You are on page 1of 3

Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan

02-04-19
I. Layunin:
Pagkatapos ng isang oras, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naipapaliwanag ang konsepto ng pagkamamamayan;

b. natatalakay ang dalawang uri ng mamamayan at mga prinsipyo ng


pagkamamamayang Pilipino; at

c. napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong


panlipunan.

II. Paksang Aralin


A. Paksa: Legal na Konsepto ng Pagkamamamayan
B. Sanggunian: Modyul sa Araling PANLIPUNAN 10: Isyu at Hamong
Panlipunan pp.355-351
C. Mga Kagamitan: laptop, projector
III. Pamaraan.
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtsek ng Atendans
3. Balik-Aral: Tugon sa mga Isyu sa Kasarian at Lipunan

B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak: “Awit-Suri”

2. Paglalahad
Sa umagang ito ang tatalakayin natin ay tungkol sa Legal na
Konsepto ng Pagkamamamayan
a. Pamantayan

Ngunit bago3.tayo
Bagong Aralinano nga ba
magsimula,
ang dapat gawin ng isang mabuting mag-
aaral habang nagsasalita ang guro?
Legal na Pananaw ng Pagkamamamayan
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng
isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa
kasaysayan ng daigdig. Ang isang citizen ay maaaring politiko, administrador,
husgado, at sundalo. Sa paglipas ng maraming panahon, ay nagdaan sa maraming
pagbabago ang konsepto ng citizenship at ng pagiging citizen. Sa kasalukuyan,
tinitingnan natin ang citizenship bilang isang ligal na kalagayan ng isang
indibiduwal sa isang nasyon-estado. Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
X

citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa


pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang
citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin..
ARTIKULO IV PAGKAMAMAMAYAN
SEKSIYON1. Ang sumusunod ay mamamayan ng Pilipinas: (1) yaong
mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito; (2)
yaong ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas; (3) yaong mga
isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili
ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at (4) yaong mga
naging mamamayan ayon sa batas.

b. Pamprosesong Tanong
Base sa ating talakayan, ano ang kahulugan ng
pagkamamamaya?
Ano ang dalawang uri ng mamamayan?

Ano ang mga prinsipyo ng pagkamamamayang


Pilipino?

4. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat
Sa kabuuan, ano ang tinalakay natin ngayong
umaga?
Pwede bang mawala ang pagkamamamayan ng
isang tao?
Anu-ano ang mga dahilan?
2. Pagpapahalaga
Bilang isang estudyante, sa paanong paraan mo
maipapakita ang pagiging mabuting
mamamayan?

IV. Pagkikilatis
Masusing Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan
X

Panuto: Basahing mabuti ang sumusunod na pahayag. Piliin ang iyong sagot sa mga
salita sa loob ng kahon.

Jus Sanguinis Jus Soli


Saligang Batas
Citizenship Naturalisayon
Polis 1. Ang kalagayan o katayuan ng isang tao bilang
miyembro ng isang pamayanan o estado.
2. Kasulatan kung saan nakasaad ang pagkamamamayang Pilipino
3. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang.
4. Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
5. Isang legal na paraan kung saan ang isang dayuhan na nais maging mamamayan ng
isang bansa ay sasailalim sa isang proseso sa korte

V. Takdang Aralin
Unang Pangkat- Reporting
Ikalawang Pangkat-Malikhaing Awit
Ikatlong Pangkat- Roleplaying
Ikaapat na Pangkat-Sabayang Pagbigkas

You might also like