You are on page 1of 14

Department of Education

National Capital Region

10 SCHOOL S DIVISION OFFICE


MARIK INA CITY

Edukasyon sa Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 3:
Karapatan sa Buhay

May – Akda: Shirley R. Gotanco


Tagaguhit: Mary Jane B. Roldan
Charmilyn P. Galzote

0
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alamin
Sa modyul na ito ay tatalakayin at bibigyang-diin ang kahalagahan ng buhay
ng tao na siyang may pinakamataas na antas sa lahat ng karapatang dapat
matamasa ng isang indibidwal. Lilinawin dito ang konseptong makatutulong sa
makataong pag-unlad at positibong kinabukasan ayon sa pag-unawa ng mga
prinsipyo at konsepto na lumalabag sa karaptan sa buhay. Ito ay makatutulong sa
ating pang-araw-araw na pamumuhay upang makiisa sa pangkalahatang pagkilos
sa pagtataguyod ng dignidad bilang tao upang mamuhay sa isang ligtas, payapa at
matiwasay na lipunan.
Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahan na 75% ng mga mag-aral ay
makakakuha ng mga pampagkatuto na gaya ng mga sumusunod:

1. Natutukoy ang mga paglabag sa paggalang sa buhay

2. Nasusuri ang mga paglabag sa paggalang sa buhay

Subukin
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Bilugan ang titik ng
pinakawastong sagot.

1.Tumutukoy sa paglabag sa karapatan sa buhay tungkol sa pagpapalaglag o pag-


alis ng fetus o sanggol na hindi maaaring mabuhay sa pamamagitan ng kanyang
sarili sa labas ng bahay-bata ng ina.

A. Aborsiyon C.Euthanasia
B. Alkoholismo D.Pagpapatiwakal

2. Ang mga sumusunod ay pisikal na epekto ng labis na pag-inom ng alak maliban


sa:

A. nagpapabagal ng isip C. nagiging sanhi ng iba’t ibang


uri ng sakit
B. nagpapahina sa enerhiya D. nababawasan ang
kakayahan sa pakikipagkapwa

3. Anong proseso ang isinasagawa sa modernong medisina upang wakasan ang


buhay ng taong may malubhang sakit na kailanman ay hindi na gagaling pa?

A. Suicide C. Euthanasia
B. Abortion D. Lethal injection

4. Ang karapatan sa buhay ay siyang pinakamataas na antas sa lahat ng


karapatan mo bilang tao. Ano ang mahalagang diwa nito?

1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Dahil ako ay natatangi at naiiba sa ibang nilalang na may buhay.
B. Dahil ang buhay ko ay sagrado o banal at maituturing na pinakamahalagang
kaloob ng Panginoon sa akin.
C. Dahil ang pagkaunawa sa iba’t ibang pananaw o isyu o mga paglabag sa mga
karapatan sa buhay na may paglabag ay mga isyung moral na papanig sa
kabutihan upang mapanatili ang kasagraduhan ng aking buhay.
D. Lahat ng nabanggit

5. Dahil sa isip at loob ng tao, inaaasahan na ang tao ay makabubuo ng mabuti at


matalinong posisyon sa kanila ng iba’t ibang isyung moral na umiiral sa ating
lipunan. Ang pangungusap na ito ay:

A. Tama, dahil ginagabayan tayo ng ating isip at loob tungo sa kabutihan.


B. Tama, sapagkat ang tao ay may isip na nagbibigay ng kakayahang gumawa,
kumilos, pumili at magmahal.
C. Mali, dahil ang tao ay malayang mamili at mamuno sa kaniyang
paghuhusga, gawi, at kilos.
D. Mali, dahil ang tao ay may kakayahang hanapin, alamin, unawain, at
ipaliwanag ang katotohanan sa kanyang paligid.

Aralin
Mga Paglabag sa Karapatan sa
1 Buhay

Balikan
Ang interes at kamalayan sa
karapatang pantao ay lumaganap na
sa mga nagdaang dekada. Noong 1948,
Ang United Nations ay naglabas ng
Universal Declaration of Human
Rights, kung saan ang mga
pinakamahahalagang pamantayan ay
isinaalang-alang base sa
pagkakapantay-pantay at dignidad ng
tao.

