You are on page 1of 7

Masusing Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 9

Ekonomiks

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pangekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa tungo sa
pambansang pagsulong at pag-unlad.

B. Pamantayan sa Pagganap
Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pangekonomiya nito
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.

C. Kasanayang Pampagkatuto
MELC: Nabibigyang-halaga ang mga ang mga gampanin ng impormal na
sektor at mga patakarang pangekonomiyang nakatutulong ditto. AP9MSP-IVh-16
Pagkatapos ng pag-aaral sa araling ito, ang mga mag aaral ay inaasahang:
a. Nakasusuri ng iba’t’ ibang kabuhayn na bahagi ng impormal na sector;
b. Nakapagbibigay ng kahalagahan na dulot ng impormal na sektor

II. NILALAMAN
A. Paksang Aralin: Suliranin sa Sektor ng Agrikultura
B. Sanggunian: Araling Panlipunan – Grade 9
Supporrt Material for Independent Learning
Engagement(SMILE)
Ikaapat na Markahan- Modyul 7: ANG IMPORMAL NA SEKTOR
Unang Edisyon, 2021
2. Ekonomiks: Araling Panlipunan, Modyul Para sa Mag-aaral;
Kagawaran ng Edukasyon
C. Mga Kagamitan: Cartolina, Pisara, Powerpoint presentation, at mga
larawan

III. PAMAMARAAN

GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL


A. Paghahanda

Tumayo ang lahat para sa isang panalangin. Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo,
Amen…

Magandang umaga klas! Magandang umaga din po ma’am.

Bago kayo magsiupo ay nais ko munang ayusin ninyo (inayos ang mga upuan at pinulot ang mga kalat.)
ang inyong mga upuan at pulutin ang mga kalat sa
sahig.
Mabuti po ma’am.
Kumusta naman kayo sa araw na ito?
Mabuti naman kung ganoon. Wala po.
1,2,3,1,2,3 WOW!
Mayroon bang nalumiban sa umagang iyo?
Magaling! Dahil diyan bigyan natin ng “Wow Clap”
ang inyong mga sarili sapagkat walang lumiban.
A. Kapag may nagsasalita sa harap ay dapat
Klas, ating alalahanin ang mga iba’t ibang paalala makinig
tuwing tayo ay may aralin. Ano-ano nga ulit ang B. Kapag gustong sumagot ay itaas ang kamay.
pamantayan natin sa loob ng klase? C. Gumamit ng po at opo kapag sumasagot.
D. Makilahok sa klase nang may
kasiglahan.

. Balik-aral
Bago tayo magsimula sa ating paksang tatalakayin sa
umagang ito ay nais ko munang malaman kung may
mga natutunan ba kayo sa nakaraang aralin na ating
tinalakay tungkol sa “Sektor ng Paglilingkod”.
Panuto: Ayusin ang mga titik na nasa loob ng shape
box upang mabuo ang konsepto o salita na tumutukoy
sa iba’t ibang gawain o hanapbuhay. Isulat ang sagot
sa patlang na nasa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang
mga katanungan na nasa ibaba.:.
Guro
Kontruksyon
Pagsasaka
Pagmimina
Doktor
Pangisngisda
Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.
1. Ano anong sektor napapaloob ang mga
nabuong salita? Ang napapaloob sa mga naboung salita ay ang mga
sektor ng paglilingkod.

2. Sa anong paraan kaya ito nakakatulong sa


pamumuhay ng bawat tao? Sa sektor paglilingkod ay nakakatulong ito sa
pamumuhay ng tao sa pamamagitan ng bibigay ng
3. Paano kaya nakakatulong sa ekonomiya ng ating serbisyo sa mga nangangailangan.
bansa ang mga sektor na ito?
Nakakatulong ito sa ekonomiya ng ating bansa sa
pamamagitan ng pagpuno nito sa mga
pangangailangan tulad ng sapat na pagkain, sapat
na serbisyo at sapat na kaalaman upang mapaunlad
Mula sa inyong mga sagot, may tiwala ako na kayo ay an gating ekonomiya.
may sapat ng kaalaman tungkol sa Sektor ng
Paglilingkod. Gamit ang mga konseptong ito,
magiging madali nalang sa inyo ang susunod na
aralin.
C. PAGGANYAK
Bago tayo dumako sa paksang tatalakayin natin,
mayroon ako ditong mga larawan. At suriin ninyo ang
nasa mga
larawan at
sagutin ang
mga tanong.

