You are on page 1of 4

SAN JOSE NATIONAL HIGHSCHOOL

Lomboy Street, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City

PANGARAW-ARAW NA TALA NG PAGTUTURO SA ARALNG PANLIPUNAN 9


GURO: MARY DYAN G. HEREDERO ASIGNATURA: ARALING PANLIPUNAN 9
BAITANG: IKASIYAM Markahan: IKAAPAT NA MARKAHAN
ORAS: PANG UMAGA Petsa: JUNE 8, 2023

A. Pamantayang Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sector ng ekonomiya at mga


Pangnilalaman patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng mga hamon at pwersa
tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na pagpapatupad at
Pagganap pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga patakarang pang-
ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong at pag-unlad.
C. Kasanayan sa Nabibigyang-halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga
Pagkatuto patakarang pang-ekonomiya nakatutulong dito.
AP9MSP-IVh-16

I. LAYUNIN A. Naibibigay ang kahulugan ng impormal na sektor.


B. Naisa- isa ang mga gampanin ng impormal na sektor, mga
dahilan, at epekto nito.
C. Napahahalagahan ang mga gampanin ng impormal na sektor na
nakakatulong sa mga mamamayang nakabatay sa sektor na ito.
II. NILALAMAN Ang Impormal na Sektor

III. KAGAMITANG Laptop, pictures, visual aids, chalk or white board


PANTURO
IV. PAMAMARAAN FACE-TO-FACE LEARNING
i. Panimulang A. Panalangin
Gawain B. Pagbati
C. Balitaan
ii. Balik-aral sa Pagbibigay ng input sa mga araling tinalakay sa nakalipas na aralin.
nakaraang aralin Mga Tanong:
at/o pagsisimula  Ano ang sektor ng paglilingkod?
ng bagong aralin  Anu-ano ang mga bumubuo sa sektor ng paglilingkod?
 C. Bakit mahalaga ang mga gampanin ng sektor ng paglilingkod sa
ating ekonomiya? Ipaliwanag.
iii. Paghahabi sa Gawain 1: “4 pics in words”
layunin ng aralin Panuto: Huhuluan ang mga isang salita sa pamamagitan ng pagtingin at
at pagganyak pagbuo sa apat na Larawan.
Ito ay iba’t ibang uri ng hanapbuhay na makikita sa ating bansa.

Pamprosesong Talakayan:
 Ano-anong hanapbuhay ang inyong nabuo mula sa mga salita?
Isa-sahin
 Ano ang pagkakatulad ng mga nabuo mong uri ng hanap buhay?
 Sa iyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ating
ekonomiya? Bakit?
 Ano kaya ang araling ating tatalakin ngaun sa iyong palagay?

Paksa: Ang Impormal na Sektor: Mga Dahilan at Epekto nito sa


Ekonomiya.

Mga Layunin:
A. Naibibigay ang kahulugan ng impormal na sektor.
B. Naisa-isa ang mga gampanin ng impormal na sektor, mga dahilan,
at epekto nito.
C. Napahahalagahan ang mga gampanin ng impormal na sektor na
nakatutulong sa mga mamamayang nakabatay sa sektor na ito.

iv. Pagtatalakay ng A. Kahulugan ng impormal na sektor.


SAN JOSE NATIONAL HIGHSCHOOL
Lomboy Street, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City

bagong konsepto B. Mga halimbawa ng Gawain o hanap buhay ng impormal na


at paglalahad ng sektor.
kasanayan C. Dahilan ng impormal na sektor sa Ekonomiya.
D. Epekto ng impormal na sektor sa Ekonomiya.
E. Gampanin at kahalagahan ng impormal na sektor.

v. Paglinang sa Gawain: Pormal o Impormal?


Kabihasahan Panuto: Suriin ang mga sumusunod na gawain o hanapbuhay. Isulat ang
(Tungo sa PORMAL kung ang gawain ay napapabilang sa pormal na sektor at
Formative IMPORMAL naman kung ang gawain ay napapabilang sa imporal na
Assessment) sektor.

