You are on page 1of 7

MONTE ALEGRE NATIONAL HIGH SCHOOL

Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur

ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS


DIAGNOSTIC TEST
Unang Markahan

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: ________________

PANUTO: Basahin ang mga sumusund. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na tumutukoy sa paraan ng paggamit ng tao sa kanyang ________________________
na pinagkukuang yaman upang matugunan ang kanyang _______________________ na pangngailangan.
A. Sapat; walang hanggang C. Sapat; may hangganan
B. Limitado; walang hanggan D. Limitado; may hangganan
2. Nasasaklawan ng ekonomiks ang mga sumusunod maliban sa
A. Kakapusan B. Produksyon C. Distribusyon D. Pagkunsumo
3. Pangunahing tinatalakay sa ekonomiks ang suliranin sa
A. Kawalan ng trabaho B. Pagkasira ng pinagkukunang-yaman C. Gutom D. Kakapusan
4. Alin sa mga maka-agham na pamamaraan ang hindi ginagawa ng ekonomiks
A. obserbasyon C. pag-eeksperimento sa lboratoryo
B. pagkuha ng datos D. pagsusuri ng datos
5. Nakatutulong ang kaalaman at kasanayan sa ekonomiks sa paggawa ng wastong pagpapasya.
Nangangahulugan it na ang ekonomiks ay
A. Nagtuturo ng tamang sagot sa problema C. Humahatol sa problema
B. Nagbibigay ng kasanayan sa problema D. Humahanap ng problema
6. Noong nakaraang eleksyon, inihalal ni Jojo ang kaibigan niyang si Alex bilang Mayor ng kanilang bayan.
Kilala ni Jojo si Alex bilang isang matapat at matalinong tao. Ang kasanayan sa ekonomiks na nalinang
kay Jojo ay ________
A. Mabuting pakikipagkaibigan C. Matalinong botante
B. Mahusay na pakikisama D. Mabuting makisama
1. Sa taas ng presyo ng mga bilihin, nahihirapan ang iyong nanay na pagkasyahin ang sweldo ng iyong tatay para tugunan ang mga
pangangailangan ng pamilya. Ang pinakamalaki ninyong gastusin ay napupunta sa pagkain. Ano ang iyong maimumungkahi upang
mapagaan ang problema sa pananalapi ng iyong pamilya?
A. Huwag nang gastusin C. Huminto muna sa ;pag-aaral
B. Bumili ng mura ngunit masustansyang pagkain D. Maghanap ng trabahong malaki ang suweldo
2. Ang madalas na pagbiyahe ni Pagulong Arroyo ay nagpapakita ng kanyang pagiging ekonomista. Alam niya na ang pagdalaw
sa iba’t ibang bansa ay paraan upang…
A. higit na maunawaan ang mga pangyayari sa iba’t ibang panig ng daigdig
B. marating ang mga bansang may kaugnayan sa atin
C. magkaroon ng pagkakataon na makipagkaibigan
D. maranasan ang buhay sa mga bansang kanyang pinupuntahan
3. Ang pagkakaroon ng maayos nasistema ng transportasyon ay nakakatulong sa ekonomiya sapagkat __________________.
4. Sa pinagtibay na desisyon ng Korte Suprema ukol sa Mining Act of 1995, nabuksan ang pagmimina sa mga dayuhang
interesado na mamuhunan sa negosyong ito. Alin sa palagay mo ang pinakaangkop na pagtataya ukol sa epekto ng batas na ito
