You are on page 1of 4

ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: __________________________Baitang at Pangkat: ____Guro:______

ARALIN 4: Konsepto ng Disaster Management at ang dalawang approach sa CBDRRM Plan.


MELC/ Kasanayan
Natutukoy ang mga paghahandang nararapat gawin sa harap ng panganib na dulot ng mga suliraning
pangkapaligiran. (AP10PHP-Ie-7, AP10PHP-If-8, AP10PHP-If-g-9)

Ang modyul na ito ay ginawa upang malaman ang konsepto ng Disaster Management
Pagkatapos basahin ang modyul na ito ay inaasahang:
1. Natutukoy ang kahulugan ng mga piling termino na may kaugnayan sa aralin
2. Naipaliliwanag ang mga kalamidad na nararanasan sa Pilipinas
3. Natatalakay ang konsepto ng Disaster Risk Reduction Management
4. Natutukoy ang Dalawang Approach sa CBDRRM Plan.

Panuto: Tukuyin ang sagot sa mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang bago
ang bilang.

_____1. Alin sa mga sumusunod ang ahensiyang namumuno sa paghahanda at pagtugon sa mga kalamidad
na mararanasan ng bansa?
a. DILG b. Disaster Risk Mitigationc. PAG-ASA d. NDRRMC

_____2. Ang pagsasama ng ibat-ibang sector sa lipunan o pamayanan ay tinatawag na anong proseso?
a. Interagency Commitment c. PDR-SEA
b. CBDRM Approach d. NDRRMC

_____3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga benepisyo ng pakikilahok ng sector ng
pamayanan
a. mababawasan ang epekto ng hazard at kalamidad c. mabibigyan ng award ang pamayanan
b. maliligtas ang mas maraming buhay at ari-arian d. may karampatang solusyon ang suliranin

_____4. Ano ang dapat bigyang diin sa pagkakaiba ng dalawang approach sa CBDRM hinggil sa kanilang
istilo?
a. Mas okey gamitin ang top-down approach c. umiisip pa ng mas magandang proseso at paraan
b. Mas okey gamitin ang bootom-up approach d. gamitin ang kalakasan ng dalawang approach

_____5. Alin sa mga sumusunod ang tinuturing na pinakamahalagang dulot ng CBDRM?


a. Nagiging handa ang mga tao c. may kakayahang bumangon matapos ang kalamidad
b. Maraming tao at ari-arian ang nasasagip d. malaki ang partisipasyon ng mamamayan

_____6. Tumutukoy ito sa banta na maaaring idulot ng kalikasan o gawa ng tao.


a. Disaster b. Vulnerability c. Risk d. Hazard

_____7. Pinaghalong abo at tubig na rumaragasa dala ng ulan o bagyo.


a. Storm Surge b. Lahar c. Tsunami d. Ash Fall

_____8. Ito ang approach kung saan galing ang lahat ng plano at pagdedesisyon sa mataas na opisina o
kagawaran.
a. Managerial Approach c. Supervisory Approach
b. Top Down Approach d. Bottom Up Approach

_____9. Alin samga sumusunod ang hindi katangian ng Bottom Up Approach


a. Tinatanong ang mga mamamayan sa kanilang karanasan sa sakuna o kalamidad
b. Kasama ang mga mamamayan sa pagpaplano ng Risk Reduction Plan
c. Ang mga mamamayan ay bahagi sa pag aanalisa at paglutas ng suliranin dala ng sakuna.
d. Mula sa nakatataas na tanggapan o ahensya ng pamahalaan ibaba ito sa mga lungsod at barangay.

_____10. Tumutukoy sa posibilidad na maapektuhan ng mga hazard.


a. Capacity b. Vulnerability c. Hazard d. Risk
1
ARALING PANLIPUNAN 10

Hazard- Ito ay mga pangyayari o sitwasyon sa isang lugar na maaaring magdulot ng pinsala sa tao at sa
kalusugan nito o pagkasira ng ari-arian at ng kapaligiran. Ito ay maaaring: a. Nagiisa (sunog) b. Magkasunod
o dulot ng isa pang hazard (lindol at tsunami, malakas na ulan at landslide) c. kumbinasyon (bagyo, malakas
na ulan, landslide o bagyo, baha at landslide)

Anthropogenic Hazard o Human-Induced Hazard – ito ay mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao;
marahil dahil sa kapabayaan, maling gawain obigong pagpapatupad ng isang sistema. Halimbawa nito
maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan., ang pagkakaroon ng polusyon, deforestation
at red tide.

