You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Negros Island Region
Division of Negros Occidental

Araling Panlipunan 9
Ekonomiks
UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
2020-2021

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat tanong at piliin ang pinakatumpak na sagot sa mga pagpipilian.
Blilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Kaganapan ng pagkatao ang pinakamataas na antas sa Hirarkiya ng Pangangailangan. Paano mo


mailalarawan ang isang naka abot na sa ganitong antas?
A. May malusog na pangangatawan C. May pagpapahalaga sa buhay
B. May maraming kaibigan D. May tiwala sa sarili
2. Sa kabuuan, anong salik ng produksiyon ang tumutukoy sa lahat ng yamang likas sa ibabaw at ilalim ng
mundo.
A. Entrepreneurship B. Kapital C. Lupa D. Paggawa
3.
4. Paano masasabi na positibo ang INCENTIVES sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon?
A. Pag-aalok ng mga bagay na pwedeng utangin at bayaran sa susunod na buwan.
B. Pagbibigay ng cellphone ng mga magulang sa anak dahil sa mataas na marka.
C. Pagbibili ng mga bagay dahil lang sa kaakibat na insentibo na iniaalok ng nagbebenta.
D. Paghuhugas ng pinggan dahil napagalitan ng nanay.
5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI inaasahang ugali ng isang mag-aaral ng ekonomiks?
A. Mabait B. Malikhain C. Mapanuri D. Matalino
6. Ang mga sumusunod ay mga epekto ng kakapusan MALIBAN SA ISA.
A. Kompetisyon B. Malawakang kahirapan C. Pag-aaway-away D. Pagtaas ng Populasyon
7. Alin sa mga sumusunod ay nagpapakita ng matalinong pagsasabuhay ng kahulugan ng ekonomiks?
A. Pamimili tuwing may “Sale” B. Paglilinis ng bahay C. Pagluluto ng ulam D. Panonuod ng TV
8. Sino sa mga sumusunod ang may layuning mapreserba ang mainam na kalagayan ng kapaligiran?
A. Nagsisinop sa paggamit produkto C. Nagtitinda sa palengke
B. Nagmamay-ari ng capital D. Namamasyal sa mga parke
9. Ito ay tumutukoy sa mga makinarya, gusali at mga kagamitan sa paglikha ng produkto.
A. Yamang-Kapital B. Yamang-Likas C. Yamang-Mineral D. Yamang-Tao
10. Alin sa mga sumusunod ay HINDI palatandaan ng kakapusan?
A. Ang yamang-kapital ay naluluma at tuluyang masisira dahil sa katagalan.
B. Hindi bumababa ang presyo ng mga bilihin sa paglipas ng panahon.
C. Makakabili ng damit sa mababang presyo sa iba’t-ibang panahon.
D. Nararanasan ang unti-unting pagkasira n gating kalikasan.
11. Ito ay isang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto at serbisyo.
A. Alokasyon B. Organisasyon C. Pagkonsumo D. Produksyon
12. Ninanais mong malaman kung nangangailangan ka ng maraming manggagawa o gagamit na lang ng
makinarya sa naiisip mong produkto, anong katanungan ang dapat masagot.
A. Ano ang gagawin? C. Paano gagawin?
B. Gaano karami ang gagawin? D. Para kanino gagawin?
13. Kung ikaw ay bibigyan ng responsibilidad na magbalangkas ng mga paraan upang mapamahalaan ang
kakapusan, ano ang iyong dapat gagawin?
Page 1 of 5
