You are on page 1of 7

Paaralan Salinas High Baitang/Antas 9

DETAILED LESSON School


PLAN Guro Fredielyn S. Asignatura Araling
Luyaman Panlipunan
(Detalyadong Banghay Aralin) Petsa/ June 22, 2022 Markahan Ikaapat na
Oras Markahan

FINAL DEMONSTRATION TEACHING


Bilang ng Sesyon Isang Oras Petsa: June 22, 2022
MASUSING BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 9
I. LAYUNIN Sa pagtatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. naiisa-isa ang mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng
impormal na sektor;
b. nabibigyang-halaga ang mga dahilan at epekto ng impormal
na sektor ng ekonomiya
c. nakikilahok nang buong sigla at husay sa mga gawain

A. Pamantayang Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa mga sektor ng


Pangnilalaman ekonomiya at mga patakarang pang-ekonomiya nito sa harap ng
mga hamon at pwersa tungo sa pambansang pagsulong at pag-
unlad.
B. Pamantayan sa Ang mga mag-aaral ay aktibong nakikibahagi sa maayos na
Pagganap pagpapatupad at pagpapabuti ng mga sektor ng ekonomiya at mga
patakarang pang-ekonomiya nito tungo sa pambansang pagsulong
at pag-unlad.
C. Mga Pamantayan Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ng impormal na sektor
sa Pagkatuto AP9MSP-IVg-15
Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng ekonomiya
AP9MSP-IVh-16
II. NILALAMAN IMPORMAL NA SEKTOR
III. KAGAMITANG Laptop, Projector
PANTURO
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa
Gabay ng Guro 415-419
2. Mga pahina sa 423-426
Gabay
Pangkurikulum
3. Mga pahina sa Ekonomiks, Araling Panlipunan 9, Modyul paqra sa Mag-aaral
kagamitang Pahina: 436-438
pang-mag-aaral
4. Mga pahina sa 420-438
Teksbuk
5. Karagdagang Printed Module
kagamitan
mula sa portal
ng Learning
Resources
B. Iba pang DLP, Powerpoint Presentation Tungkol sa mga Dahilan at Epekto
Kagamitang ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya, Plakard, manila paper.
Panturo
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A.Balik-aral sa Panimulang Gawain
nakaraang at/o  Pagbati
pagsisimula ng Magandang umaga/ hapon, klas! Magandang umaga po!
bagong aralin
 Panalangin
Inanyayahan ko ang lahat na (Ang mga mag-aaral ay tatayo
tumayo para sa isang panalangin para sa panalangin)
na pangungunahan ni Estella.

 Pasalista
May lumiban ba sa araw na ito? Wala po.
Mabuti kung ganoon! Palakpakan
ang inyong mga sarili.

 Paalala
Bago tayo magsimula sa ating
talakayan gusto ko munang
ipaalala ang ating classroom
rules. (magbabasa ng sabay-sabay)
Basahin ng sabay-sabay klas!
a. Makinig ng mabuti
b. Huwag mag-ingay
c. Kung may nais sabihin,
itaas lamang ang kanang
kamay.
d. Practice personal hygiene at
all times.

 Balik-aral
Noong nakaraan ay tinalakay
natin ang tungkol sa sektor ng
paglilingkod.

Ano ang sektor ng paglilingkod? Ang sektor ng paglilingkod ay


binubuo ng sub-sektor sa
pananalapi, insurance,
komersiyo, real state,
kalakalang pakyawan at
pagtitingi, komunikasyon at
transportasyon.

Magaling! Ano ang kahalagahan Ang mga sub-sektor na


ng mga subsektor na nabanggit? nabanggit ay may mahalagang
papel sa kabuuang ekonomiya
ng bansa sa
pakikipagkalakalan.

