You are on page 1of 13

10

Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong


pagkamamayan (MELC AP10 Q4 W1-2)
Manunulat: ARNEL E. PIA, SSTII

0
Gawaing Pampagkatutong Papel sa Araling Panlipunan 10
Ika – Apat na Markahan, Unang Modyul
S.Y. 2020 – 2021

Pamagat : Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

Panimula : Sa bahaging ito ay inaasahan na iyong matututuhan ang pinagmulan


ng konsepto ng pagkamamamayan. Ipaliliwanag din sa modyul na ito
kung paano ito lumawak sa pagdaan ng panahon. Susuriin mo rin kung
naaayon ba ang iyong mga panimulang kaalaman sa paksa sa
talakayan sa bahaging ito.

 Naipapaliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan


(MELC AP10 Q4 W1-2)
 Naipaliliwanag ang mga katangiang dapat taglayin ng isang aktibong
mamamayan na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko
 Nasusuri ang naging pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
 Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa
pagbabagong panlipunan

Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal maliban sa isa.

A. Nawala na ang bisa ngnaturalisasyon.


B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sasaligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansakapag mayroong digmaan.

2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang


Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas
na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973na ang mga ina ay Pilipino, na
pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.
1
3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa
Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.


B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling
maging Pilipino.

4. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto


ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na
pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong
bantayan ang kaban ng bayan.

5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang
karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong
dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.

6. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan


sa isang bansa?
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa

7. Ito ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan
o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.

A. Jus Soli
B. Lipunan
C. Pagkamamamayan
D. Dignidad

8. Alin sa sumusunod ang nagsasabi na ang pagkamamamayan ng isang tao ay


nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.

A. Jus Soli
B. Jus Sanguinis
C. Jus Losci
D. Jus Loche
2
9. Ito ang batas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito
kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas. Alin sa mga batas na ito ang
tinutukoy?

A. Saligang Batas ng 1987


B. Saligang Batas ng 1935
C. Freedom Constitution
D. Saligang Batas ng 1973

10. Ang mga sumsunod ay kahalagahan sa pagiging aktibong mamamayan,


MALIBAN sa isa.

A. Upang mas mapabilis ang pagunlad ng isang bayan o komunidad at patuloy na


pagiging maayos nito.
B. Dahil sila ang pinagkukunan ng “kapangyarihan” ng pamahalaan.
C. Dahil sa kanila nakaasa ang mga nararapat ng mga bagay para sa kanila tulad
ng kalusugan, pabahay at edukasyon.
D. Dahil sa kanila nanggagaling ang mga problema ng komunidad.

Gawain 1. Awit-Suri

Pakinggan ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino” ni Noel Cabangon.


Maaaring basahin ang titik ng awitin sa ibaba. Pagkatapos ay sagutin ang kasunod
na mga tanong.

Ako’y isang mabuting Pilipino


Minamahal ko ang Bayan ko Ako, bilang tapat at totoong lingkod ng
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin bayan
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan
Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan
Tumatawid ako sa tamang tawiran Di ko binubulsa ang pera ng Bayan
Sumasakay ako sa tamang sakayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang
Pumipila at hindi nakikipag-unahan Pilipino
At ‘di ako pasiga-siga sa lansangan. Mga karapatan nila’y kinikilala ko
Ginagalang ko ang aking kapwa tao
Bumababa at nagsasakay ako sa tamang Pinaglalaban kong dangal ng bayan ko.
sakayan
‘di na makahambalang parang walang ‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
pakialam. Minamahal ko ang bayan ko
Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
kalsada Sinusunod ko ang kaniyang mga
Humihinto ako kapag ang ilaw ay pula. alituntunin.
3
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Ako’y isang mabuting Pilipino Minamahal ko
Minamahal ko ang bayan ko ang bayan ko
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin
‘Di ako nangongotong o nagbibigay ng Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino
lagay
Ticket lamang ang tinatanggap kung Panatang makabayan
binibigay Iniibig ko ang Pilipinas
At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno. Ito ang lupang sinilangan
Ito ang tahanan ng aking lahi
‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan. Ako’y kaniyang kinukupkop
‘di bumubuga ng usok ang aking sasakyan At tinutulungan upang maging malakas
Inaayos kong mga kalat sa basurahan Maligaya, at kapaki-pakinabang
Inaalagan ko ang aking kapaligiran Bilang ganti diringgin ko
Ang payo ng aking mga magulang
‘Pagkat ako’y isang mabuting Pilipino Susundin ko ang mga tungkulin ng aking
Minamahal ko ang bayan ko paaralan
Tinutupad ko ang aking mga tungkulin
Sinusunod ko ang kaniyang mga alituntunin Tutuparin ko ang mga tungkulin
Ng isang mamamayang makabayan
Lagi akong nakikinig sa aking mga Paglilingkuran ko ang aking bayan Nang
magulang walang pag-iimbot at buong katapatan
Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan Sisikapin ko maging isang tunay na Pilipino
‘di ako gumagamit ng bawal na gamot. Sa isip sa salita at sa gawa.
O kaya’y tumatambay at sa eskwela’y di
pumapasok.