Balikan natin ang ilan sa mga pangunahing karapatang pantao

1. Karapatan na matamasa ang pangunahing pangangailangan (gamot,


pagkaintubig, damit at tahanan)

2. Karaptan sa proteksiyon mula sa pang-aabuso (mahihinang grupo, sa


kasaysayan mga lahing hudyo at LGBT)

3. Karapatan sa paninindigan (ang konsepto ay upang bigyang kapangyarihan ang


tao na igalang ang kanilang dignidad sa lipunan.

2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Karapatan sa kalayaan sa pagsasalita at pamamahayag (Pagsasalita ng Malaya
at walang takot)

5. Karaptan sa pananampalataya (Kalayaan sa pagsasagawa ng pagsamba)

Ang mga karapatang sibil at pulitikal ng mga Pilipino ay nasa Bill of rights (Art.II)
tulad ng:

-Karapatang mabuhay, maging malaya at maging ligtas mula sa anomang krimen

-Karapatan sa makatarungang proseso at pantay na proteksiyon ng batas

-Karapatan ng tao sa tamang pamamahala ng katarungan.

Bakit mahalaga ang Karapatang pantao?

LARAWAN SURI: Sa araw-araw na ating pamumuhay, ay may nagaganap na sa ating


mga Karapatan. Tingnan ang mga larawan at suriin ang ipinahahayag ng bawat isa.
Suriin anong uri ng Karapatan ang nalalabag ng bawat larawan? Isulat ito sa patlang
sa ibaba ng larawan.

_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagutin ang mga tanong:

1. Alin sa mga isyung nakita mo ang madalas mong mabasa at marinig na pinag-
uusapan?

2. Ano ang nadarama mo sa tuwing nakababalita ka at nakaririnig ng ganitong


isyu?

Habang lumalawak ang kaalaman ng tao, mahalaga na masuri ng bawat isa


ang kabuuang epekto nito sa bawat indibidwal. Kailangan tayong maging mapanuri
at gamitin ang talino sa pagpapasiya kapag tayo ay nalalagay sa puntong halos hindi
na alam kung saan pupunta upang makatakas ang panganib para sa kaligtasan,
Sino ang tamang tao na kakausapin na makauunawa at makapagbibigay ng tamang
payo at saan kakapit upang malampasan lamang ang kapighatian, at matinding
kalungkutan o depresyon na minsan ay dumarating sa ating buhay.
Narito ang ilan sa mga kilos na lumalabag sa Karapatan na dapat nating
maunawaan upang mapangalagaan at mapahalagahan ang buhay ng tao

1. Pagpapakamatay
-Ito ay tuwirang pagkitil sa sariling buhay. Ito ay isang pagkilos na kusang-loob
o sinasadyang pagpatay sa sarili sa iba’t ibang pamamaraan (Suicide). Anoman
ang maging dahilan ng pagpapakamatay, Ito ay labag sa utos ng Diyos.

2. Aborsiyon
-Ang aborsiyon ay tinagurian ding induced abortion. Ang layunin nito ay ihinto
ang pagbubuntis. Ito ay maitutring ding pagkitil sa buhay.
Nobor-Nery Ma. Imelda Pastrana, Ethics,
(2003), Katha Publishing Co., Inc. page 63
Ang aborsyon o ang pagkitil sa inosenteng tao ay labag sa kautusan ng ng
Diyos. Maiuugnay ang ganitong sitwasyon na ugat sa sosyal at
pangkabuhayang problema. Maraming kababaihan na nasa gitna ng depresyon,
dalamhati, at takot ay sumusuko at ito ang nagtutulak sa kanila upang magpa-
abort (CCC # 1037)

3. Euthanasia
- Mula sa salitang Griyego, eu (easy) at Thanatos (death); easy death. Ito ay
ginagawa upang mahinto na ang paghihirap ng mga may malubhang
karamdaman. Tinatawag din itong mercy killing.
Timbereza, Florentino T. Bioethicsand Moral
Decision, (2002), De La Salle University Press,
Inc., Page 87

4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Ito ay labag sa likas na Batas Moral sapagkat ito ay laban sa dignidad ng
buhay. Walang kapangyarihan ang maaaring kumitil ng buhay ng tao kung hindi
ang Diyos. Kailangang gumawa ng paraan upang mapangalagaan ang buhay sa
pamamagitan ng Karapatan sa pangangalaga sa kalusugan sa pamamagitan ng
pagbibigay ng wastong gamot o operasyon na maaaring kamtan na hindi
nangangailangan ng sukdulang sakripisyo o gastos at kung may pag-asa para
sa kapakanan ng pasyente.