sa pambansang ekonomiya?
A. Pagtingin sa bilang ng nadagdag na may trabaho
B. Maaring sa pagbabago ng pambansang kita
C. Pagtaya sa pagbabago ng produksyon ng ginto, pilak, tanso
D. Pagtantiya sa antas ng kita ng mga mamamayan
5. Ang pagguho ng lupa sa mga kabundukan ng Quezon dulot ng bagyong Winnie ay katunayan na:
A. Malawak na ang pagkasira n gating kagubatan C. Mapanira ang bagyo
B. Mahirap pigilan ang ganti ng kalikasan D. Kailangang mag-ingat ang mga tao kung may bagyo
6. Ang modernisasyon ng Philippine Navy ay magbubunga ng pangangalaga sa ating –
A. yamang lupa B. yamang tubig C. yamang mineral D. yamang gubat
7. Taglay ng yamang tao ng Pilipinas ang mataas na antas ng pagpapahalaga sa paggawa sapagkat sila ay _____
A. Masisipag at matitiyaga C. Madalas mag-overtime
B. Nakatatanggap ng matataas ang sweldo D. Madaling matuto ng gawain
8. Malaking bilang ng populasyon ng Pilipinas ay binubuo ng mga taong nasa pagitan ng edad 0 –19. Nangangahulugan ito na ang
populasyon sa bansa ay _______
A. bata B. nasa lakas paggawa C. produktibo D. matanda
9. Malaki ang pangangailangan sa mga teknikal na kasanayan. Alin sa mga kurso sa ibaba ang tutugon sa pangangailangang ito?
A. Commerce B. Law C. Medicine D. Engineering
10. Batay sa pinakahuling surbey (Nobyembre 2004) ng Bureau of Labor Statistics, 13% ng lakas paggawa ng Pilipinas ay walang
trabaho. Ang suliraning ito ay matutugunan kung…
A. Mag-eempleyo ang pamahalaan ng karagdagang manggagawa
B. Maghihikayat ng maraming mamumuhunan
C. Kukuha ng mga dalubhasa upang magturo ng iba’t ibang kasanayan
D. Magbibigay ng sabsidiya (subsidy) ang pamahalaan sa mga walang trabaho
11. Ang pag-aaral na mabuti ay isang paraan upang magkaroon ng magandang trabaho. Ang paglalahat na ito ay nagpapahiwatig
na…
A. Mahirap matanggap sa trabaho ang isang hindi tapos sa pag-aaral
B. Ang kwalipikasyong edukasyonal ay kailangan sa trabaho
C. Ang kasanayan at kaalaman ay nahuhubog sa pag-aaral
D. Ang edukasyon ay susi upang magkatrabaho
12. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng palatandaan ng kakapusan?
A. pulubi na nagpapalimos sa kalye C. pagsisiksikan ng mga mag-aral sa silid-aralan
B. mahabang pila ng mga pasahero sa sakayan D. pagkasira ng mga kagubatan upang tirhan
13. Ang ating pamahalaan ay nananawagan na magkaisa sa pagbalikat ng suliranin ukol sa kakulangan ng pondo. Mayroon tayong
dipisit (deficit) sa badyet. Nangangahulugan ito ng _____________ sa badyet.
A. kakulangan B. kakapusan C. kalabisan D. kahustuhan
14. Sa isang pinag-uutos na ekonomiya (command economy), and pagpapasya sa paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ay
nasa kamay ng _____________
A. mamamayan C. mga sundalo
B. mayayamang tao sa lipunan D. estado

