You are on page 1of 20

Aralin Bilang

Mga Produktibong Mamamayan

Kompetensi:
Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan tungo
sa pag-unlad ng bansa

Layunin:
1. Naipapahayag ang saloobin na ang pagiging produktibong mamamayan ay mahalagang
tungkulin tungo sa pag-unlad ng bansa
2. Napapahalagahan ang pagiging produktibong mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa
3. Nakapagsasagawa ng gawain ng isang produktibong mamamayan

Magandang araw! Kumusta kayo? Inaasahan ko na ang bawat isa


sa inyo ay magiging handa sa ating gawain ngayong araw? Bilang
iyong guro sa Araling Panlipunan, ako ay naghanda ng ilang
aktibidades at mga kapaki-pakinabang na gawain upang lubusan
ninyong maintindihan ang ating paksang aralin. Maaari ninyong
itala sa inyong kwaderno ang mga mahahalagang detalye na inyong
mapupulot sa bawat bahagi ng ating aralin.

Balita mo, Share mo!


Mga bata, anong napapanahong balita ngayon ang may kinalaman
sa programa ng ating pamahalaan o ng ating gobyerno?

Panuto: Ilahad ang buod ng iyong balitang nasagap sa iyong mga


kamag-aaral sa paraan ng pagbibigay ng Flash Report.
Mag-throwback Tayo!
Base sa nakaran nating talakayan, anu-ano ang mga kahalagahan ng
pagkakaroon ng tamang saloobin sa paggawa. Isulat sa mga clouds call out
ang mga kasagutan.

WASTONG SALOOBIN SA PAGGAWA

Mga bata handa na ba kayo sa susunod na gawain? Ang inyong pakiki-isa sa gawain ay lubong
kong pinapahalagahan kung kaya’t bawat isa sa inyo ay aking inaasahan makikilahok sa ating
gawain.

Panuto: Suriing mabuti ang mga nasa larawan.

Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang ito?


_________________________________________________________________________________
May halaga kaya ito?
_________________________________________________________________________________
Makakatulong ba ito sa iyo upang mapaunlad ang iyong sarili at bansa?
_________________________________________________________________________________
Magiging produktibo ka kaya?
_________________________________________________________________________________

Basahin at Unawain!

PAGIGING PRODUKTIBO
Ang pagiging laging nasa oras sa pagpasok ay nakatutulong sa pagiging produktibo ng
isang tao. Ang isang kawani o manggagawa ay kailangang pumasok sa takdang oras. Ang oras ng
pagtatrabaho ay kailangang gamitin nang tama at wasto. Makababawas sa pagiging produktibo ang
anumang pagkahuli o pagliban.
Walang trabahong mahirap kapag sinisikap nating maging masigla sa oras ng Gawain at iwasan ang
pagiging bugnutin. Kailangang pag-aralan kung paano mapapadali ang Gawain. Kung may
tagubiling tinatanggap, makinig na mabutai upang mapabuti ang gagawin.
Kailangang tapusin ang trabaho sa takdang panahon. Ang pagtanggap ng mga gawaing manwal
ay hindi dapat ikahiya. Anumang Gawain, basta marangal ay dapat ipagmalaki. Nakatutulong ito sa
pagpapalaki ng produksiyon. Kapag walang tatanggap sa mga gawaing manwal ay hindi susulong
ang kaunlaran ng bansa.
Ang pagtutulungan ng magkakasama ay nakatutulong sa pagiging produktibo ng bawat isa.
Gumagaan ang anumang gawaing mahirap kapag ito ay pinagtutulungan. Sa ganitong paraan,
natatapos nang mabilis ang Gawain kaya nakatitipid pa sa oras.
Ang mabuting pakikitungo ng mga tagapangasiwa ay nakatutulong sa mga manggagawa upang
maging produktibo ang mga empleyado. Nagdudulot ito ng kasiyahan sa mga manggagawa.
Ang mabuting pakikitungo sa mga kasama sa trabaho ay may kinalaman din sa pagiging
produktibo ng isang manggagawa. Ang pagtatrabaho ng wala sa kondisyon ay nakaapekto sa kapwa
manggagawa. Dahil ditto, dapat maging masaya kapag nagtatrabaho.

Gawain 1
Panuto: Itala sa isang graphic organizer kung papaano magiging produktibo ang isang tao batay
sa iyong binasang talata.