4. Ang mga may sakit at kapansanan ay kailangang matulungan na mabuhay


nang normal kung maaari lamang.

5. Paggamit ng ipinagbabawal na gamot (drug addition).


-Ito ay bisyo na madalas gawin. Ito ay laban sa Likas na Batas Moral. Ang
ganitong pag-abuso sa droga at kemikal ay nakaaapekto at salungat sa isip at
katawan. Batay sa pagmamasid at pag-aaral, maraming mangyayari tulad ng
pagpatay, panggagahasa, at pag-abuso sa kahinaan ng kababaihan at tinedyer,
ang nag-uugat sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

6. Iba pang mga bisyo


-Ang pinakalaganap na pag-abuso sa kalusugan ay ang pag-inom nang sobrang
alak tulad din ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot. Ang paninigarilyo ay
nakaaapekto rin.
Constatina S. A. (2013) Vibal EDUKASYON sa
PAGPAPAKATAO, Pages 148-149, Vibal Publishing house
7. Extra Judicial Killing
-Pagpatay sa mga taong hinihinalang may sala na hindi pa nahahatulan ng
hukuman

8. Genocide
-Ito ay isang intensyong krimen ng pagpatay ng maraming tao na kabilang sa
isang grupo ng tao etnikong, lahi , at relihiyon. Ito ay ginamit sa NAZI
HOLOCAUST sa panahon ni Hitler sa bansang Germany. Ang pagpatay nang
maraming grupo sa mga hudyo. Ang isa pa ay ang Ustashe of Croatia ay isa ring
maituturing na halimbawa ng Genocide. Ang Genocide ay isinasagawa ng isang
grupo ng tao ng tao, halimbawa ay gobyerno, at ang motibasyon sa pagsasagawa
nito ay base sa political reason.
Simple.m.wikipedia.org

Bukod pa sa mga nabanggit na isyu, Maaari ka pang magbigay ng ilang mga


paglabag na hindi nabanggit na nasa itaas.

Bakit nga ba nalalabag ng mga ito ang mga Karapatan para sa buhay? Ano-
ano ang epekto nito sa tao o sa grupo ng mga tao? Isulat ito sa inyong sagutang
papel.

Aborsiyon-

5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sagrado ang buhay ng bawat tao. Nag-uugat ito sa Likas na Batas Moral
kalikasan ng tao ang kabanalan at kahalagahan ng buhay, dahil dito ang tao ay
dapat makatugon sa makapaninindigang posisyon ukol sa gawain taliwas sa
kasagraduhan ng buhay, sitwasyon ng pagyurak ng dangal ng tao at pagdungis sa
kasagraduhan ng buhay, higit kailanman, mahalaga na masuri ito.

Sa ibang bansa ay itinuturing na lehitimong paraan upang kontrolin o pigilin


ang paglaki ng pamilya o populasyon ng isang bansa. Sa Pilipnas, itinuturing itong
isang krimen. (Agapay 2007)

Sa puntong ito ay masasagot ang mga tanong na


• Makatwiran ba ang paglalaglag?
• Maituturing na bang tao ang sanggol sa sinapupunan ng ina?
• Siya ba ay nagtataglay na ng mga kapakanang moral at legal na Karapatan
na dapat pangalagaan?
• Paano naman ang kapakanang moral at Karapatan ng ina?

Narito ang mga pamantayan na maaaring sumuporta sa kasagutan sa mga


ito.

PRO-LIFE AT PRO-CHOICE
Ito ang dalawang isyu na nagbigay ng daan ang dalawang magkasalungat na
posisyon ang publiko.