Ang mga uri ng kabauhayan ang napapansin ku sa


larawan ay ang pagtitinda sa bangketa driver.
Nagbebenta ng mga dyaryo.
1. Ano anong uri ng kabuhayan ang napapansin
ninyo sa larawan? Sa sector ng impormal.
2. Sa anong sector kaya sila napapaloob? Opo mam. Sila ang bumubuo sa impormal na sector
dahil sila ay walang mga ahensya na nagpapalakad.
3. Sino ba ang bumubuo sa impormal na sektor?
Ipaliwanag

Magaling.

D. PAGLALAHAD
Ngayong umaga ay tatalakayin natin ang
tungkol sa “Ang Impormal na Sektor sa Ekonomiya ”
na kung saan ay pagkatapos ng pag-aaral sa araling ito Mga Layunin:
ay makakamit ninyo ang mga layunin. a. Nakasusuri ng iba’t’ ibang
kabuhayan na bahagi ng impormal
na sector;
b. Nakapagbibigay ng kahalagahan na
dulot ng impormal na sektor

.
E. PAGTATALAKAY
Sa inyong palagay, Ano ang impormal na sektor? Ang impormal na sektor ay ito ang sector ng
ekonomiya na salat o walang pormal na
dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng pang
Magaling ekonomiya.

Ang impormal na sektor ay tumutukoy sa bahagi ng


ekonomiya na hindi nagbabayad ng buwis. At hindi
nakatala sa pamahalaan.
Kilala rin ito sa tawag na Underground economy,
hidden economy, invisible economy.

Bakit kaya ito tinatawag na underground economy,


Hidden economy, invisible economy?
Hindi Nakarehistro sa BIR
Hindi nakatala sa pamahalaan
At ang iba ay Illegal.
Magaling. Bigyan ng palapak ang Bawat isa.
Saan kaya nating kadalasan makikita ang mga Sa harapan n gating paaralan
impormal na sektor? Sa boulevard
Sa labas n gaming bahay
Maggbigay kayo ng halimbawa ng mga trabaho na
kasapi ng mga impormal na sektor na nakikita ninyo Nagtitinda ng mga baberque sa boulevard
sa ating kumunidad? Ang mga nagtitinda ng kwek2 bananaque at fishball
sa labas ng paaralan.

Magaling! Nabibigyan ng pagkakataon ang mga Pilipino na


Ano nga ba ang kahalagahan ng Impormal na Sektor? makapaghanapbuhay
Nagkapag titinda ng pagkain sa salat sa pera.
Magaling!
Ang mga kahalagahan ng impormal na sektor ay
sinasalo nito ang mga mamayan na hindi makapasok
bilang regular na empleyado sa isang kompanya.
Malaki rin ang mga naitutulong sa mga consumer ang
mga kalakal at serbisyo mula sa impormal na sektor
dahil sa mura nitong halaga.
Kumikita sila sa halagang 1000 taga araw.
Sa palagay ninyo magkanao kaya ang kanilng kinikita
sa isang araw? *Malabanan ang matinding kahirapan
*Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan
Ano kaya ang kanilang dahilan bakit sila pumapasok ng malaking capital
sa Impormal na sektor? *Makaligtas ng sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan
*Makaiwas sa masyadong mababa at masalimoot
na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan.
*Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na
kung saan ang mga batas at programa ay hindi
napapatupad ng maayos.

Napakagaling nyo Class. Lahat ng iyong sagot ay


tama.
F. PANGKATANG GAWAIN
Ngayon papangkatin ko kayo sa dalawa. Maglalaro
tayo ng “Charade o Hula Ko” . Ang gagawin niyo
lamang ay pumili ng isang representate bawat groupo
at gawin ang kilos ng bawat hanapbuhay na sasabihin
ko at hulaan ng bawat kasapi kung ano ito. Kung
gusto niyo ng sumagot pindotin ang bell at hulaan.
Ang unang makakuha ng 3 puntos ay siyang panalo.

1. Pagtitinda
2. Driver
3. Labandera
G. PAGSUSURI
Ngayon balikan natin ang inyong gawain, tukuyin ang
mga larawan kung ito ba ay kabilang sa impormal na
sektor o hindi. Kung ito ay kabilang sabihin niyo
“LABAN LANG” at kung hindi sabihin niyo “MAY
BUKAS PA” MAY BUKAS PA

1.

LABAN LANG

2.

LABAN LANG
3.
MAY BUKAS PA
4.

