You are on page 1of 10

10

Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan- Ika-3 Linggo

Pilyego ng mga Gawaing


Pampagkatuto
Kahalagahan ng Pagsusulong at
Pangangalaga sa Karapatang Pantao
sa Pagtugon sa mga Isyu at Hamong
Panlipunan

Manunulat :NOVELYN P. SAGRADO


Paaralan :BALANGBALANG NATIONAL HIGH SCHOOL
Distrito :RTR
Email Add :novelyn.sagrado@deped.gov.ph
Development Team
Writer: Novelyn P. Sagrado

Validators: Shelden S. Espina, Elizalde S.


Chavit,
Junel D. Lapinid, Mindalita S.
Sodicta,
Ruby T. Ado, Ma. Cristina A. Quidlat,
Lourdes L. Jamito

Reviewers: Rosell P. Abellana, Avelina C. Duquesa,


Bernie R. Pamplona,
Junel M. Anino
Illustrator: Neil J. Arado

Management Team: SDS Romeo O. Aprovechar, CESO V


ASDS Love Emma B. Sudario
CID Chief Rayfrocina T. Abao
Republic of the Philippines
Department of Education
Caraga Administrative Region
DIVISION OF AGUSAN DEL NORTE

PILYEGO NG MGA GAWAING PAMPAGKATUTO


Pangalan ng Mag-aaral: _______________________________ Seksyon: ______
Paaralan: _____________________________________________

Asignatura: Araling Panlipunan


Baitang: 10
Kwarter: Ikaapat
Kasanayan sa Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at
Pampagkatuto: pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon sa
mga isyu at hamong panlipunan
Koda:
Buwan: Mayo, 2021
Linggo: Mayo 31-Hunyo 4, 2021 (Ika-3 Linggo)
Pamagat ng mga Gawain: Gawain 1:Pagpipili
Gawain 2:Dokumento ng mga Karapatan
Gawain 3:Connecting Human Rights Then and Now
Mga Kagamitan: papel at bolpen
Mga Layunin: 1. Nakapagsusuri sa kahalagahan ng pagsusulong at
pangangalaga sa karapatang pantao sa pagtugon
sa mga isyu at hamong panlipunan ;
2. Nakapagtatalakay sa pangangalaga sa karapatang
pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong
panlipunan; at
3. Nakapagpapaliwanag sa karapatang pantao sa
pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Aralin:
Mga Karapatang Pantao

Ang mga pangangailangan ng tao ay dapat matugunan upang siya ay


mabuhay. Karapatan ng tao na matugunan ang kanyang mga pangangailangan
upang siya ay mabuhay nang may dignidad bilang tao.

Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa


sandaling siya ay isilang. Ang pagkakamit ng tao ng mga pangangailangan niya
tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay
nangangahulugan na nakakamit niya ang kanyang karapatan. Hindi maaaring
mabuhay ang tao kung hindi niya nakakamit ang kanyang karapatan. Mayroon
tayong karapatan dahil tayo ay tao. Ang pagkakaroon ng karapatang pantao ay
bahagi na ng pagiging tao at hindi na kinakailangan pang ito ay kilalanin ng
pamahalaan sa estado sapagkat likas na itong bahagi ng tao.

1
Mahalagang malaman natin ang ating karapatan upang matamasa natin ang
mga pangunahing pangangailangan natin bilang tao. Sinumang umagaw sa ating
mga pangangailangan o kumitil sa ating buhay nang walang dahilan ay lumabag sa
ating karapatan bilang tao. Maari tayong dumulog sa hukuman kung sakaling
nahahadlangan ang ating karapatan.

Ang pagkilala sa karapatang pantao ay pagkilala din sa karapatan ng iba. Ang


pagkilala sa karapatan ng iba ay nasasaad ng ating obligasyon na igalang ang
karapatan ng lahat ng tao. Kung lahat ng mamamayan ay kumikilala sa karapatan
ng bawat isa, malaki ang posibilidad ng kapayapaan sa lahat ng aspekto ng ating
buhay sa lipunang Pilipino.