MGA PARAAN UPANG MAGING PRODUKTIBO ANG ISANG TAO?


Gawain 2
Panuto: Gumawa ng poster kung saan nagpapakita ito ng mga Gawain ng isang produktibong
mamamayan gamit ang mga datos tekstong binasa.

Isabuhay Mo!
Bilang mag-aaral paano mo pahahalagan ang pagiging Pilipino na
nakatutulong sa pagpapaunlad ng ating bansa?

Patunayan ang iyong sagot sa pamamagitan ng pagbibigay ng angkop na


sitwasyon na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagiging Pilipino na
nakakatulong sa pagpapaunlad n gating bansa.”
Complete Me!

Ang mga bagay na aking natutunan


sa paksang aming tinalakay ay ang
Subukan ninyong kumpletuhin ang mga sumusunod:
isinasaad sa pamamaggitan ng
paglalahad ng inyong natutunan mula sa
paksang tinalakay ngayong araw na ito.

Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

1. Hindi nasusukat ang kaunlaran sa dami ng mamamayang nakatira sa loob ng bansa,


kundi sa pagiging mahusay at makabuluhang paggamit ng oras sa paggawa ng iang
tao. Anong katangian ang taglay na ito?
A. Mamamayang produktibo.
B. Mamamayang mapagkumbaba.
C. Mamamayang tumutupad agad sa mga batas.
D. Mamamayang may mataas na antas ng edukasyon.

2. Madalas nating naririnig na kinakailangang maging produktibo sa lahat ng ating


Gawain. Ngunit marami pa rin ang nagtatanong kung ano ang kahulugan ng
pagiging produktibo.
A. Maagang natatapos ang mga Gawain.
B. Sumusunod agad sa utos ng mga pinuno.
C. May paninindigan sa sarili at may isang salita
D. Pagiging kapaki-pakinabang sa lahat ng ginagawa.

3. Maraming pwedeng maipakahulugan sa pagiging produktibo. Alin sa mga


sumusunod ang maaari pang kahulugan nito?
A. Mga taong nililinang ang kanilang sariling kakayahan.
B. Pakikilahok sa mga proyekto at programa ng
pamahalaan.
C. Pagpapaunlad ng sariling kompanya para sa ikauunlad
ng bansa.
D. Pinamamahalaan ang mga programang para sa
ikabubuti ng mga mamamayan.

4. Sa lahat ng ito, ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng produktibong mamamayan


sa pag-unlad ng bansa?
A. Higit na dadami ang mga mamamayang uunlad sa
anumang larangan.
B. Masasanay ang mga tao na gumawa ng maaga upang
madaling makatapos ng mga gawain.
C. Higit na bibilis ang produksiyon sa bansa at kaagapay nito
ang mabilis na pag-unlad ng bansa.
D. Maraming mga mamamayan ang magkakaroon ng
pagkakataon na yumaman sa sarili nilang pamamaraan.

5. Bakit kaya kailangan ng ating bansa ang mga mamamayang produktibo?


A. Upang makatulong sa pag-angat at pagsulong ng
ekonomiya ng bansa.
B. Upang mapataas ang sahod ng mga manggagawang
Pilipino.
C. Upang kilalanin ang ating bansa sa ibang bansang
maunlad.
D. Upang makalikha ng iba’t ibang makabagong
kagamitan upang umunlad ang bansa.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. A 2. D 3. A 4. C 5. A
Takdang Aralin

Panuto: Magbigay ng mga paraan kung paano ikaw nagiging produktibong


mamamayan. Isulat ang kasagutan na iyong kwaderno.

Aralin Bilang
Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan

Kompetensi:
Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan tungo
sa pag-unlad ng bansa

Layunin:
1. Naipapahayag ang saloobin na ang pagiging produktibong mamamayan ay mahalagang
tungkulin tungo sa pag-unlad ng bansa
2. Napapahalagahan ang pagiging produktibong mamamayan tungo sa pag-unlad ng bansa
3. Nakapagsasagawa ng gawain ng isang produktibong mamamayan
Magandang araw! Kumusta kayo? Sa araling ito ay
mararanasa mong makilahok sa isang gawaing makatutulong sa
pag-unlad ng bansa bilang pagtupad sa sariling tngkulin
na siyang kaakibat ng pananagutan sa pagtamasa ng mga
karapatan bilang isang malaya at maunalad na Pilipino.

