You are on page 1of 79

Aralin 5

ANG DISASTER MANAGEMENT AT ANG


DALAWANG APPROACH SA PAGTUGON
SA MGA HAMONG PANGKAPALIGIRAN
BALIK-ARAL

Paano masosolusyonan ang


suliranin sa solid waste?
GAWAIN 1

Paunahan sa pagbuo ng
puzzle.
SANDALING ISIPIN!

Kung sakaling
magkakaroon ng
kalamidad sa inyong
lugar, alam mo ba iyong
gagawin, saang ligtas
na lugar ka maaaring
lumikas at kung kanino
ka hihingi ng tulong?
Disaster Management

Ito ay isang dinamikong


proseso na sumasakop
sa pamamahala ng
pagpaplano, pag-
oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi, pamumuno
at pagkontrol.
Disaster Management
Kabilang din dito ang iba’t
ibang organisasyon na dapat
magtulungan at magkaisa
upang maiwasan, maging
handa, makatugon, at
makabangon ang isang
komunidad mula sa epekto ng
sakuna, kalamidad at hazard.
MGA KONSEPTO
UKOL SA DISASTER
MANAGEMENT
GAWAIN

Picture Analysis
HAZARD
HAZARD
Ito ay tumutukoy sa mga banta (treat) na
maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa
ng tao. Kung hindi maiiwasan, maaari
itong magdulot ng pinsala sa buhay, ari-
arian, at kalikasan.
1. Anthropogenic Hazard o Human-
induced Hazard
2. Natural Hazard
Anthropogenic
Hazard o Human- Natural
Induced Hazard Hazard
Ito ay tumutukoy sa mga Ito ay
hazard na bunga ng mga tumutukoy sa
gawain ng tao tulad ng
maitim na usok na ibinubuga mga hazard na
ng mga pabrika at mga dulot ng
sasakyan. kalikasan.
RISK
RISK
Ito ay tumutukoy sa inaasahang pinsala o peligro sa tao, ari-
arian, at buhay dulot ng banta (treat) sa pagtama ng isang
kalamidad. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang
kadalasang may mataas na risk dahil wala silang kapasidad
na harapin ang panganib na dulot ng hazard o kalamidad.
DISASTER o KALAMIDAD
ito ay tumutukoy sa mga pangyayari na
nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,
kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.
Maaaring ang disaster ay natural gaya ng
bagyo, lindol, at pagputok ng bulkan o gawa
ng tao tulad ng digmaan at polusyon
DISASTER o KALAMIDAD
Tinatayang 20 hanggang 26 ng bagyo ang
pumapasok sa PHILIPPINE AREA OF
RESPONSIBILITY taon–taon. Ito ay binabantayan at
pinag-aaralan ng PAG-ASA.
VULNERABILITY
Tumutukoy sa tao, lugar, at
imprastruktura na may mataas
na posibilidad na maapektuhan
ng mga hazard. Ang pagiging
vulnerable ay kadalasang
naiimpluwensiyahan ng
kalagayang heograpikal at antas
ng kabuhayan. Halimbawa, mas
vulnerable ang mga bahay na
gawa sa hindi matibay na
materyales.
RESILIENCE
RESILIENCE
Ang pagiging resilient ng isang komunidad ay
tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin
ang mga epekto na dulot ng kalamidad. Ang pagiging
resilient ay maaaring istruktural, at pagkakaroon ng
kaalaman tungkol sa hazard ay maaaring makatulong
upang sila ay maging ligtas sa panahon ng kalamidad.
GAWAIN

Ang bawat pangkat ay magpapakita ng


isang skit o sitwasyon.

