You are on page 1of 4

10

Araling Panlipunan
Unang Markahan
Disaster Risk Reduction and
Management
Panimula:
Ang modyul na ito ay isinulat upang maipaunawa ang mga plano at hakbang na dapat
isagawa sa panahon ng sakuna o kalamidad bilang bahagi ng talakasyan sa Araling
Panlipunan 10
Layunin:
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

 Maipaliwanag ang konsepto ng disaster risk reduction


 Matukoy ang mga paghahandang dapat gawin sa oras ng sakuna
 Maunawaan ang kahalagahan ng kooperasyon at pagkakaisa

Aralin: Disaster Risk Reduction and Management


Ang Disaster o Sakuna ang isang biglang pangyayari na may malubha at
malawakang negatibong epekto sa tao at kapaligiran. Ito rin ay mga pangyayaring maaring
makasira o makasama sa mga tao o sa ibang bagay sa daigdig. Hindi ito maiiwasan dahil
kung tutuusin ay natural lamang na mangyari ang mga ito. Ang mga sumusunod ay
halimbawa nito:
 Lindol
 Bagyo
 Storm Surge
 Pagbaha
 Matinding tagtuyot
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna, subalit maaring paghandaan
ang mga epekto. Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna ay “
DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT “ O DRRM. Ang DRRM ay isinasagawa sa
lokal, pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw.
Iba ‘t – ibang Uri ng Sakuna
1. BAGYO - ang TYPHOON o BAGYO ay isang ganap na TROPICAL CYCLONE na
nabubuo sa Karagatang Pasipiko. Ang Pilipinas ang bansang pinakamadalas tamaan ng
bagyo dahil ito ay nasa NORTH WEST PACIFIC TROPICAL CYCLONE BASIN. • At ito ang
pinakaaktibong sa pitong tropical basin sa sa daigdig. • 20 hanggang 26 ng bagyo ang
pumasok na PHILIPPINE AREA OF RESPONSIBILITY taon –taon. • PHILIPPINE
ATMOSPHERIC, GEOPHYSICAL and ASTRONOMICAL SERVICES ADMINISTRATION
(PHIVOLCS) – naatasang magbantay at mag-aral tungkol sa mga bagyo.
Ilan sa pinsalang dulot ng bagyo ay pagkasira ng mga pananim, ari-arian, at kabahayan dulot
ng bagyo ay taon-taon nararanasan ng bansa. Kung maraming tubig- ulan na dala ng bagyo ,
nararanasan rin ang pagbaha dulot ng pag- apaw ng ilog. Sa mga lungsod na may suliranin
sa pagtatapon ng basura, kadalasang bumabaha dahil sa mga nakabarang plastik sa mga
kanal at estero. Minsan ang problema sa baha ay dulot rin ng tao. Sa mga lungsod, isang
pangunahing suliranin ang kawalan ng epektibong urban planning kung saan
pinaghahandaan at pinagplaplanahuhan ang kaayusan at pisikal na disenyo ng isang
lungsod,
2. LINDOL - Ito ay paggalaw ng lupa dulot ng pagkikiskisan ng TECTONIC PLATE.
Karaniwang nagiging EPICENTER ng lindol ang mga FAULT LINES, kung saan
nagsasalubong ang dalawang magkasalunggat na tectonic plates. Nakakaranas ng mas
malakas na lindol sa mga epicenter kaya itinuturing geohazard ang mga lugar na malapit sa
fault lines. Ang pagsabog ng bulkan ay isa ring sanhi ng paglindol.
PHILIPPINE INSTITUTE OF VOLCANOLOGY AND SEISMOLOGY o PHILVOLCS – ang
nagmomonitor sa mga lindol at pagsabog ng bulkan sa bansa. • Mayroong sampung (10)
sukat ang lakas ng lindol kung saan INTENSITY 1 ang pinakamahina at INTENSITY 10 ang
pinakamalakas
3. Pagsabog ng Bulkan • Ito ay likas na pangyayari na maaring maging sakuna kung ito
magkakaroon ng malawak at negatibong epekto sa mga tao.
3 pangunahing salik upang sumabog ang bulkan
• BOUYANCY NG MAGMA o pagiging magaan nito ayon sa kanyang volume kaya ito
umaakyat palabas sa bulkan.
• ANG TINDI NG PRESYON MULA SA MGA VOLCANIC GASES.
• PAGKAKAIPON NG LAHAT NG ITO SA LOOB NG MAGMA CHAMBER.
Ang pagsabog ng bulkan ay maaring makapinsala sa mga pananim at kabahayan dulot ng
PYROCLASTIC FLOW at lindol na kasaby ng pagsabog nito. Maaring makapinsala ang
malalaking bato na inilalabas ng bulkan. Ang pinakamalubhang pagsabog ng bulkan sa
kasaysayan ay ang pagsabog ng Bulkang Pinatubo sa Zambales noong 1991 at naging
