You are on page 1of 9

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN

10

PAGKAMAMAMAYAN:KONSEPTO AT KATUTURAN
Ikaapat na Markahan
I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
1. Natatalakay ang konsepto ng pagkamamamayan batay sa artikulo ng 1987 Saligang Batas
ng Pilipinas
2. Nabibigyang halaga ang kakayahan ng mga Pilipino sa pagpapakita at pagpatunay ng
pagiging mabuting mamamayan
3. Nakikilahok ng buong sigla ang mga mag-aaral sa talakayan

II. Nilalaman:
A. Paksa: Pagkamamamayan:Konsepto at Katuturan
(Legal at Lumalawak na Pananaw)
B. Kagamitan:------------------------------------
C.Sanggunian:Araling Panlipunan 10 MELCs,Learner Manual pahina 354-365
https://znnhs.zdnorte.net/wp-content/uploads/2022/04/AP10_Mod1_W1-2_Q4.pdf

Pagiging Mabuting Mamamayan

III. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


A.Panimulang Gawain
1. Panalangin

Magandang Araw mga Mag-aaral!


Bago tayo magsimula,maaari bang
may magboluntaryo upang manguna (Ang nagbolutaryo mag-aaral ang
sa ating Panalangin. mangunguna sa panalangin)

2. Pagsisiyasat sa kaayusan ng Silid-aralan

Klas,paki ayos ang inyog upuan at Opo mam


pakisilip rin ang ilalim ng upuan at pulutin
kalat na inyong makikita.Salamat

3. Pagbibigay ng Pamantayan o Gabay sa (Pagbasa ng kinatawan ng


mga mag-aaral habang nasa paaralan o Pamanatayan sa IATF Safety Protocol)
silid-aralan alinsunod sa IATF Safety
Protocol

-Ang guro ay tatawag ng kinatawan na


magbabasa ng pamantayan sa IATF
Safety Protocol
4. Pagtatala ng mga lumiban

Kalihim,bigyan mo ako ng mga tala ng Opo mam.


mga lumiban sa klase.

5. Pagbabahagi ng Balita
Klas,sino ang nakahandang magbahagi Balitaan
ng napapanahon na balita ngayon?

6. Balik-aral

Ating balikan ang araling tinalakay natin Ang mga mahalagang kaalaman na
sa huling pagkikita,ano ang mga tinalakay po natin ay ang mga
mahalagang kaalaman na tinalakay katangian ng mabuting Pilipino na
natin? nakaloob sa awitin ni Noel Cabangon
na “Ako’y Isang Mabuting Pilipino.”
Magbanggit ng lima sa mga katangian
ng mabuting Pilipino? Ang mga katangian po ng mabuting
Pilipino na tinukoy sa awitin tulad po
ng;
1. Tumutupad po sa mga tungkulin
Magaling ang inyong 2. Sumunod po sa mga batas trapiko
kasagutan,maliban sa mga binangit 3.Inaalagaan po ang kapaligiran
ninyo ay marami pang iba. 4. Ang boto ay pinangangalagaan
5. Ang pabor o lagay ay hindi
Paano inilarawan ni Murray Clark pinapayagan
Havens ang katuturan ng
mamamayan?
Ayon po kay Murray Clark Havens,ito
Magaling!Ngayon naman ay dumako ay tungkol sa ugnayan ng indibidwal at
tayo sa bago natin aralin para sa araw sa estado kung saan bilang ang isang
na ito. estado ay may kaakibat na tungkulin at
karapatan.
B.Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Gawain 1:PINOY AKO
 Sa pamamagitan ng power point
presentation,Tukuyin ang inilalarawan
sabihin kung Pinoy o Hindi ang isinaad sa
inilarawan.

 1.Para sa unang personalidad,siya ay Si Catriona Gray po mam?Opo


tubong Bikol,pinakatanyag niya ang mam.Siya po ang naging
salitang Silver Linings,at kinoronahan siya representative ng bansa natin sa
na Binibini sa patimpalak na kagandahan nakalipas na Miss Universe Beauty
pang unibersa,sino siya?Pinoy ba siya? Contest.
Patunayan
CATRIONA GRAY
 2.Ang susunod na personalidad ay Siya po si Manny Pacquiao.Opo Pinoy
isang tanyag na boksingero at senador na po siya sa pagkat siya ay pinanganak
hindi matatawaran ang karangalan na sa Pilipinas.
ibinigay sa bansa.
Sino siya?Pinoy ba siya?Patunayan

MANNY PACQUIAO

 3.Ang pangatlo ay dating host ng Si Sam Y.G po am,hindi po siya


noontime show Eat Bulaga na nagmula sa Pinoy,siya po ay Indian National.
IndiaSino siya?Pinoy ba siya?

