You are on page 1of 10

Pangalan: Seksiyon:

Petsa: Iskor

ARALING PANLIPUNAN IV/ Grade 10


MODYUL 3
IKATLONG MARKAHAN- MGA ISYU AT HAMONG PANGKASARIAN

LAYUNIN:
1. Natutukoy ang diskriminasyon sa kababaihan, kalalakihan at LGBT
(Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender).
2. Nasusuri ang karahasan sa kababaihan, kalalakihan at LGBT.

ARALIN 2: Mga Isyu sa Kasarian At Lipunan

 Sa Pilipinas, kahit malayo na ang narating ng kababaihan sa larangan ng pulitika, negosyo,


media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima pa rin sila ng diskriminasyon at
karahasan.
 Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay ang mga LGBT, ang kanilang
mga kwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot.
 Ayon sa pag- aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for
Human Rights o UN-OHCHR noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda)na nakaranas
nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa, pamilya, komunidad at pamahalaan.

Mga babae, lalaki at LGBT na kilala sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging sa buong mundo
1. ELLEN DEGENERES (lesbian)
Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk- show
sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong
mang- aawit gaya ni Charice Pempengco.
2. TIM COOK (gay)
Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago
mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at mga kompanyang may
kinalaman sa computers.
3. CHARO SANTOS-CONCIO (babae)
Matagumpay na artista sa pelikula at telebisyon, nakilala siya sa longest-running Philippine TV
drama anthology program Maalaala Mo Kaya, simula pa noong 1991. Siya ay nagging presidente at
CEO ng ABS-CBN Corporation noong 2008-2015.
4. DANTON REMOTO (gay)
Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Nakilala siya
sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng mga miyembro ng LGBT.
5. CHARICE PEMPENGCO (lesbian)
Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay
ang Pyramid.
6. ANDERSON COOPER (gay)
Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on
American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kaniyang coverage sa relief operations
noong bagyong Yolanda noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o
CNN.
7. PARKER GUNDERSEN (lalaki)
Siya Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may sangay
sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
8. GERALDINE ROMAN (transgender)
Kauna-unahang transgender na miymebro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng lalawigan ng
Bataan. Siya ang pangunahing taga-pagsulong ng Anti-Discrimation bill sa Kongreso.
9. MALALA YOUSAFZAI
Habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang miyembro ng
Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng
mga batang babae sa edukasyon sa Pakistan.
1
Page
Ang diskriminasyon ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
KARAHASAN SA MGA BABAE, LALAKI AT LGBT
 Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang
karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o
pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan.

 Ayon sa pag-aaral na inilabas ng United Nations Development Programme (UNDP) at ng


United States Agency for International Development (USAID) na may titulong “Being LGBT
in Asia: The Philippines Country Report”, ang mga LGBT ay may kakaunting oportunidad sa
trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa edukasyon.
 Ang patuloy na pagpatay sa mga LGBT kahit na patuloy ang panawagan sa pagkakapantay-
pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng
Transgender Europe noong 2012 may 1,083 LGBT ang biktima ng pagpatay mula 2008- 2012.
 Ang bansang Uganda ay nagpasa ng batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” na nagsasaad
na ang same- sex relations at marriages ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na
pagkabilanggo.
Kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.

1. Ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging dahilan ng


pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet.
Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito. Ang
pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala
bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa
pagpapakasal. Subalit dahil sa ang mga kababaihang ito ay may
bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa
politika, at ang kanilang pakikisalamuha.
Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon
ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng
tradisyong ito. Source:http://i.dailymail.co.uk/i/pix/2014/06/08/articl
2. Ang breast ironing o breast flattening e-2652228-1E92A95D00000578-743_964x963.jpg
ay isang kaugalian sa bansang Cameroon
sa kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng
dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong
2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad
siyam ay apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang
pagsagsagawa nito ay normal lamang at an g mga dahilan nito

ay upang: maiwasan ang (1) maagang pagbubuntis ng Source:http://www.orijinculture.com/community/wp-