Pinagtatanggol ko ang aking karangalan Sanggunian: Cabangon, N. (Composer).


‘Pagkat ito lamang ang tangi kong (2009). Ako'y Isang Mabuting Pilipino. [N.
kayamanan Cabangon, Performer] Manila, Philippines.
‘di ko binebenta ang aking kinabukasan
Ang boto ko’y aking pinahahalagahan.

Mga Gabay na Tanong

1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?


2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?
3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga
tungkulin at pananagutan?
4. Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng
kabutihang panlahat at pambansang kapakanan?

Gawain 2. Katangian ng Aktibong Mamamayan

Ihanda ang sarili sa pagbuo ng mga katangian ng isang aktibong mamamayan.


Sundin ang sumusunod na panuntunan:

4
1. Humingi ng mga opinyon o ideya sa kasama sa bahay at bumuo ng listahan
ng katangian ng mga aktibong mamamayan.

2. Gamitin ang diyagram nasa ibaba para sa pagbuo ng listahan ng katangian


ng mga aktibong mamamayan.

3. Ipaliwanag kung bakit ito naging katangian ng isang aktibong mamamayan.

Katangian ng Isang Aktibong Paliwanag


Mamamayan

Pamprosesong Tanong:

1. Ano-ano ang mga katangian ng isang aktibong mamamayan?


2. Paano ninyo nasabi na ito ay katangian ng isang aktibong mamamayan?

Paksa: Ligal at Lumawak na Konsepto ng Pagkamamamayan

Pagkatapos mong alamin ang inyong paunang kaalaman tungkol sa isang


aktibong mamamayan, ikaw ay magiging mas handa para sa pag-unawa tungkol sa
dalawang pananaw ng pagkamamamayan: ang ligal na pananaw at lumawak na
pananaw.

Ligal na Pananaw

Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o


katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring
iugat sa kasaysayan ng daigdig. Tinatayang panahon ng kabihasnang Griyego nang
umusbong ang konsepto ng citizen. Ang kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga
lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan na binubuo ng mga taong
may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin. Ang polis ay binubuo ng mga citizen na
limitado lamang sa kalalakihan. Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo
kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na
si Pericles, hindi lamang sarili ang iniisip ng mga citizen kundi maging ang kalagayan
ng estado. Ang isang citizen ay inaasahan na makilahok sa mga gawain sa polis

5
tulad ng paglahok sa mga pampublikong asembliya at paglilitis. Ang isang citizen ay
maaaring politiko, administrador, husgado, at sundalo.

Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming pagbabago ang


konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan, tinitingnan natin ang
citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang indibiduwal sa isang nasyon-
estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang citizenship ay ugnayan ng isang
indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang
indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng
mga karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa Saligang-batas ang
tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito.

Dito rin makikitakung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at
ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen. Bilang halimbawa,
tunghayan ang kasunod na teksto. Ito ay tungkol sa ikaapat na artikulo ng Saligang
Batas ng1987 ng Pilipinas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan.
Iniisa-isa rito kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas.

ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN

SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas:


(1) yaong mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-
batas na ito;
(2) yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay
Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang
gulang; at
(4) yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano
mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang
Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa
Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na
mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling
matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng
mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa
kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na
nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa
kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Sanggunian:
SaSaligang
kabilaBatas
nitongay
1987maaaring
ng Pilipinas.mawala ang 2).
(1987, February pagkamamamayan
Ang Konstitusyon ng ng isang
indibiduwal. Unang dahilan ay kung siya ay sasailalim sa proseso ng naturalisasyon
Republika ng Pilipinas 1987. Retrieved August
sa ibang bansa. Ang ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1.) ang panunumpa ng
katapatan sa Saligang- Batas ng ibang bansa; 2.) tumakas sa hukbong sandatahan
ng ating bansa kapag maydigmaan, at 3.) nawala na ang bisa ng naturalisasyon.
6
Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Jus sanguinis
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa
pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong
sinusunod sa Pilipinas.

Jus soli o jus loci


Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.