malawak ang pinsalang idinulot nito. Umabot sa Brunei, Cambodia, Malaysia, Singapore at
Vietnam ang abong ibnuga nito. Ilang araw matapos ang pagsabog ng Pinatubo ay tumama
naman ang isang malakas na bagyo. Maraming bayan sa Pampanga ang natabunan ng abo
dahil sa pag agos ng lahar. LAHAR ay pinaghalong abo mulasa pagsabog ng bulkan, bato at
putik na rumaragasa dala ng ulan o bagyo.
4. TSUNAMI - Isang uri ng sakuna na nangyayari sa katubigan. Ang madalas na sanhi nito ay
mga lindol, lalo na ang lindol na nangyayari sa ilalim ng tubig. Ang lindol sa sea floor ay
nakkagawa ng malaki at matataas na alon, At ito ay nagiging mataas na halos kaya nitong
sirain ang ilang bayan o bansa.
5. SUNOG • Isa sa pinakamadalas na sakunang nagaganap sa Pilipinas dulot ng iba’t- ibang
salik. • Ito ay nagiging sakuna lamang kung ito ay makakaapekto sa maraming tao o malawak
na kapaligiran.
Madalas pagmulan ng sunog
• Pangunahing sanhi ng sunog ay OVERLOADING sa saksakan ng outlet, at short circuit.
ELECTRICAL
Dapat iwasan ang pagkakabit ng labis na appliances o gadget sa iisang outlet dahil dadaloy
rito ang labis na kuryenteng hindi kayang tugunan ng outlet o extension cord kaya ito umiinit
at nasusunog. Iwasan ring mabasa ang mga appliances, gadget at oultet upang hindi
magkaroon ng short circuit.
 Nakaligtaang sinaing o lutuin. • Wag iwanan at laging bantayan ang lutuin.
 Pagtagas ng gas mula sa LPG
 Hindi dapat itiatabi ang kandila sa mga bagay na madaling magliyab at dapat laging
may bantay.
 Hindi dapat basta- bastang itinatapon ang sigarilyong may sindi
MITIGATION - ay ang mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong
nakapagpapalala sa negatibong epekto ng sakuna
ADAPTATION - ay mg kilos o hakbang na ginagawa upang maaangkop ang mga tao sa mga
negatibong epekto ng sakuna.
Ayon sa United Nations International Strategy for Disaster Reduction, ang pinakamahalagang
paraan upang makatugon sa mga sakuna ay ang kooperasyon ng lahat ng mga bansa. Ang
pagpupulong at pagpaplano ng mga bansa ay dapat hindi magtutunggali sa isa’t-isa upang
maging maayos ang pangkalahatang pagtugon sa mga sakuna.
DRRM sa Pilipinas
Noong 2010 binuo ang DRRM sa administrasyong Macapagal-Arroyo. Naatasang ang
ahensyang ito na mamahala sa mga hakbangin upang tumugon sa mga sakuna lalong-lalo na
sa pagtatapos nito. Ang mga miyembro nito ay ang Pangulo ng bansa, gabinete at mga lokal
na opisyales.
Tungkulin ng Mamamayan
• Pagkakaroon ng kaalaman at handa sa maarng mangyari sa tuwing mayroong mga sakuna.
• Pagtulong ng mga ordinaryong mamamayan sa pagtuturo sa ibang taong kulang sa
kaalaman upang sila rin ay matuto.
• Sa panahon ng sakuna ay huwag mag-aatubiling tumulong kung kaya naman natin.
Self-check Test:
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat sa sagutang papel. Limang
puntos bawat bilang.
1. Bakit mahalagang matutunan ang disaster risk reduction and management?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
2. Magbigay ng isang sakuna o kalamidad na naranasan. Ibahagi ang mga nagging
paghahanda upang mabawasan ang sakunang dulot nito.
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Tayain:
Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag.

_____1. Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para sa sakuna


_____2. Isa sa pinakamadalas na sakunang nagaganap sa Pilipinas dulot ng iba’t- ibang salik
_____3. Ito ay ang mga kilos o hakbang na naglalayong bawasan ang mga elementong
nakapagpapalala sa negatibong epekto ng sakuna
_____4. Bilang ng bagyo ang pumapasok sa PAR taon-taon.
_____5. Ito ay pinaghalong abo mulasa pagsabog ng bulkan, bato at putik na rumaragasa
dala ng ulan o bagyo.

Reference:
• MGA KONTEMPORARYONG ISYU, page 2-16 The Library Publishing House,Inc

You might also like