You are on page 1of 2

MERCEDARIAN SCHOOL, INC.

Blk. 89 Lots 29-30 Greater Lagro, Novaliches, Quezon City │ 880 9681

INTERMEDIATE DEPARTMENT
SY: 2019 – 2020
Asignatura Araling Panlipunan
Baitang Baitang 6
Markahan Unang Markahan
Naipamamalas ang mapanuring pag-
unawa at kaalaman sa bahagi ng Pilipinas
sa globalisasyon batay sa lokasyon nito sa
Pamantayan sa Pagkatuto mundo gamit ang mga kasanayang
pangheograpiya at ang ambag ng
malayang kaisipan sa pag-usbong ng
kamalayang nasyonalismo
Naipamamalas ang pagpapahalaga sa
kontribusyon ng Pilipinas sa isyung
Pamantayan sa Pagganap pandaigdig batay sa lokasyon nito sa
mundo sa pamamagitan ng paggawa ng
infochart
Bilang ng Araw 2
Araw ng Pagtuturo June 25 at 27
Inihanda ni: Mr. Norvin Aquerido

I. LAYUNIN:
1. Natatalakay ang pamumuhay ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol
2. Napapahalagahan ang sitwasyon ng mga Pilipino sa ilalim ng mga pananakop ng
mga Espanyol
3. Nakakabuo ng isang timeline ng mga mahahalagang kaganapan sa pananakop
ng mga Kastila sa bansa
II. NILALAMAN:
a. Paksang Aralin:
Pilipinas sa panahon ng mga Kastila
I. Mga kaganapan sa pananakop
II. Reaksyon ng mga Pilipino sa Pamamahala ng mga Kastila
b. Sanggunian:
Baisa-Julian, A. et. Al “Lakbay ng Lahing Pilipino 6”, Phoenix Publishing
House, Quezon City, 2018
Agoncillo, T. “History of the Filipino People”
c. Mga Kagamitan:
 Cartolina
 Marker
 Laptop
d. Pagpapahalaga:
Pagkilala sa sariling bansa
III. GAWAING PANGKARANASAN:
A. PANIMULANG GAWAIN
a. Pagsasaayos ng upuan
b. Balitaan
c. Balik-aral
B. PAGGANYAK (Pinoy Henyo)
1. Pipili ang guro ng apat na pares
2. Huhulaan ng isa ang salitang nakadikit sa kanyang noo habang ang isa
naman ay magsasabi ng OO, HINDI O PWEDE. Bibigyan lamang sila ng
1 minuto para mahulaan ang salita
3. Ang pares na makakakuha ng pinakamabilis na oras ang siyang
mananalo
Mga Salita:
 FERDINAND MAGELLAN
 INTRAMUROS
 SIMBAHANG KATOLIKO
 GALLEON
Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang mga naalala mo sa mga salitang ito?
2. Saan madalas ginagamit o makikita ang mga salitang ito?
3. Batay sa mga salitang ito, ano ang kaugnayan nito sa Pilipinas?
C. GAWAIN
Facebook Serye:
1. Hahatiin ang klase sa limang pangkat. Bawat pangkat ay bibigyan ng
kaganapan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila.
2. Matapos ay gagawa sila ng “Comment Page” na katulad sa Facebook
kung ano ang kanilang reaksyon sa pangyayari
3. Ipapaliwanag sa klase ang kanilang mga ginawa
 Unang Pangkat- Pagdating ni Ferdinand Magellan
 Ikalawang Pangkat- Pananakop ni Legazpi sa Maynila
 Ikatlong Pangkat- Paglaganap ng Kristiyanismo
 Ikaapat na Pangkat- Patakarang Pang-ekonomiya
 Ikalimang Pangkat- Pagkabigo ng mga pag-aalsa
D. PAGLALAGOM
Paksa: Pilipinas sa Panahon ng mga Kastila
1. Bakit tayo sinakop ng mga Kastila?
2. Ano ang mga naging pagbabago sa pamumuhay ng mga Pilipino sa
ilalim ng mga Kastila?
3. Ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa pananakop ng mga
Kastila?
4. Paano pinakita ng mga Pilipino ang pagsuporta o pagtutol sa mga
mananakop?
5. Ano ang naging ambag ng mga Kastila sa kasaysayan ng Pilipinas?
E. PAGLALAPAT
Hi-5 Timeline:
1. Ang bawat mag-aaral ay guguhit ng isang kamay
2. Sa bawat kamay, isusulat nila ang mga mahahalagang kaganapan sa
ating bansa sa panahon ng pananakop ng mga Kastila
3. Matapos ito ay maari nilang lagyan ng kulay o disenyo ang kanilang
mga ginawa
4. Mamarkahan ang kanilang gawa batay sa Nilalaman, Pagkakasunod-
sunod, Paggamit ng disenyo at Kalinisan
F. PAGLALAHAT
Ano ang naging kontribusyon ng mga Kastila sa pagkakabuo ng Pilipinas
bilang isang Nasyon?
IV. PAGTATAYA
Emoji Challenge: Magpapakita ang guro ng mga larawan. Matapos ay
pipili ang mag-aaral kung anong reaksyon nila dito. (Masaya o Malungkot)
1. (Unang Misa sa Limasawa) Masaya
2. (Pananakop sa Maynila) Malungkot
3. (Pag-aalsa ng mga Pilipino) Masaya
4. (Unibersidad ng Sto. Tomas) Masaya
5. (Pagpatay kay Diego Silang) Malungkot
V. TAKDANG ARALIN:
Ano ang Nasyonalismo?

You might also like