You are on page 1of 5

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Pambansang Punong Rehiyon
SANGAY NG MGA PAARALANG PANGLUNGSOD
LUNGSOD QUEZON
Tandang Sora National High School

IKATLONG MARKAHANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10


“MGA KONTEMPORARYONG ISYU”
Taong Panuruan 2018 – 2019

Piliin ang titik ng pinakatamang sagot at isulat as sagutang papel.


1. Ito ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.
A. sex B. bi-sexual C. gender D. transgender
2. Ayon sa World Health Organization (WHO), ano ang tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba
ng babae sa lalaki?
A. bi-sexual B. gender C. transgender D. sex
3. Ito ay tumutukoy nakararamdam na atraksiyon sa kanilang kapwa lalaki, nagdadamit at kumikilos na parang babae.
A. Lesbian B. Bakla C. Bi-sexual D. Transgender
4. Ito ay ang anumang pag-uuri, eksklusiyon o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at
pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. pang-aabuso B. pagsasamantala C. diskriminasyon D. pananakit
5. Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages ay maaring paarusahan ng habambuhay na
pagkabilanggo. Ano ang batas na ito?
A. Anti-Homosexuality Act of 2010 B. Anti-Homosexuality Act of 2012
C. Anti-Homesexuality Act of 2013 D. Anti-Homesexuality Act of 2014
6. Ang pagbabayad at pagtanggap ng dowry ay daantaong nang tradisyon sa India at sa iba pang bansa sa Timog Asya. Ang magulang ng
babae ay magbibigay ng pera, damit at alahas sa pamilya ng lalaki. Ang ganitong tradisyon ay ipinagbawal na sa India noong pang 1961.
Anong batas ipinatupad kaugnay nito?
A. India Penal Code B. Anti-Dowry Law C. Nine-point checklist D. Violence – against Dowry Law
7. Alin sa sumusunod ang kabilang sa women in especially difficult circumstances?
A. Maralitang taga-lungsod B. Kababaihang Muslim at katutubo
C. Magsasaka at manggagawa sa bukid D. Mga biktima ng karahasan at armadong sigalot
8. Ang bi-sexual ay mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa kabilang kasarian ngunit nakararamdam din ng parehong
pagkaakit sa katulad niyang kasarian. Ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan at ang kaniyang pag-iisip at
pangangatawan ay hindi magkatugma. Siya ay tinatawag na:
A. bakla B. transgender C. lesbian D. homosexual
9. Ang Queer o Pansexual ay mga taong hindi tiyak o hindi pa tiyak ang kanilang seksuwal na pagkakakilanlan, samantalang
ang mga taong nakararamdam ng maromantikong pagkaakit sa ibang kasarian ngunit nakakaramdam din ng kaparehong pagkaakit sa
katulad niyang kasarian. Ano ang tawag sa kaniya?
A.Bi-sexual B. Transgender C.Lesbian D. Queer or Questioning
10. Iba’t iba ang gampanin ng mga babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Para sa mga Arapesh kapwa ang babae at
lalaki ay maalaga o mapag-aruga, matulungin, at mapayapa samantalang sa mga Tchambuli ay:
A. Kapwa ang babae at lalaki ay matapang, agresibo, at bayolente
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang kalalakihan ay dominante at naghahanap ng
makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang nagdodomina, at naghahanap ng makakain samantalang ang kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili, at mahilig sa
kuwento.
11. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari na nagpapakita ng gender roles sa Pilipinas. Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
_______ A. Sa panahon ng mga Amerikano maraming kababaihan ang nakapag-aral dahilan upang mabuksan ang kanilang isipan na
hindi lamang bahay at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan.
_______ B. Ang kababaihan ay inihahanda sa pagiging ina o paglilingkod ng buhay sa Diyos.
_______ C. Sa panahon ng Hapones, ang mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapon.
_______ D. Pagkakaroon ng pandaigdigang mga batas na nangangalaga sa karapatan ng kababaihan tulad ng Magna Carta of Women.
