You are on page 1of 16

AP 5

ARALIN 1: LOKASYON
NG PILIPINAS
INIHANDA NI: IVY LORAINE P. ENRIQUEZ
LAYUNIN
ARALIN 1

LOKASYON NG PILIPINAS

PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang


LAYUNIN
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang
mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/ pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at
ang kanilang ambag sa pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas

PAMANTAYAN SA PAGGANAP

naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga sinaunang


Pilipinogamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahahalagang
konteksto ng kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan
at pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino

PAGPAPAGANANG KASANAYAN

AP5PLPIa-1 : Nailalarawan ang lokasyon ng Pilipinas sa mapa

1.1 Natutukoy ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo gamit ang mapa batay sa
”absolute location” nito (longitude at latitude)

1.2 Natutukoy ang relatibong lokasyon (relative location) ng Pilipinas batay sa karatig
bansa na nakapaligid dito gamit ang pangunahin at pangalawang direksyon

PAGPAPAYAMANG KASANAYAN

AP5PLPIb-c-2 : Nailalarawan ang klima ng Pilipinas bilang isang bansang tropikal ayon sa
lokasyon nito sa mundo

PINAKAMAHALAGANG KASANAYAN SA PAGKATUTO

MELC 1: Naipaliliwanag ang kaugnayan ng lokasyon sa paghubog ng kasaysayan

1
PANIMULA

Alamin
Magandang Araw mga bata! Sa unang
Modyul na ito sa Araling Panlipunan ay
sabay sabay nating tuklasin ang
Kahalagahan ng Lokasyon ng Pilipinas.

Tara! Sabay-sabay nating tuklasin ang


araling ito.

Subukin
Hinahamon kita sa isang
gawain. Umpisahan
natin ang aralin sa
gawaing ito!

Gawain 1
Isaayos ang mga pinaghalo-halong mga titik sa bawat bilang
upang mabuo ang natatagong salita.

1. M N D U O _______________________
2. K A P U L A U N _______________________
3. K A T A G R A N A _______________________
4. S A A Y _______________________
5. P I N A S I P I L _______________________
6. P A A M _______________________
7. O O B L G _______________________
8. S R A L U N I _______________________
9. R I D G _______________________
10.R E O B I T L A _______________________

2
Gawain 2

Mga Pamprosesong tanong:


1. Naging madali ba para sa iyo na pag-ugnayin ang mga salita sa
gawain? Ipaliwanag.

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

2. Ano sa iyong palagay ang kinalaman ng mga salita sa aralin?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________

Balikan

Magkakaroon tayo ng balik


tanaw sa ilang mga aralin na may
kinalaman sa lokasyon ng
Pilipinas. Narito ang ilang mga
gabay na tanong na dapat
nating sagutin.

Mga Gabay na Tanong:


1. Saang bahagi ng mundo matatagpuan ang Pilipinas?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
___________________________________________________
2. Ano-ano ang nakapaligid sa Pilipinas kung pagbabatayan ang mga
pangunahing direksiyon?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3
ANG LOKASYON NG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay may sariling teritoryo na mahalaga sa pagtugon ng


pamahalaan sa mga pangangailangan ng mga tao at pagpapanatili ng
kalayaan ng bansa. Isa sa mga maaaring makatulong sa pagtukoy ng
kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo ay ang globo. Ang globo ay
representasyon o modelo ng mundo na may imaginary lines na nakatutulong
sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

Ang Pilipinas ang ikalawang pinakamalaking kapuluang matatagpuan sa


rehiyong Timog-silangang Asya sa gawing itaas ng ekwador. Ang Asya ang
pinakamalaking kalupaan o lupalop sa buong daigdig. Tinagurian ang
Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito sa Pasipiko at
bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya. Nasa pagitan ito ng latitud
na 4°–21° hilagang latitud at 116°–127° silangang longhitud.

Gawain 3
Gamit ang isang globo o mapa, tingnan ang lokasyon ng Pilipinas. Isulat sa patlang
ang H kung sa gawing hilaga, S kung sa silangan, T kung sa timog, at K kung sa
kanluran ng Pilipinas makikita ang mga nasa ibaba.
_____ 1. Dagat Celebes _____ 5. Indonesia
_____ 2. Vietnam _____ 6. Karagatang Pasipiko
_____ 3. Brunei _____ 7. Dagat Sulu
_____ 4. Bashi Channel _____ 8. Taiwan

Dapat ba nating malaman ang mga


impormasyong nasa itaas? Ano kaya
ang kahalagahan nito sa ating bansa?

Ang mga katanungan na iyan ay


mabibigyan nating ng kasagutan sa
mga sususnod na babasahin at gawin.

Tara umpisahan na natin!

4
PAGPAPAUNLAD

Tuklasin
Tingnang mabuti ang larawan. Ano ang masasabi mo sa lokasyon ng Pilipinas? Mainam ba
para sa atin ang lokasyon na ito? Ipahayag ang iyong saloobin.