5. LABAN LANG

H. PAGLALAPAT

Bilang mag-aaral, papayag ka ba na ipagpatuloy ang


mga trabaho na kabilang sa impormal na sektor? Oo, papayag ako na ipagpatuloy ang mga trabaho
Bakit? na kabilang sa impormal na sektor dahil
nakakatulog ito sa aming mga mag-aaral sa
pamamagitan ng pagbili ng mga produkto sa
murang halaga.
Nakapagbibigay ba ng nutrisyon ang mga pagkaing
nabibili ninyo sa paligid sa murang halaga? Oo, tulad ng mga prutas nagbibigay ito ng mga
bitamina tulad ng bitamina C.
I. PAGPAPAHALAGA
Sa palagay ninyo mahalaga ba ang pagkakaroon ng Oo, dahil maraming Pilipino ang mabigyan ng
Impormal na sektor sa ating komunidad? trabaho.

Sa palagay niyo bakit kaya sila napunta sa trabahong Dahil ang iba ay hindi nakapagtapos ng pag-aaral.
kabilang sa impormal na sektor? Hindi marunong mag Ingles sa interview kaya hindi
natanggap sa kompanya.

Magaling!
J. PAGLALAHAT
Ano ang impormal na Sektor? ay tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na hindi
nagbabayad ng buwis. At hindi nakatala sa
pamahalaan.
Magbigay ng mga trabaho na kabilang sa
impormal na sektor? Driver
Labandera
Pagtitinda
Ano ang mga kahalagahan ng impormal na
sektor?
*Malabanan ang matinding kahirapan
*Makapaghanapbuhay ng hindi nangangailangan
ng malaking capital
*Makaligtas ng sa pagbabayad ng buwis sa
pamahalaan
*Makaiwas sa masyadong mababa at masalimoot
na proseso ng pakikipagtransaksyon sa pamahalaan.
*Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na
Magaling!
kung saan ang mga batas at programa ay hindi
napapatupad ng maayos.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Basahin at unawain mabuti ang mga katanungan. Piliin at isulat sa sagutang
papel ang mga sagot.

1. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas


na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo?
A. Sektor ng Industriya
B. Sektor ng Agrikultura
C. Impormal na Sektor
D. Sektor ng Paglilingkod

2. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng positibong epekto ng paglaganap


ng impormal na sektor?
A. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisadong bansa.
B. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries.
C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan.
D. Ipinapakita nito ang pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang
pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.

3. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga


ilegal na gawain gaya ng pamimirata ng musika, mga palabas sa sine at telebisyon, at
computer software. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng pwesto ng palengke sa
buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring
ibunga ng sumusunod MALIBAN SA ISA:
A. Kakulangan ng mapapasukan trabaho.
B. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa pamirata.
C. Pagnanais ng isang negosyante na kumita ng malaki kahit sa illegal na
pamamaraan.
D. Kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao
ukol sa masasamang bunga nito.

4. Ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng mga epekto sa ating ekonomiya.


Alin sa mga sumusunod ang HINDI nabibilang sa mga ito?
A. Paglaganap ng mga ilegal na gawain.
B. Banta sa kapakanan ng mga mamimili.
C. Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis.
D. Makaiwas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.

5. Kung ikaw ay magiging isa sa mga opisyales ng pamahalaan, alin sa mga sumusunod
ang gagawin mo upang maiwasan ang lalong pagdami ng impormal na gawain?
A. Manggagawa ng maraming batas laban sa mga gumagawa ng impormal na gawain.
B. Mas pagbubutihin ang trabaho at magiging tapat upang masugpo ang mga
gumagawa ng mali.
C. Magbuo ng mas marami pang ahensya na tutulong sa pagpuksa ng mga ito.
D. Hahayaan na lamang dahil nakakatulong naman sila sa ekonomiya ng bansa

6. Ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012) nina Balitao et al.,
may mga pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga mamamayan sa
impormal na sector. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga dahilan nito?
A. Makapagbigay ng pondo sa pamahalaan
B. Mapangibabawan ang matinding kahirapan
C. Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan
D. Makapag Hanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking capital
7. .Alin sa mga pahayag ang HINDI nabibilang sa mga dahilan ng impormal na sektor?
A. Ang kagustuhan ni Paul na makaligtas sa pagbabayad ng buwis
B. Tumaas ang mga natatanggap na buwis ng pamahalaan ni Mark
C. Ang makapag hanapbuhay si Lyn na hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan
D. Ang ninanais ni Ana na mapangibawan ang matinding kahirapan

8.Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing


kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin
upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na
maaari mong gawin upang makatulong sa bansa?
A. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin.
B. Maging mulat sa mga anomalya ng nangyayari sa lipunan.
C. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa
paaralan at sa komunidad.
D. Wala sa nabanggit

V. Takdang-Aralin: Basahin ang mga batas Pang ekonomiya kaugnay sa Impormal na


Sektor.

Inihanda ni:

Marystel B. Casiano
Teacher I Applicant

You might also like