You are on page 1of 15

A

Araling Panlipunan 10
Kwarter 3, LEARNING ACTIVITY SHEET 3
Tugon ng Pamahalaang Pilipinas
sa mga Isyu ng Karahasan at
Diskriminasyon

Asignatura at Baitang: Araling Panlipunan 10


Learning Activity Sheet 3
Unang Edisyon, 2020
Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon

Rehiyon 8 – Sangay ng Samar

Isinasaad ng Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na maghanda ng gawain kung itoý pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.

Ang Learning Activity Sheet na ito ay inilimbag upang magamit ng mga


Paaralan sa Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Walang bahagi ng Learning Activity Sheet na ito ang maaaring kopyahin o


ilimbag sa anumang porma nang walang pahintulot sa kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 8 – Sangay ng Samar.

Mga Bumuo sa Pagsulat ng Araling Panlipunan 10 Activity Sheet

Manunulat: Maggie M. Gale- SST- III, Pagsanghan NHS/ Pagsanghan District

Tagalapat: Janssen Louel C. Dabuet, Gibson J. Gayda

Editor: Eloisa R. Zartiga, EPS- Araling Panlipunan

Tagasuri: Mary Ann G. Navales- SST-II Calbiga NHS

Tagapamahala:

Carmela R. Tamayo EdD, CESO V – Schools Division Superintendent

Moises D. Labian Jr. PhD, CESO VI-Asst. Schools Division Superintendent

Antonio F. Caveiro, PhD - Chief Education Supervisor, CID

Eloisa R, Zartiga- EPS – Araling Panlipunan

Josefina F. Dacallos, EdD – PSDS/LRMS Manager Designate

Araling Panlipunan 10
Pangalan ng mag-aaral:_____________Baitang:______ Seksyon:______________
Paaraalan : _______________________ Petsa:_______________________________

Tugon ng Pamahalaang Pilipinas sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon

I. Panimula:
Sa nakalipas na aralin, nasuri ninyo ang mga isyu at hamong may kaugnayan sa
Kasarian at Lipunan na nararanasan hindi lamang sa Pilipinas maging sa iba’t ibang bahagi
ng daigdig.
Sa araling ito, pagtutuunan ng pansin ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan
upang matugunan ang mga isyu at hamon sa Kasarian at Lipunan. Handa ka na ba?

II. Kasanayang Pampagkatuto:

Napapahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan ng


Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon

 Nalalaman ang tugon ng pamahalaan sa mga isyu ng karahasan at diskriminasyon sa


bansa
 Nasusuri ang tugon ng mamamayan sa Pilipinas sa mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon
 Naigagalang ang mga batas laban sa karahasan at diskriminasyon

III. Pamamaraan:

Gawain 1: Larawan-Suri

Panuto: Suriing mabuti ang mga larawan. Tukuyin ang mga karahasan at
diskriminasyong ipinakikita ng mga ito. Isulat ang iyong sagot sa
isang papel.
Gawain 2: Suriin Mo!
Panuto: Sa bahaging ito, iyong mababasa ang isang tula na talaga namang
pupukaw sa iyong imahinasyon. Unawain mo itong mabuti at
sagutin ang pamprosesong tanong.

Gender Equality
I may be different, You push us away
in the physical form If only you knew
I may be never meant,
And hate the storm Everyone thinks you have more power,
That we kneel before you
We may be opposite, But yet all you do is act sour
But we’re one and the same Get a clue
In each other’s genders we
may not fit, We can do everything you can,
But just let us join in your game We’re not just pink and pretty
We’ll we knew how to plan,
You don’t let us play, And for you your game we can play sickly
But we let you

-Hellopoetry.com

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang ipinahihiwatig ng tula?
2. Anong damdamin ang namayani sa iyo habang binabasa ang tula? Bakit?
3. Sinu-sino ang mga karakter na ipinakikita sa tula? Ano ang kanilang pagkakaiba?
4. Paano makakamit ang respeto ng iba’t ibang kasarian?
5. Bilang mamamayan, paano ka makatutulong upang maitaguyod ang pagtanggap at
paggalang sa kasarian?