Natural Hazard – ito ay mga hazard na dulot ng kalikasan. Ilan sa halimbawa nito ay ang bagyo, lindol,
tsunami, thunderstorms, storm surge, at landslide. Ito ay na uuri sa: a. Hydro-Meteorological Phenomena &
Hazard Hal: bagyo, ipo-ipo, surge, landslide, heat wave, global warming at b. Geological Phenomena & Hazard
Hal: lindol, tsunami, pagputok ng bulkan

• Karaniwang magkaugnay ang natural hazard at human-induced hazard.


• Ang mga environmental hazard ay nagiging environmental disaster o sakuna kung ito ay labis na
nakaapekto sa isa o higt pang pamayanan na nagbunga ng pagkawala ng buhay, ari-arian o
pagkaantala ng karaniwang pamumuhay ng tao.

Disaster- tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga
gawaing pang-ekonomiya. Ito ay maaaring dulot ng kalikasan tulad ng bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o
gawa ng tao tulad ng digmaan at polusyon. Ang disaster ay sinasabi ding resulta ng kawalan ng kahandaan,
vulnerability at kawalan ng kapasidad ng isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
Vulnerability- ito ay ang pagkakaroon ng malaking posibilidad na maapektuhan ng hazard, sakuna o
kalamidad ang tao, lugar, at imprastruktura. Ang pagiging vulnerable ng isang lugar sa hagupit ng
kalamidad ay maaaring epekto ng heograpikal na aspekto ng lugar o dahil sa kabuhayan. Halimbawa ay ang
pamayanan na malapit sa anyong tubig ay vulnerable sa pagtama ng daluyong kapag may malakas na bagyo.
Risk- ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala sa tao, ari -arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang
kalamidad. Kapag vulnerable ang isang lugar sa pinsala, mataas ang bahagdan ng pagkakaroon ng risk.
Resilience- tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang
pagiging resilient ay maaaring istruktural o makikita sa mga mamamayan, Istruktural kung ang mga gusali,
bahay at ibang establisimyento ay may matibay na pagkakatayo. Sa mamamayan, kung ang mga tao ay
maalam sa hazard at kung paano ito harapin.

MGA KALAMIDAD NA NARARANASAN SA PILIPINAS

LINDOL- ang paggalaw ng lupa bunga ng pagkikiskisan ng mga tectonic plate sa ilalim ng lupa.

BAGYO- marahas at malakas na hangin at may dalang mabigat na ulan, karaniwang daan-daang kilometro o
milya sa diyametro ang laki.

STORM SURGE- o dalúyong-bagyo ay ang hindi pangkaraniwang pagtaas ng tubig sa dalampasigan habang
papalapit ang bagyo sa baybayin. Ito rin ay ang paghampas ng katubigan sa lupain.

TSUNAMI- pangyayari sa katubigan na dulot ng katatapos na malakass na paglindol lalo na kung ang lindol
ay nangyayari sa ilalim ng tubig.

PAGSABOG NG BULKAN- ang pagbuga ng usok at paglabas ng magma buhat sa bulkan. Nangyayari ito kung
may lubha ng pressure sa loob ng bulkan at ang magma ay magaan upang maitulak ito palabas ng pressure
galing sa mga volcanic gases.

LAHAR- ay pinaghalong abo mula sa pagsabog ng bulkan, bato at putik na rumaragasa dala ng ulan o bagyo

PAGBAHA- ay ang pag-apaw at pagtaas ng lebel ng tubig na dulot ng malakas at walang tigil na pag-ulan sa
komunidad na pinalala pa ng mga baradong mga estero.

SUNOG- ilan sa mga sanhi nito ay ang overloading ng mga electric outlet, short circuit o mga naiwang bagay
na may apoy o sindi ng apoy.