1. bago dumating ang bagyo


2. habang bumabagyo
3. pagkatapos ng bagyo
GAWAIN

Tama ba ang ginawang pagtugon na


ipinakita sa skit?
BASAHIN

Nakapaloob sa Disaster Management ang


proseso, pagpaplano, pag-ooranisa,
pagtukoy ng mga kasapi , pamumuno at
pagkontrol. Ang mga batayang konsepto
tungkol sa disaster management ay
napakahalaga na maunawaan upang
maihanda ang sarili, pamilya, komunidad
at bansa sa pagharap sa kalamidad at sa
huli ay mabawasan ang pinsalang
maaaring idulot nito.
GAWAIN: SITUATIONAL ANALYSIS

Tukuyin kung anong konsepto na may


kinalaman sa disaster risk reduction
management
Hazard ang inilalarawan. Gamitin na
batayan sa pagsagot ang mga sumusunod.
Vulnerability
Risk Resilience

1. Madaling nawasak ang bahay ni Ruben


dahil sa gawa lamang ito sa kawayan at
pawid.
GAWAIN: SITUATIONAL ANALYSIS

Tukuyin kung anong konsepto na may


kinalaman sa disaster risk reduction
management
Hazard ang inilalarawan. Gamitin na
batayan sa pagsagot ang mga sumusunod.
Vulnerability
Risk Resilience
2. Bago pa man tumama ang bagyo sa lugar
nila Cardo ang bagyo inayos na niya ang
bubong ng kanilang bahay para hindi ito
matangay ng malakas na hangin.
GAWAIN: SITUATIONAL ANALYSIS

Tukuyin kunganong konsepto na may


kinalaman sa disaster risk reduction
management
Hazard ang inilalarawan. Gamitin na
batayan sa pagsagot ang mga sumusunod.
Vulnerability
Risk Resilience
3. Patuloy ang illegal na paggamit kemikal sa
pagmimina sa mga kabundukan.
GAWAIN: SITUATIONAL ANALYSIS

Tukuyin kunganong konsepto na may


kinalaman sa disaster risk reduction
management
Hazard ang inilalarawan. Gamitin na
vulnerability
batayan sa pagsagot ang mga sumusunod.
Risk Resilience
4. Dahil sa malakas na lindol sa Abra
maraming tao ang namatay at imprastraktura
ang gumuho.
PAGPAPAHALAGA