Gawain 3: Basahin at Unawain


Sa Pilipinas, may batas na nagbibigay proteksiyon sa mga
kababaihan tulad ng CEDAW o Convention on the Elimination of All Forms of
Discrimination Against Women, Anti-Violence Against Women and Their Children Act at
Magna Carta for Women.
Basahin ang susunod na teksto tungkol sa batas laban sa Karahasan sa Kababaihan.

Ang CEDAW

Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of


Discrimination Against Women. Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for
Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations Treaty for the
Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na
komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal
na larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at
pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong
Disyembre 18,1979, kaalinsabay ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirma
ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at niratipika ito noong Agosto 5,
1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot na
sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang
ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o 39 taon na ang nakararaan
noong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.

Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa
kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na magdala ng konkretong
result sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may
responsibilidad ang estado sa kababaihan na kailanma’y hindi nito
maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado
sa kababaihan, anumang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sa
karapatan ng kababaihan hindi lamang ng mga institusyon at opisyal sa
gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng
karapatan ng babae, at hinahamon nito ang state parties na baguhin
ang mga stereotype, kostumbre at mga gawain nagdidiskrimina sa babae.

Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?

Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang


diskriminasyon at ‘di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang
estado na solusyunan ito. May tungkulin ang State Parties na igalang,
ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.

Ang State Parties ay inaasahang:


1. ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at
maglagay ng mga epektibong mekanismo at sistema kung saan maaring
humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang
hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at
4. gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga
isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.

Anti-Violence Against Women and Their Children Act (Republic Act No. 9262)

Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay


isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at
kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima nito,
at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino
ang puwedeng mabigyan ng proteksiyon ng batas na ito?

Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan


at kanilang mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay
tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng may
kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon
ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak” naman ay tumutukoy sa
mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing-walong (18)
taong gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-
walong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang
babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.

Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at


pananakit at maaring kasuhan ng batas na ito?

Ang mga maaring magsagawa ng krimeng ito at maaring managot


sa ilalim ng batas na ito ay ang mga kasalukuyan at dating asawang lalaki,
mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga
lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual
or dating relationship” sa babae.

Pamprosesong Tanong:

1. Tungkol saan ang Anti-Violence Against Women Act?


2. Sinu-sino ang binibigyang proteksyon ng batas na ito? Sa iyong palagay bakit
binalangkas ang ganitong uri ng batas?
3. Bilang mag-aaral, paano ka makatutulong na maipabatid at mapairal ang batas na ito?

Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)


Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang
lahat ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang
pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng
Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the Elimination of All
Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at
pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay karapatang pantao.
Ano-ano ang responsibilidad ng pamahalaan upang maproteksiyunan ang mga
kababaihan at mga anak nito sa ilalim ng batas na ito?

Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing
tagapagpatupad o primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.

Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga
nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa
mga paraang ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang
nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at
kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga
batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa
kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype at tanggalin
ang mga istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na
nagpapahiwatig nang hindi pantay ang mga babae at
lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay,
propesyon, relihiyon, uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Binibigyan ng
batas na ito ng bukod na pansin ang kalagayan ng mga batang babae, matatanda, may
kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in
Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa hindi
panatag na kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo ang mga
batayang pangangailangan at serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa,
maralitang tagalungsod, magsasaka at manggagawang bukid, mangingisda, migrante, at
kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga
babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-
aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment,
human trafficking at mga babaeng nakakulong.

Matapos mong mabasa ang mga batas na nagbibigay proteksiyon sa mgakababaihan,


ngayon naman ay iyong unawain ang ukol sa batas na magbibigay ng benepisyo sa mga
kalalakihan sa kanilang mga trabaho.