anak; (2) paghinto sa pag-aaral; at (3) pagkagahasa. content/uploads/2012/06/breast-ironing3.jpg
 Isinasagawa din ito sa Benin, Chad, Ivory Coast,
Guinea-Bissau, Guinea-Conakry, Kenya, Togo, at Zimbabwe.
 Ang GIZ (German Development Agency) ay isa sa mga organisasyong sumusuporta sa
kampanya ng mga batang ina na labanan ang patuloy na pag-iral ng gawaing ito. Ayon sa
ulat ng GIZ, 39% ng mga kababaihan sa Cameroon ang di panig sa pag-iral ng breast ironing,
41% ang nagpapakita ng pagsuporta at 26% ay walang pakialam

.Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati narin sa buong
daigdig. Sa katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the
Elimination of Violence Against Women.
ISTADISTIKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN
1. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula
edad 15, anim na porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
2. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
3. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o
2

pananakit na sekswal mula sa kanilang mga asawa.


Page
4. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal/seksuwal na pang-aabuso sa
loob ng 12 buwan bago ang sarbey, 65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.
(Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng National Statistics Office)
 Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality,
Leadership, and Action) ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng
karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
1. pambubugbog/pananakit
2. panggagahasa
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso
4. sexual harassment
5. sexual discrimination at exploitation
6. limitadong access sa reproductive health
7. sex trafficking at prostitusyon.

Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:


a. tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka;
b. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
c. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan; sinusubukan kang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
d. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
e. nagagalit kung umiinom ng alak o gumagamit ng droga;
f. pinagbabantaan ka na sasaktan;
g. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
h. sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya
sa iyo.

Ito naman ay para sa mga bakla, bisexual at transgender:


a. Pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian
b. Sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bi-sexual at transgender
c. Sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente

Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:


a. pinagbabantaan ka ng karahasan.
b. sinasaktan ka na(emosyonal o pisikial)
c. humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol.
d. Paulit-ulit ang ganiong pangyayari.
e. Kadalasang mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.

ARALIN 3: Tugon sa Mga Isyu sa Kasarian at Lipunan


Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa Karahasan at Diskriminasyon
I. Ang mga Prinsipyo ng Yogyakarta
 Nasa 27 eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual
orientation at gender identity o SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang
nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre,
 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-pantay ng mga
LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga
rekomendasiyon.
a. Prinsipyo 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA
KARAPATANG PANTAO
 Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman
ang oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian ay nararapat na ganap na
magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
b. Prinsipyo 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT
KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
 Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang
walang diskriminasiyong nag-uugat saoryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang
anumang diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao. Ipagbabawal
3

sa batas ang ganoong diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.


Page

c. Prinsipyo 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY


Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng
buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa
consensual sexual activity ng
mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang
pangkasarian.
d. Prinsipyo 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng
mga kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat
sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
e. Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
f. Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko, kabilang ang karapatang
mahalal, lumahok sa pagbubuo ng mga batas.
II. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women
a. Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination
Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito
bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women.
 Ito ang kauna-unahang at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong tumatalakay
sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa
aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
 Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979
noong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981.
 Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang kasunduan
na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda
o State parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o
25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sakababaihan. Inaatasan nito ang mga
estado na magdala ng konkretong resultasa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mgaresponsibilidad ang estado
sa kababaihan na kailanma’y hindi nito maaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang
layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan
hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o
grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
hinahamon nito ang State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na
nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
 Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito.
May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng
kababaihan.
Ang mga State parties ay inaasahang:
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga
epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag
ng kanilan karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang kondisyon at
karampatang aksiyon;at
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para
matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
 Tugon ng Pamahaalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasiyon
1. Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act
ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
4

nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa
Page

sa mga lumalabag dito.


Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?
 Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang mga anak. Ang
“kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae,
babaeng may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa
isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga
anak na wala pang labing-walong (18) taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may
edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o ipagtanggol ang
sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng
kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaring kasuhan
ng batas na ito?
 Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot sa ilalim ng batas na ito ay
ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in
partners na lalaki, mga lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng
“sexual or dating relationship” sa babae. Source:
http://www.bcs.gov.ph/files/sp/Pinay_Komiks.pdf

2. Ang Magna Carta for Women


 ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng diskriminasiyon laban sa
kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng
bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrument lalo sa CEDAW.
 Itinalaga ng Magna Carta for Women ang Pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad
(“primary duty bearer”) ng komprehensibong batas na ito.Ginawa na tuwirang responsibilidad ng
pamahalaan na proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasiyon at ipagtanggol
ang kanilang mga karapatan.
 Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay ang basagin ang mga stereotype at tanggalin
ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at lalaki.

SINO ANG SAKLAW NG MAGNA CARTA?


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan
ng batas ang mga batang babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa di panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahan namatamo ang mga batayang
pangangailangan at serbisyo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at
armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga
babaeng nakakulong.
GAWAIN 1: Buuin ang akrostik sa ibaba ng mga katangian na mayroon ang mga
LGBT at magbigay ng dalawang personalidad sa kahon na kabilang sa bawat pangkat.

Kahulugan Mga Kilalang Personalidad


L-

G-

B-
5

T-
Page
GAWAIN:2-A

Panuto: Ano ang hinahanap sa bawat bilang? Ayusin ang mga titik upang mabuo ang
tamang sagot.

1. Tatlong salik na maaaring makaapekto sa usapin ng third sex

NKADITGAAAKILKSN-_____________________________________

IPKIDTNLAAGUNN-________________________________________

AAYIALNGAARGSSIIPPP-___________________________________

2. Dalawa sa pinakamalaking isyung kinakaharap ng LGBT Community sa buong daigdig.

NIIIRSSKMNAODY-_____________________________

KAAAAHNRS-__________________________________

3. Kung saan tutol ang Simbahang Katoliko

HOUSOMAEXL ATCS-________________________________

4. Pinakamalaking hamon sa mga LGBT sa Pilipinas

IECTNSEELMOOIDVC-__________________________

5. Ilang mga bansang mayroong batas na nagkukulong sa mga taong kabilang sa third sex.

YILAAASM-_______________________

RSILNAAK-_______________________

6. Tawag sa pagpapalit ng kasarian

ADNTGSRERNE-__________________________

7. Isang halimbawa ng pisikal na karahasan

GPBGUMAUBOB-___________________________

8. Dalawang larangan kung saan nakaranas ng karahasan ang mga LGBT

PRBAIDO-____________________

PKLIPMABUO-___________________

9. Pag-aaral sa pag-iisip at pag-uugali.

KLSOOIAHYI-__________________

10. Pangkat na kasabay ng lalaki at babae

TDHIRXSE-____________________
6
Page
GAWAIN 2-B

Panuto: Ipaliwanag sa inyong sariling salita sa loob ng isa hanggang dalawang


pangugnusap ang kahulugan ng mga sumusunod na konsepto.

1. Lesbian

2. Gay

3. Bisexual

4. Transgender

5. Diskriminasyon

BASAHIN:Karapatan ng mga LGBT Isinulong!

Inaprubahan ng House committee on women and gender equality ang panukala na naglalayong tiyakin
na pantay ang pagtrato sa mga bisexual, homosexual at heterosexual sa bansa.
Ayon kay AAMBIS-Owa Rep. Sharon Garin ipagbabawal ng House bill 5687 ang diskriminasyon sa
dahil sa sex, sexual orientation o gender identity (SOGI) sa mga trabaho at naghahanap ng trabaho.