_______ E. Ang kababaihan sa Pilipinas, maging ang kabilang sa pinakamataas na uri o timawa ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
A. 1,2,3,4,5 B. 2,3,4,5,1 C. 3,2,4,5,1 D. 4,5,1,3, 2
12. Iba’t iba ang gampanin ng babae at lalaki sa tatlong primitibong pangkat sa New Guinea. Sa Mundugumor pareho ang babae at lalaki na
matatapang, agresibo, at bayolente, samantalang ang mga Arapesh ay:
A. Parehong ang lalaki at babae na maalaga o mapag-aruga , matulungin at mapayapa
B. Ang babae ang abala sa pag-aayos ng sarili at mahilig sa kuwento samantalang ang mga kalalakihan ay dominante at naghahanap ng
makakain.
C. Ang mga babae at lalaki ay masinop, maalaga at matulungin
D. Babae ang dominate at naghahanap ng makakain samantalang ang mga kalalakihan ay abala sa pag-aayos ng sarili mahilig sa kuwento
13. Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang ang mga kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon o tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin nito. Ang sumusunod ay palatandaan ng ganitong uri ng karahasan maliban sa
isa.
A. Humihingi ng tawad, nangangakong magbabago.
B. Nagseselos at palagi kang pinagdududahang may ibang kalaguyo.
C.Sinisisi ka sa kaniyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang ang ginagawa niya sa iyo.
D. Sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o alagang hayop.
14. Isaayos ang sumusunod na mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas Lagyan ng bilang 1-5 ayon sa pagkakasunod-
sunod ng mga pangyayari.
_______A. Umusbong ang Philippine Gay Culture sa bansa noong 1960. Sa panahong ito maraming akda ang nailathala ukol sa
homoseksuwalidad.
_______B. Ang mga asog sa Visayas na hindi lamang nagbibihis-babae kundi nagbabalat-kayo ring babae upang ang kanilang mga
panalangin umano ay pakinggan ng mga espiritu.
_______C. Paglahok ang di kilalang samahan na Lesbian Collective sa martsa ng International Women’s Day noong Marso 1992
______ D. Ang lipunang Pilipino ay naging tahimik sa mga Pilipinong hindi tumatalima sa kombensiyunal na oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
_______E. Nabuo ang unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB - noong 1999.
A. 1,2,3,4,5 B. 2,3,4,5,1 C. 3,1,4,2,5 D. 4,5,1,3, 2
15. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang kultura at sa lipunan. Sa sinaunang China isinasagawa ang
foot binding sa kababaihan kung saan pinapaliit ang kanilang paa ng hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal
o bubog sa talampakan. Ano ang tawag dito?
A. Babaylan B. Lotus Feet B. Purdah D. Dowry
16. Batay sa Magna Carta of Women ang pamahalaan ang pangunahing tagapagpatupad ng komprehensibong batas na ito.Alin sa sumusunod
ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan sa pagpapatupad nito?
A. Paghuli sa lumalabag sa batas
B. Panatilihin ang mga tradisyon, paniniwala at gawi na nagpapahiwatig ng diskriminasiyon sa kababaihan
C. Maipatupad ang batas ng pantay at walang kinikilingan
D. Gumawa ng mga batas kaugnay nito
17. Bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa subalit maaring patayin ng
lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang lalaki. Ano ang ipinahihiwatig nito.
A. May pantay na karapatan ang lalaki at babae
B. Ang babae ay maari lamang mag-asawa ng isa.
C. Ang lalaki ay pwedeng magkaroon ng maraming asawa
D. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatang tinatamasa ng lalaki noon kaysa sa mga kababaihan.
18. Ang GABRIELA ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven
Deadly Sins Against Women. Ang sumusunod ay kabilang sa mga ito maliban sa isa.