A. Kailangan ang makabagong teknolohiya para mapataas ang produksiyon.
B. Pagpapatupad ng mga batas na makakatulong sa ekonomiya ng isang bansa.
C. Pagpapatupad ng mga polisiya na magbibigay proteksiyon sa mga negosyante.
D. Pagsasanay sa mga manggagawa sa Wikang Ingles at iba pang wikang banyaga.
14. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabubuhay ang tao kung wala ito ?
A. Kama B. Kumot C. Tulog D. Unan
15. Halos bawat mag-aaral ay may cellphone. Paano nagiging pangangailangan ang cellphone para sa isang
estudyante?
A. Pag “Facebook” B. Pakikinig sa “music” C. Paglalaro ng games D. Pag “research” sa leksyon
16. Ito ay mga bagay na mayroon ang tao at ginagamit niya ito sa mga pang-araw-araw na gawain para
mabuhay.
A. Hinahangad B. Kagustuhan C. Kasiyahan D. Pangangailangan
17. Piliin ang tamang pagbuod sa kagustuhan.
A. Ito ay hindi nagbabago at hindi pwedeng madagdagan. C. Ito ay mga hinahangad ng tao.
B. Ito ay mababang pangangailangan at makukuha ng libre. D. Lahat ng sagot ay tama.
18. Pagsunod-sunurin ang pangangailangan mula sa primarya hanggang sa sekondarya ayon sa hirarkiya ng
pangangailangan.
& - pangangailangang panlipunan A. # B. % C. ? D. %
# - pagkamit ng respeto sa sarili at ibang tao @ ? & ?
@ - kaganapan ng pagkatao & & % #
% - pisyolohikal % # # @
? - seguridad at kaligtasan ? @ @ &
19. Ano ang magiging kinahinatnan ng isang taong hindi nakamit ang pangangailangan panlipunan?
A. Katakawan B. Kawalang katiyakan
C.Pagkabigo D. Pagka-ingit
20. Saang sitwasyon nagpapakita ng kaugnayan ng personal na kagustuhan sa suliranin ng kakapusan?
A. Nagbabaon si Anton ng kanin at ulam galing sa kanilang bahay.
B. Nagbabasa sa silid-aklatan si John pagkatapos ng pananghalian.
C. Si Melissa ay naglalakad papuntang simbahan tuwing linggo.
D. Sumasakay ng jeep si Tina kahit malapit ang paaralan para hindi mahuli sa klase.
21. Ito ay tumutukoy sa halaga ng bagay o ng best alternative na handang ipagpalit sa gagawing desisyon.
A. Incentives B. Marginal Thinking C. Opportunity Cost D. Trade Off
22. Sa paanong paraan naipapakita ng isang tao ang pagkakamit ng respeto sa sarili at respeto sa ibang tao.
A. Kapag siya ay may sapat na tulog at pahinga.
B. Kapag siya ay may tiwala sa kanyang sarili.
C. Kung siya ay interesadong malunasan ang suliranin .
D. May kasiguraduhan sa kanyang trabaho.
23. Sino ang nagpanukala ng Teorya ng Herarkiya ng Pangangailangan?
A. Adam Smith B. Abraham Maslow C. John Watson Howe D. John Keynes
24. Ang mga personal na kagustuhan at pangangailangan ay may kaugnayan sa suliranin ng kakapusan. Kailan
masasabi na ang mga personal na pagpili sa mga bagay bagay ay nakakatulong sa paglutas ng suliranin sa
kakapusan?
A. Kung ito ay nakapagbigay ng kaginhawaan sa pamilya at kasamaan sa ibang tao.
B. Kung ito ay nakatulong sa pagtitipid kahit nagugutom na ang pamilya.
C. Kung ito ay nakatulong sa pagpapabuti ng sarili at ng kapaligiran.
D. Kung ito ay nakabuti sa ibang tao habang ikaw ay nagdurusa.