• Sa inyong tahanan, paano mo at ng iyong pamilya inoorganisa


at pinaplano ang pagharap sa isang kalamidad?
PAGTATAYA
1. Mahalagang maging palaging handa sa pagharap sa
kalamidad. Sa pigiging handa, nababawasan ang pinsalang
maaaring idulot ng isang kalamidad. Isa ito sa mga dahilan kung
bakit nagkaroon ng Disaster Management. Ang Disaster
Management ay tumutukoy sa mga sumusunod maliban sa:
A. Kabilang sa paghahanda ang mga mamamayan at mga
pribado at pampublikong sektor
B. Isang proseso ng pagpaplano, pag-oorganisa, pagtukoy ng
mga kasapi at pagkontrol
C. Pagplano kung kailan magbiyahe upang makaiwas sa
pagtama ng kalamidad
D. Aktibong proseso ng paglutas sa mga suliraning
pangkapaligiran upang maiwasan ang pagkakaroon ng
kalamidad
PAGTATAYA
2. Mahalagang malaman ang pagkakaiba ng ibat’-
ibang termino sa pag-aaral ng disaster management.
Ilan sa mga termino/konseptong kauganay nito ay
Hazard, Anthropogenic Hazard, Natural Hazard at
Disaster. Ang Anthropogenic Hazard ay isang uri ng
Hazard na tumutukoy sa __________.
A. Mga hazard na dulot ng kalikasan
B. Mga hazard na bunga ng mga gawain ng tao
C. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng
gawa ng tao
D. Mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at
pinsala sa tao, kapaligiran, at mga gawaing pang-
ekonomiya.
PAGTATAYA
3. Walang sinuman ang nakaalam kung kaylan
maaaring tumama ang isang kalamidad. Gayunpaman,
maaaring mabawasan ang pinsalang maidudulot nito
kung ang bawat isa at bawat pamayanan ay
magkakaroon ng sapat na kakayahan at kaalaman sa
pagharap sa kalamidad. Anong konseptong kaugnay
ng Disaster Management ang inilalarawan?
A. Risk
B. Hazard
C. Vulnerability
D. Resilience
PAGTATAYA
4. Ang ating bansa ay nakararanas ng iba’t
ibang kalamidad. May mga kalamidad na bunga
ng pang-aabuso ng tao at meron ding dulot ng
kalikasan. Ilan sa mga ito ay ang bagyo, lindol,
storm surge, at landslide. Ang mga nabanggit
na kalamidad ay mga halimbawa ng anong uri
ng hazard?
A. Natural hazard
B. Unusual Hazard
C. Anthropogenic hazard
D. Human-Induced Hazard
PAGTATAYA
5. Ang vulnerable na bahagi ng pamayanan ang kadalasang
may mataas na risk dahil wala silang kapasidad na harapin ang
panganib na dulot ng hazard o kalamidad. Ito ay maaaring
human risk or structural risk. Ang risk ay tumutukoy sa
_______________.
A. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.
B. Inaasahang pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng
pagtama ng isang kalamidad.
C. Inaasahang kalamidad na mararanasan ng isang lugar dahil
sa kalagayang heograpikal nito
D. Resulta ng hazard, vulnerability at kawalan ng kapasidad ng
isang pamayanan na harapin ang mga hazard.
 Thank You!
PANIMULA
Walang kakayahan ang tao na pigilan ang mga sakuna,
subalit maaring paghandaan ang mga epekto.
Ang tawag sa paghahanda ng mga pamahalaan para
sa sakuna ay
“ DISASTER RISK REDUCTION MANAGEMENT

O DRRM
Ang DRRM ay isinasagawa sa lokal,
pambansa, rehiyunal at pandaigdigang saklaw.
SANDALING ISIPIN!
Tuwing may malakas na
pag-ulan sa inyong lugar o
barangay, nakaririnig ka ba
ng iba’t ibang ingay o
signal. Alam mo ba ang
ibig sabihin nito? Kanino ka
hihingi ng tulong kung
maririnig mo ang mga
signal na ito.
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010

Kasama sa mga naging


batayan sa pagbuo ng
Philippine Disaster Risk
Reduction and
Management Framework
(PDRRMF) ang Philippine
Disaster Risk Reduction
and Management Act of
2010 na may dalawang
pangunahing layunin:
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010

(1) Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at


hazard ay dapat pagplanuhan at hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t
ibang kalamidad
(2) Mahalaga ang bahaging ginagampanan ng
pamahalaan upang mabawasan ang pinsala at
panganib na dulot ng iba’t ibang kalamidad at
hazard.
PHILIPPINE DISASTER RISK REDUCTION
AND MANAGEMENT ACT OF 2010