Inihanda ni:

MAY LANIE A. CALIAO


Guro sa Araling Panlipunan
MONTE ALEGRE NATIONAL HIGH SCHOOL
Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur

ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS


DIAGNOSTIC TEST
Ikalawang Markahan

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: ________________

PANUTO: Basahin ang mga sumusund. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Paghahanda kung araw ng pista. Anong salik ang nakakaapekto sa pagkonsumo?


A. Panlasa B. okasyon C. presyo D. panahon
2. Ang pagdadala ng listahan sa pamimili ay makatutulong upang makatipid sa…
A. pera B. enerhiya C. panahon D. lahat ng nabanggit
3. Bilang mamimili, karapatan mo na pumili ng produktong nais mong bilhin. Kaakibat ng karapatang ito ay ang iyong
pananagutan na…
A. utangin ang mga produkto C. tipirin ang pagggamit ng produkto
B. bayaran ang produktong biniliD. bayaran ang biniling produkto
4. Sa anong salik ng produksyon nabibilang ang gusali ng pagawaan?
A. lupa B. lakas paggawaC. puhunan D. salapI
5. Ang katanungang “ano ang gagawin, paano gagawin, at para kanino gagawin?” ay sinasagot ng …
A. prodyuser B. konsyumer C. pamahalaan D. mamumuhunan
6. Itinuturing ang isang entreprenyur bilang ulo ng negosyo. Nangangahulugan ito na ang kanyang gawain ay…
A. Maging manggagawa C. maghanap ng magpapatakbo ng Negosyo
B. Pamahalaan ang buong negosyo D. taga-utos sa mga empleyado
7. Ang kakayahang entreprenyuryal (entrepreneurial skills) ay mahalagang sangkap sa paglago ng ekonomiya ng bansa. Ang
kanilang kontribusyon ay nauugnay sa…
A. produksyon B. pagkonsumo C. pamamahagi D. pag-imbento
8. Ang demand ay tumutukoy sa kahandaan at kakayahang __________ ng prdukto at serbisyo.
A. bumili B. magbili C. lumikha D. mag-aksaya
9. Ang kahandaan at kakayahang magbili ng produkto at serbisyo sa pamilihan ay tinatawag na…
A. demand B. suplay C. presyo D. ekwilibriyo
10. Ang pagtaas ng demand sa produkto sanhi ng pagbaba ng presyo nito ay naaapektuhan ng salik na…
A. panahon B. pagpili (preference) C. presyo D. populasyon
11. Ang pagtaas ng suplay sanhi ng paggamit ng makabagong makinarya ay sanhi ng salik na…
A. teknolohiya B. bilang ng industriya C. populasyon D. presyo
12. Ang presyo ay instrumento upang magkasundo ang _____________ at ___________ sa pamilihan.
A. magkakagalit; nag-aaway C. mamamayan; pamahalaan
B. mamimili; nagbibili D. nagbibili; supplier
13. Ang pagpila ng mga tao upang makabili ng produkto ay palatandaan na ang pamilihan ay nasa kalagayang..
A. ekwilibriyo B. kalabisan C. kakulangan D. katamtaman
14. Ang kondisyon na mataas ang suplay kaysa demand ay nagpapakita na ang pamilihan ay…
A. nasa ekwilibriyo B. may kakulangan C. may kalabisan D. may suliranin
15. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand at suplay kaugnay ng bahagdan (%) ng pagbabago ng presyo ay tumutukoy
sa…
A. demand B. suplay C. ekwilibriyo D. elastisidad
16. Ang bahagdan (%) ng pagbabago ng demand bunga ng pagbabago ng presyo ay tinatawag na …
A. elastisidad B. elastisidad ng demand C. elastisidad ng suplay D. ekwilibriyo
17. Kung ang elastisidad ng produkto ay may epekto sa suplay, nangangahulugan ito na ang elastisidad ay may epekto sa…
A. pagkonsumo B. produksyon C. demand D. suplay
18. Ang mekanismo ng pamilihan ay umiiral kung nagkakaroon ng ___________ sa pamilihan.
A. monopoly B. oligopolyo C. kartel D. kompetisyon
19. Ang paglalagay ng price control ay isang halimbawa ng impluwensiya ng pamahalaan sa pamilihan. Isang halimbawa nito ay
ang paglalagay ng pinakamababang presyo sa produkto. Tinatawag itong…
A. price ceiling B. price floor C. buffer price D. fixed price
20. Pangunahing tungkulin ng pamahalaan ang pagtiyak na magkakaroon ng kaayusan sa mga gawaing pang-ekonomiya. Ito ay
sa pamamagitan ng …
A. regulasyon B. pagbabantay C. panghuhuli D. pag-eespiya

Inihanda ni:

MAY LANIE A. CALIAO


Guro sa Araling Panlipunan
MONTE ALEGRE NATIONAL HIGH SCHOOL
Monte Alegre, Aurora, Zamboanga del Sur

ARALING PANLIPUNAN 9 - EKONOMIKS


DIAGNOSTIC TEST
Ikatlong Markahan

Pangalan: __________________________________________________________________ Iskor: ________________

PANUTO: Basahin ang mga sumusund. Piliin ang titik tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Anong ugnayan ang ipinakikita sa dayagram.