Napakahusay! Sa kabuuan, ang


sector ng paglilingkod ay ang
pagbibigay ng paglilingkod sa
halip na bumuo ng produkto.
B.Paghahabi sa Sa puntong ito, nais kong
layunin ng ipakilala sa inyo ang ating mga
aralin negosyanteng bisita sina Jerbaks,
Akong at Romina. (Papasok ang tatlong tindero
habang nagtatawag ng suki.
Ipapakita nila ang iba’t-ibang
estilo nila upang makasungkit
ng kustomer. Ang isa ay online
seller, isa ay magbabalut,
habang ang isa naman ay
nagtitinda ng iba’t-ibang gamit
pambahay)

Pamprosesong mga tanong:

 Ano ang mababatid niyo sa Makikitang pagod sila sa


kanila? trabaho ngunit kailangan
nilang kumayod para may
makain.

 Ano ang kanilang trabaho? Sila ay mga tindero.

 Mabuti ba ang uri ng


kanilang trabaho? Mabuti ma’am

 Anong sektor ng
ekonomiya kaya sila Impormal na Sektor po
kabilang?

C.Paguugnay ng Magaling! Ang ating mga bisita ay


mga halimbawa kabilang sa impormal na sektor
sa bagong na siya nating tatalakayin sa
aralin araw na ito.

Tumayo ka nga at basahin ang (Tatayo ang tinawag na mag-


nasa powerpoint Jenny Ann. aaral at babasahin ang nasa
powerpoint)
IMPORMAL NA SEKTOR
- Sektor ng ekonomiya na salat
o walang pormal na
dokumentong kailangan sa
pagsasagawa ng mga gawaing
pang ekonomkiya.
D. Pagtalakay ng Sa pagkakataong ito ay
bagong magkakaroon tayo ng isang
konsepto at pangkatang gawain na kung
paglalahad ng tawagin ay “KAPIT-BISIG”.
bagong
kasanayan #1 1.Kahulugan ng impormal na
sektor- Broadcasting

2. Katangian ng impormal na
sektor-Pantomime

3. Dahilan ng impormal na
sektor- Awit.

4.Epekto ng impormal na sektor –


Dula-dulaan

Paghandaan ang gawain sa loob


ng 10 minuto at pagkatapos nito
ay inyong ipapakita.
Narito ang pamantayan na ating
susundin:

RUBRIC
PAMANTAYAN PUNTOS
Nilalaman 15
Pagkamalikhain 10
Kooperasyon 10
Kabuuan 35

Maliwanag ba ang panuto klas?


Opo ma’am.

E.Pagtalakay ng Dahil tapos na ang sampung


bagong minuto, oras na para sa
konsepto at pagtatanghal. Lahat ay maupo
paglalahad ng maliban lamang sa mga
bagong magtatanghal. Manood at
kasanayan #2 makinig nang maayos sa
ipapakita ng iyong mga kaklase.
Ating tawagin ang unang
pangkat.
Presentasyon:

Unang Pangkat – Broadcasting

Ikalawang Pangkat –
Pantomime

Ikatlong Pangkat – Awit

Ikaapat na Pangkat – Dula-


dulaan

(Pagbibigay ng iskor at feedback)

F. Paglinang sa Batay sa mga presentasyon, ano Ang positibong mensahe ng


kabihasaan ang mga positibo at negatibong presentasyon ay nabibigyang
tungo sa mensaheng nakapaloob tungkol trabaho o hanapbuhay ang
formative sa impormal na sektor? mga mamamayan kahit na
assessment walng pinag-aralan.
(Pangwakas) Samantalang ang negatibong
mensahe naman nito ay
pagbaba ng halaga ng
nalilikom na buwis at
paglaganap ng mga ilegal na
gawain.
G. Paglalapat ng Bilang isang mag-aaral, paano ka Mag-aral ng mabuti at
aralin sa makakatulong upang mabawasan sumunod sa mga alituntunin
pang-araw- ang mga ilegal na gawain na dulot at batas na ipinapatupad.
araw na ng impormal na sektor?
buhay
H. Paglalahat ng Batay sa ating tinalakay, ano ang Ang impormal na sektor ay uri
Aralin Impormal na sektor? ng hanapbuhay na nasa labas
ng regular na industriya o ng
itinakdang batas. Halimbawa
nito ay labandera, taho
vendor,balut vendor, sidewalk
vendor, fixer at iba pa.