Isinusulong din ng PDRRM Framework ang kaisipan


na ang paglutas sa mga suliranin at hamong
pangkapaligiran ay hindi lamang tungkulin ng ating
pamahalaan. Ang proseso sa pagbuo ng isang
disaster management plan ay dapat na produkto ng
pagkakaisa at pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng
lipunan tulad ng pamahalaan, private sector, business
sector, NGOs, at higit sa lahat ng mga mamamayang
naninirahan sa isang partikular na komunidad. Ang
ganitong proseso ay tinatawag na Community Based-
Disaster and Risk Management (CBDRM).
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
MANAGEMENT
Ito ay isang pamamaraan kung
saan ang mga pamayanang may
banta ng hazard at kalamidad ay
aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay,
at pagtataya ng mga risk na
maaari nilang maranasan.
Isinasagawa ito upang maging
handa ang komunidad at
maiwasan ang malawakang
pinsala sa buhay at ari-arian
(Abarquez at Zubair, 2004)
COMMUNITY-BASED DISASTER RISK
MANAGEMENT
Napakahalaga ng partisipasyon
ng mga mamamayan na siyang
may pinakamataas na
posibilidad na makaranas ng
mga epekto ng hazard at
kalamidad. Subalit, higit itong
magiging matagumpay kung
aktibo ring makikilahok ang
mga mamamayan na hindi
makararanas ng epekto ng mga
hazard at kalamidad.
BAKIT MAHALAGA ANG CBDRM
APPROACH?
Pinakamahalagang layunin ng
PDRRM Framework ay ang pagbuo
ng disaster-resilient na mga
pamayanan. Ibig sabihin, ang lahat ng
mga pagpaplano, pagtataya, at
paghahandang nakapaloob sa disaster
management plan ay patungo sa
pagbuo ng isang pamayanang handa
at matatag sa pagharap sa mga
hamong pangkapaligiran. Malaki ang
posibilidad na maging disaster-resilient
ang mga pamayanan kung maayos na
maisasagawa ang CBDRM Approach.
GAWAIN 3: PLUS OR MINUS
GAWAIN 4: PAMPHLET
Ang mga mag-aaral ay gagawa ng isang
pamphlet na nagpapakita ng konsepto at
mga bagay na dapat isa-alang-alang bago,
tuwing at pagkatapos ng kalamidad gamit
ang DRRM Manual. Maaring pumili ang
mga mag-aaral mula sa mga uri ng
kalamidad na makikita sa susunod na slide.
Ang gawain ay bibigyan ng marka gamit
ang rubric na nasa ibaba:

1. Kawastuhan - 7
2. Nilalaman - 6
3. Organisasyon - 4
4. Pagkamalikhain – 3
KABUUAN: 20
GAWAIN 4: PAMPHLET

 Bagyo (Typhoon)  Heat Wave


 Tornado  Tsunami
 Thunderstorm  Volcanic Eruption
 Pagbaha (Flood)  Sunog (Fire)
 Storm Surge  Vehicular-related
 Landslide Accident
 Global Warming  Chemical Spill
 Lindol (Earthquake)  Electrical Blackout
 Extreme Climatic  Water Pollution
Variabilities  Bomb Threat
PAGLALAHAT

Ang PDRRMF ay naitatag upang


magbigay diin sa pagiging handa ng
bansa at komunidad sa panahon ng
mga kalamidad at hazard.
Samantalang ang CBDRMA ay
tumutukoy sa direktang
partisipasyon ng mga mamamayan
at lahat ng sektor ng lipunan upang
maging matagumpay ang isang
disaster management plan.
PAGPAPAHALAGA