presyo

dami
A. direktang ugnayan B. di – tuwirang ugnayan C. tuwirang ugnayan D. positibong ugnayan
2. Ang pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo ay nakaaapekto sa sambahayan. Ano ang epekto nito?
A. Ang pagbabago ng presyo ay naghihikayat ng pagbabago ng pagkonsumo.
B. Nakaaapekto sa kita ang anumang pagbabago ng presyo.
C. Ang pagbabago ng presyo ay nakaaapekto lamang sa mga may fixed na kita.
D. Ang pagbabago ng presyo ay nagpapabago sa badyet ng sambahayan.
3. Magtipid at mag-impok. Ito ang payo ng mga ekonomista upang makatulong sa ating suliraning pang-ekonomiya.
Nangangahulugan lamang ito na…
A. kinikilala ng mga ekonomista ang kontribusyon natin sa ekonomiya
B. ang pag-iimpok ay mabuting Gawain
C. ang pag-iimpok ay makatutulong sa pamumuhunan
D. ang pag-iimpok ay likas na ugali ng mga Pilipino
4. Matapos makaipon sa pagtatarabaho sa abroad, minabuti ni Jay na magnegosyo na lamang dito sa Pilipinas. Nagsimula siya
ng isang maliit na gawaan ng handicraft na may tatlong tauhan. Sa paanong paraan nakatulong si Jay sa paglutas ng
suliraning pang-ekonomiya n gating bansa?
A. Nakalikha siya ng karagdagang oportunidad sa trabaho
B. Nakapagbigay siya ng karagdagang kita sa kanyang pamilya
C. Nakapagpakilala siya ng bagong produkto
D. Maaari nang maging produktibo ang kanyang oras dito sa bansa
5. Sa kabila ng mga di magandang pangyayari sa Iraq, marami pa rin sa ating mga kababayan ang nais makipagsapalaran
doon. Anong paglalahat ang angkop sa pangungusap?
A. malaki ang kita sa Iraq C. mahirap makakita ng trabaho sa Pilipinas
B. madali ang trabaho sa Iraq D. ayaw nila ng trabaho dito sa Pilipinas
6. Ang kakayahan ng isang bansa sa paglikha ng produkto at serbisyo ay sinusukat ng…
A. GROSS NATIONAL PRODUCT C. CORRUPTION INDEX
B. HUMAN DEVELOPMENT INDEX D. CONSUMER PRICE INDEX
7. Matatag ang ekonomiya ng bansa kung ang GNP nito ay….
A. negatibo B. positibo C. tuloy-tuloy na paglago D. mababa
8. Ang pagtaas ng pangkalahatang presyo ng mga produkto at serbisyo ay tinatawag na…
A. implasyon B. deplasyon C. depresasyon D. debalwasyon
9. Anong sitwasyon ang nagpapakita ng implasyon?
A. dagdag na baon sa pagtaas ng pamasahe
B. dagdag na produkto at serbisyo sa parehong halaga
C. bawas na produkto at serbisyo sa parehong halaga
D. mataas na halaga, bawas na produkto at serbisyo
10. Ang tight monetary policy ay isang paraan ng paglutas sa suliranin ng implasyon. Anong epekto nito sa ekonomiya?
A. pagdami ng salapi sa sirkulasyon C. pagbawas ng salapi sa sirkulasyon
B. pagbaba ng interes sa deposito sa bangko D. pagtaas ng interes sa pautang
11. Bilang mag-aaral, alin sa mga gawain sa ibaba ang magagawa mo upang malutas ang suliraning dulot ng implasyon?
A. pag-iimpok B. pag-aaral na mabuti C. pamumuhunan D. pagiging magastos
Sa bilang na 62-63, gawing basehan an sumusunod an datos ukol sa inaprobahang badyet ng kongreso ng Pilipinas aras a taong
2005.
12. Anong kagawaran ang may pinakamalaking bahagi sa badyet ng bansa? _______________
13. Ano ang ipinahihiwatig ng datos sa itaas?
A. ipinakikita sa datos ang prayoridad ng ating pamahalaan
B. ipinakikita sa datos ang paraan ng paggasta ng pamahalaan
C. ipinakikita sa datos ang pangangailangan ng ating pamahalaan
D. ipinakikita sa datos ang kakulangan ng ating pamahalaan
14. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing pinanggagalingan ng salapi ng ating pamahalaan?
A. pag-utang C. buwis
B. pagbibili ng mga ari-arian ng pamahalaan D. tulong mula sa ibang bansa
15. Ano ang gagawin mo upang makatulong ka sa paglutas ng suliranin ukol sa kakulangan ng badyet?
A. magbabawas ng baon C. magbigay ng donasyon
B. magbayad ng tamang buwis D. mangilak ng karagdagang pondo
16. Layunin ng patakarang monetaryo (monetary policy) na mapatatag ang halaga ng ating salapi. Matutugunan ang layuning ito
kung….
A. mataas ang palitan ng piso sa dolyar C. bumababa ang mga presyo
B. mataas ang implasyon D. nananatili o walang pagbabago sa presyo
17. Alin sa mga sumusunod ang angkop na puntahan ng negosyante upang makautang ng puhunan?
A. bangko B. kooperatiba C. GSIS/SSS D. Pag-ibig
18. Mahalaga ang dolyar sa ekonomiya ng Pilipinas. Alin sa mga sumusunod ang maling gamit nito?
A. ginagamit ito sa pandaigdigang kalakalan
B. ginagamit ito bilang reserba ng bansa
C. ginagamit itong basehan sa pagpapatatag ng lokal na salapi
D. ginagamit ito sa operasyon ng black market
19. Alin sa mga gawain ang magpapatatag ng halaga ng ating salapi?
A. pansamantalang pagtigil ng kalakalan C. pagtatago ng dolyar sa alkansiya
B. bawasan ang pagluluwas ng mga lokal na produkto D. pagpapalit ng dolyar sa bangko
20. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa sektor ng agrikultura?
A. pagtatanim B. paggugubat C. pagmimina D. pangingisda