25. Bakit ang kita ay salik na naka aapekto sa pangangailangan at kagustuhan ng tao?
1. Kapag malaki ang kita ng isang tao, hindi lamang pangangailangan ang kaya niyang bilhin kundi pati
Page 2 of 5
na rin kagustuhan.
2. Kapag malaki ang kita ng isang tao, madalas malaki ang kanyang pagkonsumo.
3. Kapag maliit ang kita ng tao, malimit na pangunahing pangangailangan ang kanyang bibilhin.
4. Kapag maliit ang kita ng isang tao, maraming kagustuhan ang kanyang inuunang bilhin.
A. 1,2,3 B. 2,3,4 C. 3,4,1 D. 4,1,2
26. Anong salik na nakakaimpluwensiya sa pangangailangan at kagustuhan ang may kaugnayan sa posisyon
na pinagtatrabahuan?
A. Edad B. Kapaligiran at klima C. Katayuan sa lipunan D. Panlasa

27. Ang taong nasa mainit na klima ay nangangailangan ng aircondition unit. Ano ang naging batayan ng
kanyang pangangailangan?
A. Antas ng edukasyon B. Edad C. Kapaligiran D. Panlasa
28. Dahil nauuso, under cut ang gustong gupit ng binatang ni Nestor habang flat top ang gusto ng kanyang tiyo
dahil gumagaan ang kanyang pakiramdam. Anong salik ang nakaimpluwensya sa klase ng gupit ni Nestor
at ng kanyang tiyo?
A. Edad B. Katayuan sa Lipunan C. Kita D. Panlasa
29. Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ayon sa Teorya nga Hirarkiya ng Pangangailangan.
1 - Tubig 2 – Tagumpay 3 – Malikhain 4 – Maayos na Trabaho 5 - Pakikipagkapwa
A. 1 2 3 4 5 B. 1 4 5 2 3 C. 2 4 5 3 1 D. 2 3 1 5 4
30. Bakit mahalaga ang alokasyon sa suliranin sa kakapusan?
A. Dahil sa kakapusan, hindi lahat mabibigyan ng bahagi ng pinag-kukunang yaman kaya lumalawak ang agwat
ng mayaman at mahirap.
B. Dapat paghati-hatian ang mga suliranin sa kakapusan para malagyan ng mga taong may kakayahang
solusyonan ang problema.
C. Hindi sagot ang alokasyon sa problema sa kakapusan.
D. Makasasapat ang mga pinagkukunang yaman para sa lahat ngunit kailangan ang matalinong paraan ng
paglinang at pamamahagi para sa ikasasaya ng lahat.
31. Bakit mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks?
A. Makapagbigay mungkahi sa mga suliraning dulot ng kakapusan.
B. Makapagbigay ng makatwirang solusyon sa problema ng ibang tao.
C. Maunawaan ang mga batas at programa ng pamahalaan.
D. Mauunawaan ang mga naibabalita sa radyo at telebisyon.
32. Ano ang halimbawa ng tamang desisyon na gagawin sa sobrang kahoy galing sa paggawa ng muebles?
A. Gamitin sa paggawa ng mga palamuti. C. Itago at ilagay sa loob ng bodega.
B. Itapon ito dahil hindi na mapapakinabangan pa. D. Pabayaang mabulok ito.
33. Ano ang ipinahihiwatig ng kasabihang “There isn’t enough to go around.” ni John Watson Howe.
A. Hindi na kailangan ng tao ang pinagkukunang-yaman.
B. Lahat ng bagay ay sapat na.
C. Sumasalamin sa suliranin ng kakapusan.
D. Tumutukoy sa limitadong lupain.
34. Anong sistemang pang-ekonomiya ang ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan (free
enterprise)?
A. Command B. Market C. Mixed D. Traditional
35. Alin sa mga bansa ang sa kasalukayan ay nagpapatupad ng Command Economy?
A. Great Britain B. Malaysia C. North Korea D. South Korea
36. Ano ang sistemang pang-ekonomiya ng Pilipinas?
A. Command B. Market C. Mixed D. Traditional