PRO-LIFE
Mga paniniwala:
a. Ang sanggol ay itinuturing na tao mula sa sandali ng paglilihi, kaya ang
pagpapalaglag ng sanggol ay maituturing na isang paglabag sa batas moral
ng tao.

b. Unwanted pregnancy o di nilalayong pagbubuntis at hindi ginawa ang


angkop na pag-iingat dahil hindi ginusto ang pagbubuntis ay tungkulin
niya na maiwasan ang pagbubuntis kung ang mag-asawa ay ayaw pang
magka-anak.

c. Kung magiging legal ang aborsiyon, magiging katanggap-tanggap ito


maaaring gamiting regular na paraan upang hindi ituloy ang pagbubuntis.

d. Ang lahat ng sanggol ay may mahusay na potesiyal; bawat isa na


ipinalalaglag ay maaaring lumaki at maging kapaki-pakinabang sa
lipunan

e. Maraming mga relihiyon ay hindi sumasang-ayon sa paglalaglag

PRO-CHOICE
Ang tagapagsulong ng posisyong ito ay naniniwala na:

a. Ang bawat batang isisilang sa mundo ay dapat mahalin at alagaan. Ang


tamang pagpaplano sa pagkakaroon ng anak ay karaniwang nagbubunga
ng mas magandang buhay para sa mga bata dahil may kakayahan ang
mga magulang na suportahan ang kanilang mga anak sa pisikal,
emosyonal, at pinansiyal na aspekto.

6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
b. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa
itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kanyang ina. Hindi
maituturing na pagpatay ang paglalaglag ng isang fetus dahil umaasa pa
rin ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay. Sa makatuwid, ang
ina ay may karapatang magpasiya para rito.

c. Sa mga kasong rape o incest, ang sanggol ay maaaring maging tagapag-


paalala sa babae ng ng trauma na kaniyang naranasan.
Ayon sa ilang pananaliksik, ang mga sanggol na ipinanganak na bunga ng
mga ganitong kaso ay nahaharap sa mataas na panganib ng kapabayaan
o pang-aabuso mula sa kanilang mga ina.

d. Kung sakaling ituloy ang pagbubuntis, maaaring maging kaawa awa ang
kalagayan ng sanggol kung magpasiya ang ina na ito ay ipaampon.

e. Ang aborsiyon, sa pangkalahatan ay ligtas na sa pamamaraan. Mas


mababa pa sa 1% ng mga aborsiyon na ginawa bago ang ika-21 na lingo
ng pagbubuntis. Habang itinuturing itong iligal, tiyak na maraming babae
ang patuloy na sasailalim ng palihim sa ganitong proseso at maglalagay sa
kanilang kalusugan sa di-tiyak na sitwasyon at maaaring mauwi sa
kamatayan.

May dalawang uri ito Induced (Pinilit, may intensiyon) at miscourage


(Hindi sinasadya)

Alkoholismo
Tulad ng paggamit ng ipinagbabawal na gamot, ang alokolismo ay labis na
pagkonsumo ng alak ay may masamang epekto sa tao, ilan sa mga ito ay
ang sumusunod:

▪ Unti-untng panghihina ng enerhiya


▪ Nagpapabagal ng pag-iisip, at sumisira ng kanyang kapasidad upang
maging malikhain
▪ Nagiiba ang pag-uugali at nawawalan ng pokus
▪ Nababawasan ang paglinang sa makabuluhang pakikipagkapwa
▪ Pinagmumulan minsan ng away at gulo dahil sa sobrang kalasingan dahil
naaaapektohan nito ang isip at loob kaya nakakagawa siya ng mga bagay
na hindi inaasahan.

Sa punto ng alkoholismo ay may pananagutan parin siya kahit na siya ay


nasa ilalim ng impluwesiya ng paglalasing at kahit wala siya sa tamang
pag-iisip dahil ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung may disiplina
lamang.
▪ Ang labis na pagkonsumo ng alak ay nagdudulot ng maraming uri ng sakit
sa katawan tulad ng Cancer, sakit sa atay at kidney. (ESP 10 pp 267-268)

Genetic Engineering- Ito ay pagmamanipula ng genes na naglalayon na


1. Ihiwalay ang genes at baguhin ito upang magamit ng maayos

2. Ihanda ang genes upang ilipat sa ibang host (Tao, hayop at halaman)

3. Lumikha ng bagong nilikha (transgenes). Dahil ang ganitong pamamaraan ay


mapangahas at direktang makaaapekto sa kalikasan ng tao, may mga moral

7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
na batayan kung bakit ang genetic engineering ay taliwas sa kasagraduhan
ng buhay.