Inihanda ni:

MAY LANIE A. CALIAO


Guro sa Araling Panlipunan
21. Nagiging makatwiran ang pagsasapribado ng mga korporasyon ng pamahalaan kung…
A. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa pamahalaan.
B. ang pagsasapribado ay nagbibigay ng higit na kapakinabangan sa mga mamamayan.
C. ang pagsasapribado ay higit na nagbibigay ng kapakinabangan sa pamahalaan at mamamayan.
D. ang pagsasapribado ay makapagbibigay ng higit na kapakinabangan sa pribadong sector.
22. Ang isang mahusay na negosyante, ano ang dapat mong bigyang tuon para lumago ang iyong negosyo?
A. laki ng puhunan B. dami ng manggagawa C. mahusay na pamamahala D. suporta ng pamahalaan
1. Mahalaga ambag ng sector ng agrikultura sa industriya ang….
A. Hilaw na materyales (raw materials) na sangkap sa industriya
B. Pagbili ng produktong yari ng industriya
C. pagbibigay ng manggagawa sa industriya
D. ang kasanayang agrikultural ang angkop sa industriya
2. Ang internet, e-mail at texting ay mga paraan sa mabilis na pagtatamo ng impormasyon. Sa anong aspeto ito makatutulong sa
ekonomiya?
A. ang mabilis na impormasyon ay basehan ng mabilis na desisyon
B. mababa ang halaga ng komunikasyon sa negosyo
C. high-tech na ang paraan parasa mabilis na komunikasyon
D. marami ng paraan sa mabilis na komunikasyon
1. Ang pagdami ng mga call center ay nagbigay ng karagdagang bilyong dolyar na kita sa bansa sa bawat taon. Ipinakikita nito
na…
A. malakas pagkakitaan ang hanapbuhay na ito C. mahusay ang mga Pilipino sa larangang ito
B. malaki ang potensyal ng Pilipinas sa gawaing ito D. dapat mamuhunan sa larangang ito
1. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa sector ng paglilingkod?
A. care giver B. fast food chain C. abogado D. negosyante
2. Ang tagumpay ng mga Pilipino sa sector ng paglilingkod ay katunayan lamang ng….
A. husay ng mga Pilipino C. mapagsapalaran ang mga Pilipino
B. swerte ang mga Pilipino D. malikhain ang mga Pilipino
87. Kailangan ang mataas na kasanayan sa sector ng paglilingkod upang ______
A. patuloy na makaagapay sa mabilis na pagbabago ng teknolohiya
B. mapanatili ang ang mataas na kalidad ng paggawa
C. patuloy na madagdagan ang kita
D. manatiling may pagkakataon sa bagong trabaho
88. Tinatawag na impormal na sector ang mga gawaing pang-ekonomiya na…
A. maliit ang kita C. hindi nagbabayad ng buwis
B. walang permanenteng pwesto D. pabagu-bago ng negosyo
89. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sector?
A. pagnanais na mabuhay C. pagsisikap na makaipon
B. paghahangad na magkatrabaho D. makatulong sa pambansang ekonomiya
90. Pangunahing kontribusyon ng impormal na sector sa ekonomiya ang ____________.
