You are on page 1of 17

10 Department of Education

National Capital Region


SCHOOL S DIVISION OFFICE
MARIK INA CITY

Araling Panlipunan
Mga Kontemporaryong Isyu
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Mga Isyu sa Paggawa

Manunulat: Amelia J. Maesa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Aralin

1 Mga Isyu sa Paggawa

Alamin

Sa bahaging ito ay inaasahang matutuhan


mo ang iba’t ibang isyu na kinakaharap ng mga
manggagawang Pilipino. Malaking hamon sa
kasalukuyan ang mga isyu tungkol sa paggawa
sapagkat malaking porsiyento ng mga manggawa
ngayon ay nawalan ng trabaho.

Araling Sakop ng Modyul 2

1. Kalagayan ng Paggawa sa Bansa


2. Suliranin sa Isyu ng Paggawa sa Bansa
3. Mga Hakbang sa Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa Bansa

Sa pagtatapos ng aralin ikaw ay;

1. naipaliliwanag ang kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa;


1.1 nalalaman ang kalagayan ng paggawa sa bansa;
1.2 natutukoy ang mga suliranin sa isyu ng paggawa sa bansa;
1.3 natatalakay ang mga hakbang sa tamang pagtugon sa isyu ng paggawa sa bansa.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1
Subukin
Basahing mabuti ang mga tanong, sa pagsusulit
na ito makikita ang iyong kaalaman sa Ikalawang
Modyul, upang matukoy ang lawak ng iyong kaalaman
tungkol sa paksang tatalakayin. Bigyang pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan ng wasto at alamin
ang tamang sagot nito sa mga susunod na aralin.

Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat sa kahon ang pinakatamang sagot.
1. Isa sa mga pinakamahirap na isyu sa paggawa sa Pilipinas ay ang pag-iral ng sistema ng mura at
flexible na labor. Alin sa mga sumusunod na pahayaag ang naglalarawan ng mura at flexible na
labor? Ito ay paraan ng namumuhunan na palakihin ang kanilang kita sa pamamagitan ng ___

A. Pagbabawas ng mga manggagawa.


B. Pagdadagdag ng puhunan upang madagdagan ang produksyon at kita.
C. Malaking pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga manggagawa.
D. Pagpapatupad ng mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa ng mga
manggagawa.

2. Upang maiangkop ang mga manggagawang Pilipino sa kasanayan para sa ika-21 siglo ipinatupad
ng pamahalaan.
A. Pagpapatupad sa Wikang Pilipino bilang wikang panturo.
B. Pagsasamoderno ng mga kolehiyo at Universidad sa buong bansa.
C. Libreng pag-aaral sa lahat ng antas sa lahat ng pampublikong paaralan at Universidad.
D. Panibagong Kurikulum na nagbigay daan sa pagdagdag ng 2 taon sa Basic Education).

3. Dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng krudo pumayag na ang LTFRB sa pakiusap ng mga
operator at driver na itaas ang singil sa pamasahe. Ito ay halimbawa ng?
A. Employment Pillar C. Social Production Pillar
B. Worker’s Pillar D. Social Dialoque Pillar

4. Ang kakulangan ng suplay ng bigas ay isa sa dahilan kung kaya’t mataas ang presyo nito. Ang
kakulangan ay bunga ng mga sumusunod maliban sa isa.
A. Patuloy na pagliit ng lupang agricultural.
B. Pagkawasak ng mga pananim dahil sa sunod-sunod na bagyo.
C.Pagdagsa ng mga imported na bigas mula sa mga kalapit na bansa.
D. Pagkokonbert ng mga lupang sakahan upang gawing subdibisyon.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 2
5. Si Jemmie Anne ay nag-aalala dahil isang buwan na lang ay mag-eendo na siya sa pinapasukang
Food Chain. Si Jemmie Anne ay isa lamang sa tinatawag na
A. Apprentice C. Probationary Worker
B. Contractual Worker D. Seasonal Worker

6. Marami ang mga nakapagtapos ng kolehiyo ang nahihirapang makapagtrabaho dahil sa hindi tugma
ang kanilang kakayahan at kasanayan na kailangan ng industriya o kompanya. Inilalarawan nito ng
tinatawag na __?
A. Employment
B. Job- mismatch
C. Braindrain
D. Unemployment

