You are on page 1of 10

Department of Education

Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

IKAAPAT NA MARKAHAN
IKA-27 HANGGANG IKA-31 NG ENERO, 2020
Petsa: Ika-27 ng Enenro, 2020 (Lunes)
Baitang at Pangkat: BEP 10-12, 10-13
TEMA: MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Naipamamanlan ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkamamayaan at pakikilahok sa mga gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang
maunlad, mapayapa at may pagkakaisa
PAMANTAYAN SA PAGGANAP: Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Napahahalagahan ang papel ng isang mamamayan para sa pagbabagong
panlipunan. AP10PKKIVc-3
I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nasusuri ang kahulugan ng mabuting mamamayan batay sa artikulong napakinggan.
2. Natutukoy ang katangian ng isang mabuting mamamayan at ang kahalagahan nito sa lipunan.
II. NILALAMAN:
Paksa: Ang Pananaw ng mga Pilipino sa pagiging mabuting Mamamayan
Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Modyul 4
Kagamitan: chalk and board, pantulong na biswal
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. Pagganyak: Litra-Talk
Ang guro ay magpapakita ng ilang larawan ng mga Pilipino na nakilala dahil sa kabutihang
ginawa nila sa bansa.

Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang saloobin tungkol dito.

C. Paglahad at Pagtalakay: Dugtungang Pagbasa


Sa pamamagitan ng dugtungang pagbasa ay ilalahad at tatalakayin ang pananaw ng mga
Pilipino sa pagiging mabuting mamamayan.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

Mga Gabay na Tanong


1. Ano ang kahulugan ng isang mabuting mamamayan ayon sa binasang artikulo?
2. Ano ang ranggo ng Pilipinas sa iba’t ibang tungkulin ng isang mamamayan?
3. Alinsa mga binanggit na tungkulin ng mamamayan ang iyong ginagawa? Bakit ito
mahalagang gawin?

D. Pinatnubayang Gawain: Ako’y Mabuting Pilipino


Bilang output, ang mga mag-aaral ay hahatiin sa apat na pangkat upang gawin ang naatas na
gawain na magpapakita ng pagiging mabuting mamamayan.
Pangkat I – Awit Pangkat II – Spoken Poetry
Pangkat III – Tatlong Slogan/ Hugot Lines Pangkat IV - Poster
Pamantayan sa Pagmamarka sa Pangkatang Gawain
Mga Batayan 5 3 1
Naibibigay ng buong husay May kaunting kakulangan Maraming kakulangan sa
Nilalaman ang hinihingi ng takdang ang nilalaman na ipinakita nilalaman na ipinakita sa
paksa sa pangkatang gawain sa pangkatang gawain pangkatang gawain
Buong husay at malikhaing Naiulat at naipaliwanag ang Di-gaanong naipaliwanag
Presentasyon naiulat at naipaliwanag ang pangkatang gawain sa klase ang pangkatang gawain sa
pangkatang gawain sa klase. klase
Naipapamalas ng buong Naipapamalas ng halos Naipamamalas ang
miyembro ang pagkakaisa lahat ng miyembro ang pagkakaisa ng iilang
Kooperasyon
sa paggawa ng pangkatang pagkakaisa sa paggawa ng miyembro sa paggawa ng
gawain pangkatang gawain pangkatang gawain
Natapos ang pangkatang Natapos ang pangkatang Di natapos ang pangkatang
Takdang Oras gawain nang buong husay gawain ngunit lumampas sa gawain
sa loob ng itinakdang oras takdang oras
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

E. Paglalahat:
Anong konklusyon ang iyong maaaring mabuo tungkolsa pagiging mabuting mamamayan ng
mga Pilipino?

F. Paglalapat:
Bakit mahalagang gampanan ng mga mamamayan ang kanilang tungkulin sa lipunan?
Patunayan ang sagot.

IV. PAGTATAYA/ EBALWASYON: Venn Diagram


Panuto: Lagyan ng angkop na impormasyon ang Venn Diagram na naghahambing sa tradisyonalat
lumalawak na pakahulugan sa pagkamamamayan. Ilagay sa dalawang bilog ang mga natatanging
katangian ng dalawang pananaw ng pagkamamamayan. Ilagay naman sa gitnang bahagi ang mga
pagkakatulad ng dalawang pananaw ng pagkamamamayan.