Ang Disaster Management


Nakasalalay sa isang epektibong Disaster Management ang ikakaligtas ng mga buhay at ari-arian sa
isang pamayanan matapos itong mahagupit ng sakuna, hazard o kalamidad.

Ayon kay Carter (1992), ang Disaster Management ay isang dinamikong proseso na sumasakop sa
pamamahala ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno at pagkontrol. Kabilang din
2
ARALING PANLIPUNAN 10
dito ang iba’t ibang organisasyon na dapat magtulungan at magkaisa upang maiwasan, maging handa,
makatugon, at makabangon ang isang komunidad mula sa epekto ng sakuna, kalamidad at hazard.

Ayon naman kina Ondiz at Rodito (2009), ang disaster management ay tumutukoy sa iba’t ibang
gawain na dinisenyo upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng sakuna, kalamidad, at hazard.
Nakapaloob dito ang mga plano at hakbang na dapat gawin ng mga komunidad upang maiwasan,
makaagapay sa mga suliranin at makabangon mula sa epekto ng kalamidad, sakuna at hazard.

Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Framework


Ang Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 ay may dalawang pangunahing
layunin:
(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang haharapin sa
panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad; at
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at panganib na
dulot ng iba’t ibang kalamidad at hazard.
Ang mga nabanggit na layunin ay kasama sa mga naging batayan sa pagbuo ng Philippine Disaster
Risk Reduction and Management Framework (PDRRMF).
Binibigyang diin ng National Disaster Risk Reduction Framework ang pagiging handa ng bansa at mga
komunidad sa panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang pinsala sa buhay at ari-
arian ay maaaring mapababa o maiwasan.
Ang proseso sa pagbuo ng isang disaster management plan buhat sa pinagsanib pwersa ng mga
sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business sector, Non-governmental Organizations
(NGOs), at higit sa lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad ay tinatawag
na Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM).
Community Based Disaster and Risk Management Approach (CBDRM)

Pamamaraan kung saan ang mga pamayanang na nakararanas ng banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagsubaybay at pagtataya ng mga risk na maari nilang
maranasan.

Isinasagawa ito upang maging handa ang komunidad at maiwasan ang malawakang pinsala sa buhay at
ari-arian (Abarquez at Zubair, 2004)

Sa paraang ito ang mga mamamayan ay may partisipasyon sa pagbabahagi ng pagpaplano at


pagdedesisyon ng mga programa, polisiya at implementasyon. Ang mga taong nakakaranas at hindi ng
nasabing sakuna ay aktibong nakikilahok sa proseso.

May mga benepisyo sa pakikilahok ng mga sektor ng pamayanan:

1. Mababawasan ang epekto ng hazard at kalamidad


2. Maliligtas ang mas maraming buhay at ari-arian
3. Mas mabibigyan ng karampatang solusyon ang mga suliranin

Kahalagahan ng CBDRM Approach

Amg CBDRM Approach ay magdudulot ng isang pamayanang handang harapin ang mga panganib
dulot ng sakuna, hazard o kalamidad. Ito ay magbibigay ng sistematikong proseso kung paano makabangon
muli matapos ang isang kalamidad.

Dalawang konsepto ng CBDRM

A. Top-Down Approach- tumutukoy sa sitwasyon kung saan ang lahat ng gawain mula sa pagpaplano
hanggang sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay inaasa sa mas nakatataas na tanggapan o
ahensya ng pamahalaan.

B. Bottom-Up Approach- nagsisimula sa mga mamamayan at iba pang sector ng lipunan ang mga
hakbang sa pagtukoy, pag-aanalisa at paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang pamayanan. Binibigyang diin ang maliliit na detalye na may kaugnayan sa
hazard at pangangailangan ng pamayanan. Ang pangunahing batayan ng plano ay ang karanasan at
pananaw ng mga mamamayang nakatira sa isang disaster prone area. Samakatuwid, magmumula ang
mga impormasyon sa mga tinatawag nating mga tao na nasa grassroot o field o pinangyarihan ng
kalamidad mismo Ang approach na ito ay ginagamit rin ng Laos, East Timor, Indonesia at India.