1. Tiange
2. Mall
3. Magbabalot
4. Magtataho
5. Drugstore
6. Restaurant
7. Karinderya
8. Bangko
9. Turo-Turo
10. Talipapa

Mga Sagot:

1. IMPORMAL
2. PORMAL
3. IMPORMAL
4. IMPORMAL
5. PORMAL
6. PORMAL
7. IMPORMAL
8. PORMAL
9. IMPORMAL
10. IMPORMAL

vi. Paglalapat ng Mga Tanong:


aralin sa araw- A. Bakit mahalaga ang tulong na nagmumula sa pamahalaan para sa
araw na buhay mga mamamayang nakabatay ang kanilang pamumuhay sa
imporal sektor?
B. Bilang isang mag-aaral, paano mo ipakikita ang iyong
pagpapahalaga sa gampanin ng impormal na sektor na
nakatutulong sa mga mamamayang nakabatay rito?
vii. Paglalahat ng Tatawag ng mag-aaral upang tanungin kung ano ang natutunan niya sa
aralin buong aralin.
(Oral Recitation)

Ibubuod ng mga tinalakay na aralin.


SAN JOSE NATIONAL HIGHSCHOOL
Lomboy Street, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City

viii. Pagtataya ng Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat katanungan. Isulat ang
aralin titik ng pinaka tamang sagot sa bawat patlang bago ang bilang.

____1. Aling sektor ang tumutukoy sa bahagi ng ekonomiya na hindi


nagbabayad ng buwis at hindi nakatala sa pamahalaan?
A. Sektor ng Industriya
B. Sektor ng Agrikultura
C. Sektor ng Paglilingkod
D. Impormal na Sektor

____2. Alin sa sumusunod ang HINDI karaniwang katangian ng impormal


na sektor?
A. Hindi nakarehistro sa pamahalaan
B. Mapangibabaw ang matinding kahirapan.
C. Hindi nagbabayad ng buwis.
D. Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas para sa
pagnenegosyo.

____3. Anong kadahilanan at bakit pumapasok ang mga mamamayan sa


impormal na sektor?
A. Tinutulungan ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagkakaloob ng
pagsasanay.
B. Paghihikayat ng kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng bawat sektor ng
lipunan.
C. Makapaghanap buhay ng hindi nangangailagan ng malaking kapital o
puhunan.
D. Pagkakaroon ng subsidiya sa mga mamamayan ng walang sapat na
kakayahang pinansyal.

____4. Alin sa sumusunod ang HINDI epekto ng pag-iral ng impormal na


sektor?
A. Banta sa kapakanan ng mamimili.
B. Paglaganap ng mga ilegal na gawain.
C. Pagbaba ng halaga ng malilikom na buwis.
D. Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan.

____5. Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan ang mga


gampanin ng impormal na sektor na nakatutulong sa mga mamamayang
nakabatay rito?
A. Huwag bumili sa mga nagtitinda sa kalye.
B. Hayaan na lamang ang pamahalaan ang tumulong sa sektor na ito.
C. Suportahan ang mga programa at patakarang nagtataguyod sa
impormal na sektor.
D. Hayaan na lamang ang sektor na ito dahil hindi naman ito nakapag-
aambag ng dagdag na buwis sa pamahalaan.

Mga Sagot:
1. D
2. B
3. C
4. D
5. C

ix. Karagdagang Takdang Aralin:


Gawain para sa Gumawa ng isang socio-political caricature na nagpapakita ng mukha ng
takdang aralin impormal na sektor. Ito ay dapat naglalaman ng mga element ng
impormal na sektor sa aspektong kadahilanan, epekto at mga batas o
patakarang pang-ekonomiya ukol dito.

Advance Assigment:
A. Ano ang kalakalang panlabas?
B. Bakit mahalaga ang kalakalang panlabas?
SAN JOSE NATIONAL HIGHSCHOOL
Lomboy Street, Bgy. San Jose, Puerto Princesa City

V. MGA TALA Leksyon naitawid. Pagpapatuloy sa susunod na Layunin.

VI. PAGNINILAY  Walang hirap na nasagot ng mga mag-aaral ang Leksyon/aralin.


 Naging interesado sa Leksyon at gawain ang lahat sa kabila ng
mga hamong kinaharap sa pagtawid sa aralin.
 Natutunan ng lubos ng mga mag-aaral ang aralin sa kabila ng
limitadong kagamitang ginagamit ng guro.
 Natapos ng higit na nakararami sa itinakdang oras ang gawaing
iniatang.

You might also like