Diyagram ng Pagkabuo ng Karapatang Pantao


Kinakitaan din ng kaisipan tungkol sa
539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng karapatang pantao ang iba pang sinaunang
Persia at kaniyang mga tauhan ang kabihasnan tulad ng India, Greece, at
lungsod ng Babylon. Pinalaya niya ang Rome.
mga alipin at ipinahayag na maaari silang
pumili ng sariling relihiyon. Idineklara rin
ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng Ang mga itinatag na relihiyon at
lahi. pananampalataya sa Asya tulad ng
Judaism, Hinduism, Kristiyanismo,
Nakatala ito sa isang baked-clay cylinder Buddhism, Taoism, Islam at iba pa ay
na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” nakapaglahad ng mga kodigo tungkol sa
Tinagurian ito bilang “world’s first charter moralidad, kaisipan tungkol sa dignidad ng
of human rights.” tao at tungkulin nito sa kaniyang kapwa.

Noong 1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong
naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England. Ilan sa mga ito ay hindi maaaring dakpin,
ipakulong, at bawiin ang anumang ari-arian ng sinuman nang walang pagpapasiya ng hukuman.
Sa dokumentong ito, nilimitahan ang kapangyarihan ng hari ng bansa.

Noong 1628 sa England, ipinasa ang Petition of Noong 1787, inaprubahan ng United
Right na naglalaman ng mga karapatan tulad States Congress ang Saligang-batas ng
nang hindi pagpataw ng buwis nang walang kanilang bansa.Sa dokumentong ito,
pahintulot ng Parliament, pagbawal sa nakapaloob ang Bill of Rights na
pagkulong nang walang sapat na dahilan, at ipinatupad noong Disyembre 15, 1791.
hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng Ito ang nagbigay-proteksiyon sa mga
kapayapaan. karapatang pantao ng lahat ng
mamamayan at maging ang iba pang
Noong 1864, isinagawa ang pagpupulong ng taong nanirahan sa bansa.
labing-anim na Europeong bansa at ilang estado
ng United States sa Geneva, Switzerland. Kinilala
ito bilang The First Geneva Convention na may
Noong 1789, nagtagumpay ang French
layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
Revolution na wakasan ang ganap na
nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
kapangyarihan ni Haring Louis XVI.
anumang diskriminasyon.
Sumunod ang paglagda ng Declaration
of the Rights of Man and of the Citizen
na naglalaman ng mga karapatan ng
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang mamamayan.
Human Rights Commission sa pangunguna ni
Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong Pangulong
Franklin Roosevelt ng United States. Sa
pamamagitan ng naturang komisyon, nilagdaan
at ipinatupad ang dokumentong tinawag na
Universal Declaration of Human Rights.

Ang Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights

2
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mahalagang
dokumentong naglalahad ng mga karapatang pantao ng bawat indibiduwal na may
kaugnayan sa bawat aspekto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang
sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural.
Nang itatag ang United Nations noong Oktubre 24, 1945, binigyang-diin ng mga
bansang kasapi nito na magkaroon ng kongkretong balangkas upang matiyak na
maibabahagi ang kaalaman at maisakatuparan ang mga karapatang pantao sa
lahat ng bansa. Ito ay naging bahagi sa adyenda ng UN General Assembly noong
1946.

Nabuo ang UDHR nang maluklok bilang tagapangulo ng Human Rights


Commission ng United Nations si Eleanor Roosevelt – ang biyuda ni dating
Pangulong Franklin Roosevelt ng United States. Binalangkas ng naturang komisyon
ang talaan ng mga pangunahing karapatang pantao at tinawag ang talaang ito
bilang Universal Declaration of Human Rights.

Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR noong Disyembre 10,


1948 at binansagan ito bilang “International Magna Carta for all Mankind.” Sa
kauna-unahang pagkakataon, pinagsama-sama at binalangkas ang lahat ng
karapatang pantao ng indibiduwal sa isang dokumento. Ito ang naging
pangunahing batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang
Saligang-batas.

Kaisa ang pamahalaan ng Pilipinas sa maraming bansang nagbigay ng maigting


na pagpapahalaga sa dignidad at mga karapatan ng tao sa iba’t ibang panig ng
daigdig. Ayon sa Seksyon 11 ng Artikulo II ng Konstitusyon ng Republika ng
Pilipinas, 1987 ay pinahahalagahan ng Estado ang karangalan ng bawat tao at
ginagarantiyahan ang lubos na paggalang sa mga karapatang pantao. Binigyang-
diin ng Estado ang pahayag na ito sa Katipunan ng mga Karapatan (Bill of Rights)
na nakapaloob sa Seksyon 1 - 22 ng Artikulo III.

