You are on page 1of 34

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 1
I- Music: Kahulugan at mga Kagamitan ng F-Clef sa Staff
Ang nasa ibaba ay isang halimbawa ng staff. Ang staff ay isa sa pinakapangunahing simbolo ng musika na
kailangan muna nating matutunan. Ito ay binubuo ng limang guhit na pahalang. Sa pagitan ng mga guhit ay may
puwang o space.
__________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
________________________________________________
__________________________________________________
Ang mababang staff ay maaaring hatiin sa maliliit na bahagi na tinatawag na measures. Ito ay nagagawa sa
pamamagitan ng paglagay ng mga bar line.
1 measure 1 measure 1 measure 1 measure

Ang Clef ay isang simbolo sa musika na matatagpuan o makikita sa pinakakaliwang bahagi ng staff. Ito ay
tumutukoy sa eksaktong lokasyon ng bawat tono o pitch sa staff.
Mayroong iba’t-ibang uri ng clef pero ang pinakamadalas na gamitin ay ang G-Clef at F-Clef. Ang F-Clef ay isang
simbolo ng musika na tinatawag ring bass clef. Ang pagguhit nito sa staff ay nagsimula sa ika-apat na linya at mayroong
dalawang dot sa tabi nito. Ang gamit nito ay para maipakita na ang nota ay F. Ibig sabihin na ang pitch name sa pang-
apat na linya ng staff ay F o Fa. Kung kantahin ito, dapat ang pang-apat na linya ay mapangalanang Fa.
Ang nasa ibaba ay halimbawa ng F-Clef.

Source: https://www.yourdictionary.com/bass-clef

Kilalanin at iguhit ang F-Clef sa staff na nasa ibaba.


___________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
__________________________________________________
Direksiyon: Kilalanin at tukuyin ang mga pangalan, kahulugan, at gamit ng F-Clef sa staff. Piliin ang tamang sagot sa loob
ng kahon na nasa ibaba at isulat ito sa bawat linya na nasa kanang bahagi.
1. Ito ay simbolong musika na nakalagay sa kaliwang bahagi ng staff. ___________ (cleff)
2. Ilan ang mga linya na makikita sa staff? ___________ (5 linya)
3. Ito ay pangunahing simbolo ng musika na binubuo ng mga limang pahigang linya. ____________ (staff)
4. Ito ay tinatawag ding bass clef na iginuhit sa pang-apat na linyang staff na mayroong dalawang dot sa tabi nito.
____________ (f-cleff)
5. Ito ay ang proseso sa pagpapaikli at paghahati ng staff gamit ang mga patayong linya o bar. ____________ (measure)

II-Arts: Mga Natural at Makasaysayang Lugar na Matatagpuan sa Pilipinas


Ang Pilipinas ay may mga magagandang tanawin at mga makasaysayang lugar na makikita na hanggang ngayon
ay ginagamit pa rin sa paggawa ng sining at mga desinyo. Chocolate Hills, Hagdan-hagdang Palayan ng Banaue and
Puerto Princesa Underground River ay iilan sa mga magagandang tanawin at pasyalan ng mga turista dito sa ating
bansa. Ang mga ito ay ating pahalagahan, pangalagaan at ipagmalaki na ang ating bansa ay mayroong mga kayamanan
na ito. Pag-aralan ang mga larawan na nasa ibaba.

Palasapas Falls, Minalungao National Park Rice Terraces of the Luneta Park in Manila San Juanico Bridge in Samar,
San Jose City, Nueva Ecija Cordilleras Leyte
General

Paoay Church in Ilocos Miagao Church Iloilo Puerto Princesa Subterranean Historic Town in Vigan Chocolate Hills in
River Ilocos Sur Bohol
Direksiyon: Tukuyin ang isinasaad ng bawat katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
D1. Saang probinsiya ng Pilipinas matatagpuan angChocolate Hills?
A. Probinsiya ng Pangasinan B. Probinsiya ng Misamis C. Probinsya ng Bohol D. Probinsiya ng Zamboanga
B2. Ito ay isa sa mga makasayasayang lugar na gawa ng tao na tinaniman ng mga palay na pahagdan-hagdan ang anyong
bundok.
A. Ozamiz Rice Terraces B. Banaue Rice Terraces C. Negros Rice Terraces D. Bohol Rice Terraces
A3. Saang lugar matatagpuan ang pinakamataas na tulay sa Pilipinas na tinatawag na Tulay ng San Juanico?
A. Samar at Leyte B. Palawan Island C. Sorsogon D. Baguio City
D4. Saan matatagpuan ang Luneta Park?
A. Cebu City B. Davao City C. Pagadian City D. Metro Manila
A5. Ano ang makasaysayang simbahan na matatagpuan sa Iloilo?
A. Miagao Church B. Basilica Church C. Quiapo Church D. Cathedral Church

III- PE: Ang Physical Activity Pyramid Guide Para sa Batang Pilipino

Ang Physical Activity Pyramid Guide para sa batang Pilipino ay makatutulong upang mapanatiling malakas at
malusog ang iyong pangangatawan. Nararapat na isinasagawa ito ng madalas o palagian upang mas mauunawaan ang
kahalagahan nito.
Apat (4) na Antas ng Physical Activity Pyramid Guide:
1. Ang pinakamababang antas ay ang mga gawaing nirerekomenda na mas madalas gawin o araw araw na gawain
sapagkat itoy makatutulong sa iyong katawan.
2. Sa pangalawang antas naman ay makikita ang mga gawaing makapagpapabilis ng tibok ng puso gaya ng
pagbibisikleta, pagbabasketbol, pagtakbo at iba pa.
3. Sa ikatlong level naman ay makikita ang mga gawaing nararapat gawin ng 2-3 beses na rekumendadong gawin. Ito ay
ang mga gawain tulad ng pag-eehersisyo, pagpush up, pag-akyat ng puno pagsasayaw at iba pa.
4. Ang mga gawaing nasa tuktok naman ng pyramid ay mga gawaing nararapat lamang gawin ng 1 beses sa isang lingo.
Ito ay dahil ang mga gawaing ito ay hindi nangangailangan ng matinding paggalaw. Ang mga ito ay kinabibilangan ng
panonood ng tv, paglalaro ng computer, pag-upo at paghiga nang matagal.
Kung ikaw ay hindi gaanong aktibo sa mga gawaing nasa Physical Activity Pyramid, dapat ay magsimula sa
mga gawain na nasa ilalim ng pyramid at unti-unting damihan ang mga gawaing rekumendado ng Physical Activity
Pyramid Guide
A. Panuto: Tukuyin kung ang mga gawain sa ibaba ay nakatutulong upang maging aktibo, alerto at malusog ang isang
tao. Lagyan ng (/) ang patlang kung OO at (x) kung HINDI.
___________1. panonood ng telebisyon ___________6. pagkain ng gulay at prutas
___________2. pagbibisikleta ___________7. paglalaro ng video games
___________3. paggamit ng elevator sa halip na hagdanan ______________8. pakikilahok sa mga gawaing pang-isports
___________4. pagkain ng junk foods ___________9. pagsasayaw
___________5. paglalakad ___________10. pag-eehersisyo

IV- Health: Mga Pagbabagong Pisikal na Nagaganap sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga


Ang pagbibinata at pagdadalaga o puberty ay ang pisikal na pagbabago ng katawan ng isang batang babae at
lalaki patungo sa pagiging isang matandang lalaki.
Pagbabagong Pisikal
Ang adolescence period ay ang pagbabago sa hubog ng pangangatawan ng isang indibidwal mula sa pagiging
bata patungo sa panahon ng pagbibinata o pagdadalaga.
Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagdadalaga
1. Pagsulong ng taas at bigat.
2. Pagbabago sa sukat ng katawan.
3. Pag-unlad ng mga pangunahing bahagi ng katawan. 4.Lumulusog at nagkakahugos ang dibdib.
5. Nagkakaroon ng buwanang daloy o menstruation.
6. Paglapad ng balakang.
7. Pagtubo ng taghiyawat atpagtubo ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
8. Pag-iiba ng kilos tulad ng pagiging palaayos at pakakaroon ng interes sa paglalagay ng pampaganda at palamuti sa
katawan.
Pagbabagong Pisikal sa Isang Nagbibinata
1. Pagsulong ng taas at bigat.
2. Mabilis na pag-unlad na kalamnan na nagbibigay ng kakayahan sa paggawa ng mabigat na gawain.
3. Unti-unting lumalaki ang kasariang panlalaki.
4. Nagkakaroon ng taghiyawat
5. Tiinutubuan ng buhok sa iba’t ibang bahagi ng katawan tulad ng kilikili, at sa binti.
6. Pagtubo ng bigote at balbas.
7. Pagbabago ng boses
Ang mga pagbabagong ito ay dulot ng pagtaas ng lebel ng testosterone ( hormone sa lalaki) at estrogen
(hormone sa mga babae.
Mga terminolohiya kaugnay sa pagbibinta at pagdadalaga.
1. Precocious Puberty – maagang pagsisimula ng pagbibinata o pagdadalaga
2. Delayed Puberty – nahuhuling pagbabago na nagaganap sa pagbibinata at pagdadalaga,
3. Menarche – ang panimulang regal na hudyat ng pagdadalaga
4. Menstrual Cycle – buwanang dalaw na dumarating sa kababaihan
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

A. Panuto: Gumawa ng isang graphic organizer. Isulat ang mga pagbabagong pisikal na nagaganap sa nagbibinata
at nagdadalaga.

Pisikal Pisikal

Pagbibinata Pagadadalaga
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 2
I- Music: Pagtutukoy sa mga Pitch Names sa Bawat Linya at Puwang sa F-Clef Staff
Bawat linya at puwang sa staff ay mayroong iba’t-ibang pitch name. Tingnan ang larawan sa ibaba.

C E G B

do mi so ti
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
Ang iyong nakita sa itaas ay ang mga pitch names na (C-E-G-B) sa staff. Madali mong matatandaan ang mga
ito kung gagamitin ang acronym na Cage Every Good Boy. Samantalang ang nasa ibaba na (do – mi – so - ti) ay ang
pangalang so-fa syllables.
Bawat pitch name ay nagsisimula sa ikalawang puwang sa ibaba, sinundan naman ng pangatlong puwang,
pang-apat at ang puwang sa pagitan ng panlimang linya at ng ledger line.
Tingnan at pag-aralan ang nasa ibaba.