Ang Paternity Leave


Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na ang bawat
empleyadong lalaki sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi
pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7) araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban
ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalaki sa unang apat na araw mula ng
manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa Paternity
Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong
asawa gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong
ipinagkakaloob sa mga empleyadong lalaki.
Ang sinumang employer na lumalabag sa batas na ito o sa mga panuntunan at
regulasyon na ipinakilala rito ay parurusahan ng multa na hindi lalampas sa dalawampu’t
limang libong piso (P25,000) o pagkabilanggo na hindi kukulangin sa tatlumpung (30) araw o
hindi hihigit sa anim (6) na buwan.
Ang isang lalaki ay maaaring mag-file ng Paternity Leave bago, habang at pagkatapos
na ang kanyang legal na asawa ay makapanganak. Nararapat lamang niyang kumpletohin ang
mga impormasyong hinihingi sa Paternity Notification Form buhat sa kanyang employer
kasama ang kopya ng marriage contract.
Bagaman hanggang ngayon ay walang partikular na batas para sa kalalakihan, patuloy
pa ring tinutugunan ng pamahalaan ang anumang karahasan at diskriminasyong kanilang
nararanasan. Patuloy ring isinusulong ang mga panukalang batas upang mabigyan ng
proteksiyon ang mga LGBTQIA+.

Gawain 4: Da-Hu?

Panuto: Tukuyin kung ano ang inilalarawan sa bawat bilang. Piliin at isulat
ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.
A. CEDAW
B. Pamahalaan
C. Marginalized Women
D. Magna Carta for Women
E. Women in Especially Difficult Circumstances
F. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
_____ 1. Layunin nitong itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang
potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad.
_____ 2. Ito ay batas na nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga kababaihan at
anak nito.
_____ 3. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing
tagapagpatupad ng batas na ito.
_____ 4. Sila ang mga babaeng biktima ng pang-aabuso, armadong sigalot at
prostitusyon.
_____ 5. Sila ang mga babaeng nasa di-panatag na kalagayan, may limitadong
kakayahan, at maralitang-tagalungsod.

Gawain 5: Mind Map ko ‘to


Panuto: Gumawa ng sariling Mind Map tulad ng nasa ibaba. Punan ito ng
mga tugon ng pamahalaan at mamamayan sa mga karahasan at
diskriminasyong nararanasan ng iba’t ibang kasarian. Ilahad kung
paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aaral.

Tugon ng pamahalaan sa
mga isyu ng karahasan at
diskriminasyon
Gawain 6: I-minapang Konsepto
Panuto: Gumawa ng isang concept map ukol sa napapanahong isyu ng
Karahasan at diskriminasyon. Gawing basesahan ang nasa ibaba.
Ibigay ang maaaring tugon ng pamahalaan at mamamayan
upang maiwasan ito. Isulat ang sagot sa papel.

Napapanahong isyu ng
Karahasan at
diskriminasyon

Gawain 7: Isip, Hamunin


Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng sumusunod.
1. Magna Carta of Women
2. CEDAW
3. Paternity leave
4. Anti-Violence Against Women and Their Children Act
5. Ang Karapatang Pantao ay Unibersal, magkakaugnay, at hindi nahahati

Gawain 8: Ikampanya Mo Na!


Sitwasyon: Isa kang organisador ng isang mapayapang protesta na nananawagan ng
halimbawa ang pagpapatigil ng karahasan laban sa kababaihan (violence against women o
VAW). Gagawa ka ng 3 campaign islogan na gagamitin sa inyong protesta. Maaaring lamanin
ng mga islogan, sa maikling pananalita, ang pagwaksi sa VAW, ang ilang hakbang upang
wakasan ang VAW, ang pagsuporta sa mga adhikaing laban sa VAW, o panawagan tungo sa
mapayapang pagkilos laban sa VAW. Gagamitin ang mga campaign islogan sa protestang
iyong gagawin sa susunod na linggo. Gawin gabay ang tanong na bilang isang mamamayang
Pilipino, paano mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga sa mga tugon ng pamahalaan at
mamamayan sa mga isyu ng kasarian at diskriminasyon sa lipunan? Ilahad ang iyong
kasagutan gamit ang isang campaign slogan. Sumunod sa health protocols na ipinatutupad sa
inyong pamayanan. Gamiting gabay ang pamantayan sa rubrik.