Ipagbabawal din ang hindi pagtanggap o pagpatalsik sa estudyante sa anumang educational institution
dahil dito. Gayundin ang hindi pagtanggap sa kanila sa mga ospital.
“It is a basic right of every person, whether they are bisexual, homosexual, or heterosexual, to be free
from any form of discrimination. As a representative of a marginalized group in Congress and as a
woman, I support House Bill 5687 and I push for equal opportunity for all,” ani Garin.
Ang mga miyembro ng third sex ay hindi rin maaaring pagbawalan na kumuha ng lisensya o clearance
sa gobyerno dahil sa kanilang kasarian.
Ayon sa panukala, ang mga kaso ng mga miyembro ng third sex na may kinalaman sa diskriminasyon ay
hahawakan ng Women’s and Children’s Desk sa mga istasyon ng pulisya.
Upang maging epektibo, ang mga pulis na ito ay sasailalim sa pagsasanay at seminars para matiyak na
batid nila ang mga karapatang ibinibigay sa mga miyembro ng third sex.

Ang mga lalabag sa panukalang Anti-SOGI Discrimination Act ay pagmumultahn ng hindi bababa sa
P100,000 at kulong na mula isa hanggang anim na taon.

GAWAIN 3: Pagkatapos basahin ang artikulo sagutin ang mga pamprosesong tanong:

A. Sang ayon ka bas a mga panukalang karapatan ng LGBT? Magbigay ng 3 pahayag

B. Ano ang kaugnayan ng artikulo sa karapatang pantao? Magbigay ng 3 pahayag

C. Magbigay ng 3 suhistiyon ukol sa isyu


7
Page
GAWAIN 4: Iskor:_____/20

Ang pagdiriwang ang International Day for the Elimination of Violence


Against Women. Matindi na ang mga nangyayaring karahasan sa mga
kababaihan na nagdudulot ng mga malalagim na pagkamatay. Batay sa pinaka-
latest survey, ang karahasan sa mga kababaihan ay isa sa apat na dahilan ng
kanilang kamatayan. Una ang sakit, ikalawa ang gutom at ikatlo ang giyera. At
sa maniwala at sa hindi mas marami pa ang namamatay na kababaihan dahil sa
karahasan kaysa sa giyera.
Dito sa Pilipinas, hindi na lingid ang maraming kaso ng domestic
violence kung saan maraming kababaihan ang namamatay. May mga babaing
karumal-dumal kung patayin. At tila ang nangyayaring ito ay nagiging
karaniwan na lamang ngayon. At nakapagtatakang walang ginagawa ang
gobyerno para lubusang maprotektahan ang mga kababaihan. Wala rin naman makuhang hustisya sa
mga babaing walang awang pinatay o kaya ay ginahasa at nilabag ang karapatan.
Ang pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence Against Women ay
eksaktong-eksakto naman sa nangyaring pangre-rape ng anim na sundalong Amerikano sa Subic noong
November 1. Ang biktima, isang 22-anyos na college graduate mula sa Davao ay ginahasa sa isang
rented van. Ang preliminary investigation ng kaso ay nakatakdang gawin ngayong araw na ito. Marami
ang nangangamba na walang kahinatnan ang kaso laban sa anim na

Kano. Wala ring hustisyang makakamtan ang nilapastangang Pinay kagaya ng ibang kaso ng pangre-
rape sa mga Pinay.
Kawawa ang mga Pinay na patuloy na nakalalasap ng pagmamaltrato at pang-aabuso. Gaano
karami ang mga Pinay domestic helpers na nakaranas nang pagmamaltrato sa kanilang amo habang
nagtatrabaho sa ibang bansa gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates. Hong Kong, Singapore at iba
pang bansa. Marami sa mga DH ang ginagahasa, pinaplantsa ang mukha, at hindi pinakakain sa kabila
na kayod kalabaw ang pagtatrabaho. May mga Pinay na sa pagnanais takasan ang maniac at malupit na
amo ay tumatalon sa bintana. Mas piniling mamatay kaysa magahasa ng among maniac.
Tungkulin ng gobyerno na tulungan ang mga kababaihan. Wakasan ang pagmamaltrato, pang-aabuso,
pagpapahirap sa kanila. Protektahan ang mga kababaihan at alisin sa kanilang balikat ang mabigat na
krus na kanilang pasan.
Pamprosesong Tanong: Rubric: 3 pangungusap = 4pts, 2 pangungusap =3pts at 1 pangungusap =
2pts.