SAM Y.G

Dati siyang mamamayan ng India,ngunit


ngayon siya ay isang mamamayan ng
Pilipinas,ang paliwanag tungkol dito ay
balikan natin sa ating talakayan.

 4.At ang huling ay kasalukuyang Mam siya po si Senator Grace


senadora at dating kumandidato ng Poe,may nagsasabi po na Pilipino siya
pagkapangulo ngunit hindi siya at mayroon ding nagsasabi na hindi
pinalad.Sino siya?Pinoy ba siya? siya Pilipino,siguro po Pilipino po siya
Patunayan dahil pinayagan siyang maging
senador.

Grace Poe
Mahusay!Siya nga ay Pilipino,ang
paliwanag tungkol sa kanya ay
tatalakayin natin sa araw na ito.
Sa palagay ninyo klas,ano ang aralin Mam,ito ay tungkol sa pagka Pilipino.
natin sa araw na ito?

Klas,Ano ang pwede pa nating gamitin Ito po ay tungkol sa pagkamamamayan


salita maliban sa pagka Pilipino?

Magaling,ang aralin natin ngayon tungkol


sa pagkamamamayan.

2. Pagtalakay
Upang lubos na maunawaan ninyo ang
tungkol sa pagkakamamayan,ating
tunghayan ang Artikulo IV ng 1987
Saligang Batas kung saan napapaloob
ang panuntunan tungkol dito.

 Ang guro ay tatawag ng isang mag-aaral Ang mag-aaral ay babasahin ang


na babasa ng seksyon 1 ng Artikulo IV seksyon 1 ng Artikulo IV ng Saligang
batas.
Mula sa binasang Seksyon,sino ang Sa Seksyon 1,Talata 2 maaari po ng
tinutukoy dito sa mga personalidad na tinutukoy dito ay si Manny Pacquiao.
tinukoy sa lunsaran?

Bakit mo nasabi? Kasi po mam ang ina at ama niya ay


kapwa Pilipino

Maliban kay Manny Pacquiao,sino pa ang Sa tala 4,unang seksyon,maaaring ang


tinutukoy sa Seksyon 1? tinutukoy dito ay si Sam Y.G.
Paano sila naging mamamayan ng ating Siya po ay naging mamamayan sa
bansa gayong siya ay dayuhan? pamamagitan ng proseso ng
pamahalaan.
Tama,ito ay kanilang hiningi ngunit bago
naipagkaloob,dumaan muna slia sa
mahabang proseso,ito ay tinatawag na
naturalisasyon.

 Ang guro ay tatawag muli ng isang mag- Seksyon 2......................


aaral na babasa ng Sekyon 2
Magbanggit ng halimbawa na tinutukoy Mam ang halimbawa po na tinutukoy
dito? dito ay tayo po.

Tama ang sinabi niya? Opo Mam


Patunayan ang iyong pahayag? Tayo po mam kasi ay katutubong
pinanganak sa ating bansa,dito tayo
isinilang.

Napakahusay ng sagot,pakibasa ang Seksyon 3......


Seksyon 3.

Sino ang halimbawa na tinutukoy sa Mam si Grace Poe po.


Seksyon 3?

Paano mawawala ang pagkamamamayan Mawawala po ang pagkamamamayan


ng isang Pilipino? kung siya po ay manunumpa ng
karapatan sa ating bansa.
Maliban sa sinabi niya,ano pa ang
dahilan? Kapag ang hukbong sandatahan ng
ating bansa ay tumaks sa panahon ng
laban o digmaan.

Magaling! At panghuli ngayon Kapag po nawala ang bisa ng


naman,pakibasa ang Seksyon 4 naturalisasyon.

Magbigay ng halimbawa ng tinutukoy ng Seksyon 4...........


Seksyon 4

Tama,Mawawala ang kanyang Mam yan pong nanay ng kaibigan


pagkamamamayan kung siya mismo ay ko,nanatili po siyang mamamayan ng
magdesisyon na susundin ang bansa kahit nakapag-asawa ng
pagkamamayan ng kanyang asawa. amerikano.

At ang panghuling seksyon naman Seksyon 5...........


pakibasa nga ninyo.
Mam sa akin pong pang unawa,ang
Ano ang ibig sabihin ng Seksyon na ito? dalawa pong karapatan ay maaaring
magdulot ng di mabuting epekto sa
kapakanang pambansa.