Pitch name D F A C
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html

so-fa syllable re fa la do
Ang iyong nakikita sa itaas ay ang mga pitch names (D-F-A-C) na makikita sa bawat linya ng staf fsa F-Clef.
Madaling matandaan kung kabisaduhin ang acronym Dog Food At Cage. Samantalang ang nasa ibaba nito na (re – fa – la
– do) ang mga pangalang so-fa syllables.
Ang unang pitch name ay nagsisimula sa pangatlong linya sa ibaba at sinundan ng pang-apat na linya,
panglima at ang pinakamataas na pitch na nasa ledger line.
Gawain 1:Isulat sa loob ng nota ang mga pitch name sa bawat puwang at linya ng F-Clef Staff.

Gawain 2:Iguhit ang F-Clef sa staff at lagyan ng mga pitch name at so-fa syllable ang bawat puwang nito.

Pitch name ______ _______ _______ ________


so-fa syllable ______ _______ ________ _________
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
II- Arts: Pagtatalakay sa mga Katangiang Arkitektura ng mga Tanyag at Makasaysayang Lugar.
Ang Simbahan ng Paoay ay isang gusaling parihaba o tila krus na hugis. May makakapal na
dingding ito na pinatibay ng makakapal na poste na gawa sa bato sa gilid ng simbahan.
Nagsisilbi rin itong matibay na dingding sa panahon ng lindol.
Ang simbahan ay malaki at may malawak na anyo ngunit maliliit at mahirap pasukin. Dito
kadalasan sumisilong ang mga tao sa panahon ng bagyo, lindol, o pagsasalakay ng mga pirata
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/

Ang Simbahan ng Miag-ao sa Iloilo


Ang simbahan ng Santo Tomas de Villanueva, kilala bilang Simbahan ngMiag-ao ay itinayo noong 1786.
Katangi-tangi ang estilong arkitektura nito. Ang estilong Rococo ay sumikat noong ika-18 siglo sa huling
bahagi ng panahon ng Baroque. Ang sining na ito ay puno ng kaakit-akit na palamuti, liko-likong linya,
samut-saring anyo at hugis ngunit may isang diwa.
Sa unang pagtingin, nahahawig ito sa kanluraning anyong arkitektura sa Europa ngunit kung susuriin,
http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5-quarter-
taglay ng disenyo ang mga anyong tunay na kaloobang Pilipino. 2-lms.html
https://www.pinterest.ph/pin/232779874459843104/
Ang Simbahang ng Santa Maria sa Ilocos Sur
Ang simbahanng Our Lady of the Assumption ay kilala bilang simbahan ng Santa Maria. Ito ay itinayo
noong 1765 sa ibabaw ng burol sa Ilocos Sur. Ang anyo ng simbahan ay tulad ng kutang tanggulan
(fortress) na gawa sa ladrilyo (bricks) at pinagdikit na mortar o pinaghalong apog, buhangin, at tubig.
Ang walumpu’t limang hagdanang gawa sa matigas na batong granite ay nagsisilbing hagdan para
makarating sa simbahan ay nahahati sa tatlong malalakingbahagi. Ang malawak na patyo (courtyard) ng
simbahan ay napakainam na lugar upang masilayan mula itaas ang kaakit-akit na tanawing Santa Maria,
Ilocos Sur. Source: Mercado, B. (2020). Baktin Corporation. Retrieved 31 May 2012, from
http://www.baktincorporation.com/2012/05/sta-maria-asunta-church-santa-

Ang larawang ito ay isa sa mga sikat at makasaysayang lugar ng matatagpuan sa Syudad ng Ozamiz, ano
ang pangalan sa lugar na ito?
_____________________________________
Ilarawan ang mga katangiang arkitektura ng lugar na ito.
_________________________________
_________________________________
_________________________________
Pumili ng isang makasaysayang lugar, gusali o simbahan at iguhit o ipinta ito.
Ilarawan ang mga natatanging detalye nito. Basahin at sundan ang mga hakbang.
Mga Kagamitan:
* krayola o poster color/acrylic paint *mga gamit sa pagguhit o pagpinta
*tela o papel *lapis
*pambura *lumang pahayagan para sa pagpipinta

Hakbang sa Paggawa:
1. Magsapin ng lumang pahayagan sa mesa o lugar ng pagpipinta. Ihanda ang lahat ng kagamitan.
2. Iguhit ang hugis at anyong simbahan ng maninipis na linyang lapis. Siguraduhing wasto ang scale nito.
3. Iguhit ang mga natatanging bagay at anyong simbahan gaya ng mga ukit sa pintuan, arkong bintana, at pintuan,
kampanilya (bell tower), at iba pa. Isaalang-alang ang proportion ng laking mga ito sa laki ng mismong simbahan.
Scale – kinukumpara ang subject sa laki n gtao.
Proportion – pinupunan o pinapareho ang laki ng larawan sa laki ng buong papel o kagamitang ginuguhitan.
Halimbawa:
Scale ------ < -----Proportion
III- PE: Mga Likas na Katangian ng Larong Patintero
Ang paglalaro kasama ng mga kamag-aral o kaibigan ay lubhang kasiya-siya. Bukod sa kasiyahan, ang mga laro ay
nakatutulong sapagsasanay ng physical fitness components. Halimbawa ng mga larong ito ay patintero, agawan panyo
at agawan base. Ang mga ito ay mga larong Pinoy na nabibilang sa invasion games.
Ang invasion game ay uri ng laro na ang layunin ay ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo. Nililinang
nito ang tatag at lakas ng kalamnan, bilis at liksi ng katawan.

wyziewonderland.wordpress.com. Retrieved from


https://wyxiewonderland.wordpress.com/2011/10/22/patintero/

Ang larong Patintero ay isang uri ng larong invasion game kung saan ang layunin ng laro ay
lusubin o pasukin ang teritoryo ng kalaban.
Ito ay nilalaro ng dalawang pangkat na karaniwang binubuo ng lima o higit pangmiyembro.

A. Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang mga benepisyong makukuha sa paglalaro ng patintero.

IV- PE: Mga Pagbabagong Emosyonal at Sosyal na Nagaganap sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga
Pagbabagong Sosyal at Emosyonal
Malaki rin ang pagbabago sa kaisipan ng bawat isa sa panahong ito na maiuugnay din sa pagbabago sa lebel ng
hormones sa katawan. Dahil dito, maaaring magbago ang kakayanan ng isang tao sa pagdedesisyon, pagpaplano sa
buhay, emosyon sa bawat kaganapan sa buhay, at mga bagay na ikaliligaya. Sa madaling salita, maaaring magkaroon ng
mga pagbabago sa personalidad ng isang tao sa panahong ito.
Ang pagbabago sa lebel ng hormones at mentalidad ng isang tao ay maaaring makaapekto rin sa mga
pagbabago sa pakikisalamuha at paraan ng pag-iisip ng isang tao. Nagbabago ang kakayanan ng isang tao na matuto ng
mga bagong kaalaman at kakayanan, gayundin ang pagbibigay ng rason, lohika, at maging pananaw sa buhay. Ang
impluwensya ng kultura at lipunan ay mahalagang salik din sa pagbabagong ito.
Ang mga pagbabagong ito ay tulad ng mga sumusunod:
1. Nagkakaroon ng “crush” o paghanga.
2. Naglalahad ng problema o opinion sa kaibigan.
3. Nagkakaroon ng mga grupo o kaibigan.
4. Nagkakaroon ng tiwala sa sarili.
5. Nagiging responsible sa mga bagay-bagay tulad ng sa pag-aaral, sa pamilya, sa kaibigan at gawaing bahay.
6. Nakakapagpasya.
7. Nagiging matured ang ugali at angkop ang kilos sa edad.
Sa Pag-uugali:
Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging nagsasalamin upang pansinin ang
sarili o nagiging self-conscious. Nagiging palaayos din siya sa katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon
ng iniidolo at ginagawang modelo.
Ang nagbibinata naman ay nagiging mapusok at nagpapapansin sa mga hinahangaan. Nagiging mapaghanap din
siya ng pagkilala at pagtanggap. Ang ibang nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung
naguguluhan sila at hindi nila naiintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang kilos at ugali nila ay nagiging
palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pag-unawa ng mga magulang at nakatatanda upang
maintindihan nila ang kanilang sarili.
Source: http://lrmdsdepedcabanatuan.weebly.com/grade-5 quarter 2-lms.html
Gawain 1:Direksiyon: Lagyan ng masayang mukha kung nagpapakita ng wastong paraan ng pag-iwas sa maaga
at di-inaasahang pagbubuntis at malungkot na mukha kung hindi.
________1. Iwasang magpaabot ng dilim sa daan.
________2. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa gimmick.
________3. Makinig sa payo ng magulang.
________4. Magboyfriend lamang pag nasa wastong gulang na.
________5. Iwasang sumama sa boyfriend kung saan-saan.
________6. Makipag-inuman sa barkada at kaibigang lalaki.
________7. Iwasang maglakad sa madidilim na kalsada at lugar.
________8. Ipaalam sa magulang ang mga pupuntahan.
________9. Iwasan ang pakikipagtalik.
________10. Piliin ang iyong sinasamahang mga kaibigan

Gawain 2: Lagyan ng Tsek (/) kung pagbabagong emosyonal at ekis (x) kung pagbabagong sosyal.
___1. Pagiging mapili ng kagamitan.
___2. Paghahanap ng pansin mula sa kapwa ang magulang.
___3. Pagtanggap ng responsibilidad mula sa iba.
___4. Maigting ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali sa iba.
___5. Pagiging maitin ang ulo sa ilang mga sitwasyon.

Key Answers:
Music:
Gawin 1: C, E, G, B
Gawain2: C, E, G, B

Arts:
Maaaring magkakaiba ang sagot.

PE
Maaaring magkakaiba ang sagot.

Health:
Gawain 1:
1.happy 6.sad
2.sad 7.happy
3.happy 8.happy
4happy 9.happy
5.happy 10.happy

Gawain 2:
1. /
2. x
3. x
4. x
5. /
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 3
I- Music: Pagtutukoy sa mga Simbolong: Sharp ( # ) , Flat ( ), at Natural ( )
Ang simbolong flat ay nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na nota.

Ang simbolong sharp ( # ) ay ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang natural na nota.