7. Saang Ahensya ng pamahalaan maaring dumulog ang mga manggagawang nahaharap sa mga Isyu
sa Paggawa, tulad ng kawalan ng proteksyon at tamang benipisyo?
A. Department of Health
B. Department of Labor and Employment
C. Department of Interior and Local Government
D. Department of Social Welfare and Development

8. Isa sa naapektuhan ng globalisasyon ay ang paggawa. Ang mga sumusunod ay naidulot sa paggawa
maliban sa:
A. Pagtaas ng sahod ng mga manggagawa
B. Pagbabago sa workplace at salik ng paggawa
C. Pag-aangkop sa globally standard na paggawa
D. Pagkakataon na makilala ang local na produkto sa pandaigdigang pamilihan

9. Si Jenie ay tapos ng kursong IT o Information and Technology sa kasalukuyan siya ay


nagtratrabaho sa Grab Express na sumasahod ng mas mataas sa minimum wage. Ang kalagayan ni
Jenie ay isang halimbawa ng ______
A. Employment
B. Job- mismatch
C. Unemployment
D. Underemployment

10. Nagpatayo ng bagong building ang Kompanya ng S&R Tours and Tourism. Kinuha nila si Mang
Narding upang maging Contractor sa paggawa ng buong building na ito. Anong uri ng Iskemang
Subcontracting ang nakasaad sa pahayag?
A. 555 Contracting C. Job Contracting
B. Labor-Only Subcontracting D. Endo Contract

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3
Balikan
Matapos mong unawain at masagutan ang mga katanungan sa
ating unang pagsubok. Balikan mo ang ilan sa mahahalagang
paksang aralin sa Unang Modyul.

❖ Sa modyul 1 ay nakita mo kung paano nakaapekto ang globalisasyon sa mga mamamayan ng ating
bansa sa pagbabago sa kaisipan at perspektibo tungkol sa global isyu ng komunidad at
pangangailangan ng ating bansa at nasuri mo din ang bahaging ginagampanan ng mass media,
multinational na korporasyon, NGO at mga International na Organisasyon.
❖ Malaking hamon sa ating mga Pilipino ang mga pagbabago sa iba’t ibang larangan dulot ng
globalisasyon, dahil lubha tayong apektado sa mga pagbabagong ito. At nakita mo rin ang
kahalagahan ng pagkakaroon ng disiplina ng bawat mamayan bilang pagtugon sa hamon ng isang
pandemya (Covid-19) na kinakaharap ng bawat komunidad maging sa iba’t ibang bansa.
❖ Nakita mo din ang kahalagahan ng pagtutulungan ng bawat institusyon sa paglaban sa pandemya
(Covid-19) at nalaman mo na may magagawa ka din bilang mag-aaral sa paglaban sa pandemyang
ating kinakaharap. Madalas na naririnig mo sa balita o napapanood sa TV ang katagang stay at home,
palagiang maghugas ng kamay at magsuot ng face mask.
❖ Natunghayan mo din sa unang modyul ang iba’t ibang anyo ng globalisasyon tulad ng globalisasyong
ekonomiko, teknolohikal at sosyo-kultural.
❖ At hindi mo matatawaran ang kahalagahan ng gampanin ng mga Perrenial na institusyon, ang
tahanan, simbahan, paaralan at pamahalaan.

Gawain: AKO sa K-12


Magtala ng 3 Track na iyong nais kunin sa Senior HS
1 1. 1l 111

A
Ipaliwanag bakit ito ang iyong napili

K 1.
2.
O
3.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 4
Tuklasin Pagkatapos mong malaman ang tatlong
pangunahing na track na gusto mong kunin sa
Senior High School.Subukin mong sagutan
Gawain sa ibaba.

Alam mo ba na malaki ang kaugnayan ng iyong mga ibinigay na sagot sa posibleng kunin mo sa
kolehiyo at kung nakatapos ng Senior High School sakali at gusto mo ng magtrabaho upang makatulong na sa
iyong magulang pwedeng pwede na depende sa track na iyong nakuha.