Paano ito makapagdudulot ng di Mam maaari po siguro sa


magandang epekto? pamamagitan ng pagdedesisyon.

Tama,kung ang isang Opo Mam


mamamayan ay magkakaroon ng
mataas na posisyon sa
pamahalaan,ngunit
pangkaraniwang mamamayan ito
ay maaari,halimbawa ang mga
beteranong sundalo na naging
mamamayan ng amerika at kung
sa panahon ng kanilang pagtanda
ay muling bumalik sa
bansa,babawiin nila ang kanilang
dalawang karapatan,maliwanag ba
klas?
Maliban diyan klas,kung inyong Siguro po mam iyong ang mga
susuriin ang Artikulo IV mayroong magulang na parehong Pilipino at
ilang uri ng pagkamamamayan? isinilang sa Pilipinas at yung dayuhan
Magaling,yun proseso at tinatawag na naging mamamayan dahil sa
ng paraan ng naturalisasyon,ang proseso.
tawag dito ay naturalisado at ang
isa pa ay likas o
katutubo.Maliwanag po ba? Opo mam

Banggitin nga muli kung ano ang Ang dalawang uri po ng


dalawang uri ng pagkamamamayan ay ang
pagkamamamayan? naturalisado at katutubo o likas.

Maliban sa uri,mayroon din Ang dalawang prinsipyo ng


prinsipyo ang pagkamamamayan ay Jus Sanguinis
pagkamamamayan.Pakibasa mo at Jus soli o Jus loci.
nga

Paano naiba ang isa’t isa? Sa Jus Sanguinis ang


pagkamamamayan ng isang tao ay
nakabatay sa pagkamamamayan ng
isa sa kaniyang magulang at sa Jus
soli o Jus loci ang pagkamamamayan
ay nakabatay sa lugar kung saan siya
ipinanganak.

Alin sa dalawa ang sinusunod ng Ito po mam ang Jus Sanguinis


ating bansa?

Tama,sa palagay ninyo saan


naman kinikilala ang Jus soli o Siguro po mam sa U.S o Amerika
Jus loci ?

Tama,Maliwanag ba klas?
Opo mam

Mam pwede po magtanong?

Oo naman,ano iyon?

Ito ay nakadepende kung ano ang Halimbawa po ang mag-asawang


desisyon ng magulang at patakaran Pilipino nanganak sa ibang bansa,ano
ng bansa. po ang kanyang pagkamamamayan?

C.Pangwakas na Gawain Ang mga mag-aaral ay sasagot sa


1.Paglalahat katanungan ng guro.
Paano mapatutunayan ang
pagkamamamayan ng bawat tao sa ating
bansa? At paano din ito mawawala?

2.Paglalapat
Gawain 2 Panuto:Tukuyin mula sa 1.MP
sumusunod na sitwasyon ang mga 2.HMP
mamamayang Pilipino.Isulat ang C 3.MP
kung mamamayang Pilipino,At HMP 4.MP
naman kung hindi mamamayang Pilipino. 5.HMP

a.Si Jayson ay ipinanganak sa


Pilipinas.Ang ama niya ay Pilipino
subalit ang ina niya ay Haponesa.
MP (mamamayang Pilipino)

b. Si Marga ay nakapag-asawa ng isang


Australian Citizen at sa bansang
Australia na sila naninirahan.
HMP (hindi mamamayang Pilipino)

c. Si Eva ay ipinanganak noong


September 12,1971.Ang kanyang ina
ay Pilipino at ang ama ay Amerikano.
MP (mamamayang Pilipino)

d. Si Ana ay ipinanganak sa USA.Ang


kanyang ama at ina ay mga Pilipino.
MP (mamamayang Pilipino)

e. Si Pedro ay sumailalim sa proseso ng


naturalisasyon sa ibang bansa.
HMP (hindi mamamayang Pilipino)

3. Pagpapahalaga
Bilang mamamayan ng bansa,gaano ka
kahalaga sa lipunang Pilipino?

IV. Ebalwasyon
Panuto:Sumulat ng isang talata na
naipapaliwanag ang konsepto at katuturan ng
pagkamamamayan batay sa artikulo IV ng
Saligang Batas ng Pilipinas.

V. Takdang-Aralin
Gumawa ng isang graphic organizer tungkol
sa pagkamamamayan batay sa legal at
lumalawak na pananaw ng pagkamamayan.

You might also like