You are on page 1of 2

ARALIN 1: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan

Bawat lipunan sa iba’t ibang bahagi ng mundo ay nagkakaroon ng paghahati sa mga miyembro nito ayon sa kasarian.
Lalaki ang karaniwang inaasahang bumuhay sa kaniyang mag-anak. Nakakabit naman sa kababaihan ang tungkulin na
alagaan ang mga anak at maging abala sa mga gawaing-bahay. Sa ating bansa, masasabing sa kasalukuyan ay hindi na
mahigpit ang lipunan sa pagtatakda ng gampanin ng babae at sa lipunan. Bukod sa lalaki at babae naging hayag o lantad
na rin ang mga tinatawag na LGBT (lesbian, gay, biseksuwal, at transgender) na nagnanais din na matanggap at kilalanin
ang kanilang karapatan bilang mamamayan.

Paksa: Konsepto ng Kasarian


Magkaiba ang kahulugan ng gender at sex. Bagama’t kung isasalin ang dalawang salitang ito sa wikang Pilipino ay
katumbas ito pareho ng salitang kasarian.

Konsepto ng Gender at Sex


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ang sex ay tumutukoy sa kasarian – kung lalaki o babae. Ito rin ay maaaring
tumukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksiyon ng tao.
Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na
nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender naman ay tumutukoy sa mga panlipunang
gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki.

Katangian ng Sex (Characteristics of Sex)


1. Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla
samantalang ang mga lalaki ay hindi.
2. Ang mga lalaki ay may testicle (bayag) samantalang ang babae
ay hindi nagtataglay nito.

Katangian ng Gender (Characteristics of Gender)


Ang bansang Saudi Arabia lamang sa mga bansa sa mundo ang hindi nagpapahintulot sa kababaihan na magmaneho ng
sasakyan.
Oryentasyong Seksuwal
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
Ayon sa GALANG Yogyakarta, ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao
na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksyonal, emosyonal, sekswal; at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong
ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa isa.
Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak,
kabilang ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang
pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang
paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.

Ang oryentasyong sekswal ay maaaring maiuri bilang heterosekswal, homosekswal, at bisekswal.


 Heterosexual – mga taong nagkakanasang seksuwal sa miyembro ng kabilang kasarian, mga lalaki na ang gustong
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
 Homosexual – mga nagkakaroon ng seksuwal na pagnanasa sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian, mga
lalaking mas gustong lalaki ang makakatalik at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha

Bukod sa lalaki at babae, may tinatawag tayo sa kasalukuyan na lesbian, gay, bisexual, at transgender o mas kilala bilang
LGBT.

 Lesbian (tomboy) - sila ang mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki; mga babaeng may pusong lalaki at
umiibig sa kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy)
 Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at
kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na; bakla, beki, at bayot).
 Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
 Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksiyong seksuwal sa anumang kasarian
 Transgender -kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip
at ang pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katauhan

Paksa: Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


Gender Roles sa Pilipinas

Ang mga datos pang-kasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man ay kabilang sa
pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki. Patunay nito ang pagkakaroon ng mga
binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay mga babae na itinatago sa mata ng publiko.
Itinuturing silang prinsesa. Hindi sila pinapayagang umapak sa lupa at hindi pinapayagang makita ng kalalakihan
hanggang sa magdalaga. Ito ay isang kultural na kasanayan sa Panay.
Bago dumating ang mga Espanyol, ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming
asawa subalit maaaring patayin ng lalaki ang kaniyang asawang babae sa sandaling makita niya itong kasama ng ibang
lalaki. Ipinakikita sa kalagayang ito na mas malaki ang karapatan na tinatamasa ng kalalakihan noon kaysa sa kababaihan.

Paano naman winawakasan ang pagkakatali sa kasal noon?


Bagamat kapwa pinapayagan noon ang babae at lalaki na
hiwalayan ang kanilang asawa, mayroon pa ring makikitang
pagkiling sa mga lalaki. Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang
kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa pahahon ng kanilang
pagsasama. Subalit kung ang babae ang magnanais na hiwalayan
ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang anumang pag-aari.

Inilarawan naman ni Emelina Ragaza Garcia, sumulat ng akdang


Position of Women in the Philippines, ang posisyon ng
kababaihan sa Pilipinas
noong panahon ng mga Espanyol:
Reared and trained primarily for motherhood or for the religious life, her education principally undertaken under the
supervision of priests and nuns. Being economically dependent on her men folk, she had to be subservient to them.
Held out as an example was the diffident, chaste, and half-educated woman, whose all-consuming preoccupation was
to save her soul from perdition and her body from the clutches of the devil incarnate in man. (Garcia, 1965)
Makikita mula sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon ng mga
Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa kanilang batas na
tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan. Ngunit sa Panahon ng mga Pag-aalsa, may mga Pilipina
ring nagpakita ng kanilang kabayanihan gaya ni Gabriela Silang. Nang mamatay ang kanyang asawang si Diego Silang,
nag-alsa siya upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol. Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may
mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng
mga Espanyol. Ang pagdating ng mga Amerikano ay nagdala ng ideya ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay
sa Pilipinas. Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o mayaman,
maraming kababaihan ang nakapag-aral. Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan
ang mundong kanilang ginagalawan. Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang
espesyal na plebesito na ginanap noong Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-karapatan sa
pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika.

Dumating ang mga Hapones sa bansa sa pagsiklab ng Ikalawang


Digmaang Pandaigdig. Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng
kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones. Ang kababaihan na nagpapatuloy
ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay hindi
ligtas sa ganitong gawain. Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay
inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.

You might also like