Kung nais mong ibalik sa orihinal na tono ang iyong kantang matapos mong awitin ang flat o sharp, Natural Sign ang iyong
dapat malaman. Ang simbolong natural ay nagpapabalik sa normal na tono ng notang pinababa o pinataas.

Ipinapakita dito ang maaaring paglagyan o lokasyon ng mga simbolong musika na flat, sharp, at natural kasunod ng nota
sa isang staff. https://www.earmaster.com/music-theory-online/ch01/chapter-1-1.html
Masdan ang nasa ibaba. Ito ay nakahati sa apat. Ang orihinal na tono ay nasa tonohang so-. Sa tonohang may
flat sign, ibaba mo ng kalahati ang iyong tono. Samantalang sa tonong may sharp, ay itaas mo ng kalahati ang iyong
tono, at sa tonohang may natural sign ay ibalik mo sa orihinal na tonong “so” ang iyong tono. Subukan mong awitin ang
pinagsamang mga simbolo sa tulong ng iyong magulang o kaibigan.

Original pitch Pitch with flat Pitch with Pitch with


sign sharp sign natural sign

Gawain 1: Iguhit ang mga hinihinging simbolo sa unahan ng mga nota.

flat sharp natural

Gawain 2: Sagutin ang mga tanong na nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
1. Ano-ano ang mga simbolong musika na makikita sa kanta?
_______________________________________________________________
2. Paano mo malalaman na ang nota ng kanta ay nasa tonohang/simbolong flat? Sharp? At natural?
_________________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
3. Bakit mahalaga ang mga simbolong musika sa kanta?
_________________________________________________________________________________________________
_____________________________
II- Arts: Iba't ibang mga Estilo ng Sining sa Pagpipinta
Gawain 1: Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Alamin ang mga pagkakaiba-iba nito. Kilalanin kung anong uri ng
sining ang mga ito? Ito ba ay craft, abstract o di kaya ay damdamin.. Isulat ang sagot sa loob ng kahon.
1. FABIAN DELA ROSA 2. FERNANDO AMORSOLO 3. CARLOS FRANCISCO

4. VIENTE MANANSALA 5. JOSE BLANCO 6. VICTORIO EDADES

7. JUAN ARELLANO 8. FRUDENCIO LAMMAROZA 9. MANUEL BALDEMOR

III- P.E.- Agawan Base

Tinatawag din na moro-moro, ito ay isang bruskong laro, madalas ang magkasakitan dito. Moro-moro ang
tawag dahil ang isang grupo ay ang mga moro at ang kabila ay ang mga kristo (muslim-christian), pero hindi naman
talaga importante kung sino ang sino. Kailangan din ay medyo marami ang mga manlalaro, kung masyadong kaunti ay
walang manghahabol, manunugod, at magbabantay sa base.
Ang kailangang gawin ay "agawan" nang isang grupo ang kabila ng base sa pamamagitan nang paghawak o
pagtapak dito.
Kaso, hindi ito madali, dahil ang base ay nagbibigay sa mga miyembro nitong "lakas." Kung sino man ang huling
nakahawak sa base niya ay ang siyang may lakas na manghuli ng sino man na mas naunang umalis ng base nila. At sino
man ang mahuli ay dadalhin sa base para maging bihag.

Mga Alituntunin sa paglalaro ng Agawan Base


1. Bumuo ng dalawang pangkat na may pantay na bilang. Mas maraming manlalaro, mas masaya.
2. Kailangan ng bawat pangkat na may base o bahay. Ito ay maaaring puno ng kahoy, malaking bato, o anumang
puwedeng gawing base ng bawat pangkat.
3. May guhit n alinya sa gitna na maghahati sa dalawang base ang bawat pangkat.
4. May maiiwang isa na magbabantay sa kanilang base para hindi ito maagaw, habang ang ibang kasapi ng pangkat ay
susubukang agawin ang base ng kala- ban.
5. Kapag lumampas sa linya ang manlalaro, kailangang habulin ng kalaban upang hulihin. Ito ay dadalhin sa kanilang
base bilang preso at kailangang bantayan upang hindi makatakas.
6. Maaari lamang makalaya ang presong manlalaro kung mahahawakan, mata- tapik ng kakampi at maaari na itong
maglaro muli.
7. Kapag ang baseline ng pangkat ay nataya ng kalaban nang hindi siya natataya, maaari ding manalo kung lahat ng
kasapi sa kabilang koponan ay nahulina.
Gawain 1: Sagutin ang mga tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga pamamaraan sa paglalaro ng Agawan Base?
_____________________________________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang pagsunod sa mga babala sa paglalaro ng Agawan Base?
_____________________________________________________________________________________________

IV-Health: Mga Maling Paniniwala o Miskonsepsiyon Kaugnay ng Pagbibinata at Pagdadalaga


Mayroong mga miskonsepsyon, tradisyunal at maling paniniwala ang ating mga magulang, lolo at lola kaugnay
sa ating pagdadalaga at pagbibinata.
Ilan sa mga miskonsepsyon kaugnay ng pagdadalaga at pagbibinata ay ang mga sumusunod:
A. Sa Pagkakaroon ng Menstruation
1. Hindi paliligo.
2. Hindi pagbubuhat ng mabigat.
3. Pag-iwas sa pagkain ng maasim at maalat na pagkain.
4. Walang pisikal na aktibidad.
5. Paghilamos ng unang regla o menarche sa mukha.
B. Nocturnal Emissions
Ang nocturnal emission o wet dream ay isang orgasm sa panahon ng pagtulog na may kasamang ejaculation
para sa isang lalaki at pagkabasa ng vagina ng isang babae. Nocturnal emissions ay pinaka-karaniwan sa panahon ng
pagdadalaga at pagbibinata.
C. Circumcision o Pagtutuli
1. Hindi pagpapakita ng ari sa mga kababaihan sapagkat ito ay mangangamatis.
2. Ang hindi pagpapatuli ay nagdudulot ng abnormalidad ng magiging anak.
3. Naayon ang edad sa pagpapatuli. Kapag nagpatuli ng maaga, ito ay babalik sa dati. Kapag nagpatuli ng matanda, ito
ay mahirap ng ituli sapagkat makunat na ang balat nito.
Gawain 1: Magtala ng mga misconceptions o maling paniniwala kaugnay ng puberty o pagdadalaga at pagbibinata.
Isulat sa fish bone.

Gawain 2: Sagutan ang tseklist. Lagyan ng tsek ang inyong sagot kung ikaw ay naniniwala sa mga sumusunod
Mga Paniniwala Oo Hindi
1. Paliligo kapag may menstruation o buwanang dalaw.
2. Hindi pagbubuhat ng mabigat kapag may menstruation.
3. Pagkain ng maasim at maalat na pagkain kapag may buwanang dalaw.
4. Paghilamos ng unang regla o menarche sa mukha.
5. Pagpapatuli sa tamang edad.
6. Pagkain ng masusustansyang pagkain.
7. Paglilinis ng ari kahit na tinuli.
8. Paghuhugas ng banayad na sabon kapag may regla.
9. Pag-eehersisyo kapagmay regla.
10. Pagsusuot ng maluluwang na damit pagkatapos matuli.

Key Answers:
Music:
Gawain 1:
1.flat 2. sharp # 3. natural
Gawain 2:
1. Ang mga simboling musika na makikita sa kanta ay
flat, sharp, at natural.
2. Flat – Kung mababa ang kanta ng kalahating tono sa natural na tono/nota.
Sharp – Kung mataas ang kanta ng kalahating tono sa natural na tono/nota.
Natural – Kung naiba lik ang orihinal na tono ng kanta o nota.
3. Maaaring magkakaiba ang sagot.

Arts:
Gawain 1:
1.Fabian Dela Rosa - Damdamin
2.Fernando Amorsolo - Damdamin
3.Carlos Francisco - Damdamin
4.Vicente Manansala - Damdamin
5.Jose Blanco - Damdamin
6.Victorio Edades - Damdamin
7.Juan Arellano - Craft
8.Frudencio Lammaroza - Craft
9.Manuel Baldemor – Damdamin
P.E.
Gawain 1:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Health:
Gawain 1:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Gawain 2:
Maaaring magkakaiba ang sagot.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
MAPEH 5
1st SUMMATIVE TEST (2nd Quarter)
Name: ___________________________________________________ Grade& Section:___________ Score: ____________
I-Music:
I- Direksiyon: 1-8 Isulat sa patlang ang mga pitch name na makikita sa guhit at puwang ng F- cleff.