Katangian ng Bottom-Up Approach:

- Ang mga mamamayan ay may kakayahang simulan at panatilihin ang kaunlaran ng kanilang
pamayanan.
- Kailangan para sa grassroot development ang pamumuno ng mga local na pamayanan
- Malawak ang partisipasyon ng mga mamamayan sa pagpaplano at mga gawain.
- Responsableng paggamit ng mga tulong pinansyal
3
ARALING PANLIPUNAN 10
- Pagkilala sa mga pamayanan na may maayos na pagpapatupad nito
- Ang responsibilidad sa pagbabago ay nasa kamay ng mga mamamayang naninirahan ditto.
- May mga ibat-ibang pananaw ang ibat-ibang mga grupo sa pamayanan tungkol sa mga banta at
vulnerability sa kanilang lugar.

Sa pagpaplano ng disaster risk management dapat isaalang-alang ang pagsasanib ng kalakasan ng


dalawang approach. Hindi natin maiisantabi ang top-down approach sapagkat nasa pamahalaan ang mga
makabagong teknolohiya, mga eksperto, sistema at maging ang pondo na kakailanganin sa pagbuo ng plano.
Hindi rin dapat natin kalimutan ang mga pananaw at karanasan ng mga mamamayan na nasa mismong
lugar at nakararanas ng kalamidad sa pagbibigay ng opinyon upang makabuo ng konkretong plano.

Gawain A. MALIKHAING PAGSAGOT


Sa gitna ng mga kaganapan sa ating lipunan, magsaliksik at talakayin gamit ang mga piling
pamamaraan kung paano tinugunan ng Pilipinas ang hamon ng kalikasan sa pamamagitan ng isang
approach o pinagsamang approach ng CBDRM sa isyu ng:

A. PAGSABOG NG BULKANG TAAL (pamamaraang panulat)


B. PAGTAMA NG COVID-19 PANDEMIC (pamamaraang voice o video recording- ipatingin o iparining
ito sa guro para sa pagmamarka)
C. PAGSALANTA NG MGA BAGYO (pamamaraang pagguhit ng larawan)

Pamantayan sa pagmamarka:
Komprehensibong pagtalakay sa gawain (8 puntos)
Presentasyon ng gawain (5 puntos)
Pangkalahatang Impresyon (2 puntos)

Ang Disaster Management ay isang hakbang upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng hazard,
sakuna o kalamidad. Kabilang dito ang pagplaplano, pag-oorganisa, pagkontrol at ang pakikilahok ng
pamahalaan at mga taong apektado.

Sa Community Based Disaster Risk Management Approach, hinihimok ang malawak at lubusang
partisipasyon ng mga mamamayan ng lugar na apektado simula sa pagpaplano hanggang sa pagbangon
ng apektadong komunidad.

May dalawang approach ang CBDRM: (1) Top Down Approach kung saan ang lahat ng desisyon ay galing
sa mas mataas na tanggapan at (2) Bottom Up Approach kung saan ang mga mamamayan ay may
direktang partisipasyon sa plano, pag-susuri, pagdedesisyon, pagsasagawa at paglutas ng suliranin

Binabati ka namin at natapos mo ang araling ito. Bilang pagwawakas maaari mo bang isulat ang
iyong mga nalaman sa araling ito?

Nalaman ko sa Araling na ito_________________________at bilang isang mabuting mamamayan


sisikapin__________________ at sa darating na panahon
____________________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________________

A. Ilarawan ang ginawang hakbang ng inyong barangay sa panahon na ang buong bansa ay isinailalim
sa Enhance Community Quarantine:
1. Paghahanda:
2. Paraan ng Pagpapatupad
3. Pagpapanatili ng kaayusan
4. Pag-alam sa pangangailangan ng komunidad.
B. Sa pagtama ng Covid 19 pandemic sa ating bansa, bilang mag-aaral at miyembo ng komunidad na
maalam sa nangyayari sa bansa at sa mga konsepto ng CBDRM at IATF paano mo bibigyan ng pag-
aanalisa ang pagsasanib ng dalawang approach na ginamit ng IATF at CBDRM sa pagharap sa
problema ng Covid 19? Masasabi mob nag epektibo ang paghahanda, pagpapatupad at paglutas ng
mga suliranin kaugnay ng COVID’19? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamgitan ng pagbibigay
ng sarili mong karanasan.

You might also like