• May kaalaman ka ba sa plano ng inyong


komunidad sa pagharap nito sa isang
kalamidad? Ilahad ang mga ito.
PAGTATAYA
1. Mahalaga ang pagiging handa ng bansa at mga komunidad sa
panahon ng mga kalamidad at hazard. Sa pamamagitan nito, ang
pinsala sa buhay at ari-arian ay maaaring mapababa o maiwasan.
Dahil ditto, naitatag ang Philippine Disaster Risk Reduction and
Management Framework (PDRRMF). Ilan sa mga layunin at
binibigyang diin sa pagkakatatag nito ay ang mga sumusunod maliban
sa ____________.
A. Ang paglutas sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran ay hindi
lamang tungkulin ng ating pamahalaan.
B. Paghahanda laban sa hazard at kalamidad na nakasentro sa
kapakanan ng tao sa isang partikular na komunidad.
C. Ang kahalagahan ng bahaging ginagampanan ng pamahalaan
upang mabawasan ang pinsalang maaaring idulot ng isang kalamidad.
D. Ang hamon na dulot ng mga kalamidad at hazard ay hindi lamang
haharapin sa panahon ng pagsapit ng iba’t ibang kalamidad kundi
maging sa pagpaplano at paghahanda.
PAGTATAYA
2. Sa pagharap sa kalamidad, mahalaga ang aktibong partisipasyon ng mga
mamamayan na naninirahan sa komunidad. Dahil dito, naitatag ang
Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM). Ito ay tumutukoy
sa mga sumusunod maliban sa ___________.
A. Binibigyang kahalagahan ang parti sipasyon ng mamamayan at ng lahat ng
sektor ng lipunan upang maging matagumpay ang isang disaster management
plan.
B. Dinamikong proseso kung saan pinangungunahan ito ng pamahalaan
sapagkat sa kanila nakasalalay ang lahat ng tungkulin upang magi ng
disaster-resilient ang buong bansa.
C. Isang pamamaraan kung saan ang mga pamayanang may banta ng hazard
at kalamidad ay akti bong nakikilahok sa pagtukoy, pagsuri, pagtugon,
pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan.
D. Ang Disaster Management plan ay produkto ng pagkakaisa at
pagtutulungan ng iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamahalaan, private
sector, business sector, Non-governmental Organizati ons (NGOs), at higit sa
lahat ng mga mamamayang naninirahan sa isang partikular na komunidad.
PAGTATAYA
3. Pinakamahalagang layunin ng Philippine National Disaster Risk
Reduction and Management Framework (PDRRMF) ay ang pagbuo ng
disaster-resilient na mga pamayanan. Ano ang ibig sabihin nito?
A. Ang lahat ng pagpaplano at paghahanda sa pagharap sa kalamidad
ay may layuning mabigyang pansin ang gampanin ng pamahalaan sa
pagtugon sa mga pinsalang maaaring idulot ng kalamidad.
B. Ang lahat ng mga pagpaplano, pagtataya, at paghahandang
nakapaloob sa disaster management plan ay patungo sa pagbuo ng
isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong
pangkapaligiran.
C. Ang mga paghahanda bago, habang at pagkatapos ng kalamidad ay
dapat na isinasagawa ng bawat miyembro ng lipunan.
D. Ang isang disaster-resilient na pamayanan ay isang pamayanan na
hindi makararanas ng anumang kalamidad dahil sa pagtutulungan ng
pamayanan at ng pamahalaan sa pagtukoy at paglutas ng mga
suliraning pangkapaligiran.
PAGTATAYA
4. Ang Community Based-Disaster and Risk Management (CBDRM)
Approach ay isinusulong na gamitin sa bawat pamayanan dahil sa mga
kabutihang dulot nito. Ang mga sumusunod ay kabutihang dulot ng
paggamit ng Community Based-Disaster and Risk Management
(CBDRM) Approach maliban sa ________________________.
A. Mas matutugunan ang mga pangangailangan ng pamayanan at ang
mga mamamayang may mataas na posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad ay hindi mapababayaan.
B. Nabibigyang pansin ang karanasan, pangangailangan, at pananaw
ng mga mamamayan sa isang komunidad.
C. Mas magiging epektibo ang pagpaplano at paghahanda sapagkat
mga eksperto sa pamahalaan ang mangunguna rito.
D. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang tao na alamin at suriin ang
mga dahilan at epekto ng hazard at kalamidad sa kanilang
pamayanan.
PAGTATAYA
5. Ang paggamit ng Top-Down Approach ay kinakitaan ng mga hindi
magandang epekto. Ang mga sumusunod ay ilan sa mga hindi
mabuting dulot ng paggamit ng Top-Down Approach maliban sa
_________________.
A. Hindi nabibigyang pansin ng top-down approach ang karanasan,
pangangailangan, at pananaw ng mga mamamayan sa isang
komunidad.
B. Limitado ang pagbuo sa disaster management plan dahil tanging
ang pananaw lamang ng mga namumuno ang nabibigyang pansin sa
pagbuo ng plano.
C. Hindi lahat ng mamamayan sa komunidad ay aktibong nakikilahok
sa mga paghahanda at pagpaplano na isinasagawa para maging
disaster-resilient ang isang komunidad.
D. Hindi nagkakasundo ang pambansang pamahalaan at ng lokal na
pamahalaan tungkol sa mga hakbang na dapat gawin sa panahon o
pagkatapos ng kalamidad kung kaya’t nagiging mabagal ang pagtugon
sa pangangailangan ng mga mamamayan.
PANIMULA