II- Direksiyon: Kilalanin at tukuyin ang mga pangalan, kahulugan, at gamit ng F-Clef sa staff. Piliin at isulat ang
tamang sagot sa patlang.
____1. Ito ay simbolong musika na nakalagay sa kaliwang bahagi ng staff. ___________
a. G cleff b. C cleff c. F cleff d. E cleff
____2. Ilan ang mga linya na makikita sa staff? ___________
a. 5 linya b. 8 linya c. 2 linya d. 10 linya
II- Arts:
Direksiyon: Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik lamang. Isulat ang sagot sa patlang.
____1. Sa bayan ng Pagsanjan, lalawigan ng Laguna, matatagpuan ang isang napakagandang talon. Malawak at malinaw
ang tubig na nagbubuhat sa talon na ito. Higit sa lahat ay kahali-halinang tingnan ang bagsak ng tubig na parang
sinasaliwan ng malamyos na tunog ng lagaslas ng tubig-batis. Ano ang talon na ito?
A. Maria Cristina Falls B. Nagcarlan Falls C. Laguna De Bay D. Pagsanjan Falls
____2. Ang _________ ay isang burol na napakagandang pagmasdan na matatagpuan sa Bohol.
A. Chocolate Hills B. Mt. Malindang C. Mt. Ulap D. Bundok Kanlaon
____3. Kilalang-kilala sa buong daigdig ang tanawing ito. Sa katunayan, ito ay tinaguriang “8th Wonder of the World.”
Ang tinutukoy kong tanawin ay matatagpuan sa Banaue, Ifugao. Ito ay nayari lamang sa pamamagitan ng kanilang mga
kamay. Tanda ito ng sipag at pagkamalikhain ng mga unang Pilipino.
A. Bundok Makiling B. Banaue Rice Terraces C. Mayon D. Mt. Apo
____4 Si ___________ ay isang dalubhasang pintor ng mga larawan ng tao at larawan ng mga pang-araw-araw na
gawain na malaya niyang ginamitan ng maliliiwanag at sari-saring mga kulay. Karamihan sa kaniyang mga ipininta ay
nagpapakita ng kalikasan, ng mga luntiang bukirin, ng maliwanag na sikat ng araw at mabagal na galaw ng buhay sa
bukid.
A. Jose Rizal B. Vicente Mansala C. Carlos “Botong” Francisco D. Fernando Amorsolo
____5. Tinaguriang “The Poet of Angono”
A. Fernando C. Amorsolo B. Carlos “Botong” Francisco C. Vicente Mansala D. Victorino Edades
____6. Tanyag na pintor na tinaguriang “Master of the Human Figure”. Gumamit ng sabay-sabay na elemento sa
pagpinta na kung saan ay binigyan niya ng pansin ang mga kultura sa iba’t ibang nayon sa bansa. Pinaunlad niya ang
kaniyang husay sa pagpapakita ng transparent at translucent technique na makikita sa kanyang mga obra.
A. Victorino Edades B. Vicente Mansala C. Fernando C. Amorsolo D. Carlos “Botong” Francisco
____7. Saang probinsiya ng Pilipinas matatagpuan angChocolate Hills?
A. Probinsiya ng Pangasinan B. Probinsiya ng Misamis C. Probinsya ng Bohol D. Probinsiya ng Zamboanga
____8. Ito ay isa sa mga makasayasayang lugar na gawa ng tao na tinaniman ng mga palay na pahagdan-hagdan ang
anyong bundok.
A. Ozamiz Rice Terraces B. Banaue Rice Terraces C. Negros Rice Terraces D. Bohol Rice Terraces
____9. Saang lugar matatagpuan ang pinakamataas na tulay sa Pilipinas na tinatawag na Tulay ng San Juanico?
A. Samar at Leyte B. Palawan Island C. Sorsogon D. Baguio City
_____10. Saan matatagpuan ang Luneta Park?
A. Cebu City B. Davao City C. Pagadian City D. Metro Manila
III- P.E.
____1. Ang ______________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mabigat na bagay o power.
Halimbawa nito ay ang pagbuhat ng mabigat na bagay o kasangkapan sa bahay tulad ng malaking timba ng tubig.
A. lakas ng kalamnan B. coordination C. tatag ng kalamnan D. katatagan ng kamay at paa
____2. Ang ____________ ay pagtataglay ng kakayahang makahila o makatulak ng mas magaang na bagay o power ng
paulit-ulit, o mas matagal na panahon
A. lakas ng kalamnan B. coordination C. tatag ng kalamnan D. katatagan ng kamay at paa
____3. Ano ang sinusubok ng 40 meter Sprint test ____________.
A. balance B. speed C. cardiovascular D. muscular strength
_____4. Ang paulit-ulit na pagtakal ng tubig gamit ang maliit na tabo upang mailipat ito sa ibang lalagyan ay halimbawa
naman ng ___________
A. lakas ng kalamnan B. tatag ng kalamnan C. Power D. Coordination
_____5. Isang kasanayan na sangkap ng physical fitness na nagpapakita ng maliksing kakayahan na magpalit-palit o mag
iba-iba ng diresyon.
A. Agility B. Power C. Speed D. Coordination
_____6. Ang pakikilahok sa gawaing pisikal ay mahalaga dahil ito ay _________.
A. nagpapalakas ng katawan B. nakatutulong sa magandang pakikipag-kapwa
C. nagpapatatag ng katawan D. lahat ng nabanggit
_____7. Alin sa sumusunod ang dapat ginagawa kapag nakikilahok sa mga gawain katulad ng laro?
A. nakikipaglaro nang patas sa kalaban B. walang pakialam sa kalaban
C. hinahayaang masaktan ang kalaro D. wala sa mga nabanggit
_____8. Ang larong ito ay layunin na ‘lusubin’ o pasukin ng kalaban ang iyong teritoryo.
A. Patentiro B.Luksong-tinik c. Tagu-taguan D. tumbang preso
_____9.Sinu-sino ang masayang kasama sa pag-lalaro?
A. Kaibigan B. Pamilya C. Kaklase D. Lahat ng nabanggit
_____10. Ilang pangkat ang kinakailangan sa paglalaro ng patentiro?
A. 10 na pangkat B. 8 na pangkat C. 2 na pangkat D. 5 na pangkat
IV- Health:
I-Panuto: Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap.
_____1. Ang puberty ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay
magiging ganap na may kakayahang magparami nang sekswal.
_____2. Ang pisikal na paglaki—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at nabubuo lamang kung
ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan.
_____3. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay hindi naapektuhan ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata.
_____4.Ang gender ay tumutukoy sa byolohikal na pagkakaiba ng lalaki at babae tulad ng pagkakaiba ng chromosomes, hormonal
profiles, panloob at panlabas na ari.
_____5. Sa loob ng pamamahay una-unang natutunan ng isang bata ang lahat ng bagay na may kinalaman sa kanyang sarili at mga
tungkulin sa pamilya.
_____6.. Ang gender identity ay tumutukoy sa pananamit, pagkilos, at pag-iisip ng isang lalaki, babae o transgender batay sa
kanyang sariling paniniwala at kasiyahan.
_____7. Ang paaralan ang nagsisilbing unang tahanan ng mga bata.
II- Panuto: Lagyan ng Tsek (/) kung pagbabagong emosyonal at ekis(x) kung pagbabagong sosyal.
_____8Pagiging mapili ng kagamitan.
_____9. Paghahanap ng pansin mula sa kapwa ang magulang.
____10. Pagtanggap ng responsibilidad mula sa iba.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 4
I-Music: Nakikilala ang mga Interval Notes ng Iskalang C Mayor
Ang Iskalang C Mayor

Mahalagang malaman ang bawat pagitan ng nota sa bawat iskala. Dito natin nasusukat ang taas at baba ng tono.
Ang Major Scale /iskala mayor ay ang pagkakasunod-sunod ng walong tono o nota sa mga linya at puwang ng limguhit
mula sa mababang do hanggang sa mataas na do.
Ang interval ay ang pagitan ng dalawang nota. Ito ay makikilala batay sa kinalalagyan o posisyon nito sa staff o limguhit.
Ang mga interval ay ang mga sumusunod
1. prime(first) inuulit 2. second 5. Fifth 7.seventh
2. second 3. third 6. sixth 8. Octave o Oktaba
Ang Mga Interval
1. Ito ang “Prime” o inuulit. Ito ay notang may magkamukhang posisyon.

1st

mi mi
2. Ito ang “Second Interval”. Ito ay may dalawang hakbang mula sa una hanggang ikalawang nota.

1st

2nd
mi fa
3. Ito ang “Third Interval”. Ito ay may tatlong hakbang mula sa unang hanggang ikatlong nota.

3rd

1st
mi so
4. Ito ang “Fourth Interval”. Ito ay may apat na hakbang mula sa unang hanggang ikaapat na nota.

4th

1st

mi la
5. Ito ang “Fifth Interval”. Ito ay may limang hakbang mula sa unang hanggang ikalimang nota.

5th

1st

mi ti
6. Ito ang “Sixth Interval”. Ito ay may anim na hakbang mula sa unang hanggang ikaanim na nota.
6th

1st

re ti
7. Ito ang “Seventh Interval”. Ito ay may pitong hakbang mula sa unang hanggang ikapitong nota.
7th

1 st
re la
8. Ito ang “Octave o Oktaba”. Ito ay may walong hakbang mula sa unang hanggang ikawalong nota.
8th

1st
re ti
Gawain 1: Isulat ang bilang ng interval ng mga sumusunod na tunog sa patlang.
________1 _______2. _____3.

_______4. _______5.

II-Arts: Pagpapakita sa Artistry ng mga Sikat na Filipino Artists sa Pagpipinta ng Iba’t Ibang Landscapes
Ang mga kuwadro na gawa sa landscape ay maaaring makuha ang mga bundok, lambak, katawan ng tubig, mga
patlang, kagubatan, at baybayin at maaaring o hindi kasama ang mga gawaing gawa ng tao pati na rin ang mga tao.
Ang mga sumusunod ay mga karagdagang larawan ng mg landscape painting ng mga tanyag na Filipino Artists:

Fernando Amorsolo Jose Joya

Pacita Abad Ang Kiukok

Kidlat Tahimik Eduardo Masferre

Ang landscape ay ang paglalarawan ng natural na tanawin sa sining. Ang mga artists ay may ibat – ibang istilo
ng paggawa ng isang landscape. Dahil ang paggawa ng landscape ay base sa ekspresyon ng bawat artist. May kasabihan
nga na “it is an expression from the soul”.
Paggawa ng Landscape Painting
Ang landscape ay ang paglalarawan ng natural na tanawin sa sining.
Ang mga larawan na nasa ibaba ay iilan lamang sa mga landscape paintings na ginawa ng mga tanyag na Filipino artists.
Ilarawan ang mga landscapes na ginawa ng ating sariling artists. Paano mo masasabi ang kaibahan ng bawat landscape?
Saguting ang mga tanong:
1. Bakit mahalaga ang pagpipinta ng landscape? (5 puntos)
___________________________________________________________________________________________
2. Paano ginagawa nang mahusay ang pagpipinta ng landscape? (5 puntos)
____________________________________________________________________________________________
3. Ano ang tradisyonal na layunin at kahulugan ng mga painting sa landscape? (5 puntos)
____________________________________________________________________________________________
4. Paano mo maipapakita ang pag – aalaga ng mga masterpieces ng ating mga artists? (5 puntos)
________________________________________________________________________

III- P.E.: Paglinang ng Kasanayan sa Larong Lawin at Sisiw


Alam nating lahat na ang mga ina ay may iisang layunin: ang bigyang proteksyon ang kanilang mga anak.
May isang larong Pinoy ang nagpapakita ng ganitong konsepto.
Hand aka na bang magpahuli?
Ang Lawin at Sisiw ay isang Larong Pinoy na maaaring magkaroon ng anim o higit pang mga miyembro. Ang
isang manlalaro ay magiging Lawin habang ang isa’y magiging Inahin. Ang kwento ay magsisimula kung saan bumili ang
Lawin ng isang sisiw upang gawing alipin sa paghahanap ng butil ng palay para sa hapunan. Ngunit ng sumapit ang gabi,
tumakas ang sisiw at bumalik sa Inahin. Nang madiskubre ito ng Lawin ay pilit niyang kinukuha pabalik ang sisiw ngunit
hindi ito hinayaan ng Inahin. Kung ito’y magtatagumpay sa pagkuha ng sisiw, ito ay kanya na at parurusahan. Kung hindi
naman ito magtatagumpay, magsisimula muli ang laro at bibili ng panibagong sisiw.