Gawain: Isip-Isip Din: Gamitin sa pangungusap ang mga salita na nasa ibaba. Itala ang iyong sagot sa
Paggawa Trabaho Sahod Welga
Populasyon Isyu Yamang Tao
ENDO Pandemya Paglabag

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.

Mga Gabay na Tanong:

1. Habang gumagawa ka ng pangungusap gamit ang mga salita, Ano-anong isyu sa paggawa ang
pumasok sa iyong isipan? Ipaliwanag ang iyong sagot.
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Sa hinaharap, kung papipiliin ka ng trabaho ano ang gusto mong maging at ano-anong mga
gagawin mo upang ito ay makamit mo?
_________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5
Suriin Sa bahaging ito habang binabasa at
pinag-aaralan mo ang Modyul 2 tungkol sa
kalagayan, suliranin at pagtugon sa isyu ng
paggawa sa bansa. Makikita mo na ang
kalagayan sa paggawa ng mga Pilipino ay
matagal ng isyung pang-ekonomiya.

Kalagayan ng Paggawa sa Bansa


❖ Ang paggawa o labor ay isa sa salik na mahalaga sa pag-unlad ng bansa at maituturing na
pinakamahalagang salik ng produksyon. Ang paggawa ay tumutukoy sa paggamit ng lakas, talino at
kakayahan ng tao upang makatulong sa produksyon. Tinatawag din itong lakas paggawa.
❖ Ang paggawa ang buhay at sandigan ng sektor ng industriya at tumatanggap ng kabayaran na
tinatawag na sahod.
❖ Sa kasalukuyan nakalulungkot man, dahil sa pandemya (Covid-19) lubhang naapektuhan ang empleyo
o trabaho hindi lamang sa Pilipinas maging sa ibang mauunlad na bansa din .Sa Pilipinas maraming
mga manggagawa ang natanggal sa trabaho, dahil sa natigil ang paggawa ng halos tatlong buwan dulot
ng pandemya at kalaunan ay nagsara na rin ang ilang mga paggawaan o kung hindi man nagsara ay
maraming pabrika ang nagbawas ng mga manggagawa. Maraming pamilya ang direktang naapektuhan
ng suliraning pangkalusugan na ito.
❖ Ang Pilipinas ang nangungunang bansa sa rehiyon ng Asya sa larangan ng non-IT BPO. Sa sistema
ito ay kinukuha ang serbisyo ng mga Pilipino ng pribadong kompanya na ang kanilang tanggapan ay
nasa ibang bansa at pagkuha ng mga call center agent sa bansa upang magtrabaho.
❖ Sa isang banda dahil sa paglaganap ng globalisasyon naaapektuhan nito maging ang workplace na
kung saan nagresulta ng pagkakaroon ng mga pandaigdigang samahan tulad ng Word Trade
Organization (WTO) na nagtakda ng mga kasanayan o kakayahan sa paggawa na globally standard
para sa mga manggagawa.
Ilan sa maraming naidulot ng globalisasyon sa paggawa ay ang mga sumusunod:
1. Pagkakaroon ng demand para sa iba’t ibang kakayahan o kasanayan sa paggawa na globally
standard;
2. Mabibigyan ng pagkakataon ang mga lokal na produkto na makilala sa pandaigidigang pamilihan;
3. Binago ng globalisasyon ang workplace at mga salik ng produksiyon tulad ng pagpasok ng iba’t
ibang gadget, computer/IT programs, complex machines at iba pang makabagong kagamitan sa
paggawa; at
4. Madali lang sa mga namumuhunan na magpresyo ng mura o mababa laban sa mga dayuhang
produkto o mahal na serbisyo at pareho ang kalidad sa mga produktong lokal.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 6
Mga Suliranin sa Isyu ng Paggawa sa Bansa
1. Mababang pasahod - ang sahod na mas mababa sa minimum wage o itinakdang pasahod ng
pamahalaan at naayon sa batas.
2. Braindrain-pagtungo ng mga propesyunal na paggawa sa ibang bansa upang doon na magtrabaho.
3. Job-mismatch- pagtatrabaho ng hindi ayon sa iyong natapos o pinag-aralan.
4. Kontraktuwalisasyon – pagtatrabaho ng ayon sa kontrata, maaring 6 na buwan o 1 taon.
5. Mura at flexible na labor-mababang pasahod at paglilimita sa panahon ng paggawa.
6. Kawalan ng seguridad sa pinapasukang kompanya.
7. Brawndrain-pagtungo ng mga skilled na paggawa sa ibang bansa upang doon na magtrabaho.
8. Unemployment – mga taong walang trabaho
9. Underemployment- paggawa ng mababa sa 8 oras na magreresulta pagbaba ng sahod.
10. ENDO-paggawa o pagtratrabaho ng limang buwan lamang.