Malaki ang posibilidad na maging disaster-


resilient ang mga pamayanan kung
maayos na maisasagawa ang Community-
Based Disaster and Risk Management
Approach. Pero sino nga ba talaga ng
kinakailangang manguna sa pagpaplano at
paghahanda hinggil dito; ang pamahalaan
nga ba o ang mga tao
SANDALING ISIPIN!

Sa inyong palagay, sino


kaya ang dapat na
manguna sa pagpaplano at
paghahanda sa pagdating
ng isang kalamidad: ang
mga tao o ang
pamahalaan? Bakit?
ARTICLE ANALYSIS

Basahin at suriin ang artikulo na


hango mula sa ulat ni Agnes Espinas
(2013) na tumatalakay sa Disaster
Risk Management sa lalawigan ng
Albay at sagutan ang mga
pamprosesong katanungan sa
susunod na slide.
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS
ARTICLE ANALYSIS

1. Anong aral ang maaring matutunan sa


karanasan ng paghahanda sa Albay?
Ipaliwanag.
2. Anong approach kaya ang ginagamit ng
Albay sa kanilang paghahanda sa kalamidad?
3. Masasabi mo bang tugma ang approach na
ginamit ng Albay sa kanilang lugar sa
pagharap sa kalamidad? Ipaliwanag.
TOP-DOWN APPROACH
Ito ay tumutukoy sa sitwasyon
kung saan lahat ng gawain mula
sa pagpaplano na dapat gawin
hanggang sa pagtugon sa
panahon ng kalamidad ay inaasa
sa mas nakatataas na tanggapan
o ahensya ng pamahalaan.
Halimbawa, kung ang isang
barangay ay nakaranas ng
kalamidad, ito ay aasa lamang sa
tugon ng Pambayan o
Panlungsod na Pamahalaan.
TOP-DOWN APPROACH
Binigyang-diin nina Shesh at
Zubair (2006) na hindi
natutugunan nito ang mga
pangangailangan ng pamayanan
at napababayaan ang mga
mamamayang may mataas na
posibilidad na makaranas ng
malubhang epekto ng kalamidad.
Limitado ang pagbuo sa disaster
management plan dahil tanging
ang pananaw lamang ng mga
namumuno ang nabibigyang
pansin sa pagbuo ng plano.
TOP-DOWN APPROACH
Isa pang suliranin ng top-down
approach ay may mga pagkakataon
nahindi nagkakasundo ang
Pambansang Pamahalaan at ng
Lokal na Pamahalaan tungkol sa
mga hakbang na dapat gawin sa
panahon o pagkatapos ng
kalamidad kung kaya’t nagiging
mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga
mamamayan.
BOTTOM-UP APPROACH
Nagsisimula sa mga
mamamayan at iba pang
sektor ng lipunan ang mga
hakbang sa pagtukoy, pag-
aanalisa, at paglutas sa
mga suliranin at hamong
pangkapaligiran na
nararanasan sa kanilang
pamayanan.
KATANGIAN NG BOTTOM-UP
APPROACH

 Ang mga mamamayan ay may kakayahang


simulan at panatilihin ang kaunlaran ng
kanilang komunidad
 Nanatiling pangunahing kailangan para sa
grassroots development ang pamumuno ng
lokal na pamayanan.
 Malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong
pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng
desisyon
KATANGIAN NG BOTTOM-UP
APPROACH