37. Alin sa mga sistemang pang-ekonomiya ang gugustuhin mo dahil dito, makabibili ka ayon sa iyong
pangangailangan sa presyong swak sa badyet?
Page 3 of 5
A. Command Economy B. Market Economy C. Mixed Economy D. Traditional Economy
38. Alin sa mga sumusunod na kaganapan ang nagpapakita ng pagkonsumo?
A. Si Alden ay nagpa load ng kanyang cellphone, nagbayad at umalis ngunit di dumating ang binayarang load.
B. Si Alvin ay kumain sa isang restaurant ngunit hindi niya nagustuhan ang lasa ng pagkain.
C. Si Enting ay nagpalinis ng kanyang kuko pero siya ay nasugatan kaya di na ipinagpatuloy.
D. Si Linda ay bumili ng softdrink, ininom at napawi ang pagka-uhaw na nagdulot sa kanya ng kasiyahan.
39. Anong salik na nakaapekto sa pagkonsumo ang ipinapakita ng pangungusap na “Naiimpluwensiyahan ang
tao ng mga anunsiyo sa telebisyon, radio, pahayagan at internet”?
A. Demonstration Effect B. Inaasahan C. Kita D. Pagkakautang
40. Ang pagbabasa sa mga sangkap, presyo, timbang at pagkagawa ay halimbawa ng anong pamantayan sa
pamimili?
A. Hindi nagpapadaya. B. Makatwiran C. Mapanuri D. Sumusunod sa Badyet
41. Ang isang mamimili ay may karapatang_____________ maliban sa isa.
A. Dinggin B. Maging Ligtas C. Pumili D. Umutang
42. Ano ang produksiyon?
A. Pagbabagong anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga tao upang makabuo ng output.
B. Paggawa ng mga serbisyo sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga salik upang makabuo ng input.
C. Pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng pagsama-sama ng mga salik para makabuo ng output.
D. Proseso ng pagsama-sama ng mga produkto upang makabuo ng serbisyo at input.
43. Magiging ganito ka kung nailalapat mo ang mga kaaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives at marginal thinking?
A. Magaling mamuhunan C. Masipag mamili
B. Masagana ang pamumuhay D. Matalinong magdedesisyon
44. Bakit tinaguriang Blue-Collar Job ang mga karpintero, driver at magsasaka?
A. Dahil ginagamit nila ang kakayahang mental sa paggawa.
B. Dahil ginagamit nila ang kanilang lakas ng katawan.
C. Dahil malinis ang kanilang mga damit.
D. Dahil sila ay nakasuot ng mga damit na kulay asul.
45. Sino ang tagapag-ugnay ng mga salik ng produksiyon upang makabuo ng produkto at serbisyo?
A. Engineer B. Entrepreneur C. May-ari ng Lupa D. Trabahador
46. Ito ay tumutukoy sa kalakal na nakalilikha ng iba pang produkto.
A. Kapital B. Negosyo C. Sahod D. Serbisyo
47. Sa lahat ng mga organisasyon ng negosyo, ano ang ipapatayo mo kung nais mong makatulong sa mga
kasapi sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produkto sa mas mababang presyo.
A. Cooperative B. Corporation C. Partnership D. Sole Proprietorship
48. Alin sa mga sumusunod ang HINDI TOTOO sa Sole Propietorship?
A. Maaaring kumuha ng karagdagang pondo sa mga kaibigan.
B. Mahirap itong itayo at i-organisa.
C. Nangangailangan ito ng miliit na puhunan.
D. Wala o mas kaunti ang mga mahihigpit na usaping legal.
49. Kung sasali sa isang negosyo at sakaling malugi ito, ang tanging mawawala sa iyo ay ang salapi na iyong
pinuhunan bilang common stock. Anong organisasyon ito?
A. Cooperative B. Corporation C. Partnership D. Sole Proprietorship
50. Anong uri ng organisasyon ng negosyo ang higit na may kontribusyon sa mga maliit na pamayanan dahil ito
ay walang kinakailangang legal na dokumento, maliit ang puhunan at kahit sino ay pweding magtatag nito
kahit walang kasama.
A. Cooperative B. Corporation C. Partnership D. Sole Proprietorship

Page 4 of 5
Page 5 of 5

You might also like