You are on page 1of 5

Banghay Araling sa Araling Panlipunan

Ika-apat na Markahan
Baitang 10(Kontemporaryong Isyu)

Ika-13 ng Enero 2020

I- Layunin:

A. Pamantayang Nilalaman
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagkamamamayan at
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad,mapayapa,at may pagkakaisa.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mga mag- aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng
pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling
pamayanan.

C. Pamantayan sa Pagkatuto
Naipapaliwanag ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan
na nakikilahok sa mga gawain at usaping pansibiko.

D.Paghahabi ng Layunin:
1. Nalalaman ang pag-unawa ng mga mag-aaral tungkol sa katangian ng isang aktibong mamamayan.
2. Nasusuri ang naging pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.
3. Napapahalagahan ang papel na ginagampanan ng bawat mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan.

II. NILALAMAN A.Paksa Pagkamamamayan: Konsepto at Katuturan

Sanggunian: Learner’s Module 351-368


Kagamitan: Marker, Mga larawan mula sa internet, speaker
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagsasaayos ng silid-aralan
3. Pagtala ng lumiban sa klase
4. Pagganyak

Masdan ang larawan at sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

Bago natin tuloyang simulan ang ating bagong aralin, nais ko munang
pakinggan ninyo ang awiting “Ako’y Isang Mabuting Pilipino”ni Noel Cabanagon.
Maari nyo ring basahin at awitin kung alam ninyo ang kanta. Pagkatapos ay may mga
katanungang dapat ninyong sagutan.
Mga Gabay na Tanong:

1. Ano-ano ang katangian ng isang mabuting Pilipino ayon sa awitin?

2. Sino-sino ang itinuturing na mamamayang Pilipino?

3. Bakit dapat maisakatuparan ng isang mamamayan ang kaniyang mga tungkulin at pananagutan?

4.Paano makatutulong ang mamamayan sa pagsulong ng kabutihang panlahat at pambansang


kapakanan?

B. Paglinang na Gawain
1. Malayang Talakayan
 Ano ang Katangian ng isang mamamayang Pilipino

Gawain 1: Family Feud


Panuto : Ang guro ay maghahati ng dalawang grupo na may limang mag-aaral bawat
grupo. Ang mga mag-aaral ay mag-uunahang magbigay ng mga salita na aangkop sa mga
Katangian ng isang mamamayang Pilipino. Layunin nitong alamin kung paano nauunawaan
ng iba’t-ibang tao ang Konsepto ng pagkamamamayan, may 5 punto sa recitation.
Bilang Aktibong Pilipino ano ang ginagawa ng mga botante pagkatapos bomoto.

Bilang Aktibong Pilipino magbigay ng mgapangalan ng mga taong nagbigay karangalan sa


ating bansa.

Bilang Aktibong Pilipino magbigay ng mga pagkaing inihahanda tuwing piyesta.

Sa naging aktibiti, paano mo nasabi na ikaw ay isang aktibong mamamayan

Gawain 2: Bawal Judgemental


Panuto: Ang mag-aaral ay sasagutan ang mga sumusunod gamit ang mga sumusunod
sila ay pipili lamang kung Pilipino o Hindi sa pamamagitan ng pagpili sa kanilang kaklase.

1. si Julius ay anak ng isang Ilokano at Igorot sila ay naninirahan sa Maynila. Pilipino


2.Nagbabakasyon sa Pilipinas tuwing mahal na araw si Nyro na isang Australyano.
HINDI
3.Si Smith na isang Amerikano ay nakapagpatayo ng isang malaking kompanya sa
Pilipinas. .Tatlong taon na siyang naninirahan sa Pilipinas. HINDI
4. Si Lenie ay ipinanganak sa Cebu. Ang kaniyang ama ay Pilipino at ang kaniyang ina ay
Hapones. PILIPINO
5. Si Kapitan Ben ay isang sundalong Pilipino na naninirahan sa Mindanao. Nang
sumiklab ang labanan ng Abu Sayaf at militar, siya ay tumakas kasama ang kaniyang
pamilya. HINDI

Malayang Talakayan: Artikulo 4 Section 1 ng Saligang Batas 1987

Gawain 3: Aktibiti
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan sa Pahina 361
Ano ang pagkakaiba ng ligal na pananaw ng pagkamamamayan na lumalawak na pananaw
nito?

Magbigay ng halimbawa ng personalidad ukol sa naturalisado at Dual Citizenship

Ano Naging pagbabago sa konsepto ng pagkamamamayan.


C. Paglalapat
Sa iyong palagay, gaano kahalaga ang papel ng mamamayan sa ating Lipunan?
D. Pagpapahalaga

Bilang mag-aaral, alin sa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong


ginagawa?
Anong Kongklusyon ang iyong maaring mabuo tungkol sa pagiging mabuting mamamayn ng
mga Pilipino batay sa survey?

IV- Ebalwasyon

Piliin ang iyong sagot sa mga salita sa loob ng kahon. Jus Sanguinis Jus Soli Saligang
Batas Citizenship Naturalisayon Polis

1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado.
CITIZENSHIP

2. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino SALIGANG BATAS

3. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa


kaniyang mga magulang. JUS SANGUINIS

4. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. JUS SOLI

5. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng
isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte NATURALISASYON

V- Takdang Aralin
Basahin ang artikulong Filipino Ideals of Good Citizenship ni Mahar Mangahas .Pagktapos
ay sagutinang tanong sa Pahina 366. AP Learner’s Module

Inihanda ni:

Frances Joan Navarro


SST-I, Social Studies
Binigyang-Pansin:

Nita V. Mago, Ed.D


SSHT-VI, Social Studies

You might also like