Sasagutin mo rin ang mahalagang tanong na ito:


Bakit mahalagang malaman ang tungkulin ng bawat
mamamayan sa kaunlaran ng bansa?

Balita mo, Share mo!


Anong napapanahong balita ngayon ang may kinalaman sa
programa ng ating pamahalaan o ng ating gobyerno?”

Panuto: Ilahad ang buod ng iyong balitang nasagap sa iyong mga


kamag-aaral sa paraan ng pagbibigay ng Flash Report.

Mag-throwback Tayo!

Base sa nakaran nating


talakayan, anu-ano ang mga
paraan upang maging
produktibo ang isang tao o
mamamayan?

Mga bata handa na ba kayo sa susunod na gawain? Ang inyong pakiki-isa sa gawain ay lubong
kong pinapahalagahan kung kaya’t bawat isa sa inyo ay aking inaasahan makikilahok sa ating
gawain.

Panuto: Suriing mabuti ang mga nasa larawan.


Ano ang ipinahihiwatig ng mga larawang ito?
_________________________________________________________________________________
May halaga kaya ito?
_________________________________________________________________________________
Makakatulong ba ito sa iyo upang mapaunlad ang iyong sarili at bansa?
_________________________________________________________________________________
Magiging produktibo ka kaya?
_________________________________________________________________________________

Panoorin at Unawain!

Mga Katangian ng Produktibong Mamamayan


Link: https://www.youtube.com/watch?v=FrKoEx3vcfY

Gawain 1
Panuto: Itala sa isang graphic organizer kung papaano magiging produktibo ang isang tao batay
sa iyong binasang talata.

MGA KATANGIAN NG MGA PRODUKTIBONG MAMAMAYAN


Gawain 2
Panuto: Isulat sa notbuk kung anong katangiang produktibong mamamayan ang tinutukoy sa bawat
bilang.

Isabuhay Mo!
Anu-ano ang mga katangian ng isang produktibong
mamamayan?
Magbigay ng halimbawa at ipaliwanag ito.

Mag-aaral: (Mga posibilidad na sagot ng mga mag-aaral)

Complete Me!

Ang mga bagay na aking natutunan


Subukan ninyong kumpletuhin ang sa paksang aming tinalakay ay ang
mga sumusunod:
isinasaad sa pamamaggitan ng
paglalahad ng inyong natutunan mula sa
paksang tinalakay ngayong araw na ito.
Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng


tamang sagot.

1. Paano mo mapapanatiling malusog ang iyong katawan upang makatulong sa pag-unlad ng


bansa?
A. Gumamit ng ipinagbabawal na gamo
B. Kumain ng masusustansiyang pagkain.
C. Mageehersiyo kung kalian nais gawin ko.
D. Manonood ng telebisyon hanggang hatinggabi.

2. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng taong may tamang saloobin sa paggawa?
A. Palaging nagrereklamo sa Gawain.
B. Madalas magpahinga kahit oras ng trabaho.
C. Ipinagpapaliban ang paggawa ng gawaing bahay.
D. Matipid sa paggamit ng materyales sa opisina at pabrika.

3. Sino sa mga sumusunod ang makatutulong sa pag-unlad?


A. Laging huli kung pumasok sa trabaho si Juan.
B. Palaging tinutuos ni Pepe ang bilang ng oras ng kanyang ipinagtatrabaho.
C. Pinagbubuti ni Helen ang kaniyang trabaho sa opisina kahit wala nakakakita.
D. Kapag binibigyan ng manedyer si Ruben ng dagdag na Gawain, hindi niya ito ginagawa
agad.

4. Binigyan kayo ng proyekto ng inyong guro. Hindi mo naintindihan ang paliwanag kung
paano ito gagawin. Ano ang dapat mong gawin?
A. Ipapagawa ang proyekto sa kapatid.
B. Hindi na lang gagawin ang proyekto.
C. Magagalit sa guro at isusumbong sa magulang.
D. Ipauulit sa guro ang paliwanag upang maintindihan ito.