Ang buhay ng tao ay nilikha ng Panginoon, at nakabatay ito sa Likas na Batas


Moral o Batas-kalikasan. Ang paggamit ng genetic engineering ay direktang
pakikialam at pagkontrol sa anak na layunin at kaganapan ng tao. Isa itong
maliwanag na pagtatangka upang baguhin ang kalikasan ng tao. Masasabing isa
itong paraan ng pagyurak sa dignidad ng tao at kawalan ng paggalang sa buhay.

Euthanasia - Taliwas ito sa kasagraduhan ng buhay batay sa sumusunod na moral


na pamantayan:
▪ Dahil ang buhay ay biyaya ng Diyos, ang euthanasia ay isang paraan upang
mapawalang-bisa ang kabanalan ng buhay at tawaran ang kapangyarihan ng
Diyos. Ang lubusang pagtanggap sa sariling buhay at kamatayan ay paggalang
sa dignidad ng may sakit.

▪ Dahil ito ay may epekto ito di lang sa taong may sakit, gayundin sa health care
professionals. Ang pagkakaroon ng guilt feelings ay kadalasang nagiging
sikolohikal na epekto sa naiwang pamilya.

GAWAIN A. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang iyong ginagawa at gaano mo


ito kadalas ginagawa? Magbigay ng limang (5) halimabawa. Gawin ito sa iyong
kuwaderno.

GAWAIN B. Mula sa mga nakasulat na pahayag. Isulat sa kuwaderno kung paano


nagpapahalaga sa buhay ang mga sumusunod na pahayag?

1. Lahat ng aking oras ay ginagamit ko sa paggawa ng kapaki-pakinabang na


gawain_______________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

2. Nagbibigay ako ng tulong sa mga nagugutom at at biktima ng


kalamidad____________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

3. Inaaayos ko ang anumang away o sigalot na sangkot ako


______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

4. Inihahanda ko ang aking sarili kapag may pagsusulit


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5. Handa akong makinig sa mga problema ng pamilya at ng aking kaibigan


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

Isaisip
8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
*Ang isang aksiyon ay lumalabag sa paggalang sa buhay kapag ito ay:

1. nakasisira na sa ating kalusugan

2. nakasisira sa ating relasyon sa kapwa

3. hindi na maganda ang dulot nito sa bawat indibidwal

4. nagiging banta o panganib sa kaligtasan mo at sa buhay ng ibang tao.

*Ang buhay ay mahalaga kaya’t dapat pangalagaan at mahalin ang ating sarili
at ang ating kapwa.

Punan ang kahon na katapat na mga isyu tungkol sa paglabag sa Karapatan sa


buhay at isulat sa katapat na kahon kung ano ang natutunan mo ayon sa mga
sumusunod na isyu:

Alkoholismo
Aborsiyon
Pagpapatiwakal
Euthanasia
Genocide

Isagawa
Paraan upang igalang ang sariling buhay at ibang tao

Sa mas malinaw na pag-unawa ng paggalang at pagpapahalaga sa buhay


maipakikita mo ba bilang kabataan ang pagbibigay ng halaga sa iyong sariling
kakayahan na ang iyong sarili mismo ay mahalin at alagaan?

Kadalasan, karaniwan na sa kabataan ang naliligaw ng landas at nakagagawa ng


mga bagay na nakalalabag sa Karapatan sa buhay ng tao dahil sa kakulangan sa
pagkaunawa ukol sa mga karapatang ating pinag-aaralan,

Katulad halimbawa ng paggalang sa iyong sarili. Kung hindi mo ito nagagawa sa


iyong sarili, paano mo igagalang ang ibang tao?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Tayahin
Magbigay ng sampung halimbawa ng mga paglabag sa Karapatan sa paggalang sa
buhay. Kung higit na naunawaan ang aralin, maaaring mailagay maging ang mga
isyung labas sa araling ito.
1. _________________________ 6. _________________________
2. _________________________ 7. _________________________
3. _________________________ 8. _________________________
4. _________________________ 9. _________________________
5. _________________________ 10. _________________________

Ano ang iyong mungkahi upang maiwasan ang paglubha ng mga sitwasyong
dulot ng mga paglabag sa Karapatan sa buhay ng tao? Pumili ng tatlo sa mga
natalakay at iulat ito sa iyong sagutang papel.