91. Ang Pilipinas ay nakikipagkalakalan sa iba’t ibang bansa. Nagpapatunay ito na ang ating pamahalaan ay nagpapairal ng
patakarang _______
A. closed economy B. open economy C. liberalisasyon D. globalisasyon
92. Ano ang inaasahang mabuting epekto ng liberalisasyon ng ekonomiya sa mga lokal na produkto ng Pilipinas?
A. Kompetisyon ng local na produkto
B. makikilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihan
C. pagpasok ng dayuhang produkto sa local na pamilihan
D. mabibili ang local na produkto sa mataas na halaga
93. Sa supermarket, nakita ni Jay ang iba’t ibang laruan na gawa sa Tsina. Mura ang presyo ng mga ito at magaganda rin naman.
Nagpabili si Jay sa kanyang ina at pinagbigyan naman siya. Tuwang-tuwa si Jay sa pagkakaroon ng bagong laruan. Anong
bunga ng liberalisasyon ang makikita sa kwento?
A. pagkakaroon ng maraming pagpipilian
B. higit na maginhawang mamili sa super market
C. mabibigyan ng dagdag na kita ang ating mga negosyante
D. magkakaroon ng pagkakataon sa imported na produkto ang local na mamimili
94. Sa tindahan naman ng gulay, isda at karne, nagsisiksikan ang mga tao upang bumili ng imported na gulay, isda at karne. Mura
ang presyo ng mga ito kahit na frozen pa. Sa paanong paraan ito nakasasama sa ating ekonomiya?
A. pinaliliit nito ang kita ng ating mga produktong agricultural C. pinasisikip nito ang ating mga palengke
B. pinamamahal nito ang ating mga lokal na produktoD. nasasnay tayo sa pagkain ng mga produktong frozen
95. Ang pagtaas na halaga ng dolyar ay nagbibigay ng mabuting epekto para sa mga _____.
A. OFW at kanilang pamilya B. Local na negosyante C. Pamahalaan D. Mamimili
96. Kinikilala ng ating pamahalaan ang kahalagahan ng kontribusyon ng ating mga OFWs sa pambasang ekonomiya. Dahilan ito
upang tawagin silang ___________
A. Bagong bayani B. mabuting halimbawa C. overseas Filipino investors C. mga bagong misyonero

1. Ang patuloy na pagtangkilik sa mga local na produkto sa kabila ng mahigpit na kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan
ay palatandaan ng pagpapahalaga sa….
A. pagmamahal sa sariling produkto C. pagmamahal sa mga local na negosyante
B. pagmamahal sa bayan D. pagmamahal sa ekonomiya ng bansa
1. Kaanib ang Pilipinas sa WTO at APEC. Makikinabang dito ang bansa sapagkat ______
2. Ang patas na kapakinabangan sa ugnayan ng mga kasaping WTO at APEC ay dapat maramdaman ng…
A. mga Pilipino
B. mga bansang kasapi
C. mga mamamayan sa buong daigdig
D. mga negosyante
3. Hindi lamang pang-ekonomiya ang dulot ng pagiging kasapi ng WTO at APEC, nagbibigay din ito ng kapakinabangang
____________

A. pampulitika
B. pangkalusugan
C. panseguridad
D. pang-edukasyonal

You might also like