Mga Alituntunin sa Paglalaro ng Lawin at Sisiw:


1. Bumuo ng anim na pangkat na may bilang na sampo o higit pa. Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa mgapangkat.
2. Maglaban-laban ang pangkat 1 at pangkat 2, pangkat 3 at pangkat 4, pangkat 5, at pangkat 6.
3. Ang guro ang magbibigay ng hudyat sa pagpapasimula ng laro, at siya rin ang tatayong tagahatol nito.
4. Pumili ng pinakamalakas sa mga manlalaro na siyang maging lider o nasa unahan ng hanay.
5. Mamili rin ng isa pang maliksing manlalaro na siyang nasa hulihan ng hanay.
6. Ikakabit ang dalawang kamay sa baywang ng kasunod na manlalaro at kailangang higpitan ang pagkakahawak nito.
7. Lagyan ng panyo sa likod malapit sa baywang ang huling manlalaro ng bawat pangkat.
8. Kailangang nakahanay nang maayos ang bawat pangkat bago umpisahan ang paglalaro.
9. Sa paghudyat ng guro, magsimulang iikot ang bawat pangkat at sikaping maagaw ng lider ang panyo na nasa likod ng
huling manlalaro sa pangkat ng kalaban. Kapag naagaw ng kalaban ang panyo, bigyan sila ng puntos.
10. Ang makakuha ng mataas na puntos ay siyang panalo.
Gawain 1: Panuto: Isaayos ang pagkakasunod-sunod na mga alituntunin sa paglalaro ng Lawin at Sisiw. Lagyan ng
numerong 1 ang patlang kung ito ang una, 2 kung ito ang pangalawa, 3 kung ito ang pangatlo, at iba pa.
______1. Iikot ang bawat pangkat at sikaping maagaw ng lider ang panyo na nasa likod ng huling manlalaro sa pangkat
ng kalaban.
______2. Maglaban-laban ang pangkat 1 at pangkat 2, pangkat 3 at pangkat 4, pangkat 5, at pangkat 6.
______3. Bumuo ng anim na pangkat na may bilang na sampu o higit pa. Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa mga
pangkat
______4. Lagyan ng panyo sa likod malapit sa baywang, ang huling manlalaro ng bawat pangkat.
______5. Ang makakuha ng mataas na puntos ay siyangpanalo.
______6. Kapag naagaw ng kalaban ang panyo, bigyan sila ng puntos.

IV- Health: Mga Isyu Tungkol sa Pagbibinata at Pagdadalaga Batay sa Agham


Buwanang Dalaw o Regla
Palatandaan ang regla na puwede nang magbuntis ang katawan mo. Walang makakatiyak kung kailan siya eksaktong
magsisimula ng pagregla. Madalas mangyari ito pagkatapos lumaki ang suso at magsimulang tumubo ang mga buhok sa
katawan. Ilang buwan bago ang unang regla, maaaring may mapansing pamamasa mula sa puwerta, at mamantsahan
ang panloob na saplot. Normal lang ito.
Natutuwa ang iba sa pagsisimula ng kanilang regla, laluna kung alam na nila ang mangyayari. Pero yung hindi nasabihan
tungkol dito ay madalas nagaalala sa pagsisimula ng pagdugo. Ang pagregla ay nangyayari sa lahat ng babae. Huwag
kang maniwala sa magsasabing madumi o dapat ikahiya ito.
Pag-alaga sa sarili habang may regla
Pananatiling malinis. Mabuti sa katawan ang maligo kapag may regla. Mas gusto ng maraming babae ang napkin, pad, o
sapin na gawa sa tiniklop na tela, bulak o materyal na sumisipsip sa dugo. Dapat palitan ito ng ilang beses bawat araw,
at kung gagamitin muli, labhan nang mabuti sa sabon at tubig. Araw-araw, hugasan ng tubig ang labas ng ari para
matanggal ang naiwan na dugo. Gumamit ng banayad na sabon kung kaya.
Aktibidad. Puwedeng ipagpatuloy ang lahat ng regular na ginagawa. Maaaring makatulong ang pag-ehersisyo para
mabawasan ang sakit na nararamdaman ng ilang babae habang may regla.
Pagkain para lumaki nang malusog
Isa sa pinakamahalagang magagawa ng batang babae para manatiling malusog ang kumain nang mabuti. Kailangan niya
ng sapat na protina, bitamina at mineral sa panahon ng paglaki. Kailangan ng batang babae ng kasingdami ng pagkain
ng batang lalaki.
Kapag nagsimula nang magregla, mababawasan siya ng dugo bawat buwan. Para maiwasan ang anemia, kailangan
mapalitan ang nawalang dugo sa pamamagitan ng mga pagkaing may iron. Kailangan din ng bata at nakatatandang
babae ng mga pagkaing mayaman sa calcium para tumulong sa pagpapalakas ng buto.
Pagtutuli o Circumcision
Ang pagtutuli o circumcision ay ang pagtanggal ng balat sa dulo ng ari ng isang lalaki. Dahil ito’y bahagi ng tradisyon sa
Pilipinas, halos lahat ng kalalakihan ay nagpapatuli, karamihan habang bata pa, mula edad 9-12. Dahil walang pasok sa
iskwela, karaniwang ginagawa ang pagtutulin habang tag-araw o summer vacation. May iba naman na pinapatuli na
kaagad ang kanilang mga anak pagkapanganak pa lamang – ito’y tinatawag na newborn circumcision. Sa Pilipinas, ang
tradisyonal ng paraan ng pagtutuli ay tinatawag na “de pukpok” kung saan ang balat ay hinihila lagpas sa ulo tapos ay
hinihiwa ng malinis na itak. Pagkatapos ng pagtutuli, ang paggaling ng sugat ay mula 4-7 na araw. Sa panahong ito ng
paggaling, may mga tradisyon gaya ng pagsuot ng palda o malaking shorts ng lalaki upang hindi matamaan o mairita ang
sugat at paggamit ng nilagang para “pang-langas”. Ang gawaing ito ay may basihan ayon sa modernong medisina
sapagkat ang bayabas, gaya ng Betadine, ay may kakayanang magsupil ng mga mikrobio. Sa panahon ring ito maaaring
mamaga ang ari, lalo na ang balat na tinahi – ang tawag dito ang “nangangamatis” dahil parang balat ng kamatis ang
itsura ng ari. Ang pangangamatis ay maaring mangyari sa tradisyonal o modernong paraan ng pagtutuli.
May mga pangkalusugang at iba pang dahilan rin na pabor sa pagtutuli. Ayon sa ilang pag-aaral, mas maliit ang
probabilidad na mahawa o makahawa ng HIV/AIDS at iba pang mga STD ang mga tuli. Mas nakakabubuti rin daw sa
kalinisan ng ari ng lalaki ang pagtutuli.

Gawain 1: Panuto: Ibigay ang sagot ayon sa hinihingi. Kumuha ng sagot sa loob ng kahon.
pagtutuli regla “de pukpok” nangangamatis
betadine summer anesthesia sanitary napkin

________________1. Ito ay ang tradisyon na pagtutuli sa Pilipinas.


________________2. Pagtatanggal ng balat sa dulo ng ari ng isang lalaki.
________________3. Pagdurugo ng isang babae o buwanang dalaw.
________________4. Pamamaga ng ari matapos tuliin.
________________5. Gamot pampamanhid na ginagamit sa medisina bago tuliin.
________________6. Gamot panghugas at panglinis sa tinuli.
________________7. Panahon kung kailan ginagawa ng pagtutuli.
________________8. Ito ay ginagamit sa panahon ng may regla.
Gawain 2: Panuto: Lagyan ng masayang mukha ang patlang kung nagpapakita ng agham na pamamaraan at
malungkot na mukha naman kung walang agham na basehan.
__________1. Huwag maligo kapag may regla.
__________2. Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat kung may regla
__________3. Maghugas gamit ang banayad na sabon kung may regla.
__________4. Gumamit ng sanitary napkin.
__________5. Kumain ng masusustansyang pagkain.
__________6. Iwasan ang maaasim at maalat na pagkain.
__________7. Mas maliit ang probabilidad na mahawa o makahawa ng HIV/AIDS at iba pang mga STD ang mga tuli.
__________8. Mag-ehersisyo para mabawasan ang sakit na nararamdaman habang may regla.
__________9. Hindi maaaring tuliin ang mga sanggol pa lamang.
__________10. Ang taong hindi tinuli ay hindi makabuntis.
Key Answers:
I-Music:
1. dalawang hakbang 2. prime o inuulit 3. limang hakbang 4. tatlong hakbang 5. tatlong hakbang
II- Arts:
Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
III- P.E.
Maaaring magkakaiba ang mga sagot.
IV- Health:
Gawain 1:
1. “de pukpok” 2. pagtutuli
3. regla 4. Nangangamatis
5. Anesthesia 6. Betadine
7. Summer 8. Sanitary napkin
Gawain 2:
1. Sad 6.Sad
2. Sad 7.Happy
3. Happy 8.Happy
4. Happy 9.Sad
5. Happy 10.Sad
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 5
I-Pagtutukoy sa Pagitan mula sa Pinakamababa hanggang sa Pinakamataas na Tono ng Isang Musika
Ang range ay ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas na tonong maaawit o matutugtog.
Mayroong makitid at malawak na range. Ang narrow range ay binubuo lamang ng kaunting tonong pagitan mula sa
pinakamababa hanggang pinakamataas na tono samantalang ang wide range ay sumasakop ng maraming tonong
pagitan.

