You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Grade 9 Araling Panlipunan

Ikalawang Markahan: Makroekonomiks


Aralin Bilang 19

I. LAYUNIN
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga pangunahing kaalaman
A. Pamantayang Pangnilalaman
sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sa sistema ng pamilihan
bilang batayan ng matalinong pagdeesisyon ng sambahayan at bahay-
kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
Ang mga mag-aaral ay kritikal na nakapagsusuri sa mga pangunahing
kaalaman sa ugnayan ng pwersa ng demand at suplay, at sistema ng
B. Pamantayan sa Pagganap
pamilihan bilang batayan ng matalinong pagdedesisyon ng sambahayan
at bahay-kalakal tungo sa pambansang kaunlaran
C. Kasanayan sa Pagkatuto Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning
dulot ng kakulangan at kalabisan
AP9MYK-IIg-10

1. Natutukoy ang mga paraan ng pagtugon at kalutasan sa mga


suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan;
2. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang maiwasan ang shortage
at surplus sa pamilihan.
Interaksiyon ng Demand at Supply
II. NILALAMAN Paraan ng Pagtugon/ Kalutasan sa mga Suliraning Dulot ng
Kakulangan (Shortage) at Kalabisan (Surplus)
III. KAGAMITANG Ekonomiks, DepEd Modyul para sa Mag-aaral, Pahina 170-171
PANTURO
A. Sanggunian
B. Iba pang Kagamitang
Kartolina/ manila paper, pentel pen
Panturo
IV.PAMAMARAAN 1. Ano ang surplus? shortage?
A. Balik Aral sa mga 2. Ano ang ekwilibriyo? Ekwilibriyong presyo?
unang natutunan 3. Paano nagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan?

ONCE UPON A TIME!

Basahin ang sitwasyong nasa loob ng kahon at buuin ang maaaring


kahinatnan nito batay sa iyong sariling pagkaunawa. Isulat ang iyong
kasagutan gamit ang dialogue box.

Ang Gitnang Luzon ay sinalanta ng bagyo. Maraming palayan ang


nasira. Dahil dito inaasahang magtataas ang presyo ng bigas sa
pamilihan. Paano paghahandaan ng inyong pamilya ang pangyayaring
B. Paghahabi sa layunin ito?
ng aralin
(Pagganyak)

1. Ano ang iyong naramdaman habang ginagawa ang gawain?


2. Paano ka nakabuo ng maaaring kahinatnan ng
pangyayari/sitwasyon?

C. Pag- uugnay ng mga GRAPHIC ORGANIZER


Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa
isinasaad ng tekstong binasa. Upang higit na maunawaan ay sagutin
ang mga pamprosesong tanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman
at pang-unawa.

halimbawa sa bagong
aralin
( Presentation)

1. Ano ang naging batayan mo upang matukoy ang konseptong


ipinahahatid ng graphic organizer?
2. Paano mo natukoy ang mga mungkahing kalutasan sa mga
disekwilibriyo?

D. Pagtatalakay ng
bagong konsepto at BALITA-SURI
paglalahad ng bagong
kasanayan No I Basahin ang balita at sagutin ang sumusunod na pamprosesong
(Modeling) tanong.

Sa presyo ng bigas, bawang just-tiis - Malacañang


Rudy Andal at Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) | June 17, 2014