Pamprosesong mga Tanong


1. Ano-ano ang mga batayan ng pagiging isang mamamayang
Pilipino?
2. Ano-ano ang dahilan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal?
3. Gaano kahalaga ang isang mamamayan sa lipunang Pilipino?

Lumawak na Pananaw ng Pagkamamamayan

Patuloy ang paglawak ng konsepto ng pagkamamamayan sa kasalukuyan.


Tinitingnan ngayon ang pagkamamamayan hindi lamang bilang isang katayuan sa
lipunan na isinasaad ng estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga
tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at
sa paggamit ng kaniyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa,
tinitingnan ng indibiduwal na siya ay bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao.

Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa


lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga
karapatan at tungkuling dapat gampanan, inaasahan na siya ay magiging aktibong
kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak na
layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito. Ayon sa lumawak na pananaw ng
pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kaniyang mga karapatan para
sa ikabubuti ng bayan. Kaniyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng
batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-uutos ng
pamahalaan sapagkatwala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang
ipatutupad sa isang estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang
kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito upang bumuo ng isang
kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Batay sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, maaari nating
matukoy ang mga katangian ng isang mabuting mamamayan. Ayon kay Yeban
(2004), ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang makabayan, may
pagmamahal sa kapuwa, may respeto sa karapatang pantao, may pagpupunyagi sa
mga bayani, gagap ang mga karapatan at tungkulin bilang mamamayan, may
disiplina sa sarili, at may kritikal at malikhaing pag-iisip.

7
Naglahad ang abogadong si Alex Lacson ng labindalawang gawaing
maaaring makatulong sa ating bansa. Ang mga gawaing ito ay maituturing na mga
simpleng hakbangin na maaaring gawin ng bawat isa sa atin. Ngunit sa kabila ng
pagiging simple ng mga ito ay maaaring magbunga ang mga ito ng malawakang
pagbabago sa ating lipunan.

1. Sumunod sa batas-trapiko. Sumunod sa batas.


2. Laging humingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili.
3. Huwag bumili ng mga bagay na smuggle. Bilhin ang mga lokal na
produkto. Bilhin ang gawang-Pilipino.
4. Positibong magpahayag ng tungkol sa atin gayundin sa sariling bansa.
5. Igalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod-
bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura. Ihiwalay. Iresiklo. Pangalagaan.
7. Suportahan ang inyong simbahan.
8. Tapusin nang may katapatan ang tungkulin sa panahon ng eleksiyon.
9. Maglingkod nang maayos sa pinapasukan.
10. Magbayad ng buwis.
11. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap.
12. Maging mabuting magulang. Turuan ng pagmamahal sa bayan ang
mga anak.

Sanggunian: Lacson, Alexander L. (2005). 12 Little Things Every Filipino Can


Do to Help Our Country. Alay Pinoy Publishing House

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan sa lumawak na


pananaw nito?
2. Ano naman ang mga pagkakatulad ng ligal at lumawak na pananaw
ngpagkamamamayan?
3. Gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating lipunan?

Gawain 3. Ako Bilang Aktibong Mamamayan


Magsulat ng limang katangian ng aktibong mamamayan sa bawat pananaw
ng pagkamamayan. Magbigay ng maikling paliwanag kung bakit ito naging isang
8
katangian ng aktibong mamamayan. sa tingin mo ay nagpapakita ng pagiging
aktibong mamamayan.

Lumawak na
Ligal na Pananaw
Pananaw
Aktibong
Mamamayan

Pamprosesong mga Tanong:

1. Ano ang iyong konsepto ng isang aktibong mamamayan?


2. Paano mo nasabing ang mga gawaing inilagay mo sa tsart ay nagpapakita ng
pagiging isang aktibong mamamayan?
3. Gaano kahalaga sa isang lipunan ang isang aktibong mamamayan?

Gawain 3. Pagkamamamayan ko, Islogan Mo!


Gumawa ng isang malikhaing ISLOGAN na nagpapakita ng kahalagahan ng
pagiging aktibong mamamayang Pilipino. Sa ibaba ng islogan ay isulat ang maikling
paliwanag. Gawin ang gawaing ito sa isang bond paper.