V. TAKDANG-ARALIN: Human Rights Declared


Ang klase ay hahatiin sa 6 na pangkat.
Panuto: Magsaliksik tungkol sa mahahalagang probisyon ng sumusunod na dokumentong naglalahad
ng mga karapatang pantao. Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa
pangalawang kolum at maghanda sa pag-uulat.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

IKAAPAT NA MARKAHAN
IKA-27 HANGGANG IKA-31 NG ENERO, 2020
Petsa: Ika-28 ng Enenro, 2020 (Martes)
Baitang at Pangkat: BEP 10-12, 10-13
TEMA: MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
PAMANTAYANG SA PAGGANAP: Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal
Declaration of Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. AP10MKPIVd-4
LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nabibigyang kahulugan ang salitang “karapatan”.
2. Nailalahad kung paano umunlad ang konsepto ng karapatang pantao.
3. Natutukoy kung anu-ano ang mga karapatang pantao na karaniwang binigyang pansin sa mga
yugto ng kasaysayan.
I. NILALAMAN:
Paksa: Pagkabuo ng Karapatang Pantao
Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Modyul 4
Kagamitan: chalk and board, pantulong na biswal
II. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. Pagganyak: “Scenario sa Bawat Pook”
Ang guro ay magpapakita ng larawan ng bahay, paaralan, pook-sambahan, city/municipal
hall, at komunidad. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga larawang ito. Pagkatapos, ipatala sa
papel ang mga karapatan ng tao batay sa mga nabanggit na institusyon. Pagkatapos, himukin
ang mga mag-aaral na magbigay ng sariling pakahulugan o pagkaunawa sa salitang
“karapatan.”

C. Paglalahad at Pagtalakay:
Mula sa binigay na takdang aralin ay maglalahad at tatalakayin ang karapatang pantao.
Bawat pangkat ay ilalahad ang kanilang nagawang pagsasaliksik.

Pangkat I – Cyrus’ Cylinder


Pangkat II – Magna Carta
Pangkat III – Petition of Right
Pangkat IV – Bill of Rights
Pangkat V – Declaration of the Rights of Man and of the Citizen
Pangkat VI - The First Geneva Convention

Pamprosesong mga Tanong:


1. Ano ang karapatang pantao?
2. Paano umunlad ang konsepto ng karapatang pantao batay sa kontekstong historikal nito?
3. Ano-ano ang karapatang pantao na karaniwang binigyang-pansin sa mga yugto ng
kasaysayan ayon mga ulat?
4. Mahalaga ba ang mga naturang karapatang pantao sa kasalukuyang panahon?
Pangatuwiranan

D. Pangkatang Gawain: Human Rights Declared


Panuto: Isulat ang mga probisyong nakapaloob sa bawat dokumento sa pangalawang kolum.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

1. Bakit mahalaga ang mga binanggit na dokumento sa pag-unlad ng konsepto ng


karapatang pantao?
2. Ano-ano ang pagkakatulad sa nilalaman ng mga dokumento batay sa nabuong tsart?

E. Paglalahat:
Ano ang iyong nabuong konklusyon tungkol sa pag-unlad ng karapatang pantao sa iba’t
ibang panahon?

F. Paglalapat
Nararapat bang maging bahagi ng buhay ng mamamayan ang mga nabanggit na karapatang
pantao? Bakit?

IV. PAGTATAYA/ EBALWASYON:


Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ito ay isang lungsod na sinakop ni Haring Cyrus at ng kaniyang mga tauhan.


a. England b. Persia c. Babylon d. Greece

2. Hari ng England na sapilitang lumagda sa Magna Carta.


a. John I b. Jorge III c. Louis XVI d. Wala sa nabanggit

3. Kailan ipinatupad ang Bill of Rights?


a. Disyembre 17, 1591 b. Disyembre 15, 1791
c. Disyembre 19, 1751 d. Disyembre 15, 1971

4. Alin sa mga sumusunod ang may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga
nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon?
a. First Geneva Convention b. Cyrus’ Cylinder
c. Universal Declaration of Human Rights d. Magna Carta

5. Ayusin ang mga dokumentong nasa loob ng kahon batay sa pagkabuo ng mga
karapatang pantao mula sinaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

A. 1324 B. 3124 C. 3214 D. 1234

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nakapaloob sa Magna Carta?


a. Nilimitahan ang kapangyarihan sa hari.
b. Hindi pagpataw ng buwi nang walang pahintulot ng Parliament
c. Hindi pagdeklara ng batas military sa panahon ng kapayapaan.
d. Maaaring pumili ng sariling relihiyon

7. Alin sa sumusunod ang hindi akma sa nilalaman ng Bills of Rights na nakapaloob sa


Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987?
A. Karapatan ng taumbayan bayan ang kalayaan sa pananampalataya.
B. Karapatang ng taumbayan ang magtatag ng union o mga kapisanan.
C. Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng
sedula.
D. Karapatan ng taumbayan ang hindi gamitan ng dahas at pwersa sa kaniyang
malayang pagpapasya.