Para sa iyo, makakatulong ba ang Nakakasama ito sapagkat


mga impormal na sektor sa pag- bumababa ang nalilikom na
unlad ng ating ekonomiya? buwis at maraming Pilipino
ang nasasangkot sa krimen o
ilegal na gawain.

I. Pagtataya ng Para masukat ko kung gaano


aralin kayo natuto sa ating aralin ay
magkakaroon tayo ng isang
pangkatang pagsusulit. Bibigyan
ko kayo ng dalawang pirasong
papel na may nakasulat na
SANHI at BUNGA. Babasahin ko
ang tanong ng dalawang beses at
pag sinabi kong “GO” saka ninyo
ipakita sa akin kung ano ang
sagot ninyo.

Panuto: Pakinggan ang mga


babasahing pahayag at itaas ang
salitang BUNGA kung ang
pangungusap ay nagpapakita sa
epekto ng impormal na sektor ng
ekonomiya at SANHI naman kung
ito ay nagpapakita ng dahilan ng
impormal na sektor.
Inaasahang sagot:

1. Dahil sa matinding kahirapan,


kahit anong pagkakakitaan ay
pinapasok ni Jasmine. Nariyang SANHI
magtinda siya ng balut, barbecue
at halo-halo upang matustusan
ang pangangailangan nilang mag-
ina.

2. Sumakit ang sikmura ni


Vanessa pagkatapos kumain ng BUNGA
kikiam na binili niya sa kanto.

3. Nagbabalak magsimula ng
negosyo si Lea ngunit maliit na
halaga lamang ang kanyang SANHI
puhunan kaya’t naisipan nalang
niyang magtinda ng barbecue sa
kanilang kanto.
4. Isang online seller si Harriet at
tinitiis niya ang pagod at puyat sa
gabi-gabing pagla-live sa facebook SANHI
ng kanyang mga paninda. Gusto
niya ng online selling sapagkat
wala siyang buwis na
binabayaran.

5. Hindi kumuha ng permit to


operate si Jenny Ann para sa
kanyang maliit na tindahan SANHI
sapagkat kulang ang kita niya sa
isang araw na pambayad sa
pagkuha nito.

6. Pagtitinda ng gulay sa
bangketa ang pinagkakakitaan ni SANHI
Jernelyn, at kahit alam niyang
bawal pumwesto doon katwiran
niya ay wala namang naninita sa
kanila.

7. Lumiit at bumaba ang bilang BUNGA


ng mga proyektong naipapatupad
ng pamahalaan dahil sa
kakulangan ng pondo.

8. Walang maayos na trabaho si


Rhoden kaya upang magkaroon BUNGA
ng malaki at mabilis na kita,
pumasok siya sa pagbebenta ng
ipinagbabawal na gamot.

9. Sa kabuuan, bumaba ng BUNGA


pitong porsyento ang nalikom na
buwis ng pamahalaan.

10. Maraming mamimili ang


nagrereklamo ng pagsusuka
pagkatapos kumain ng lutong BUNGA
ulam na paninda ni Aling Puring.
Napag-alamang ang kanyang
kusina ay madumi at wala siyang
sanitary permit.
J. Karagdagang Magsaliksik patungkol sa mga
gawain para sa batas, programa, at patakarang
takdang-aralin pang-ekonomiya kaugnay sa
impormal na sektor.
V. MGA TALA
VI. PAGNINILAY
A. Bilang ng mga
mag-aaral na
nakakuha ng
80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mga
mag-aaral na
nangangailangan
ng iba pang
Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong ba
ng remedial?
Bilang ng
magaaral na
nakaunawa ng
aralin.
D. Bilang ng mga
mag-aaral na
magpapatuloy sa
remediation?
E. Alin sa mga
istratehyang
pagtuturo ang
nakatulong ng
lubos? Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliranin
ang aking
naranasan na
nasolususyonan
sa tulong nng
aking punung
guro at
superior?

G. Anong
kagamitang
panturo ang
aking nadibuho
na nais kong
ibahagi sa aking
kapwa guro?
Binigyang Pansin:

Inihanda ni:

FREDIELYN S. LUYAMAN
Pre-Service Teacher

Pinuna ni:

ARJAN LEO V. EDROZO/T-II


Cooperating Teacher

You might also like