahan sa mga nakatatanda.
4. Pagiging makatarungan at walang kinikilingan: Ito ay nakatutulong upang
mabawasan ang diskriminasyon.
5. Pagiging curious: Ito ay nagdudulot ng mga pag-aaral sa siyensiya.
6. Pagiging aktibo sa mga gawain sa komunidad: Mas nagiging makahulugan
ang mga proyekto ng komunidad kung ang mga mamamayan ay magiging
mas aktibo.
7. Pagiging maka Diyos: Ito ay susi sa pagkakaroon ng kaganapang pantao.
8. Pagiging makatao o mapagmahal sa kapwa
9. Pagiging makakalikasan o pagkakaroon ng pagmamahal sa kapaligiran

Kahalagahan ng Pagiging Isang Aktibong Mamamayan

Ang pagiging isang aktibong mamamayan ay mahalaga hindi lamang para


sa pansariling interes ngunit para na rin sa ikabubuti ng buong komunidad o bansa
na kinabibilangan. Narito ang ilan sa mga kahalagahan ng pagiging isang aktibong
mamamayan:

▪ Ang pagiging isang aktibong mamamayan ay nakatutulong upang mapabuti


ang ating sarili.
▪ Ang pagiging isang aktibong mamamayan ay maaaring magbunga ng
kaunlaran para sa bayan.
▪ Ang isang aktibong mamamayan ay nakatutulong upang ipakalap ang
pagmamahal sa kapwa.
▪ Ang isang aktibong mamamayan ay nagiging instrumento ng pagkakaroon
ng kapayapaang pandaigdig.
▪ Ito rin ay nakatutulong upang mapangalagaan lalo ang ating kapaligiran at
ang mga may buhay na nakatira dito.

4
Gawain 1: Venn Diagram

Panuto: Gamit ang Venn diagram tukuyin ang pagkakaiba at pagkakatulad ng legal at
lumawak na konsepto ng pagkamamamayan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Legal na Lumawak na
Pananaw Pananaw

Pagkakatulad

Gawain 2. Isulat Mo!


Panuto: Gumawa ng isang maikling sanaysay na may pamagat na “Ako, Bilang
Mamamayan ng Pilipinas” na binubuo ng isa hanggang dalawang talata tungkol
sa pagiging aktibong mamamayan.

Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.

Rubriks sa Pagmamarka
5 Puntos -kung malinaw at maayos na naipapaliwanag ang ideya o
paksa
3 Puntos - kung hindi masyadong malinaw na naipapaliwanag ang
ideya o paksa.
1 Puntos -kung hindi tugma ang ideya sa paksa

5
Gawain 3: Magnilay-nilay!

Panuto: Bilang isang mag-aaral at kabataang Pilipino, pagnilayan ang iyong naging kilos
sa mga nagdaang panahon at kompletuhin ang mga pahayag o pangungusap na
nasa ibaba.

Ilan sa mga kilos na aking nagawa na nagpapakita ng pagka-aktibong kabataan


ay
________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Mahalaga na tayo ay maging aktibong mamamayan sapagkat

________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.

Rubriks sa Pagmamarka
5 Puntos -kung komprehensibo at malinaw ang nilalaman ng
sagot.
3 Puntos - kung hindi masyadong malinaw na naipahayag ang
sagot.
1 Puntos -kung hindi tugma ang ideya sa paksa

Pagsusulit
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Alin sa sumusunod ang HINDI maituturing na mamamayang Pilipino ayon sa


1987 Saligang Batas ng Pilipinas?
A. yaong mga naging mamamayan ayon sa batas
B. yaong ipinanganak sa ibang bansa na Pilipino ang mga magulang
C. yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas
D. yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang
Saligang-Batas na ito

6
2. Ano ang tawag sa katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan
o estado?
A. Bill of Rights C. Pagkamamamayan
B. Human Rights D. Saligang Batas
3. Paano mo mailalarawan ang isang aktibong mamamayan?
A. Pinipilit ang sarili sa pagtulong
B. Hindi pagtupad sa mga gawaing pansibiko
C. Napipilitang gampanan ang mga gawaing pansibiko
D. Bukas-loob niyang tugunan ang kaniyang mga tungkulin

4. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang HINDI nagpapakita ng lumawak na


konsepto ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa
pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kanyang mga
pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang
lokal na pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na
naglalayong bantayan ang kaban ng bayan.

5. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang legalidad ng kanyang


pagkamamamayan sa isang bansa? Upang _______________________________.
A. magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. matiyak ang kanyang mga tungkulin at pananagutan
C. mabatid niya ang kanyang mga karapatan at tungkulin
D. maigawad sa kanya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

7
Susi sa pagwawasto

Gawain 1. Venn Diagram

Lumawak na
Legal na Pananaw Pananaw
Ito ay hindi tumitingin
Ito ay tumutukoy sa lamang sa katayuan
Mas lumawak sa lipunan batay sa
katayuan at ang mga
kalagayan ng isang pananaw ng estado kundi
indibidwal bilang mga tinitingnan nito ang
kabahagi ng mamamayan sa pagkakaisa at
ligal na basihan pagtupad sa tungkulin
lipunan o estado na at pananaw ng
naibabatay sa pagiging isang ng mamamayan para
kasaysayan ng mamamayan. sap ag-unlad at
lipunan ikabubuti ng kanilang
lipunan.

Sanggunian

Department of Education, Kontemporaryong Isyu – Modyul pasa sa mga Mag-aaral


Baitang 10, pp. 355-360.

Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas

https://www.slideshare.net/froidelyndocallas/pagkamamamayan

You might also like