Gawain 1: Tukuyin kung narrow range o wide range ang mga liriko at linya mula sa awiting “Kalayaan” ni Jose O.
Barcelo. Sukatin ang pagitan mula sa pinakamababa hanggang sa pinakamataas na tono ng bawat parirala ng awitin.
1.
_________________ 2. ______________

3. _________________ 3. ______________

5. __________________

II-Arts: Paggamit ng Complementary Colors sa isang Landscape Painting

Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na mga complementary color. Kapag
ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim. Pero kung gagamitin ito na kumbinasyon sa pagkukulay,
ito ay makapagbibigay ng kakaibang ganda sa gawaing sining lalo na at ilalapat ang iba pang element at prinsipyo sa
paggawa ng likhang-sining
Batay sa color wheel chart, ang mga complementary colors ay ang mga sumusunod:
Red Blue Yellow
Green Orange Violet
Yellow Orange Red Orange Red Violet
Blue Violet Blue Green Yellow Green
Magagandang Tanawin sa Pilipinas
Ang Pilipinas ay kilala bilang isa sa mga tourist destination o dinarayo ng mga turista sa buong mundo. Taun-
taon maraming mga turista ang bumibisita at nagbabakasyon sa Pilipinas dahil sa mga magagandang tanawin na
ipinagmamalaki ng mga Pilipino tulad ng Banaue Rice Terraces, Chocolate Hills, Hundred Islands, at marami pang iba.
Biyaya ng Poong Maykapal kung maitututing ang mga nakabibighaning tanawin sa ating bansa. Halina’t tuklasin natin
ang kagandahan ng Pilipinas! Pilipinas Kay Ganda!

Banaue Rice Terraces, Sirao Garden,


Ifugao Cebu City

Coron Palawan Chocolate Hills, Bohol

Northern Blossom Farm,


Atok, Benguet

Gawain 1: Batay sa color wheel chart, tukuyin ang complementary color ng mga sumusunod:
Red
Yellow
Blue
Yellow Orange
Blue Green
Red Violet
Gawain 2: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang ipinapahayag ng pangunguap at ekis (X) naman kung hindi.
______1. Ang complementary color ay ang magkasalungat ng kulay sa color wheel.
______2. Ang color complement ng dilaw (yellow) ay pula (red).
______3. Gumaganda ang likhang-sining kapag may wastong kumbinasyon ng mga kulay.
______4. Kapag ipinaghalo ang complementary colors, makakabuo ng kulay abo, puti, at kahel.
______5. Nagagamit nag wastong kumbinasyon ng kulay upang maipakita ang harmony sa landscape painting.
III-PE: Mga Kasanayang Nalilinang sa Larong “Agawang Panyo”
Agawang Panyo
Masaya at nakawiwili ang larong agawan panyo. Kani-kaniyang istratehiya kung paano makukuha ang panyo
nang hindi natataya. Ginawa na nga ring football ang panyo para lang makuha at madala sa base ng team.
Ang layunin ng araling ito ay higit pang malinang ang mga gawaing nakapagpapaunlad ng kalusugang pisikal
upang magkaroon ng sapat na bilis at liksi.
Ang bilis (speed) at liksi (agility) bilang mga kasa- nayan kaugnay ng mga sangkap ng fitness ay bibigyang pansin
upang lubos na maunawaan ang kahala- gahan nito sa paglalaro at paggawa ng mga pang- araw-araw na gawain.

Mga dapat gawin sa paglalaro ng “Agawang Panyo”.


1. Bilis at liksi upang manalo.
2. Kailangan ang sapat na ingat para hindi masaktan.
3. Pagkakaisa o teamwork
4. Marunong tumanggap ng pagkatalo dahil isa ito sa mga magagandang katangian ng isang mabuting manlalaro.
Gawain 1: Isulat sa papel na nakalagay sa ibaba ang kahalagahan ng pagiging sports o pagkakaroon ng magandang
katangian ng isang mabuting manlalaro.

(Optional)Gawain 2: Maghanap ng mga kalaro (kapatid o mga magulang) at laruin ang Agawang Panyo. Sundin
ang mga pamamaraan, alituntunin at babala ng laro na nakasaad sa ibaba.

Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang grupo na may lima o higit pang kasapi.
2. Bigyan ng bilang ang bawat manlalaro ng bawat pangkat at pumila ayon sa pagka-kasunod- sunod ngbilang.
3. Pumila nang magkaharap ang magkabilang panig na magkatapat ang bawat bilang na iniatas.
4. Pumili ng isang kalaro na hahawak ng panyo at tatawag sa numero.
5. Sa hudyat ng naghahawak ng panyo, tatakbo sa gitna ang manlalaro, lalapit sa hinahawakang panyo at dadamputin o
aagawin ang panyo at babalik sa puwesto.
6. Siguraduhing hindi mataya ng kalaban upang makapuntos ang grupo.
Babala:
Mag-ingat sa paglalaro.
Iwasang makapanakit ng kalaro.
Matalo o manalo, dapat manaig ang katangian ng isang mabuting manlalaro o ang diwa ng totoong sportsmanship.
Magtulungan at magkaisa para manalo.

IV-Health: Usaping Pangkalusugan Kaugnay ng Pagbibinata at Pagdadalaga


Sa panahon ng pagdadalaga ay makararanas ka ng di-nais-nais na pakiramdam tulad ng pananakit ng likod, ulo,
kapaguran at paninigas ng tiyan. Ang sanhi ng mga ito ay ang pagbabagong nagaganap sa loob ng katawan.
Ang dibdib ay nagiging malaki at masakit kung mahawakan o masagi. Ang iba ay nagiging balisa, malungkutin at
mukhang pagod.
Ang iba naman ay nagkakaroon ng tagihawat. Kung nararanasan mo ito, hindi ka dapat mabahala dahil likas na
ganito ang mangyayari sa yugtong ito ng iyong buhay.
Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa mga isyu/usapin sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata.
1.) Mga isyung pang-nutrisyon 2.) Pagbabago-bago ng kasalukuyang emosyon
3.) Di kanais-nais na amoy 4.) Pangangalaga sa ngipin at ibang bahagi ng bibig
5.) Pagkakaroon ng taghiyawat 6.) Pagkahukot
7.) Mga usapin sa pagreregla ng babae 8.) Maaga at di inaasahang pagbubuntis
Mga paraan upang masolusyunan ang problemang pangkalusugan:
1. Kumain ng mga masusutansiyang pagkain. 2. Maligo araw-araw.
3. Maglagay ng mild deodorant o tawas sa kilikili, 4. Magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain.
5. Gumamit ng dental floss. 6. Iwasan ang mga sugary at acidic na pagkain.
7. Huwag manigarilyo. 8. Mag-ehersisyo araw-araw.
9. Iwasan ang pagpupuyat. 10. Uminom ng walo hanggang sampung baso ng tubig araw-araw.
11. Sumunod sa payo ng mga magulang at nakakatanda.

Gawain 1:Pag-aralan ang mga larawan. Sumulat ng mga pamamaraan kung paano maiiwasan ang pagkakaroon ng
mga ganitong problemang pangkalusugan.
1. 2.

____________________________________ ___________________________________________
____________________________________ ___________________________________________
____________________________________ ___________________________________________

3. 4.

_____________________________________ _________________________________________
_____________________________________ _________________________________________
_____________________________________ _________________________________________
Key Answers:
5. I-Music: III- P.E.
Gawain 1: Gawain 1:
1. Wide 2. Narrow Maaaring magkakaiba ang sagot
3. Narrow 4. wide Gawain 2:
5. wide Maaaring magkakaiba ang sagot.
II-Arts: IV-Health
Gawain 1: Gawain 1:
Red– green Maaaring magkakaiba ang sagot.
Yellow– violet
______________________________________
Blue– orange
______________________________________ Yellow orange– blue violet
______________________________________ Blue green– red orange
Red violet– yellow green
Gawain 2:
1.√ 2.X
3.√ 4.X
5.√
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
MAPEH 5
2nd SUMMATIVE TEST (2nd Quarter)

Name: ___________________________________________________ Grade& Section:___________ Score: ____________


I -Music:
I-Basahin at piliin at isulat ang tamang sagot sa patlang.
____1. Ano ang simbolo para sa sharp?
a. b. c. # d.
____2. Ano ang simbolo para sa flat?
a. b. c. # d.
____3. Ano ang simbolo para sa G cleff?
a. b. c. # d.
____4. Ano ang simbolo para sa nartural?
a. b. c. # d.
____5. Ang simbolong ito ay ginagamit upang mapataas ng kalahating tono ang isang natural na nota.
a. flat b. G cleff c. sharp d natural
____6. Ang simbolong ito ay nagpapababa ng kalahating tono ng isang natural na nota.
a. flat b. G cleff c. sharp d natural
_____7.Ano ang tawag sa interval na may dalawang hakbang mula sa una hanggang ikalawang nota.
a.first interval b. second interval c. seventh interval d. fourth interval
_____8.Ano ang tawag sa interval na may tatlong hakbang mula sa una hanggang ikatlong nota.
a.fifth interval b. sixth interval c. third interval d. eighth interval
_____9. Ano ang bilang ng interval ng sumusunod na tunog?
a.apat na hakbang b. walong hakbang c. isang hakbang d. tatlong interval
_____10.Ano ang bilang ng interval ng sumusunod na tunog?
a.limang hakbang b. anim hakbang c. dalawang hakbang d. pitong hakbang
II-Arts:
I-Basahin at piliin at isulat ang tamang sagot sa patlang.
____1.Ito ay ang paglalarawan ng natural na tanawin sa sining.
a. portrait b. abstract c. landscape d. sketch
____2.Alin sa mga sumusunod ang isang uri ng abstract painting?
a. b. c. d.

____3.Sino-sino sa kanila ang hindi Pilipinong pintor?


a.Fernando Amorsolo b.Vicente Manansala c. Fabian Dela Rosa d. Michael Angelo
____4. Alin sa mga sumusund na itoang nagpapakita ng damdamin?
a. b. c. d.
____5.Alin sa mga ito ang likhang sining ni Fernando Amorsolo?
a. b. c. d.