Kalagayan ng mga Manggagawa sa Iba’t-ibang Sektor

Mga Sektor Suliranin


Mas murang naibebenta ang mga dayuhang produkto, mga
Sektor ng Agrikultura
kalamidad, kakulangan sa patubig, kakulangan sa suporta ng
pamahalaan, subsidi, pagkonbert ng mga lupang sakahan, pagkasira
ng mga biodiversity, pagkawasak ng kagubatan at marami ang
nawalan ng trabaho sa pook rural.
Sektor ng Industriya Nagkaroon ng imposisyon ng IMF-WB at ang mga kondisyon ay
pagbubukas ng pamilihan ng bansa, import liberalizations, tax
incentives sa mga TNCs, deregularisasyon sa mga polisiya ng
estado, malayang pagpasok ng mga multinasyunal na kompanya at
kaakibat nito ang iba’t ibang anyo ng pang-aabuso sa mga
manggagawa.
Sektor ng Serbisyo Pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo, patakarang
liberalisasyon na nagresulta sa pagpasok ng mga kalakal ng TNCs
nalimitahan naman ang bilang ng kalakal at serbisyo na gawa ng
mga Pilipino sa pandaigdigang kalakal.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 7
Mga Hamon sa Pagtugon sa Isyu ng Paggawa sa Bansa
Pigura 2.1 Apat na Haligi para sa Isang Disente at Marangal na Paggawa (DOLE, 2016)

Employment Pillar Tiyakin ang paglikha ng mga sustenableng trabaho, malaya at


pantay na oportunidad sa paggawa, at maayos na workplace para sa
mga manggagawa.
Worker’s Right Pillar Naglalayong palakasin at siguraduhin ang paglikha ng mga batas
para sa paggawa at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng
mga manggagawa.
Social Protection Pillar Hikayatin ang mga kompanya, pamahalaan, at mga sangkot sa
paggawa na lumikha ng mga mekanismo para sa proteksyon ng
manggagawa, katanggap-tanggap na pasahod at oportunidad.
Social Dialogue Pillar Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng
pamahalaan, mga manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng
paglikha ng mga collective bargaining yunit.

Pagbangon ng mga Manggagawa at ang Kilusang Manggagawa


Mga Karapatan ng mga Manggagawa
Ayon sa International Labor Organization (ILO)
1. Ang mga manggagawa ay may karapatang sumali sa mga unyon na malaya mula sa panghihimasok ng
pamahalaan at tagapangasiwa.
2. Ang mga manggagawa ay may karapatang makipagkasundo bilang bahagi ng grupo sa halip na mag-isa.
3. Bawal ang lahat ng mga anyo ng sapilitang trabaho, lalo na ang mapang-aliping trabaho at trabahong
pangkulungan. Dagdag pa rito, bawal ang trabaho bunga ng pamimilit o ‘duress’.
4. Bawal ang mabibigat na anyo ng trabahong pangkabataan. Samakatwid mayroong minimong edad at mga
kalagayang pangtatrabaho para sa mga kabataan.
5. Bawal ang lahat ng mga anyo ng diskriminasyon sa trabaho: pantay na suweldo para sa parehong na
trabaho.
6. Ang mga kalagayan ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas sa mga manggagawa. Pati
kapaligiran at oras ng pagtatrabaho ay dapat walang panganib at ligtas.
7. Ang suweldo ng manggagawa ay sapat at karapat-dapat para sa makataong pamumuhay.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 8
Mahahalagang Konsepto
Labor Force Participation Rate o LFPR ay ang mga taong may edad 15 pataas na may kakayahan na
magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na lumalahok sa produksiyon o naghahanap ng trabaho.
Minumum Wage minimum o pinakamaliit na sahod na maaring ibigay sa isang empleyado o manggagawa na
itinakda at naayon sa batas ng isang bansa, ang minimum na sahod sa mga urban areas o city ay mas mataas
kasya mga rural areas o probinsya.
Vulnerable tulad nila, taga ibang bayan ay madali ring malagay sa panganib, at ang kaligtasan niya ay
nakasalalay sa proteksyong matatanggap niya mula sa mga tao sa lugar ibang bayan ay madali ring malagay sa
panganib, at ang kaligtasan niya ay nakasalalay sa proteksyong matatanggap niya mula sa mga tao sa lugar