1. Ano ang implikasyon ng pagdiriwang ng International Day for the Elimination of Violence
Against Women sa mga kababaihan at biktima ng karahasan?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
________________

2. Bakit sa sa bansang nabanggit ang kadalasang pinangyayarihan ng nasabing karahasan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________
3. Ano ang ibig sabihin ng domestic violence?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
__________________
4. Sa iyong komunidad, anu-ano ang mga kadalasang pang-aabuso sa mga kababaihan ang
nagaganap?
______________________________________________________________________________
8

______________________________________________________________________________
Page
______________________________________________________________________________
__________________
5. Bakit mabagal ang aksyon ng gobyerno ng Pilipinas ukol sa usapin ng domestic violence?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________
GAWAIN 5 : Iskor:_____/20

Bukod sa nakalista sa iyong kopya, tumukoy ng mga kababaihan at LGBT na kilala sa iba’t ibang
larangan sa ating bansa, lungsod pa Baguio o sa mismong komunidad na kinabibilangan mo. Sundin ang
format sa ibaba.
KILALA SA LARANGAN
PANGALAN NG BABAE BAKIT MO HINANGAAN
NG;

GAWAIN 6: Iskor:_____/15

Pagkatapos basahin ang teksto. Ipahayag ang iyong reaksyon sa loob ng kahon. Rubric: 5
pangungusap = 5pts, 3-4 na pangungusap = 4pts at 1-2 na pangungusap = 3pts. Note: Lahat ng artikulo
part and parcel lang boung artikulo.

1. Sa kuwento ni Susan, ina ni Sienna, noong 2013 pa nangyari ang panggagahasa kay Sienna ng
tatlong sundalo. “Noong Mayo 9, 2013, pumunta kami sa isang kasiyahan sa aming lugar. Gabi
at maraming tao noon. Nalingat ako at bigla na lang nawala si Sienna,” ani Susan. Makalipas
daw ang dalawang oras na hindi niya makita ang anak. Nagpasya siyang umuwi at inabutan sa
loob ng kanilang bahay ang kanyang anak at tatlong sundalo.
(Source: http://pinoyweekly.org/new/2014/11/karahasan-sa-kababaihan-tumitindi/)

Sagot:
9
Page
2. Ayon sa Philippine Commission on Women o PCW, ang babae pa ang kadalasang nasisi kung
sila ay nabubugbog. Maraming babae ang binabansagang “naggers” ng kanilang sariling mga
asawa o di kaya pabaya sa kanilang mga obligasyon bilang asawa. Ayon pa sa PCW, minsan pa
nga, ang panggagahasa ay sa babae pa nasisisi, dahil sila ay “flirtatious.”Ayon sa datos ng
Center for Women’s Resources (CWR), kada 53 minuto, isang babae o bata ang nagagahasa.
Pito sa sampung biktima ng panggagahasa ay mga bata. Ayon pa sa CWR, tumaas ng 92% ang
mga naitalang rape cases mula 5,132 noong 2010 tungo sa 9,875 nitong 2014.

Source: https://www.veritas846.ph/karahasan-laban-sa-kababaihan/

Sagot:

3. Ayon kay Sen. Jinggoy Ejercito Estrada, sa kabila ng pagsasabatas ng Republic Act 9262 (Anti-
Violence Against Women and Their Children) noong 2004 ay marami pa rin ang nagiging
biktima ng pang-aabuso, pananakit at iba pang uri ng karahasan.
Pinansin niya ang ulat ng Philippine Commission on Women (PCW) na noong 2013 ay umabot
sa 16,517 RA 9262 cases ang naitala ng Philippine National Police. Source:
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/08/08/1485327/proteksyon-sa-mga-kababaihan-
kanilang-anak-na-biktima-ng-karahasan

Sagot:

10
Page

You might also like