Rubric:
10 7 4 1
Content Ang mensahe ay Di – gaanong Medyo magulo Walang
mabisang naipakita ang ang mensahe. mensaheng
naipakita. mensahe. naipinakita.
Creativity Napakaganda at Maganda at Maganda ngunit Di maganda at
napakalinaw ng malinaw ang di – gaano Malabo ang
pagkakasulat ng pagkakasulat ng kalinaw ang pagkakasulat ng
mga titik. mga titik. pagkakasulat ng mga titik
mga titik.
Relevance May malaking Di – gaanong Kaunti lang ang Walang
kaugnayan sa Malaki ang kaugnayan sa kaugnayan sa
paksa ang kaugnayan sa paksa ang paksa ang
islogan paksa ang islogan islogan
islogan
Kalinisan Malinis na malinis Malinis ang Di – gaanong Marumi ang
ang pagkakabuo. pagkakabuo. malinis ang pagkakabuo
pagkakabuo

9
Panuto: Basahing mabuti at unawain ang mga katanungan sa bawat aytem. Piliin at
isulat ang titik ng tamang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.

1. Ang sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang
indibiduwal maliban sa isa.

A. Nawala na ang bisa ng naturalisasyon.


B. Nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon.
C. Nanumpa ng katapatan sa saligang batas ng ibang bansa.
D. Hindi naglingkod sa hukbong sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.

2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang


Batas ng 1987 ng Pilipinas?
A. Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
B. Yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas.
C. Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinusulat ang Saligang-Batas
na ito.
D. Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa tamang gulang.

3. Sino sa sumusunod ang hindi maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa


Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?

A. Si Maria na sumailalim sa proseso ng expatriation.


B. Si Kesha na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon.
C. Si Edward na ang mga magulang ay parehong mga Pilipino.
D. Si Jade na ipinanganak noong Enero 16, 1970 na ang ina ay Pilipino at piniling
maging Pilipino.
4. Alin sa sumusunod na situwasiyon ang hindi nagpapakita ng lumawak na konsepto
ng pagkamamamayan?
A. Si Edna na sumasali sa mga kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan.
B. Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
C. Si Angelo na kalahok sa proseso ng participatory budgeting ng kanilang lokal na
pamahalaan.
D. Si Michael na lumahok sa isang non-governmental organization na naglalayong
bantayan ang kaban ng bayan.
5. Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang
karapatan bilang mamamayan?
A. Ipinauubaya niya sa mga opisyal ng barangay ang pagpapasya sa mga proyektong
dapat isagawa sa kanilang komunidad.
B. Aktibo siya sa isang peace and order committeeng kanilang barangay.
C. Nakikinig siya sa mga hinaing ng mga taong naaapi.
D. Nanonood siya ng mga serye ng kuwento tungkol sa karapatang pantao.
6. Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kanyang pagkamamamayan
sa isang bansa?
10
A. Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
B. Upang matiyak ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan
C. Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
D. Upang maigawad sa kaniya ang mga pribilehiyo na dapat niyang matamasa
7. Ito ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan
o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig.
A. Jus Soli
B. Lipunan
C. Pagkamamamayan
D. Dignidad

8. Alin sa sumusunod ang nagsasabi na ang pagkamamamayan ng isang tao ay


nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang
prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
A. Jus Soli
B. Jus Sanguinis
C. Jus Losci
D. Jus Loche
9. Ito ang batas na nagpapahayag ng tungkol sa pagkamamamayan. Iniisa-isa rito
kung sino ang maituturing na mamamayan ng Pilipinas. Alin sa mga batas na ito ang
tinutukoy?
A. Saligang Batas ng 1987
B. Saligang Batas ng 1935
C. Freedom Constitution
D. Saligang Batas ng 1973

10. Ang mga sumusunod ay kahalagahan sa pagiging aktibong mamamayan,


MALIBAN sa isa.

A. Upang mas mapabilis ang pagunlad ng isang bayan o komunidad at patuloy na


pagiging maayos nito.
B. Dahil sila ang pinagkukunan ng “kapangyarihan” ng pamahalaan.
C. Dahil sa kanila nakaasa ang mga nararapat ng mga bagay para sa kanila tulad
ng kalusugan, pabahay at edukasyon.
D. Dahil sa kanila nanggagaling ang mga problema ng komunidad.

Pagtatalakay Pagtataya:
Pamprosesong Tanong 1 (Posibleng Sagot)

Pagiging Mamamayang Pilipino


4. Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng 1. B
Saligang-batas ng 1987 ng Pilipinas 2. C
5. Ang ama o ina ay Pilpino 3. A
11 na ang mga ina
6. Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973
ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa 4. B
karampatang gulang 5. B
7. Indibidwal na sumailalim sa proseso ng naturalisasyon
6. C
Mga Dahilan ng Pagkawala ng Pagkamamamayan 7. C
Sanggunian:
 Modyul para sa Mag-aaral, Mga Kontemporaryong Isyu, Aral.
Panlipunan 10
 https://wol.jw.org/tl/wol/d/r27/lp-tg/102002361

12

You might also like