A. Pambubugbog B. Pangangaliwa ng asawang lalaki C. Sexual Harassment D. Sex Trafficking
19. Batay sa datos ng World Health Organization (WHO) may 125 milyong kababaihan ( bata at matanda) ang biktima ng Female Genital
Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Ano ang pangunahing layunin ng pagsasagawa nito.
A. Pagsunod sa kanilang kultura at paniniwala
B. Upang hindi mag-asawa ang kababaihan
C. Ito ay isinagagawa upang maging malinis ang kababaihan
D. Upang mapanatiling walang bahid dungis ang babaehanggang siya ay maikasal
20. Basahin at suriin ang sumusunod na bahagi ng awit at sagutin ang tanong sa ibaba.
BABAE, BUMANGON KA! VAW Theme Song Titik: Girly Torres-Brillantes Musika: Valiant Torres
Chorus:
Wakasan ang karahasan sa kababaihan, matutong manindigan sa ‘yong karapatan
Gabay mo ang batas sa pagsupil ng dahas, bumangon ka, bumangon ka, labanan ang karahasan.
Babae, bumangon ka! Halaga sa lipunan ,hindi mapapantayan
Bigyang kabuluhan, pagtahak sa tamang daan.
Ano ang pangunahing mensahe ng awit na ito?
A. Ang kalalakihan ay mas malakas at makapangyarihan kaysa sa kababaihan.
B. Ang mga babae ay mahina at kailangang alagaan ng kalalakihan.
C. Ang kalalakihan ay dapat sumuporta at tumulong upang mapangalagaan ang karapatan ng kababaihan
D. Ang kalalakihan ay dapat kumilos upang mapangalagaan ang kababaihan, hindi sila dapat saktan at paglaruan
21. Suriin ang larawan at sagutin kasunod na tanong.

Ano ang iyong mahihinuha tungkol sa larawan?


A. Ang gawain ng kababaihan ay maaring gawin ng kalalakihan
B. Ito ay isang uri ng diskriminasyon at karahasan sa kalalakihan.
C. May pantay na karapatan na ang babae at lalaki
D. Mas maraming babae na ang naghahanap buhay at ang mga lalaki ang naiiwan sa bahay
22. Ano ang ibig sabihin ng pahayag na ito:
“LGBT rights are human rights”
Ban Ki – Moon
UN secretary General
A. Ang mga LGBT ay dapat tratuhing tao
B. Ang mga LGBT ay may karapatang pantao
C. May pantay na karapatan ang lahat ng tao
D. Ang karapatan ng mga LGBT ay kabilang sa karapatang pantao
23. Natuklasan mo na ang kaibigan mo ay isang bisexual. Siya ang lagi mong kasama simula pa noong kayo ay mga bata pa at para na kayong
magkapatid. Matapos matuklasan ang kanyang oryentasyong seksuwal, ano ang iyong gagawin?
A. Lalayuan at ikahiya ang iyong kaibigan.
B. Ipagkakalat ko na siya ay isang bisexual.
C. Kakausapin siya at susumbatan kung bakit niya inilihim ito sa akin.
D. Igagalang ko ang kanyang oryentasyong seksuwal at panatilihin an gaming pagkakaibigan.
24. Patuloy ang hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, noong Nobyembre 6-9,2006 nagtipontipon sa Yogyakarta Indonesia ang 27
eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian na nagmula sa iba’t ibang panig ng daigdig. Ano ang pangunahing
layunin nito?
A. Ipaglaban ang karapatan ng mga LGBT
B. Makiisa sa mga gawain at adhikain ng LGBT sa daigdig
C. Pagtibayin ang mga prinsipyong makakatulong sa pagkakapantay-pantay ng mga LGBT
D. Bumuo ng mga batas na magbibigay proteksiyon saLGBT laban sa pang-aabuso at karahasan
25. Sumasalamin ito sa namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
A. Prinsipyo ng Geneva B. Prinsipyo ng Yogyakarta C. Prinsipyo ng LGBT D. Prinsipyo ng Ladlad
26. Ito ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga
biktima nito at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.
A. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
C. Magna Carta of Women
D. Prinsipyo ng Yogyakarta
27. Ang Oryentasyong Sekswal o ‘Sexual Orientation’ ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong
apeksyonal,emosyonal at sekswal. Ang mga sumusunod ay mga uri nito maliban sa:
A. Heterosekswal B. Bisekswal C. Transekswal D. Homosekswal
28. Kalimitan sa atin ay nagkakaroon ng atraksiyon sa ibang kasarian o sa kaparehong kasarian. And dating inaakala nating hindi normal na
sitwasyon sa isang tao na hindi nakakaramdam ng kahit anong atraksiyon sa babae man o lalaki ay ngayo’y tinaguriang:
A. Bisekswal B. Queer C. Asekswal D. Transekswal
29. Binigyang-kalinawan ang kaibahan ng ‘sex’ sa ‘gender’ upang mas maging malinaw ang iba’t-ibang uri ng kasarian. Ang mga sumusunod
ay halimbawa ng kasarian o ‘gender’maliban sa:
A. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regal samantalang ang lalaki naman ay hindi
B. Pinagbabawalan sa Saudi Arabia ang pagmamaneho ng mga kababaihan
C. Mas mababa ang sahod ng mga kababaihan kaysa sa mga kalalakihan sa karamihan ng mga bansa
D. May mga lugar sa New Guinea na ang mga kalalakihan ang nangangalaga sa loob ng bahay
30. Ang pagkakakilanlang kasarian ay kumikilala sa isang tao bilang may malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng
isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. Ang konseptong ito ay mas kilala bilang:
A. Sexual Identification B. Sexual Orientation C. Gender Role D. Gender Orientation
31. Sa pagdating ng Estados Unidos sa Pilipinas, nagkaroon ng napakaraming pagbabago sa Gender Timeline. Alin sa mga sumusunod na
mahahalagang pagbabago sa bansa ang hindi napapabilang sa panahon ng Amerikano?
A. Ang karapatan ng mga kababaihan na makaboto sa eleksyon
B. Nabuksan ang kaisipan ng mga kababaihan na hindi lamang paaralan at simbahan ang mundong kanilang ginagalawan
C. Nakapag-aral na sa paaralan ang mga kababaihan kasabay ng mga kalalakihan.
D. Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng karapatan na tumakbo sa pusisyon sa pamahalaan
32. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa
sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Karaniwang inilalarawan
din ito bilang International Bill for Women.
A. Ang CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms ofDiscrimination Against Women
B. Universal Declaration of Human Rights o UDHR
C. Kilusang Taliban
D. United Nations Violence Against Women
33. Ang tinatawag na marginalized women ay mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan gaya ng pang-aabuso at karahasan. Alin sa mga
halimbawa ang nagpapakita ng pinakamalinaw na sitwasyon ukol dito.
A. Si Angela ay walang boses sa kanilang bahay at hindi binibigyang kahalagahan ng mga magulang
B. Kahit panganay si Paula, ang kapatid niyang si Marco pa din ang makakatanggap ng mas malaking mana mula sa magulang nila
C. Nagkaanak ng maaga si Tanya dahil sa paglalapastangan ng kanyang tiyuhin ng wala siyang pahintulot
D. Laging nakaantiyawan si Aiza sa kanyang sekswalidad dahil sa siya ay isang ‘lesbian’
34. Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o
pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,martilyo o spatula na pinainit sa apoy. Ipinapaliwanag ng ina nila
sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay ang mga sumusunod maliban sa isa:
A. Upang maiwasan ang maagang pagbubuntis
B. Upang maiwasan ang paghinto sa pag-aaral
C. Upang maiwasan ang pagkagahasa
D. Upang maiwasan ang inekwalidad ng lalaki sa babae
35. Noong 2011, ang dating Bise Presidente ng Estados Unidos na si Hillary Clinton ay kinilala ang tinatawag ngayong ‘silent minority’ na
dapat bigyang tuon at boses upang maiwasan ang ‘diskriminasyon’. Sinu-sino ang mga tinaguriang ‘silent minority’ sa ating bansa?