 Ang responsableng paggamit ng mga tulong-


pinansyal ay kailangan
Ang responsiblidad sa pagbabago ay nasa
kamay ng mga mamamayang naninirahan sa
pamayanan.
Ang iba’t ibang grupo sa isang pamayanan
ay maaaring may magkakaibang pananaw sa
mga banta at vulnerabilities na nararanasan
sa kanilang lugar.
GAWAIN 5: ARTICLE ANALYSIS

Ang mga mag-aaral ay babasahin at susuriin ang


artikulong Lacson blames DBM for ‘Yolanda’ failings.
Matapos nito ay sasagutan ng mga mag-aaral ang
mga pamprosesong katanungan:

1. Ano sa tingin niyo ang naging pagkukulang ng


pamahalaan ayon sa artikulong binasa?
2. May katwiran kaya ang pahayag ni Senador Panfilo
Lacson?
GAWAIN 6: SWOT ANALYSIS
(TOP-DOWN APPROACH)
Ang apat na
pangkat ay bubuo
ng SWOT
(Strengths,
Weaknesses,
Opportunities at
Threats) Analysis
ng Top Down
Approach. Ito ay
iuulat sa harap ng
klase.
GAWAIN 7: SWOT ANALYSIS
(BOTTOM-UP APPROACH)
Ang apat na
pangkat ay bubuo
ng SWOT
(Strengths,
Weaknesses,
Opportunities at
Threats) Analysis
ng Bottom-Up
Approach. Ito ay
iuulat sa harap ng
klase.
GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK

Ang apat na pangkat ay susuriin ang


panukalang Process Framework nina Mercer
at Gaillard (2010) sa pagsasanib ng dalawang
approach sa pagbuo ng DRRM plan at
ipapaliwanag sa harap ng klase:
Unang Pangkat – Step 1
Ikalawang Pangkat – Step 2
Ikatlong Pangkat - Step 3
Ikaapat na Pangkat – Step 4
GAWAIN 8: PROCESS FRAMEWORK
PAGLALAHAT

Mahalagang maisaalang-alang ang


pananaw ng mga namumuno sa pagbuo
ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa
sistemang ipatutupad ng disaster risk
management. Hindi din kailangang
kalimutan ang pananaw at karanasan ng
mamamayan sa pagbuo ng disaster risk
management. Mahalagang magamit ang
kalakasan ng dalawang approach upang
mas maging matagumpay ang
paghahanda at mabawasan ang pinsalang
maaaring idulot ng kalamidad.
PAGPAPAHALAGA