5. Sino sa kanila ang may tamang saloobin sa paggawa?


A. Si Jose na madalas hindi tinatapos ang gawain?
B. Si Manuel na maagang pumapasok ngunit maaga din umuuwi ng bahay pagkatapos ng
klase.
C. Si Pedro na gumagawa lamang kapag nandiyan si manedyer.
D. Si Celia na pinag-aaralang mabuti ang gawain upang mapagbuti ito.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. B 2. D 3. C 4. CD 5. D
Takdang Aralin
Panuto: Maginterbyu sa mga kamag-anak o kapamilya. Itanong sa kanila ang
mga tungkulin ng mga produktibong mamamayan. Itala ang kanilang kasagutan
sa notbuk.

Aralin Bilang
Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod para sa Pag-unlad ng Bansa
Kompetensi:
Napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan sa mga programa ng pamahalaan tungo
sa pag-unlad ng bansa

Layunin:
1. Naipapahayag ang saloobin na ang pagigingaktibong pakikilahok sa mga programa ng
pamahalaan mamamayan ay mahalagang tungkulin tungo sa pag-unlad ng bansa
2. Naiisa-isa ang mga programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa
3. Nakiki-isa sa mga programa at proyekto ng pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa

Magandang araw! Kumusta kayo? Sa araling ito ay


malalaman ninyo ang mga ilang programa at proyekto ng
ating pamahalaan. Inaasahan ko na bawat isa sa inyo ay
makiki-isa sa proyekto at programa ng pamahalaan
pagkatapos n gating aralin.

Sasagutin mo rin ang mahalagang tanong na ito:


“Paano ako makiki-isa sa mga programa at proyekto ng
pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa?”

_________________________________________________________________________________
_
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
__
Balita mo, Share mo! Anong napapanahong balita ngayon ang may kinalaman sa
programa ng ating pamahalaan o ng ating gobyerno?”

Panuto: Ilahad ang buod ng iyong balitang nasagap sa iyong mga


kamag-aaral sa paraan ng pagbibigay ng Flash Report.
Mga bata handa na ba kayo sa susunod na gawain? Ang inyong pakiki-isa sa gawain ay lubos
kong pinapahalagahan kung kaya’t bawat isa sa inyo ay aking inaasahan makikilahok sa ating
gawain.

Panuto: Awitin ang “Magagawa Natin”.

Ano ang mensahe ng awitin?”


_____________________________________________________________________________
Bakit mahalaga ang pakiki-isa?

_____________________________________________________________________________

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Tukuyin kung anong karapatan ng mamamayan ang
dapat tugunan dito at paano ka makikilahok.

Anong karapatan ng mamamayan ang dapat tugunan dito at paano ka makikilahok?

Panoorin at Unawain!

Pakikilahok sa mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod para sa


Pag-unlad ng Bansa

Link: https://www.youtube.com/watch?v=pZgbvILBemU

Gawain 1
Panuto: Itala sa isang graphic organizer ang mga programa at proyekto ng pamahalaan para
maitaguyod ang pag-unlad ng bansa.

Mga Programa at Proyekto na Nagtataguyod para sa Pag-unlad ng Bansa


Gawain 2
Panuto: Sagutan ang tsart. Sa unang column, magbigay ng mga programa at proyekto ng pamahalaan.
Sa pangalawang kolumn, itala ang mga paraan kung paano ka makikilahok sa programa at proyekto
ng pamahalaan.

Programa at Proyekto ng Pamahalaan Paraan ng Pakikilahok

Gawain 3
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang bilang na nagsasaad ng pakikilahok sa mga programa o proyekto at
ekis (x) kung hindi. Gawin ito sa notbuk.
1. Pag-aaral nang mabuti
2. Paggawa ng poster laban sa pagputol ng mga punongkahoy
3. Pagtatapon ng basura sa mga kanal
4. Pagkain ng wastong pagkain
5. Pagbili ng mga mamahaling gadget

Isabuhay Mo!
Anu-ano ang mga programa at proyekto ng pamahalaan na tumutugon
para mapa-unlad ang ating bansa?
_________________________________________________________

Sa anong mga paraan ka makikilahok sa programa at proyekto ng


pamahalaan?
_________________________________________________________

Bakit mahalaga na maki-isa sa mga programa at proyekto ng


pamahalaan tungo sa pag-unlad ng bansa?
_________________________________________________________
Complete Me!