Gawain 4
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5
Suriin

Ang mga basahin na makikita sa


modyul ay naglalaman ng
impormasyon tungkol sa Lokasyon
ng Pilipinas at ang Kahalagahan
nito. Basahin itong Mabuti upang
matulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Sagutan din ang mga gawain na


makikita sa ibaba matapos ang
ang mga sanaysay tungkol sa
aralin.
ANG KAHALAGAHAN NG LOKASYON NG PILIPINAS

Kung higit pang susuriin, matatagpuan ang ating bansa sa timog – silangang
Asya, sa dakong itaas ng ekwador. Nasa pagitan ito ng latitud na 4° - 21°
Hilagang latitud at 116° - 127° Silangang longhitud.

Mga karatig bansa natin ang Taiwan, China at Japan sa hilaga, ang Micronesia
at Marianas sa silangan, Brunei at Indonesia sa timog at ang Vietnam, Laos,
Cambodia at Thailand sa kanluran.

Ang mabuting lokasyon ng ating bansa ay nakatutulong upang maging sentro


ito ng mga kalakalan sa rehiyon ng Asya. Nagsisilbing daanan ito ng mga
kalakal na inilululan sa mga barko at eroplano mula sa iba’t ibang bahagi ng
rehiyon. Gayundin naman, ito ay naging tagpuan ng iba’t ibang kultura ng
mga nagsasariling bansa.

6
Gawain 5

Magtala ng tatlong dahilan kung bakit mahalaga ang lokasyon ng Pilipinas ayon sa
latitud at karatig bansa.

A. _____________________________________________________________________________

B. _____________________________________________________________________________

C. _____________________________________________________________________________

PAKIKIPAGPALIHAN
Pagyamanin
Gawain 6

Bilang Pilipino, ano ang dapat mong ipagpasalamat tungkol sa lokasyon ng


Pilipinas? Maaring ipakita ang iyong sagot gamit ang awitin, pagguhit o pagsulat
ng sanaysay.

7
PAGLALAPAT

Isaisip
Gamit ang espasyo na nasa ibaba. Ibigay ang iyong natutuhan sa ating aralin.

Ang aking
mga
natutunan.

8
Narito ang ilang mga
mahahalagang salita at ideya
na dapat mong tandaan sa
araling ito.

Mahalagang Salita

➢ Asya
➢ Bashi Channel
➢ Globo
➢ Timog-silangang Asya

Mga Dapat Tandaan

➢ Ang globo ay representasyon o modelo ng mundo na may imaginary lines


na nakatutulong sa paghahanap ng lokasyon ng isang lugar.

➢ Tinagurian ang Pilipinas bilang “Pintuan ng Asya” dahil sa kinalalagyan nito


sa Pasipiko at bilang bahagi ng kontinente at lupalop ng Asya.

➢ Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya.

➢ Malaki ang naitutulong ng lokasyon ng ating bansa para maging sentro ng


kalakalan sa rehiyon ng Asya lalo na’t napapalibutan ito ng mga bansang
Asyano.

9
Isagawa

Pagpapakilala sa lokasyon ng Pilipinas. Mayroon kayong baong


kamag-aral na isang dayuhan at nais ninyong maipakilala sa kaniya
ang kinalalagyan ng Pilipinas sa mundo. Gumawa ka ng isang
presentasyon na magtuturo ng lokasyon ng Pilipinas gamit ang
natutuhan sa aralin. Gawin ang presentasyon sa pinakamabisa at
nakawiwiling paraan. Maaring ito ay isang comic strip, kanta o rap,
tula o sa kahit na naanong pinakamaikhaing gawain na iyong naiisip.
Gamitin ang pamantayan na nasa ibaba bilang iyong gabay. Ang
nasa kasunod na pahina naman ay espasyo para sa iyong naiisip na
gawain.

Rubrik sa Pagmamarka ng Presentasyon


Mga Pamantayan Puntos Nakuhang
Puntos

Wasto at sapat ang mga naibigay na impormasyon 7


Mabisa ang pagbibigay ng impormasyon gamit ang 4
teknolohiya at iba-pang kagamitan

Malikhain at kawili-wili ang pagbibigay ng impormasyon. 4

KABUUAN 15

10
11
PAGNINILAY

Tayahin
Pagsusulit 1 Marka: __________

Isulat ang S kung sang-ayon ka sa ipinapahayag ng pangungusap at DS kung di-sangayon.


Isulat sa iyong kwaderno ang iyong sagot.

________1. Ipagpasalamat natin ang pagkakaroon ng magandang lokasyon.

________2. Mabuti ang lokasyon ng Pilipinas kaya’t sentro ito ng kalakalan at kultura sa Asya.

________3. Tungkulin ng mamamayan na alamin ang eksaktong lokasyon ng Pilipinas.

________4. Ang Turtle Islands at Mangsee Islands ay pinamamahalaan ng Pilipinas dahil malapit
ito sa bansa.

________5. Palawakin ang kaalaman tungkol sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagbabasa ng


aklat at magasin.

