You are on page 1of 2

Disaster o Sakuna

 Ay isang biglang pangyayari na may malubha at malawakang negatibong epekto sa tao at kapaligiran.
 Ito rin ay mga pangyayaring maaring makasira o makasama sa mga tao o sa ibang bagay sa daigdig .
 Hindi ito maiiwasan dahil kung tutuusin ay natural lamang na mangyari ang mga ito.
 Ilan sa mga halimbawa nito ay.. Lindol, Bagyo, Storm Surge, Matinding tagtuyot, Pagbaha
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna, subalit maaring paghandaan ang mga epekto. Ang tawag sa
paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna ay
“ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “ O DRRM
Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal, pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw.

Iba’t-ibang uri ng Sakuna


Bagyo - Ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na TROPICAL CYCLONE na nabubuo sa Karagatang Pasipiko
• Ang Pilipinas ang bansang pinakamadalas tamaan ng bagyo dahil ito ay nasa NORTH WEST PACIFIC
TROPICAL CYCLONE BASIN.
• At ito ang pinakaaktibong sa pitong tropical basin sa sa daigdig.
• 20 hanggang 26 ng bagyo ang pumasok na PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon –taon.
• PHILIPPINE ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION (PHIVOLCS) –
naatasang magbantay at mag-aral tungkol sa mga bagyo.

Lindol - Ito ay paggalaw ng lupa dulot ng pagkikiskisan ng TECTONIC PLATE.


• Karaniwang nagiging EPICENTER ng lindol ang mga FAULT LINES, kung saan nagsasalubong ang dalawang
magkasalunggat na tectonic plates.
• Nakakaranas ng mas malakas na lindol sa mga epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga lugar na
malapit sa fault lines.
• Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng paglindol.
• PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang nagmomonitor sa mga
lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa.
• Mayroong sampung (10) sukat ang lakas ng lindol kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at INTENSITY
10 ang pinakamalakas

Pagsabog ng Bulkan - Ito ay likas na pangyayari na maaring maging sakuna kung ito magkakaroon ng malawak at
negatibong epekto sa mga tao.
3 pangunahing salik upang sumabog ang bulkan
• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan nito ayon sa kanyang volume kaya ito umaakyat palabas sa
bulkan.
• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA VOLCANIC GASES.
• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB NG MAGMA CHAMBER.

Tsunami - Isang uri ng sakuna na nangyayari sa katubigan.


• Ang madalas na sanhi nito ay mga lindol, lalo na ang lindol na nangyayari sa ilalim ng tubig.
• Ang lindol sa sea floor ay nakkagawa ng malaki at matataas na alon, At ito ay nagiging mataas na halos kaya
nitong sirain ang ilang bayan o bansa.

Sunog - Isa sa pinakamadalas na sakunang nagaganap sa Pilipinas dulot ng iba’tibang salik.


• Ito ay nagiging sakuna lamang kung ito ay makakaapekto sa maraming tao o malawak na kapaligiran.
3 madalas pagmulan ng sunog
• Pangunahing sanhi ng sunog ay OVERLOADING sa saksakan ng outlet, at short circuit.
• Dapat iwasan ang pagkakabit ng labis na appliances o gadget sa iisang outlet dahil dadaloy rito ang labis na
kuryenteng hindi kayang tugunan ng outlet o extension cord kaya ito umiinit at nasusunog. • Iwasan ring
mabasa ang mga appliances, gadget at oultet upang hindi magkaroon ng short circuit.

MITIGATION • Ay ang mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong nakapagpapalala sa
negatibong epekto ng sakuna
ADAPTATION • Ay mg kilos o hakbang na ginagawa upang maaangkop ang mga tao sa mga negatibong epekto ng
sakuna.
Ayon sa United Nations International Strategy for Disaster Reduction, ang pinakamahalagang paraan upang
makatugon sa mga sakuna ay ang kooperasyon ng lahat ng mga bansa. Ang pagpupulong at pagpaplano ng mga
bansa ay dapat hindi magtutunggali sa isa’t-isa upang maging maayos ang pangkalahatang pagtugon sa mga sakuna.

DRRM sa Pilipinas • Noong 2010 binuo ang DRRM sa administrasyong Macapagal-Arroyo. • Naatasang ang ahensyang
ito na mamahala sa mga hakbangin upang tumugon sa mga sakuna lalong-lalo na sa pagtatapos nito. • Ang mga
miyembro nito ay ang Pangulo ng bansa, gabinete at mga lokal na opisyales.

Tungkulin ng Mamamayan • Pagkakaroon ng kaalaman at handa sa maarng mangyari sa tuwing mayroong mga
sakuna. • Pagtulong ng mga ordinaryong mamamayan sa pagtuturo sa ibang taong kulang sa kaalaman upang sila rin
ay matuto. • Sa panahon ng sakuna ay huwag mag-aatubiling tumulong kung kaya naman natin.

Pangkatang Gawain • Bumuo ng sariling plano tungkol sa dapat gawain sa pagsapit ng mga sakuna • Unang pangkat -
Lindol • Ikalawang pangkat - Tsunami • Ikatatlong pangkat - Sunog • Ikaapat na pangkat - Pagbaha

You might also like