II-Gayahin ang abstract painiting. Iguhit at kulayan ito ng inyong nais sa loob ng nakalaang kahon.

https://artprojectsforkids.org/how-to-an-abstract-self-portrait/
III- P.E.
I- Isaayos ang pagkakasunod-sunod na mga alituntunin sa paglalaro ng Lawin at Sisiw. Lagyan ng numerong 1 ang
patlang kung ito ang una, 2 kung ito ang pangalawa, 3 kung ito ang pangatlo, at iba pa.
______Iikot ang bawat pangkat at sikaping maagaw ng lider ang panyo na nasa likod ng huling manlalaro sa pangkat
ng kalaban.
______Maglaban-laban ang pangkat 1 at pangkat 2, pangkat 3 at pangkat 4, pangkat 5, at pangkat 6.
______Bumuo ng anim na pangkat na may bilang na sampu o higit pa. Dapat pantay ang bilang ng manlalaro sa mga
pangkat
______Lagyan ng panyo sa likod malapit sa baywang, ang huling manlalaro ng bawat pangkat.
______Ang makakuha ng mataas na puntos ay siyangpanalo.
______Kapag naagaw ng kalaban ang panyo, bigyan sila ng puntos.
II- Isulat ang TAMA o MALI.
_________1.Ang larong Agawan Base ay nagpapaunlad sa bagal ng pagtakbo at liksi sa paggalaw.
_________2.Sa paglalaro nito, kailangan ang pag-iingat upang hindi mataya ng kalaban.
_________3.Ang layunin ng larong ito ay mapaluwang ng grupo ang base ng kalaban nang hindi natataya.
_________4.Ang Agawan Base ay isa ring halimbawa ng invasion game katulad ng larong Patintero.

IV- Health:
Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung nagpapakita ng agham na pamamaraan at ekis (X) naman kung walang
agham na basehan.
__________1. Huwag maligo kapag may regla.
__________2. Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat kung may regla
__________3. Maghugas gamit ang banayad na sabon kung may regla.
__________4. Gumamit ng sanitary napkin.
__________5. Kumain ng masusustansyang pagkain.
__________6. Bawal maligo kapag may regla.
__________7. Iwasan ang pagbubuhat ng mabigat kung may regla.
__________8. Kumain ng maaasim na pagkain kapag may regla.
__________9. Mag-eehersisyo kapag may regla.
__________10. Kapag nagpapatuli nang maaga, ito ay babalik sa dati.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 6
I-Music: Nababasa/Naaawit ang mga Notes sa Pentatonic, C Major, at G Major Scale
Ang melody ay isa sa mga pangunahing elemento ng musika na madali nating nakilala o naaalala at binubuo ng
iba’t-ibang nota at tono na sunod sunod at maayos na pinagsama-sama upang makabuo ng kanya kangyang tunog.
Isang uri ng scale ang pentatonic na binubuo ng limang notes: do, re, mi, so, at la. Ito ay naririnig madalas na narorinig
sa mga awiting bayan mula sa iba’t-ibang bansa sa Asya. Maririnig din ito sa mga katutubong awitin. Ang C Major scale
ay may walong notes. Ang una at huling note nito ay may pitch name na C ay ang home tone ng C Major ay do
samantalang ang ang G Major ay may walong notes din ang unang note ay ay matatagpuan sa guhit na G at nasa
tunugang so.
Pentatonic Scale

Gamit ang mga so-fa syllable at mga Kodaly hand signals. Awitin ang mga notes sa magkaibang scales.

Gawain 1: Lumikha ng tatlong limguhit (staff) at isulat ang mga wastong mga notes ng sumusunod na scales at basahin
at awitin ito.

1. pentatonic scale

2. C major
3. G major

II-Arts: Paggamit ng Complementary Colors sa Isang Landscape Painting


Ang mga kulay na direktang magkaharap sa color wheel ay tinatawag na mga complementary color. Kapag
ipinaghalo ang mga ito, makabubuo ng kulay abo, puti, at itim. Pero kung gagamitin ito na kumbinasyon sa pagkukulay,
ito ay makapagbibigay ng kakaibang ganda sa gawaing sining lalo na at ilalapat ang iba pang element at prinsipyo sa
paggawa ng likhang-sining.

Paggawa ng Self-Portrait
Ang self-portrait ay isang larawan ng mukha o buong katawan ng isang tao na ginawa, ginuhit, o ipininta basis a
iyong sarili.
Narito ang mga halimbawa ng self-portrait:

Panuto: Gumuhit ng iyong sariling portrait. Kulayan ito gamit ang isang pares lamang ng complementary colors.
Mga Kagamitan:
lumang pahayagan(dyaryo) cartolina/ short coupon bond mga iba’t ibang uri ng brush (optional)
lapis pambura poster color/crayons/water color
Hakbang sa Paggawa:
1. Ilatag ang mga lumang pahayagan sa lugar ng pagpipintahan.
2. Ihanda ang lahat ng kakailanganin sa pagpinta tulad ng paint brush at water color.
3. Iguhit ang larawan ng iyong sarili sa cartolina,
4. Ipinta ito gamit ang isang pares lamang ng complementary colors.
5. Kapag tapos na, patuyuin ang larawang naipinta.

III-PE: Tumbang Preso


Tumbang Preso ay isang laro na kinawiwilihan ng mga batang Pilipino. Mararanaan ng bata sa tumbang preso
ang mag-aliw, magrelaks at magpasaya gamit ang kanilang katawan at simpleng bagay tulad ng tsinelas at lata.
Ang tumbang preso ay isa sa mga larong Pinoy ito ay nilalaro sa pamamagitan ng pagtama sa isang lata at
kailangan itong patumbahin ng mga naglalaro at may isa naming nagbabantay ditto at itatayo kapag natumba. Kapag
ito’y napatumba mag-uunahan ang mga manalalaro upang kunin ang kanilang tsinelas at kung sino ang mahuhuli ng
nagbabantay sa lata siya naman ang susunod na taya.
Maliksi, mabilis na pag-iisip ng stratehiya, at pakikisama ang ilan sa aral na mapupulot nila sa mga ganitong uri
ng laro. Matutunan din nilang sumunod sa alituntunin ng laro at ang kapalit kapag hindi ito sinunod na umiiral sa
totoong buhay.
Ano-ano ang mga mabuting maidudulot sa paglalaro ng tumbang preso?
Isulat loob ng kahon na ito ang iyong kasagutan.

IV-Health: Pagtanggap sa mga Pagbabagong Nagaganap sa Panahon ng Pagbibinata at Pagdadalaga


Ang pagbabagong nagaganap sa katawan ng isang nagdadalaga at nagbibinata ay hindi dapat ikahiya dahil ito ay
normal lamang. Sa pagitan ng edad 10 at 15, nagsisimulang lumaki at magbago angkatawan ng batang babae at lalaki
tungo sa katawan ng dalaga at binata o nakatatanda. Maari itong maging panahon ng tuwa at hirap. Nakakalito sa
nagdadalaga at nagbibinata kung bata pa siya o nasa tamang edad na—nasa bandang gitnaang katawan niya at may
ginagawang mga bagay na hindi siya sanay. Dagdag na pabigat kung hindi ito pinag-uusapan, at baka hindi alam ng
babae at lalaki kung ano ang mangyayari.
Nagbabago ang katawan ng lahat ng batang babae at lalaki, pero may pagkakaiba sa bawat isa. Kaya huwag
mag-alala kung hindi eksaktong kahawig ng katawan mo ang sa kapatid o kaibigan.
Paglaki. Malamang ang unang pagbabago ay ang mabilis na paglaki. Baka may panahong mas matangkad ka sa lahat ng
lalaki at babae na kaedad mo. Madalas hihinto ang paglaki mga 1–3 taon tapos ng unang regla.
Pagbabago sa Katawan. Bukod sa mabilis napaglaki, magbabago rin ang katawan mo. May mga
natural na kemikal sa katawan na tinatawag na hormones na nagpapalaki sa katawan at nagbubunsod din ng mga
pagbabago.
Sa Loob ng Katawan. May iba pang mgapagbabago na hindi momakikita, ito ay ang nararamdaman mo. Sa pagdaan mo
sa mga pagbabagong ito, mas napapansin mo na nagkakaroon ka na ng “crush”o paghanga at nagiging malapit sa mga
kaibigan o grupo. Baka may pagkakataong mahirap kontrolin ang iyong damdamin. Sa mga araw bago ang regla, mas
karaniwan na may malalakas kang damdamin na sarisari—tulad ng tuwa, galit at pagaalala.

Mga Epekto ng Pagbabago sa Sarili


Mapapansin natin na kapag ang mga kabataan ay umabot na sa ganitong kalagayan, nagkakaroon ng isyu o usapin na
labis na nakakaapekto sa kanyang paglaki bilang indibidwal. Bilang mga kabataan na magdaraan sa ganitong sitwasyon,
dapat niyong tanggapin at unawain ang mga pagbabagong ito. Ang lahat ng pagbabagong ito ay normal at
pinagdaraanan ang ganitong pangyayari sa buhay.

Mga Epekto ng Pagbabagong Pisikal sa Sarili ay ang mga sumusunod:

1. Sa sariling katawan-picture only-omit words


Ang nagdadalaga ay nakararanas ng pagsakit ng ulo o pagkahilo, at pagsakit ng puson at dibdib bago dumarating ang
buwanang daloy. Ang nagbibinata naman ay lumalaki ang mga bisig, kalamnan sa braso at binti na nagdudulot ng
iabayong lakas at resistensya kaya’t nahihilig sa isports, laro at palakasan.
2. Sa pag-uugali
Ang nagdadalaga ay nagiging mahiyain, maramdamin, at makikitang palaging nagsasalamin upang pansinin ang
sarili o nagiging self-conscious. Nagiging palaayos din siya sa katawan at pananamit. Nagiging palahanga at nagkakaroon
ng iniidolo at ginagawang modelo.
Ang nagbibinata naman ay nagiging mapusok at nagpapapansin sa mga hinahangaan. Nagiging mapaghanap din
siya ng pagkilala at pagtanggap. Ang ibang nagbibinata ay nagkakaroon ng ugaling mapaghimagsik lalo na kung
naguguluhan sila at hindi nila naiintindihan ang mga pagbabagong nagaganap sa sarili. Ang kilos at ugali nila ay nagiging
palaban at mapusok. Kailangan nila ng sapat na pamamatnubay at pag-unawa ng mga magulang at nakatatanda upang
maintindihan nila ang kanilang sarili.
3. Sa pakikitungo sa kapwa
Ang nagdadalaga at nagbibinata ay mapag-isip tungkol sa iba’t ibang galaw o kilos at pananaw sa buhay.
Nakikisalamuha o nakikihalubilo sa kapwa kabataan at nagsisikap na makilala ang sarili; kaya’t malaki ang
impluwensyang nagagawa ng mga kaibigan sa pagkatao. Nagiging mapag-isip din tungkol sa iba’t ibang pananaw sa
pamumuhay ang kabataan. Maaaring sumalungat ang ilang kabataan tungkol sa pamamalakad ng pamumuhay ng
kanilang magulang na nagiging sanhi ng alitan at di-pagkakaunawaan. Ito ay maaring iwasan sa pamamagitan ng
maayos at mahinahong pag-uusap ng anak at magulang.