Pamantayan Napakagaling Magaling Hindi gaanong Hindi magaling


magaling
(5 puntos) (4 puntos) (3 puntos) (2 puntos)
Nilalaman Malinaw at Hindi gaanong Medyo magulo Magulo at hindi
madaling maunawaan ang ang laman ng maunawaan ang
unawain ang campaign slogan campaign slogan campaign
campaign slogan tungkol sa tugon tungkol sa tugon slogan tungkol
tungkol sa tugon ng pamahalaan at ng pamahalaan at sa tugon ng
ng pamahalaan at mamamayan sa mamamayan sa pamahalaan at
mamamayan sa mga isyu ng mga isyu ng mamamayan sa
mga isyu ng karahasan at karahasan at mga isyu ng
karahasan at diskriminasyon sa diskriminasyon sa karahasan at
diskriminasyon sa lipunan lipunan diskriminasyon
lipunan sa lipunan
Organisasyon Maayos at may Hindi gaanong Kaunti ang Walang
malaking maayos ang kaugnayan sa kaugnayan sa
kaugnaynan sa kaugnayan sa paksa ng paksa ang
paksa ang paksa ng campaign slogan campaign
campaign slogan campaign slogan tungkol sa tugon slogan tungkol
tungkol sa tugon tungkol sa tugon ng pamahalaan at sa tugon ng
ng pamahalaan at ng pamahalaan at mamamayan sa pamahalaan at
mamamayan sa mamamayan sa mga isyu ng mamamayan sa
mga isyu ng mga isyu ng karahasan at mga isyu ng
karahasan at karahasan at diskriminasyon sa karahasan at
diskriminasyon sa diskriminasyon sa lipunan diskriminasyon
lipunan lipunan sa lipunan
Pagkamalikhai Nakahihikayat Medyo Hindi gaanong Walang
n ang campaign nakahihikayat nakahihikayat panghihikaya
slogan tungkol ang campaign ang campaign t ang
sa tugon ng slogan tungkol slogan tungkol campaign
pamahalaan sa tugon ng sa tugon ng slogan
at pamahalaan pamahalaan tungkol sa
mamamayan at at tugon ng
sa mga isyu mamamayan mamamayan pamahalaan
ng karahasan sa mga isyu sa mga isyu at
at ng karahasan ng karahasan mamamayan
diskriminasyo at at sa mga isyu
n sa lipunan diskriminasyo diskriminasyo ng karahasan
n sa lipunan n sa lipunan at
diskrimasyon
sa lipunan
Gawain 9: Aking Aalamin
Panuto: Magsaliksik sa internet o magtanong sa iyong mga nakatatandang
kasama sa bahay ng mga programa, samahan, batas o ordinansa
na nagtataguyod ng mga karapatan ng mga kalalakihan,
kababaihan at LGBTQIA+ sa iyong pamayanan. Gumawa ng isang
talahanayan upang mailagay ang mga nasaliksik. Isulat ang iyong
sagot sa isang papel.

KALALAKIHAN KABABAIHAN LGBTQIA+

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang mga batas/ordinansa, programa o samahan na nagtataguyod sa karapatan ng
lalaki, babae, at LGBT sa inyong pamayanan?
2. May kabutihan ba itong dulot/ Bakit?
3. Natutugunan ba nito ang mga isyung kinakaharap ng lalaki, babae at LGBTQIA+ sa
inyong pamayanan? Sa paanong paraan?
4. Sa inyong paaralan, may mga program aba o alituntunin na nangangalaga sa
karapatan ng mga mag-aaral na babae, lalaki o kabilang sa LGBTQIA+?