Iskemang subcontracting ay tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay
komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang isang trabaho o serbisyo sa
isang takdang panahon

May dalawang umiiral na anyo ng subcontracting ito ay ang:


1. Labor-only Contracting na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na puhunan upang gawin ang
trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may direktang kinalaman sa mga gawain ng
kompaya;

2. Job-contracting naman ang subcontrator ay may sapat na puhunan para maisagawa ang trabaho at mga
gawain ng mga manggagawang ipinasok ng subcontractor. Wala silang direktang kinalaman sa mga gawain ng
kompanya. Hindi pinapayagan sa batas ang job-contracting dahil naaapektuhan nito ang seguridad ng mga
manggagawa sa trabaho.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 9
Pagyamanin
Ngayon upang mapagtibay ang iyong
natutuhan at pag-unawa sa ating paksang aralin
sagutan ang inihandang gawain sa ibaba.

Gawain: Ulat MPS


Kumpletuhin mo ang hinihingi sa kasunod na dayagram tungkol sa kampanya para sa isang marangal na
trabaho.
M- ang uri ng manggagawa sa iba’t ibang sektor ng paggawa na humaharap sa mga suliranin
P- Itala ang Pillar o Haligi para sa disente at marangal na paggawa
S- Itala ang iyong suhestiyon upang matugunan ang iyong suliranin sa paggawa na iyong itinala

Deskripsyon
M ________________________________
________________________________

Deskripsyon

P ________________________________
________________________________

Deskripsyon
S ________________________________
________________________________

Mga Gabay na Tanong:


1. Sino-sinong manggagawa ang nakararanas ng hindi pantay na oportunidad at mas vulnerable sa
mga pang-aabuso?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
2. Ano-ano ang itinakdang stratehiya ng DOLE upang makamit ang isang disente at marangal na
trabaho?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________
3. Ano-anong hamon sa paggawa sa kasalukuyan ang kinakaharap ng mga manggagawang
Pilipino?
________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 10
Isaisip
Sa patuloy na pagbabasa ng mga aralin at
pagbuo ng mga gawain dapat may tumatanim sa
isipan mo at palaging tatandaan na mahalagang
magamit mo ito sa pang-araw-araw na pamumuhay.

❖ Natutunghayan mo ang mga implikasyon ng globalisasyon sa paggawa at ang mga nararapat na


hakbang upang matugunan mga ito. Nasabay pa dito ang pagkakaroon ng pandemya (Covid-19).

❖ Iniaangkop din ang kasalukuyang kurikulum para sa demand ng globally standard bansa, nagkaroon
ng tinatawag na K-12. na nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang Basic
Education, Technological-Vocational Education at Higher Education (DepED, 2012).

❖ Dahil sa globalisasyon patuloy na pagtaas ng antas ng kawalan ng trabaho at walang sapat na trabaho.
Malayang naipatutupad ng mga kapitalista o mamumuhunan ang iskemang kontraktuwalisasiyon para
ibaba ang gastos sa paggawa, alisin ang anumang proteksiyon at ang tuwirang responsibilidad nito sa
manggagawa.

❖ Ayon sa ulat ng Department of Labor and Employment (DOLE, 2016) upang matiyak ang pagsulong
pang-ekonomiya ng isang bansa kailangang iangat ang antas ng kalagayan ng mga manggagawang
Pilipino tungo sa isang disenteng paggawa (decent work) layunin nito na magkaroon ng pantay na
oportunidad ang bawat isa anumang ang kasarian para sa isang disente at marangal na paggawa.