Ang Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating


bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng bawat tao mula sa
dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibiduwal na nakapaloob
sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1), at 19.

Ayon sa aklat ni De Leon, et.al (2014), may tatlong uri ng mga karapatan ng
bawat mamamayan sa isang demokratikong bansa. Mayroon namang apat na
klasipikasyon ang constitutional rights. Unawain ang diyagram sa susunod na
pahina.

3
Mga Gawain:

Gawain 1: Pagpipili
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat sa papel ang titik ng
wastong sagot.

1. Mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang


A. UDHR C. Statutory Rights
B. Karapatang Pantao D. Karapatang Pangkalikasan
2. Dokumentong naglimita sa kapangyarihan ng hari ng England noong 1215 at
nagbigay ng ilang karapatan ng mga taga England.
A. Bill of Rights C. Magna Carta
B. Cyrus’ Cylinder D. The First Geneva Convention
3. Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
A. Bill of Rights C. Magna Carta
B. Cyrus’ Cylinder D. The First Geneva Convention
4. Uri ng karapatan na taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng estado
A. Bill of Rights C. Constitutional Rights
B. Natural Rights D. Statutory Rights
5. Bakit mahalagang malaman natin ang ating karapatan?
A. Upang magkaroon ng maraming kaibigan
B. Sapagkat ito ay nagdudulot ng kapahamakan
C. Dahil ito ay kailangan ng tao sa pagkakaroon ng kayamanan
D. Upang matamasa natin ang mga pangunahing pangangailangan bilang tao
Gawain 2: Dokumento ng mga Karapatan

Panuto: Kompletuhin ang tsart sa pamamagitan ng pagtala sa ikalawang kolum ng


mga karapatang pantaong nakapaloob sa bawat dokumento.

Dokumento Mga Nakapaloob na Karapatang Pantao

4
1. Cyrus’ Cylinder
2. Magna Carta
3. Petition of Right
4. Bill of Rights
5. Declaration of the Rights of
Man and the Citizen
6. The First Geneva Convention

Gawain 3: Connecting Human Rights Then and Now

Panuto: Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa alinman sa tinalakay


na dokumento. Magbigay ng halimbawa, sitwasiyon o pangyayari sa iyong
komunidad na nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad ito sa
kasalukuyan.Ipakita ang gawaing ito sa malikhaing paraan. Sundin ang nasa loob
ng kahon. Isulat ito sa papel.

1.Piniling dokumento sa pagkabuo ng karapatang


pantao:_____________________
2. Karapatang pantaong nakapaloob sa dokumento na
nagaganap/ipinapatupad sa kasalukuyan:______
3. Malikhaing Gawain:

Rubrik sa pagmamarka

Nangangailang
Napakahusa Mas Mahusay
Pamantayan Mahusay (3) an ng Puntos
y (5) (4)
pagpapabuti (2)
Nilalaman Naglalaman Naglalaman ng Naglalaman ng Kulang ang
ng tama at kalidad mga tamang ipinakitang mga
komprehensi na mga ideya ideya at ideya at
bo, tama at at impormasyon impormasyon
kalidad na impormasyon
mga ideya at
impormasyon
Organisasyon Detalyado, Maayos at Madaling Hindi gaanong
maayos at madaling maintindihan maintindihan
madaling maintindihan ang paglalahad ang paglalahad
maintindihan ang paglalahad ng ideya ng ideya
ang ng ideya
paglalahad ng
ideya
Kabuuan

Konseptong Natutunan:

Paano ka magiging instrumento sa pagtataguyod sa karapatang pantao?

Sanggunian:

5
1. Kontemporaryong Isyu Learning Material (DepEd)
2. Project EASE (Effective Alternative Secondary Education) Araling Panlipunan
Modyul 24 Karapatang Pantao. Pahina 1-14

Susi sa Pagwawasto:

5. D
4. B
3. B ang sagot
2. C Maaaring magkaiba-iba
1. B
and Now
Pagpipili Human Rights Then
Gawain 1: Gawain 3:Connecting

6
7
Gawain 2. Dokumento ng mga Karapatan
Inaasahang sagot:

You might also like