Gawain 10: Tayahin Natin


Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag o tanong sa bawat
bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot sa isang papel.
1. Layunin ng batas na ito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at angpotensiyal
nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad at makilala na angkarapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
A. Magna Carta for Women
B. Women Discrimination Bill
C. Women for Magna Carta Act
D. Act Against Women Discrimination

2. Ito ay batas na nagsasaad ng mga karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak,
nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito at nagtatalaga ng kaukulang parusa sa
lumalabag nito?
A. Women and Children Act
B. Anti-Children and Women Act Bill
C. Act for Women at Children in Discrimination
D. Anti-Violence Against Women and Their Children Act

3. Sila ang mga babaeng mahirap o nasa di-panatag na kalagayan ayon sa Magna Carta for
Women.
A. Samahang Gabriela
B. Marginalized Women
C. Powerful Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

4. Ito ang itinalaga ng Magna Carta for Women bilang pangunahing tagapagpatupad o
primary duty bearer ng komprehensibong batas na ito.
A. paaralan C. senado
B. pamahalaan D. simbahan

5. Tumaas ang bilang ng mga babaeng biktima ng prostitusyon ngayong


ipinatutupad ang community quarantine. Ayon sa Magna Carta for Women, saan nabibilang
ang mga biktima ng prostitusyon?
A. Marginalized Women
B. Women in Marginal Society
C. Focused Women of the Society
D. Women in Especially Difficult Circumstances

6. Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?


A. pagbabalewala sa tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan
B. pagbabawal sa aksyon o patakarang umaabuso sa kababaihan
anuman anglayunin nito
C. hindi pagbibigay ng pansin sa mga ulat na nagpapakita ng mga
kababaihang biktima ng karahasan
D. pagpapahayag ng mga hinaing at suliraning kinakaharap ng mga
kababaihang biktima ng pang-aabuso at diskriminasyon

7. Kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay


sa karapatan ng mga babae. Ang sumusunod ay tungkulin ng Estado bilang State Party sa
Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)
maliban sa:
A. paggalang sa karapatan ng kababaihan
B. kondenahin ang pamahalaan dahil mahina ito
C.masolusyunan ang laganap na diskriminasyon
D.ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan

8. Isang empleyado ng AMG Network si Calib. Ang kanyang asawa ay nagdadalangtao.


Bilang isang empleyado, anong benespisyo ang makukuha niya sa kompanya kapag nanganak
na ang kanyang asawa?
A. Maternity Leave C. Leave for Fathers
B. Paternity Leave D. Paternity Leave of Absence

9. Sila ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, biktima ng prostitusyon at mga
babaeng nakakulong.
A. Women of The Society
B. Able Women of the Society
C. Especial Women in Difficult Circumstances
D.Women in Especially Difficult Circumstances

10. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehinsibong


tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at pulitikal na larangan kundi
pati na rin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya.
A. Conference Elimination of All Forms of Discrimination Against War
B. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
War
C. Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against
Women
D.Convention on the Eradication of All Forms of Discrimination Against
Women

IV. Sanggunian:

Kontemporaryong Isyu, Learners Material, pahina 319-338


PAGTANAW AT PAG-UNAWA DIWA textbooks pahina 134-159
Mga Kontemporaryong Isyu nina Mercado at Hernandez VIBAL textbook pahina 196-211
MELC/unpacked MELCs
youtube.com/watch?v=/mWzQ-s8Kk4
Happy Teaching with Ma’am Belle Fb page
https://www.slideshare.net/jazzdaweyur/tugon-sa-mga-isyu

https://www.shutterstock.com/image-vector/silhouette-woman-harassment-hands-vector-
illustration-775551214
https://www.shutterstock.com/image-vector/man-household-activities-set-men-shopping-
1027995556
https://www.shutterstock.com/image-vector/sad-teenage-girl-sitting-on-floor-1412116502
https://www.gettyimages.com/photos/foot-binding?phrase=foot
%20binding&sort=mostpopular
http://www. bcs. gov.ph/files/sp/Pinav Komiks.pdf

V. Susi sa Pagwawasto

Gawain 4: Gawain 10:

1. D 1. A 6. D
2. F 2. D 7. B
3. B 3. B 8. B
4. E 4. B 9. D
5. C 5. D 10. C

Ang mga sagot sa Pamprosesong mga Tanong ay maaaring magkakaiba-iba

You might also like