You are on page 1of 1

Ang Pambansang Tanggapan para sa Pagtugon ng Sakuna o National Disaster Risk Reduction & Management

Council (NDRRMC) na dating kilala bilang National Disaster Coordinating Council (NDCC) ay isang sangay ng pamahalaan ng
Pilipinas sa ilalim ng Kagawaran ng Tanggulang Pambansa na may pananagutan na tiyakin ang kaligtasan at kabutihan ng mga
mamamayan sa panahon ng sakuna.

ISIPIN niyong mabuti mga kapanalig: ang ating bansa ay nasa typhoon belt at Pacific Ring of Fire. Ibig sabihin nito ay
karaniwang 20 hanggang 22 na bagyo ang bumabayo sa ating bansa kada taon. Kung pagbabasehan ang ating karanasan,
karaniwang lima sa mga bagyong ito ay mapanira. At dahil tayo ay nasa Pacific Ring of Fire, ang mga lindol at pagsabog
ng bulkan ay karaniwan ding nangyayari. Sa ngayon, 23 aktibong bulkan ang regular na mino-monitor ng Philippine
Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Kaya nga sa isang bansa gaya ng Pilipinas, ang disaster risk
reduction and management (DRRM) ay napakahalaga.

Ayon sa UN Office for Disaster Risk Reduction (UNISDR), ang DRRM ay naglalayong bawasan o paliitin ang pinsalang
idinudulot ng mga natural na sakuna gaya ng lindol, baha, tagtuyot, at bagyo sa pagpapalawig ng ethics of prevention.
Hindi lamang rescue and relief, kundi PREVENTION.
Ads by Kiosked

Ito, mga kapanalig, ay nakadepende sa ating mga “choices” o pagpili. Halimbawa, kapag alam mo na aktibo ang isang
bulkan, hindi tayo dapat tumira at maghanap-buhay sa mga danger zones. Kahit pa may mga senyales na malapit nang
sumabog ang isang bulkan at inaakala natin na may panahon pa tayong tumakbo, lumalaki lalo ang pinsala; sa halip na
walang disaster na mangyayari, nagkakaroon tuloy dahil hindi natin inaayon ang ating mga desisyon sa natural na
kalagayan ng ating kapaligiran. Halimbawa ay ang Mayon Volcano. Ito ay may 6 na kilometrong permanent danger zone.
Sa lugar na ito, maaaring magkaroon ng mga pagsabog na mahirap i-predict pero dinadayo pa rin ito lagi ng mga turista
at lokal na mamamayan.
Isa pang halimbawa ay ang landslide. Maraming lugar sa ating bansa ay prone sa landslide dahil maulan sa ating bayan.
Hindi na ito bago, ngunit lalo itong nagiging mas maigting dahil sa kawalan ng puno, mas mabilis na urbanisasyon, at
paglawak ng mga residential area na umaabot na sa mga lugar na maaaring gumuho. Kung maaalala niyo ang mudslide sa
Guinsagon, Leyte noong 2006, na 1.2 billion cubic meters ng putik at bato ang gumuho at tumapal sa 300 hektaryang
lupain at 1,500 tao ang namatay ngunit pagkatapos ng sakuna, marami pa rin ang bumalik sa lugar na iyon upang
manirahan ulit.
Ang Caritas in Veritate ay may hamon ukol sa obligasyon: “Many people today would claim that they owe nothing to
anyone, except to themselves. They are concerned only with their rights, and they often have great difficulty in taking
responsibility for their own and other people’s integral development. Hence it is important to call for a renewed reflection
on how rights presuppose duties.”

You might also like