Ang mga bagay na aking natutunan


sa paksang aming tinalakay ay ang
Subukan ninyong kumpletuhin ang mga sumusunod:
isinasaad sa pamamaggitan ng
paglalahad ng inyong natutunan mula sa
paksang tinalakay ngayong araw na ito.
Pagtataya

PANUTO: Basahin at unawain ang bawat bilang. Piliin ang titik ng


tamang sagot.
1. Si Aling Maria ay nakatatanggap ng pera bawat buwan mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino
Program. Ano ang dapat gawin ni Aling Maria sa natatanggap niyang pera?
A. Ipambayad ito sa koryente at tubig.
B. Ibili ito ng mga kagamitan sa bahay.
C. Ibili ito ng mga gadget gaya ng cellphone at ipod.
D. Gamitin ito sa pagpapaaral at pagpapagamot ng mga anak.

2. Maraming batang hindi nag-aaral ng kinder sa lugar nina Annie. Nabanggit ng kaniyang guro ang
tungkol sa K-12 Program. Ano ang maaari niyang maitulong sa mga batang ito?
A. Sitahin ang mga magulang ng mga batang ito.
B. Huwag na lang kumibo dahil hindi mo naman ito problema.
C. Sabihan ang guro na puntahan ang mga bata sa kanilang lugar na hindi nag-aaral.
D. Ipagbigay-alam sa barangay ang tungkol dito upang maipaalam sa karamihan

3. May programang Eco-Savers sa paaralan nina Julio kung saan hinihikayat ang mga mag-aaral na
magdala ng mga basurang maaari pang pakinabangan kapalit ang puntos nito sa passbook. Araw-
araw nakikita niyang itinatapon amang ang mga ito ng kaniyang nanay sa basurahan. Ano ang dapat
niyang gawin?
A. Hindi dadalhin ang mga basura dahil mabigat ito.
B. Dalhin sa paaralan ang mga basurang napapakinabangan pa.
C. Magdadala ng kaunting basura upang mapagbigyan ang guro.
D. Hindi magdadala ng basura dahil mas kikita kung sa iba ito ipagbibili.

4. Nagkaroon ng programang Remedial Reading sa inyong paaralan. Inanyayahan ka ng iyong


guro na makilahok sa pagtuturo sa mga kamag-aaral mong mahinang bumasa. Ano ang iyong
gagawin?
A. Magtuturo ako pero sandali lang.
B. Hindi ako sasali dahil hindi naman ako guro.
C. Sasabihin ko sa aking guro na ibang bata na lamang ang kaniyang kunin.
D. Masayang tatanggapin ang imbitasyon dahil makatutulong ako sa aking mga kamag-aaral.

5.Nagbigay ng pagpupulong ang inyong barangay ukol sa mga dapat gawin sa oras ng pagbaha o
sakuna dahil isa ang inyong lugar sa mga binabaha tuwing malakas ang ulan. Nagbabala ang
PAGASA na magkakaroon ng bagyo sa susunod na araw. Ano ang dapat mong gawin?
A. Susundin ko ang bilin ng aking tatay.
B. Gagawa ako ng sarili kong diskarte dahil mas alam ko ang lugar namin.
C. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga tauhan ng barangay.
D. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ngunit hindi ako lilikas hanggang hindi pa mataas ang
tubig.

SUSI SA PAGWAWASTO
1. D 2. D 3. B 4. D 5. C

Takdang Aralin

Panuto: Panuoring ang video clip sa youtube na may link na


https://www.youtube.com/watch?v=3sWq7CNEwq0&t=385s. Sagutan ang
mga sumusunod na tanong.

1. Tungkol saan ang pagpupulong sa barangay?


2. Anu-anong mga problema sa paaralan ang pinag-usapan ng mga magulang?
3. Ano ang ginawang hakbang ni Maria upang makilahok sa programa ng pamahalaan?
4. Anong klaseng bata si Maria?
5. Ano ang natutunan mo sa video clip na napanood mo?
ARLENE M. MARASIGAN
SAN FELIPE ELEMENTARY SCHOOL
PADRE GARCIA DISTRICT
BATANGAS PROVINCE

Binigyan Pansin ni:

LIZA K. MARASIGAN
Punong Guro I/ Pampurok na Tagapag-ugnay sa Araling Panlipunan
PADRE GARCIA DISTRICT
BATANGAS PROVINCE

NERLITA R. ORTEGA
Ulong Guro III/ Pampurok na Tagapag-ugnay sa Araling Panlipunan
BALETE DISTRICT
BATANGAS PROVINCE

You might also like