• Paano makakatulong ang inyong pamilya


sakaling gamitin ang top-down approach sa
inyong pamayanan?
• Paano makakatulong ang inyong pamilya
sakaling gamitin ang bottom-up approach sa
inyong pamayanan?
PAGTATAYA
1. Sa pagpaplano ng epektibong Disaster Risk Management,
mahalagang magamit ang kalakasan ng dalawang approach: ang
bottom-up at top-down. Bakit kaya mahalagang magamit ang dalawang
approach?
A. Dapat na unahin at huwag kalimutan ang pananaw at karanasan ng
mga mamamayan sa pagbuo ng disaster risk management.
B. Mahalagang magamit ang dalawang approach para mapunan ang
kahinaan ng bawat isa at magdudulot ng matagumpay na Disaster
Risk Management.
C. Pinakamahalaga sa lahat ang pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan sa pagbuo ng plano dahil sa kanilang kaalaman sa mga
sistemang ipatutupad ng disaster risk management.
D. Ang pagsasaalang-alang ng pananaw ng mga namumuno sa
pamahalaan at ng mga mamamayan ay maaaring magdulot ng holistic
na pagtingin sa kalamidad at hazard sa isang komunidad.
PAGTATAYA
2. Sa kasalukuyan, ang Pilipinas ay kasapi sa proyektong
“Partnerships for Disaster Reduction-Southeast Asia (PDR – SEA)
Phase 4 (2008). Layunin ng programang ito na maturuan ang mga
lokal na pinuno sa pagbuo ng Community-Based Disaster Risk
Management Plan. Bakit kaya mahalaga ang nasabing proyekto?
A. Masisiguro na ang mabubuong disaster management plan ay
nakabatay sa kaalaman at kakayahanan ng mga eksperto mula sa
iba’t ibang bansa.
B. Mas matutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga
mamamayan at magagamit nang maayos ang mga tulong pinansyal
mula sa iba’t ibang sektor.
C. Mas magiging epektibo ang plano na binuo kasama ang iba’t ibang
sektor ng lipunan at pambansang pamahalaan para matugunan ang
pangangailangan ng mga mamamayan.
D. Mabibigyan ng sapat na kaalaman at mahahasa ang kakayahan ng
mga lokal na pinuno kung paano maisasama ang CBDRM Plan sa mga
plano at programa ng lokal na pamahalaan.
PAGTATAYA
3. Marami ang nagsasabi na pinakamabuting gamitin ang pagsasanib
ng dalawang approach: ang bottom-up at top-down para sa mas
matagumpay na Disaster Risk Management Plan. Ano kaya ang
posibleng mangyari kung isa lang sa dalawang approach ang
gagamitin?
A. Magiging matagumpay pa rin ang Disaster Risk Management Plan
dahil sa epektibong pagsasagawa nito.
B. Maaaring hindi lubusang maging matagumpay ang Disaster Risk
Management Plan dahil sa ang bawat approach ay may mga kahinaan.
C. Maaaring maging mabagal ang pagtugon sa pinsalang dulot ng
isang kalamidad dahil sa hindi pagkakasundo ng pambansa at lokal na
pamahalaan.
D. Patuloy na magiging maayos ang Disaster Risk Management Plan
dahil sa ang bawat approach ay mula sa kaalaman ng mga eksperto at
ipatutupad ng mga eksperto.
PAGTATAYA
4. Sa kabila ng kabutihang dulot ng paggamit ng mga kalakasan
ng pinagsanib na Top-Down at Bottom-Up Approach,
nagdesisyon pa rin si Panfilo Lacson na gamitin ang “bottom-up
approach” sa pagtugon sa pinsalang dulot ng bagyong Yolanda.
Ano kaya ang naging dahilan ni Panfilo Lacson sa paggamit
niya ng Bottom-Up Approach?
A. Mas maiiwasan ang katiwalian sa pambansang pamahalaan
B. Mas mabilis na makababangon ang mga tao mula sa bagyong
Yolanda
C. Mas mapadadali ang kanyang trabaho para sa rehabilitasyon
ng nasalantang lugar
D. Mas magiging makabuluhan ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan (Evaluation)
PAGTATAYA
5. Malinaw na pinakamagandang gamitin ang pinagsanib na
Top-Down at Bottom-Up Approach. Nakabubuting gamitin ang
kanilang kalakasan sa pagtugon sa Disaster Risk Management.
Ano kaya ang posibleng masamang dulot ng paggamit ng
pinagsanib na approach?
A. Posibleng walang kalidad ang tulong na maibibigay sapagkat
hindi ito ginawa ng mga eksperto.
B. Posibleng magkaroon ng katiwalian sa mga pinunong
nangunguna sa Disaster Risk Management Plan.
C. Maaaring hindi magkasundo ang pambansa at lokal na
pinuno sa pagbuo ng Disaster Risk Management Plan.
D. Maaaring mas maging mabagal ang pagtugon sa
pangangailangan ng mga mamamayan dahil sa mahabang
prosesong pagdadaanan ng Disaster Risk Management Plan.
SANGGUNIAN

Araling Panlipunan 10 – Modyul para sa


Mag-aaral Unang Edisyon 2017

You might also like