1.________________________________________________________________________________

2.________________________________________________________________________________

3._________________________________________________________________________

MAIKLING PAGSUSULIT -MODYUL 3


(Post Assessment Test)

A. Tukuyin ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag tungkol sa paglabag


sa Karapatan sa buhay.

1. Ito ay isang aksiyong pagkitil sa buhay ng tao na naglalayon na maibsan na ang


dinaranas na paghihirap ng may karamadaman na wala ng
lunas_____________________________________

2. May dalawa itong uri, ang una ay induced (Intensiyonal) at ang isa ay
miscourage (Hindi sinasadya). Ang layunin nito ay ihinto ang pagbubuntis. Ito
ay maitutring ding pagkitil sa buhay. ___________________________________

3. Ito ay isang intensiyonal na gawain na pagkitil sa sariling buhay dahil sa


kawalang pag-asa, matinding depresyon o ang tao ay wala sa matinong kaisipan
upang labanan ang nadaramang matinding kapighatian sa buhay.
____________________________________

10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
4. Pagpatay sa mga taong hinihinalang may sala ngunit, hindi dumaan sa
hukuman. ______________________________

5. Ang unibersal na naglalatag ng lahat ng uri ng karapatang pantao


___________________________________

B. Tama o Mali: Isulat ang TAMA kung wasto ang pahayag at MALI kung hindi wasto
ang inilalarawan ng mga sumusunod na pahayag tungkol sa paglabag sa Karapatan
sa buhay.

________1. Ang fetus ay hindi pa maituturing na isang ganap na tao dahil wala pa
itong kakayahang mabuhay sa labas ng bahay-bata ng kanyang ina.
Hindi maituturing na pagpatay ang paglalaglag ng isang fetus dahil
umaasa pa rin ito sa katawan ng kanyang ina upang mabuhay. Sa
makatuwid, ang ina ay may karapatang magpasiya para rito.

_________2. Ang human cloning ay masasabing isang paraan ng pagyurak sa


dignidad ng tao at kawalan ng paggalang sa buhay. Kahit na ito ay
nakatutulong sa tao nabaguhin ang kalikasan nito upang maging
maayos.

_________3. Moral na batayan ang organ donor, kung ito ay kusang ibinigay ng tao o
(willing donor) ibinigay niya ito dahil siya ay mahina na at nasa
malubhang kalagayan ng kanyang buhay habang siya ay buhay pa.

_________4. Ang Euthanasia ay labag sa likas na Batas Moral sapagkat ito ay laban
sa dignidad ng buhay. Walang kapangyarihan ang maaaring kumitil ng
buhay ng tao kung hindi ang Diyos. Kailangang gumawa ng paraan
upang mapangalagaan ang buhay sa pamamagitan ng karapatang gamot
o operasyon na maaaring makamtan na hindi na nangangailangan ng
sukdulang sakripisyo o gastos at kung may pag-asa para sa kapakanan
ng pasyente.

__________5. Kailangang gawing legal ang aborsiyon, habang itinuturing itong iligal,
tiyak na maraming babae ang patuloy na sasailalim ng palihim sa
ganitong proseso at maglalagay sa kanilang kalusugan sa di-tiyak na
sitwasyon at maaaring mauwi sa kamatayan.

11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
City of Good Character
12
Humanrightscareer.com (youtube)
149,Vibal Publishing house
Constatina S. A. (2013) EDUKASYON sa PAGPAPAKATAO, Pages 143-144, 148-
Sanggunian
SUBUKIN
1. A
2. D
3. C
4. D
5. A
TAYAHIN
1. Aborsiyon
2. Euthanasia o Mercy Killing
3. Pagpapatiwakal
4. Akoholismo
5. Genocide
6. Genetic Engineering
7. Extra Judicial Killing
8. Illegal Drug Addiction
9. Gender Transformation
10. Human Trafficking
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Mga Manunulat: Shirley R. Gutanco (Marikina Heights High School)


Mga Tagasuri: Adrian P. Leander (Guro, Kalumpang National High School)
Leilani N. Villanueva (Superbisor sa EsP)

Tagaguhit at Tagalapat: Mary Jane B. Roldan (Guro, Jesus Dela Pena NHS)
Charmilyn P. Galzote (Guro, Parang Elementary School)

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Leilani N. Villanueva
Superbisor sa Edukasyon sa Pagpapakatao

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 8682-2472 / 8682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE

You might also like