MANILA, Philippines - Umapela ang Malacañang sa


taumbayan na magtiis-tiis muna sa mataas na presyo ng bigas, bawang,
at luya dahil wala silang magagawa para kontrolin ito bunsod nang
idinidikta ng “market forces” ang halaga ng mga ito.
Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr, tinututukan naman
ng National Food Authority (NFA) ang presyo ng bigas na ang pagtaas
ay dulot ng mababang supply at inaasahang magiging matatag ang
supply kapag dumating ang inangkat sa ibang bansa sa susunod na
dalawang buwan. Sinabi pa ni Sec. Coloma, ang tumataas na halaga ng
luya at bawang ay maaaring sa sitwasyon ng law of supply and demand
o maaaring kulang ang mga produkto sa pamilihan sa pangangailangan
ng mga mamamayan. Walang binanggit si Coloma na ipatutupad na
hakbang ang pamahalaan hinggil sa isyu at hinihintay pa aniya ng
Malacañang ang ulat ng Department of Agriculture (DA) at
Department of Trade and Industry (DTI) kaugnay sa biglang pagtaas ng
presyo ng mga nasabing pangunahing bilihin.
Samantala, pinagpapaliwanag ni Bayan Muna Rep. Neri
Colmenares si Presidential Assistant on Food Security and Agricultural
Modernization Francis “Kiko” Pangilinan sa mataas na presyo ng bigas
sa bansa. Ayon kay Colmenares, hindi katanggap-tanggap ang
paliwanag ng National Food Authority (NFA) na normal ang pagtaas
ng dalawang piso kada kilo ng bigas dahil lean months na ngayon.
Idinagdag pa ng kongresista na wala rin dahilan para sa price increase
dahil sinabi ng NFA na napaghandaan nila ang lean months sa
pamamagitan ng importasyon.
Bilang katunayan, nag-angkat umano ang NFA ng 800,000
hanggang isang milyong metriko tonelada ng bigas para lamang
maging buffer stock ng bansa para sa buwan ng Hulyo hanggang
Setyembre. Layunin umano nito na pigilan ang anumang pagtaas ng
presyo subalit nakakapagtakang bigla pa rin itong tumaas na tulad din
ng nangyari sa presyo ng bawang at sibuyas na tambak din ang supply
subalit tumaas din ang presyo sa merkado.
Paniwala ni Colmenares, na mayroong nangyayaring ‘hokus pokus’
dito kaya ang publiko na naman ang nadadale.

Pinagkunan:http://www.philstar.com/bansa/2014/06/17/1335540/sa-
presyo-ng-bigas-bawang-just-tiis-malacanang
Retrieved on: November 22, 2014

1. Ano ang itinuturing dahilan ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo ng


bigas, bawang, at luya?
2. Paano maiuugnay ang tumataas na halaga ng luya at bawang sa
batas ng supply at demand? Paano naman maiuugnay ang
kakulangan ng mga produkto sa pamilihan sa pangangailangan ng
mga mamamayan? Ipaliwanag.

SANHI-BUNGA-SOLUSYON

Punan ng hinihinging impormasyon ang talahanayan sa ibaba

SANHI BUNGA SOLUSYON


E. Pagtatalakay ng Nagkulang ang
bagong konsepto at supply ng gamut sa
paglalahad ng bagong Dengue
kasanayan No. 2. Nagkaroon ng
( Guided Practice) malawakang tagtuyot
sa taniman ng palay
Pagpapatupad ng
price freeze sa mga
lugar na apektado ng
digmaan

F. Paglilinang sa
Kabihasahan Kung ikaw ay isa sa mga namumuno ng ating bansa, paano mo
(Tungosa Formative bibigyang kalutasan ang mga pangyayaring disekwilibriyo sa mga
Assessment) pamilihan?
( Independent Practice )
G. Paglalapat ng aralin
sa pang araw araw na Sa panahon ng shortage at surplus anong paraan ng pagtugon sa
buhay kalutasan sa mga suliraning dulot nito ang dapat gawin ng mga
sumusunod:
A. Konsyumer
(Application/Valuing)
B. Prodyuser/ Bahay-kalakal
C. Pamahalaan
Ano ang mga kahalagahan ng konsyumer, prodyuser at pamahalaan sa
H. Paglalahat ng Aralin
pamilihan upang tugunan ang suliraning dulot ng kakulangan at
(Generalization)
kalabisan?
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung tama ang pahayag at isulat
ang MALI kung mali ang pahayag.

1. Ang surplus ay nagaganap kung ang dami ng demand ay mas malaki


kaysa dami ng supply. Mali
2. Ang shortage ay nagaganap kung mas marami ang quantity supplied
kaysa quantity demanded. Mali
I. Pagtataya ng Aralin
3. Sa punto ng ekwilibriyo, ipinapalagay na parehong nasiyahan ang
bahay-kalakal at konsyumer.Tama
4.Mahalaga ang pantay na dami ng demand at supply sa
pamilihan.Tama
5. Ang pamahalaan ay may tungkulin upang maiwasan ang shortage at
surplus sa pamilihan.Tama

J. Karagdagang gawain
1. Ano ang pamilihan?
para sa takdang aralin
2. Isa-isahin ang mga estruktura ng pamilihan
( Assignment)
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa pagtataya.
B. Bilang ng mag- aaral na
nangangailangan ng iba pang
gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial?
Bilang ng mag aaral na
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mga mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiya ng
pagtuturo na katulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking
naranasan nasolusyunan sa
tulong ng aking punungguro at
superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like