A. ang mga karapatan ng mga kalalakihan at mga LGBT
B. ang mga naaabusong kababaihan at kabataan
C. ang mga senior citizens ng ating bansa
D. ang mga Pilipinong may kapansanan
36. Mula pagkabata, lagi nang nagbibihis at kumikilos babae si Anton. Mayroon siyang gusto sa kanyang kaibigang si Carlos. Ano ang
kasarian ni Anton?
A. Bakla B. Transgender C. Heterosexual D. Pansexual
37. Alin sa mga sumusunod na deskrispsiyon ang nagbibigay ng pinakatamang kahulugan ng ‘intersex’?
A. Isang indibidwal na mag biyolohikong bahagi ng katawan ng parehong kalalakihan at kababaihan
B. Isang biyolohikong imposibilidad
C. Isang indibidwal na mali ang biyolohikong parte ng katawan
D. Pinagigitnaan ng lalaki at babaeng kasarian
38. Noong 2006, sa ilalim ng United Nations Universal Declaration of Human Rights, nagkaroon ng diskusyon sa mga Prinsipyo ng
Yogyakarta. Sa 29 na prinsipyo, 7 ang nabigyang tuon. Alin ang hindi napapabilang sa mga napagusapang prinsipyo?
A. Karapatan sa Pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon
B. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
C. Karapatang lumahok sa buhay pampubliko
D. Karapatang kilalanin ang sariling kasarian ng lahat ng mamayan
39. Alin sa mga sumusunod ang hndi sumasailalim sa mga pangunahing klasipikasyon sa spectrum ng gender identity?
A. Lalaki B. Babae C. Queer/Pansexual D. Angrogenous o nagbibihis ng ibang kasarian
40. Mula ng huling tatlong dekada, ang buong mundo ay mas naging mulat sa kahalagahan at mga epekto ng gender. Dahil dito, mas
nabigyang pagkakakilanlan ang bawat kasarian. Nabawasan din ang diskriminasyon. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng katangian
ng gender.
A. Ang mga taong kabilang sa LGBT community ay kadalasang cross dresser
B. Ang mga babaeng Muslim ay kadalasang gumagamit ng purdah.
C. Ang mga lalaki ay may adam’s apple.
D. Ang mga babae ay may bahay-bata.
41. Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang
benepisyong medikal.Bakit isinasagawa nag paniniwalang ito sa Africa?
A. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal
B. Dahil ito ay konektado sa kanilang kultura at relihiyon
C. Dahil sa paniniwalang mas maganda at mas mataas ang estado ng isang babae sa buhay
D. Lahat ng nabanggit
42. Ang Gender Expression ay umiikot sa kung paano ipakita ang kasarian ng isang tao. Naipapakita ito sa kung paano ang paraan ng
pagsusuot, pagkilos o pakikipagugnayan sa kapwa. Anong sitwasyon ang nagbibigay ng pinakatamang kahulugan ng gender expression?
A. Si Manny ay nagmamamasahe ng mga tao at hindi natatapos ang isang araw ng hindi niya nagagawa ito
B. Laging may dalang bag si Winnie kapag siya ay lumalabas.
C. Si Leila ay nagsusuot ng mga bestida.
D. Punung puno ng enerhiya si Bobby kaya siya ay humataw sa paligsahan ng sayawan.
43. Ang dekadang ito ang pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang ProGay Philippines, ang Metropolitan
Community Church, at ang UP Babaylan (pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noon. Ilang kilalang lesbian
organization ang sumulpot noong dekada ding ito, gaya ng CLIC (Cannot Live in a Closet) at Lesbian Advocates Philippines (LeAP).
Unang partidong politikal na kumonsulta sa LGBT community ang partidong Akbayan Citizen’s Action Party. Ang konsultasyong ito ang
nagbigay-daan sa pagkakabuo ng unang LGBT lobby group – ang Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network o LAGABLAB.