❖ Ang Lakas paggawa bilang pinakamahalagang salik ng produksyon dapat ay tumanggap ng kanyang
sapat na kabayaran o sahod sa paggamit ng kanyang lakas at talino saan mang sektor siya kabilang
maging ito ay Sektor ng Agrikultura, Sektor ng Industriya at Sektor ng Serbisyo.

❖ Ayon sa ulat ng DOLE, NEDA, at iba pang sangay ng pamahalaan na may kaugnayan sa paggawa sa
bansa na bumuo ng Philippine Labor and Employment Plan (PLEP, 2016), ang pinakamalaking
bahaghan ng mga manggagawa na sinasabing vulnerable ay nasa sektor ng agrikultura at ang isang
malaking bahagi pa nito ay ang mga manggagawa sa kalunsuran na ang hanapbuhay ay para-paraan
lamang gaya ng paglalako, sidewalk vendor at mga nangangalakal.

❖ Kaya ikaw bilang mag-aaral ibigay mo ang iyong parte sa ating pamahalaan sa pamamagitan ng pag-
aaral ng mabuti huwag mong sayangin ang karapatan mo na makapapag-aral at sa hinaharap ay
maging produktibong lakas paggawa. Isang mahusay, matalino at alam ang kaniyang karapatan at
responsibilidad bilang manggagawang Pilipino.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 11
Isagawa
Binabati kita! Sa pagtitiyaga mo na
basahin at unawain ang ating mga aralin. Upang
masukat ang iyong mga natutunan sa modyul na
ito. Maari mo nang sagutan ang gawain sa
ibaba.

Tukuyin ang hinihingi sa bawat bilang at pilin ang tamang sagot sa kahon sa ibaba.

Employment Pillar Agrikultura Job- Mismatch K-12 Welga


Underemployment Social Dialoque Pillar Labor-Only Subcontracting
Worker’s Right Pillar Iskemang Subcontracting Para-paraan na Trabaho

____________ 1. Ayon sa Philippine Labor ang Employment Plan (PLEP, 2016), ang
pinakamalaking bahagdan ng vulnerable ay nasa sektor ng____ ?
____________ 2. Tumutukoy sa mga manggawa na nagtratrabaho ng mababa sa 8 oras na
nagreresulta ng pagbaba ng sahod.
____________ 3. Anyo ng sub-contructing na kung saan ang subcontractor ay walang sapat na
puhunan upang gawin ang trabaho o serbisyo at ang pinasok niyang manggagawa ay may
direktang kinalaman sa mga gawain ng kompanya.
____________ 4. Naglalayong palakasin at siguraduhin ang paglikha ng mga batas para sa paggawa
at matapat na pagpapatupad ng mga karapatan ng mga manggagawa.
____________ 5. Tawag sa uri ng hanapbuhay tulad ng pangangalakal, mga naglalako ng
paninda at mga sidewalk vendor.
____________ 6. Kapag ang mga manggagawa at ang kapitalista ay hindi nagkasundo sa kanilang
grievances possible itong humantong sa isang_____?
____________ 7. Ang ______nakabatay sa balangkas ng Philippine Qualifications Framework – ang
Basic Education, Technological-Vocational Education at Higher Education
(DepED, 2012).
____________8. Tumutukoy sa kaayusan sa paggawa kung saan ang kompanya (principal) ay
komukontrata ng isang ahensiya o indibidwal na subcontractor upang gawin ang
isang trabaho o serbisyo sa isang takdang panahon.
____________9. Palakasin at laging bukas na pagpupulong sa pagitan ng pamahalaan, mga
manggagawa, at kompanya sa pamamagitan ng paglikha ng mga collective
bargaining yunit.
____________10. May mga nurses at mga guro tayo na nasa outsoucing bilang mga BPOs na
nagtatrabaho sa kasalukuyan, anong suliranin ito ng paggawa?

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 12
Tayahin

Sa puntong ito marami na ang naunawaan mo sa


ating aralin, dahil nasagutan mo ng maayos ang gawain at
natapos mo ito sa takdang oras. Ngayon naman, upang
masukat ang iyong natutunan sa mga natapos na aralin.
Sagutan mo ang gawain sa ibaba.

Panuto: Pagtapat-tapatin ang magkakaugnay na konsepto. LETRA lamang ng tamang sagot ang isulat
sa patlang.