8. Ito ay isa pang tawag sa baked-clay cylinder at tinaguriang “World’s First Charter of
Human Rights”
a. Human Rights’ Cylinder b. Cyrus’ Cylinder
c. Worlds’ Cylinder d. Wala sa nabanggit

9. Alin sa mga sumusunod ang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-
England?
a. Petition of Right b. Bill of Rights
c. Human Rights Commission d. Magna Carta

10. Alin sa mga sumusunod ang nagalalaman ng mga karapatan tulad nang pagbawal sa
pagkulong nang walang sapat na dahilan at hindi pagdeklara ng batas military sa
panahon ng kapayapaan?
a. Petition of Right b. Bill of Rights
c. Human Rights Commission d. Declaration of the Rights of Man and of the Citizen

Learning No. of No. of Item


% Remembering Understanding Application Analysis
Competencies Hours Items Placement
Natatalakay ang 1 100 10 1,2,3,8,9,10 4,6 5,7 1-101
pagkabuo ng mga
karapatang
pantao batay sa
Universal
Declaration of
Human Rights at
Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas.
AP10MKPIVd-4
1 100 10 6 2 0 2

V. KASUNDUAN: Karapatang Matuto!


Muling pag-aralan ang Pagkabuo ng Karapatang Pantao bilang paghahanda sa pangkatang
gawain at output na gagawin sa huwebes.
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

IKAAPAT NA MARKAHAN
IKA-27 HANGGANG IKA-31 NG ENERO, 2020
Petsa: Ika-30 ng Enenro, 2020 (Huwebes)
Baitang at Pangkat: BEP 10-12, 10-13
TEMA: MGA ISYU AT HAMON SA PAGKAMAMAMAYAN
PAMANTAYANG PANGNILALAMAN: Nauunawaan ang kahalagahan ng pagkamamayaan at pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko tungo sa pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may pagkakaisa.
PAMANTAYANG SA PAGGANAP: Nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan ng pakikilahok sa mga
gawaing pansibiko at pulitikal ng mga mamamayan sa kanilang sariling pamayanan.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO: Natatalakay ang pagkabuo ng mga karapatang pantao batay sa Universal
Declaration of Human Rights at Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas. AP10MKPIVd-4
I. LAYUNIN: Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Nailalahad ang kontekstong pangkasaysayan ng pagkabuo ng karapatang pantao.
2. Naiuugnay ang pagkabuo ng karapatang pantao sa pangyayari sa kasalukuyan.
3. Napatutunayan na nagaganap at ipinatutupad sa kasalukuyan ang mga karapatang pantao
nabuo sa kasaysaayan.
4. Nakapag-uulat/ tanghal ng buong husay at may pagkakaisa ang pangkat hinggil sa kabuuuan ng
araling pagkabuo ng karapatan.
II. NILALAMAN:
Paksa: Pagkabuo ng Karapatang Pantao
Sanggunian: Araling Panlipunan 10 Modyul 4
Kagamitan: chalk and board, pantulong na biswal
III. PAMAMARAAN
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
2. Pagtala ng liban sa klase
3. Pagsasaayos ng silid-aralan
B. Balik-Aral: Muling Ibalik ang Kahapon!
Sa pamamagitan ng timeline ay magbabalik-aral, ididikit ng guro sa pisara ang taon at
mga dokumentong may kaugnayan sa pagkabuo ng karapatang pantao.

Magtatawag ang guro ng ilang mag-aaral upang pagtapatin ang taon at dokumento
at magbibigay ng kaunting paglalahad tungkol sa dokumento.