A. Dekada 60 B. Dekada 70 C. Dekada 80 D. Dekada 90
44. Ano ang pinakanaayong interpretasyon sa lawaran?

A. Napakatagal na ng diskriminasyon sa mundo na napapanahon nang ito ay ating solusyunan.


B. Marami na ang solusyon sa problema ng inekwalidad
C. Bukas na ang mata at malawak na ang isipan ng mga tao pagdating sa gender o kasarian
D. Pantay na pagtingin sa kahit anong kasarian sa panahon ngayon
45. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang hindi nagpapakita ng gender discrimination?
A. Ang pagbibigay ng restriksiyon sa pananamit
B. Ang pagtanggi sa mga bisexual sa pagkuha ng lisensiya
C. Pag pagpigil sa babae sa pagpasok sa CR ng kalalakihan
D. Ang pagtigil sa mga transgender sa pagpunta sa ibang bansa
46. Anong uri ng gender role ang nagpapakita na ang ama ang haligi ng tahanan at ang ina ang umaantabay sa ama at mga anak? Ito ay parte
ng kultura natin at itinuturo sa atin sa loob at labas ng paaralan ng tayo ay bata pa lamang.
A. Matriyarkal
B. Patriyarkal
C. Sobinismo o chauvism
D. Peminismo o feminism
47. Si Renalyn ay isang babae na mahilig magbihis ng panlalaki. Nagkakaroon din siya ng atraksiyong pisikal at emosyonal sa mga kapwa niya
babae. Ang kaibigan niyang si Ailyn ay nagkakagusto din sa kapwa babae ngunit lagi pa din siyang nakabihis pambabae. Ano ang kasarian
nina Ailyn at Renalyn?
A. Sina Renalyn at Ailyn ay parehong ‘lesbian’
B. Parehong ‘transgender’ sina Renalyn at Ailyn
C. Si Renalyn ay transgender samantalang si Ailyn ay lesbian
D. Si Renalyn ay lesbian at si Ailyn ay bisexual
48. Kinabahan si Raph sa naramdaman niyang apeksiyon at emosyonal na atraksiyon sa kanyang kaibigang si Jack. Hindi niya maamin ang
kanyang nararamdaman sapagkat ikakagalit ito ng kanyang mga magulang. Bata pa lamang siya ay sinabihan na siya ng ama niyang lagimg
dapat kumilos ‘macho’. Anong pagbabago sa ‘sexual orientation’ ni Raph?
A. Dati siyang lalaki na nagpalit ng kasarian na gay
B. Lalaki pa din si Raph sapagkat hindi niya matanggap ang pagbabagong naganap sa kanya
C. Naging bisexual si Raph matapos mabago ang kanyang ‘sexual orientation’
D. wala sa nabanggit
49. Nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan sa pamamagitan ng mga sumusunod maliban sa isa:
A. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sakababaihan.Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
resulta sa buhay ng kababaihan.
B. Bawat kababaihan ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag- uugat
Sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian
C. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at
opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo
D. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang State parties na
baguhin ang mga stereotype,kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.
50. Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig. Sa katunayan, itinakda ang
‘International Day for the Elimination of Violence Against Women’ noong:
A. Nobeymbre 12
B. Nobyembre 25
C. Oktubre 12
D. Oktubre 25
AP 10 sy 2018-2019 3rd qtr
Mga Tamang Sagot
1. C
2. D
3. D
4. C
5. D
6. B
7. D
8. D
9. C
10. D
11. B
12. A
13. A
14. B
15. B
16. C
17. D
18. B
19. D
20. A
21. C
22. D
23. D
24. C
25. B
26. A
27. C
28. C
29. A
30. A
31. D
32. A
33. C
34. D
35. A
36. B
37. A
38. D
39. D
40. B
41. A
42. C
43. D
44. D
45. C
46. B
47. C
48. A
49. B
50. B

You might also like