A B

______ 1. Sahod A. Tinuturing na pinakamahalagang salik ng produksyon


______ 2. K-12 B. Ang isang suliranin sa paggawa na tumutukoy sa
______ 3. Underemployment pagtungo ng mga skilled na manggagawa sa ibang bansa
______ 4. Minimun na sahod C. Ang pinakamababang pasahod na itinakda ng gobyerno
______ 5. Flexible Labor na dapat tanggapin ng manggagawa ng naayon sa batas
______ 6. Job-mismatch D. Ang isang suliranin sa paggawa na tumutukoy sa pag-
______ 7. Brain Drain tungo ng mga propesyunal na paggawa sa ibang bansa
______ 8. Brawndrain E. Pagdadagdag ng dalawang taon sa Senior High School
______ 9. Labor foce F. Binubuo ng mga taong nagtatrabaho ng mababa sa 8 oras
______ 10. Manggagawa G. Mga taong may edad 15 pataas na may kakayahan nang
magtrabaho ngunit hindi pa aktuwal na lumalahok sa
produksiyon
H. Pagtatrabaho ng hindi ayon sa natapos o pinag-aralan
I. Mababang pasahod at paglilimita ng panahon sa paggawa.
J. Kabayaran na tinatanggap ng mga manggagawa

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 13
Karagdagang Gawain

Binabati kita, kayang kayang mo pang gawin ang


ating mga gawain upang lalong maunawaan ang
ating paksang aralin. Talasan lamang ang mata at
ipaliwanag ang iyong mabubuong salita.

Gawain: Hanapin ang PINAITIM na letra isulat sa ____ at ipaliwanag ang mabubuong sa
salita. Ito ay binubuo ng tatlong salita:
1. INDUSTRIYA = _____
2. SERBISYO = _____
3. MULTINASYUNAL = _____
4. TUGON = _____
5. PASAHOD = _____
6. MANGGAGAWA = _____
7. PATAKARAN = _____
8. HAMON = _____
9. PAGLAGANAP = _____
10. PAGPAPATUPAD = _____
11. GLOBALISASYON = _____
12. WELGA = _____
13. FLEXIBLE LABOR = _____
Ano ang nabuo mong salita ? ___________________________________________
Ipaliwanag ang nabuo mong salita at iugnay mo ito sa pandemya (Covid -19) na ating kinakaharap sa
kasalukuyan.

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 14
Sanggunian

Araling Panlipunan 10 Kontemporaryung Isyu. Learner’s Manual p. 187-219.


Para sa mga Impormasyon tungkol sa Pandemya
Live Stream ng Department of Heatlh
https://www.youtube.com/watch?v=Trk-PHOcwPg&feature=share

Para sa mga Impormasyon tungkol sa Paggawa


Balita ng GMA News - Department of Labor and Employment
https://www.youtube.com/watch?v=lz-Jkym7uJw&feature=share

Balita ng GMA news – Department of Education


https://www.youtube.com/watch?v=eVi95e_FMpU&feature=share

Diksyunaryo para sa mga Terminolohiya


https://karapatanmanggagawa.wordpress.com/mga-batas-pantrabaho/page-3/

Para sa kahulugan ng terminolohiya


https://glosbe.com/en/tl/vulnerable
https://en.wikipedia.org/wiki/Minimum_wage

Susi sa Pagwawasto

10. Job mismatch


10.A 9. Social Dialogue Pillar
10.B
8. Iskemang Subcontracting
9. G 9. B
7. K-12
8. B 8. A
6. welga
7. D pagtatrabaho 7. B
6. H 5. Para-paraan sa 6. B
5. I 4. Worker’s Right Pillar 5. B
4. C Subcontracting 4. C
3. F 3. Labor Only 3. D
2. E 2. Underemployment 2. D
1. J 1. Agrikultura 1. D
Tayahin Isagawa Subukin

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 15
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Amelia J. Maesa


Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Gwendelene J. Corañez
Tagalapat: Gwendelene J. Corañez

Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala

Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala

Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan

Ivy Coney A. Gamatero


Superbisor sa Learning Resource Management System

Catherine Paningbatan
Learning Resource Librarian

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Schools Division Office- Marikina City


Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph

191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines

Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

City of Good Character


DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 16

You might also like