Teacher’s Signature: ______________________________


Parent’s Signature: ________________________________

12
Karagdagang Gawain

Para sa ating karagdagang


gawain, mahalaga na alam natin
ang klima ng Pilipinas. Kaya
naman sa tulong ng sanaysay at
gawain sa ibaba magkakaroon
tayo ng dagdag kaalaman
tungkol sa klima at panahon sa
Pilipinas.

ANG PILIPINAS AY BANSANG TROPIKAL

Nagkakaiba-iba ang klima sa iba’t ibang lugar dahil sa pagikot ng daigdig sa araw
at pag-inog sa sarili nitong aksis. Bunga nito, may mga bahagi ang mundo na
direktang nasisinagan ng araw. May mga bahagi ring bahagya lamang nasisinagan
at may mga lugar na hindi. Malaki rin ang kaugnayan ng mga linya ng latitud sa uri
ng klima sa mga lugar sa daigdig. Ang bahagi ng Tropiko ng Kanser at Tropiko ng
Kaprikorn ay tinatawag na Mababang Latitud o Rehiyong Tropikal. Nakararanas ang
mga naninirahan sa bahaging ito ng higit na init at sikat ng araw. Ang klimang tropikal
ay maaari ding mahalumigmig, basa, at tuyo.

Sa kabuuan, maituturing na kainaman ang temperatura sa bansang Pilipinas. Dahil


sa hanging nagmumula sa dagat at lupa ay maginhawa pa rin sa pakiramdam kahit
mainit ang panahon. Nakapagpapaganda sa klima ng bansa ang hanging
nagmumula sa Karagatang Pasipiko patungong Dagat Kanlurang Pilipinas.

Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo. Ang Pilipinas
ay malapit sa ekwador at nasa mababang latitud kaya’t tropikal ang klimang
nararanasan dito. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t
mainit at maalinsangan ang klima rito. Gayunpaman, nakararanas din ng malamig
na klima ang bansa dahil sa hanging nagmumula sa Dagat Kanlurang Pilipinas at
Karagatang Pasipiko. Maliban sa mga nabanggit, nakararanas din ng iba’t ibang
klima ang bansa dahil sa iba’t ibang salik tulad ng temperatura, taas ng lugar, galaw
ng hangin, at dami ng ulan

13
A. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang TAMA kung wasto ang
ipinahahayag ng pangungusap at MALI naman kung ito ay hindi wasto.

______ 1. Ang klima ay ang pangkalahatang kalagayan ng panahon sa isang lugar na may
kinalaman sa atmospera, temperatura, at iba pang nakaaapekto sa
pamumuhay ng mga nilalang dito.
______ 2. Ang klima ng isang bansa ay nababatay sa kinalalagyan nito sa mundo.
______ 3. Tropikal ang klimang nararanasan sa Pilipinas dahil ito ay malapit sa ekwador at
nasa mababang latitud.
______ 4. Direktang nakatatanggap ng sikat ng araw ang bansa kaya’t mainit at
maalinsangan ang klima rito.
______ 5. Ang bagyo ay ang patuloy na paglakas ng hangin na namumuo sa isang lugar.
Kumikilos ito pakanan papuntang gitna.

B. Piliin ang pinakatama at itiman ang bilog ng titik ng iyong sagot.


1. Alin ang tamang paglalarawan sa klima ng bansa?
A. Napakainit sa Pilipinas. C. Malamig at mainit sa Pilipinas.
B. Napakalamig sa Pilipinas. D. Hindi gaanong mainit at malamig sa
Pilipinas.

2. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan ng klima sa Pilipinas?


A. Tropikal ang klima na may apat na uri ang nararanasan sa Pilipinas.
B. Ang Pilipinas ay may dalawang uri ng klima, ang tag-ulan at tag-araw.
C. Nakararanas ang ating bansa ng sobrang init kapag Marso hanggang Agosto.
D. May tag-araw, taglagas, tagsibol at taglamig dito dahil malapit tayo sa ekwador.

3. Saang lungsod nakapagtala ng pinakamataas na temperatura?


A. Lungsod ng Tuguegarao C. Lungsod ng Baguio
B. Lungsod ng Tagaytay D. Metro Manila

4. Aling pangungusap ang maling paglalarawan tungkol sa temperatura ng isang lugar?


A. Kainaman ang temperatura sa Pilipinas.
B. Hindi magkakatulad ang tindi ng init at lamig sa Pilipinas.
C. Malamig ang klima sa mga lugar na mataas ang kinaroroonan.
D. May kinalaman ang kinaroroonang latitud ng mga lugar sa temperatura.

5. Saan nagmumula ang hanging nagpapaganda sa klima ng bansa?


A. Dagat Kanlurang C. Dagat Celebes Pilipinas
B. Karagatang Pasipiko D. Dagat Luzon

14
Hoooray!! Natapos na natin ang unang modyul.
Sana ay marami kang natutunan sa ating aralin.
Mayroon ka pa bang nais itanong sa iyong guro?
Maari mo siyang tawagan para sa iyong mga
katanungan.

Hanggang sa muli nating pagkikita! Paalam!

15

You might also like