C. Paglalahad at Pagtalakay: Connecting Human Rights Then and Now


Panuto: Pumili ng isang karapatang pantao na nakapaloob sa alinman sa tinalakay na
dokumento. Magbigay ng halimbawa, situwasiyon o pangyayari sa iyong komunidad na
nagpapatunay na nagaganap o ipinatutupad ito sa kasalukuyan. Ipakita ang gawaing
ito sa malikhaing paraan. Sundin ang nasa loob ng kahon.

Ang guro ay magpapabunot sa bawat pangkat ng kanilang gagawing istratehiya sa pag-


uulat/ pagtatanghal.

----- Role Playing, TV Broadcasting, Awit, Spoken Poetry, Tula------


Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

D. Pangkatang Gawain:
Bibigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang talakayin at buuin ang kanilang gawain,
matapos nito ay mag-uulat ang bawat pangkat ng kabuuan ng kanilang ginawa.

Ang bawat pangkat ay bibigyan ng 3 minuto sa pag-uulat.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang karaniwang karapatang pantao ang ipinakita sa malikhaing gawain?
2. Ano ang patunay na nagaganap at ipinatutupad sa kasalukuyan ang mga naturang
karapatang pantao?

Pamantayan sa Pagmamarka
Mga Batayan 5 3 1
Naibibigay ng buong husay May kaunting kakulangan Maraming kakulangan sa
Nilalaman ang hinihingi ng takdang ang nilalaman na ipinakita nilalaman na ipinakita sa
paksa sa pangkatang gawain sa pangkatang gawain pangkatang gawain
Buong husay at malikhaing Di-gaanong naipaliwanag
Naiulat at naipaliwanag ang
Presentasyon naiulat at naipaliwanag ang ang pangkatang gawain sa
pangkatang gawain sa klase
pangkatang gawain sa klase. klase
Naipapamalas ng buong Naipapamalas ng halos Naipamamalas ang
miyembro ang pagkakaisa lahat ng miyembro ang pagkakaisa ng iilang
Kooperasyon
sa paggawa ng pangkatang pagkakaisa sa paggawa ng miyembro sa paggawa ng
gawain pangkatang gawain pangkatang gawain
Natapos ang pangkatang Natapos ang pangkatang
Di natapos ang pangkatang
Takdang Oras gawain nang buong husay gawain ngunit lumampas sa
gawain
sa loob ng itinakdang oras takdang oras

Matapos ang makapag-ulat ang lahat ay magbibigay ng munting gantimpala ang guro
sa pangkat na nagpamalas ng pinakamahusay sa gawain.

E. Paglalahat:
Ano ang pinakamahalagang dokumentong may kaugnayan sa mga karapatang pantao?
Bakit?

F. Paglalapat:
Gaano kahalagang maging bahagi ng buhay ng mamamayan ang mga napag-aralan
nating karapatang pantao? Bakit?

IV. PAGTATAYA/ EBALWASYON:


Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang tinutukoy sa bawat pahayag. Isulat ang titik ng wastong
sagot sa inyong sagutang papel.

a. Magna Carta b. Bill of Rights c. Petition of Rights


d. Cyrus’ Cylinder e. First Geneva Convention f. Universal Declaration of Human Rights
Department of Education
Region III
Schools Division Office of Olongapo City
OLONGAPO CITY NATIONAL HIGH SCHOOL
Rizal Avenue, East Tapinac, Olongapo City 2200

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 10


Inihanda ni: Gng. Ma. Cristina C. Cabanayan

1. ___ Isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga taga-England.


2. ___ Idineklara dito ang pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi.
3. ___ Nagbigay proteksiyon sa mga karapatang pantao ng lahat ng mamamayan.
4. ___ Isinaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang
diskriminasyon.
5. ___ Hindi pagpataw ng buwis nang walang pahintulot ng Parliament.

Learning No. of No. of Item


% Remembering Understanding Application Analysis
Competencies Hours Items Placement
Natatalakay ang 1 100 5 1,2,3,4,5 - - - 1-5
pagkabuo ng mga
karapatang pantao
batay sa Universal
Declaration of
Human Rights at
Saligang Batas ng
1987 ng Pilipinas.
AP10MKPIVd-4
1 100 5 5 0 0 0

V. TAKDANG-ARALIN: I-google mo yan!


Panuto: Magsaliksik tungkol sa Ang Universal Declaration of Human Rights at ang Bill of Rights,
isulat sa inyong kwaderno ang mahahalagang detalye tungkol dito.

You might also like