Panuto: Isulat sa graphic organizer na bookworm na nasa ibaba kung paano mo nagawan ng paraan ang mga
pagbabagong ito?

1. Ano-anong mga pagbabago ang nagaganap sa mga nagdadalaga at nagbibinata?


_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________
2. Naranasan mo rin ba ang mga pagbabagong ito? Paano mo ito matatanggap ang mga ito?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_________________
3. Normal ba ang mga pagbabagong ito? Bakit?
_________________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________________
_____________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
MAPEH 5
3rd SUMMATIVE TEST (2nd Quarter)

Name: ___________________________________________________ Grade& Section:___________ Score: ____________


I-Music:I- Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa patlang.
____1.Ito ay tawag sa pagitan ng pinakamababa hanggang pinakamataas na tonong maaawit o matutugtog.
a. pitch b. range c. timbre d. scale
____2. Ito ay binubuo lamang ng kaunting tonong pagitan mula sa pinakamababa hanggang pinakamataas.
a.narrow range b. wide range c. high range d. low range
____3. Ito ay isa sa mga pangunahing elemento ng musika na madali nating nakilala o naaalala at binubuo ng iba’t
ibang nota at tono na sunod sunod at maayos na pinagsama-sama upang makabuo ng kanya kangyang tunog.
a. range b. timbre c.pitch d. melody
____4. Anong scale ang binubuo ng limang range?
a. major scale b. C major c. pentatonic scle d. G major
____5. Ilang notes ang nasa C major?
a. 8 notes b. 5 notes c. 10 notes d. 4 notes
____6. Anong scale ang merong walong nota ngunit nag-uupisa ito sa guhit na G o sa tunugang sol?
a.G major b. pentatonic scale c. C major d. F major
____7.Alin sa mga mga sumusunod ang hindi kasali sa pentatonic scale?
a. do b. re c. fa d. mi
____8. ang linyang ito ay tinatawag na ____________ range
a. wide b. high c. narrow d. low
____9.Anong tunugan naguumpisa ant nagtatapos ang C major scale?
a. re b. fa c. do d. la
____10. ito ay halimbawa ng isang.
a. G major b. pentatonic scale c. C major d. F major
II-Arts:- Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang napiling sagot sa patlang.
___1. Sa color wheel ano ang complememtary color ng red?
a. orange b. green c. yellow d. violet
___2. Ano ang complementary color ng color yellow?
a.orange b. green c. yellow d. violet
___3. Alin sa mga sumusunod na kulay ang nasa pangkat ng primary colors?
a. yellow green b. blue green c. blue d. orange
___4. Ito ang sa kulay na direktang magkaharap sa color wheel.
a. complementary colors b. primary colors c. secondary colors d. intermediate colors
___5. Alin sa mga sumusunod na mga kulay ang hindi nabubuo kapag pinaghalo-halo ang mga complementary color?
a.black b. grey c.white d. red
___6. Ito ay isang larawan ng mukha o buong katawan ng isang tao na ginawa, ginuhit, o ipininta basis a iyong sarili.
a. self portrait b. landscape c. mosaic d. collage
II- Panuto: Isulat ang TAMA o MALI. Isulat ang sagot sa patlang.
____7. Kahel (orange) ang color complement ng asul (blue).
____8. Ang blue-green at red orange ay halimbawa ng complementary colors.
____9. Yellow orange ang color complement ng blue-violet.
____10. Ang color complement ng berde (green) ay asul (blue).
III- P.E.: Isulat sa patlang ang TAMA kung ang isinasaad ay makatutuhanan at MALI naman kung ang
isinasaad ay walang katotohanan.
________1. Kailangan ang sapat na ingat para hindi masaktan sa paglalaro ng agawan ng panyo.
________2. Marunong tumanggap ng pagkatalo dahil isa ito sa mga magagandang katangian ng isang mabuting
manlalaro.
________3. Karaniwang nilalaro ang tumbang preso ng mag-isa lamang.
________4. Kailangang patayuin ang lata at kunin ang inihagis sa tsinelas bago paman mapatumba ng taya ang lata.
________5. Sa paglalaro ng tumbang preso ay kailangang Binibilugan ang palibot ng lata at inilagay ito sa gitna.
________6.Kailangan ng bilis at liksi sa paglalaro ng agawan ng panyo.
________7.Gumagamit ng sapatos sa paglalaro ng tumbang preso.
________8.Ang larong tumbang presyo ay larong ating minana sa mga Amerikano.
________9.Ang Pagkakaisa o teamwork ay kinakailangan sa paglalaro.
_______10.Nakakabuo ng saya at pagkakaibigan ang mga laro.

IV-Health: Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang kung tama ang isinasaad ng pahayag at ekis (X) naman kung
hindi.
_______1. Ugaliin ang matulog nang maaga upang magkaroon ng walo hanggang sampung oras na pagtulog at pahinga.
_______2. Ang pag-eehersisyo ay ginagawa kung may panahon lamang.
_______3. Walang halaga ang tubig sa katawan.
_______4. Magsepipilyo ng ngipin bago kumain.
_______5. Kumain ng mga sugary at acidic na mga pagkain para maging malusog.
_______6. Mgalagay ng tawas o mild deodorant sa kilikili.
_______7. Sumama sa mga barkada at makipag-inuman.
_______8. Bawal gumamit ng dental floss.
_______9. Magkaroon ng dental check-up.
_______10. Maligo isang beses sa isang buwan.
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region I
Schools Division Office I Pangasinan
Sta. Barbara II
BANAOANG CENTRAL SCHOOL
Module in MAPEH 5
Second Quarter, Week 7
I-Music: Paggawa ng Simpleng Melodiya
Sa pagbuo ng simple melody, maaari mong gamitin ang iba’t ibanguri ng notes. Mahalagang pumili ng nais na
Time Signature, Key Signature at Scale upang maging maayos ang paggawa ng simple melody.
Ang paglalapat ng liriko ay makatutulong sa lalong ikakaganda ng nilikhang melody.
Iba’t-ibang Time Signatures
1. Apat na kumpas

2. Tatlong kumpas

3. Dalawang kumpas

Iba’t-ibang Key Signatures


1.

2.

3. F Major Scale

Mga Notes at Katumbas na Halaga Nito


Simbolo Note Bilang ng Beats

Whole Note 4
Half Note 2
Quarter Note 1
Eighth Note 1/2
Sixteenth Note 1/4
Gawain1: Ibigay ang halaga ng bawat note.Isulat ang sagot sa patlang.

Sagutin ang mga sumusunod:


1. Ano ang time signature ng melodiya? ____________
2. Ilang kumpas mayroon ang bawat measure ayon sa time signature na ginamit? ___________
3. Ibigay ang key signature at home tone ng melodiya. ____________________
4. Ano-anong uri ng mga notes ang ginamit upang mabuo ang melodiya? Ibigay ang halaga ng bawat note.

II- Arts:Kaibuturan sa Larawang Ipininta(Foreground, Middle Ground, at Background)


Ang espasyo bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang
sining. Para sa isang pintor, ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang
iguguhit.
Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikita sa pamamagitan ng paglalagay ng foreground,
middle ground, at background. Ang mga bagay sa foreground ay kadalasang malalaki at pinakamalapit sa tumitingin.
Ang bagay naman na nasa background ay nasa likod at kadalasan maliit. Ang middle ground naman ay may katamtaman
ang laki ng mga bagay na nasa pagitan ng foreground at background.

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. Ano ang tawag sa kaugnayan ng mga bagay sa larawan batay sa laki at taas ng mga ito?
A. Krokis B. Hugis C. Laki D. Proporsyon
2. Kapag ang mga bagay na iyong iguguhit ay ibig mong magmukhang malayo sa paningin, ano ang dapat mong gawin?
A. Gawing mas maliit ang pagkakaguhit nito kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit.
B. Gawing mas malaki ang pagkakaguhit kumpara sa mga bagay na dapat makita sa malapit.
C. Iguhit ito sa pinakamababang bahagi ng papel.
D. Iguhit ito sa pinakamataas na bahagi ng papel.
3. Ano ang tawag sa larawan na nag karaniwang paksa ay mga bundok, burol, at puno?
A. espasyo B. kulay C. landscape D. proporsyon
4. Bakit kailangang isaalang-alang ang proporsyon at espasyo sa pagguhit?
A. Upang maging makulay ang larawang iginuhit. B. Upang maging kakaiba ang larawang iginuhit.
C. Upang maging mas makatotohanan ang larawang iginuhit? D. Upang maging malamlam ang kulay ng larawang iginuhit?
III-- P.E. Luksong Tinik

Ang Luksong Tinik ay nilalaro ng dalawang grupo. Isang grupo para sa paglukso at isang grupo naman para magsilbing
tinik. Ang dalawang manlalaro ay magsisilbing tinik sa pamamagitan ng kanilang mga kamay at paa. Luluksohan naman
nito ng ibang manlalaro. Matataya lang ang isang grupo kung masalat nila ang tinik habang lumulukso.

Pamamaraan:
1. Bumuo ng dalawang grupo.
2. Ang bawat grupo ay dapat may dalawang manlalaro.
3. Ang dalawang grupo ay mag-bato-bato peyk muna. Ang matalo ay siyang unang taya at magsilbing tinik na
luluksuhan ng nanalo.
4. Ang magsilbing tinik na gagawin ay ang mga paa at kamay lamang. Ang mga tinik ay magsisimula sa paa at
madagdagan ito nang madagdagan gamit ang kamay kung hindi pa nasalat ang tumatalon.
5. Matataya lang ang isang grupo o tumatalon kung masalat nila ang tinik habang lumulukso.
Sa paglalaro ng Luksong Tinik kinakailangan ang mataas na talon at lundag para hindi masalat sa mga tinik na
ginagawa ng mga katunggali. Kinakailangandinngsapatna pag-iingat para hindi masaktan. Mahalaga rin ang pagkakaisa
oteamwork dahil isa itosa mga susi upang manalo sa laro. Huwag kalimutan, manalo o matalo dapat manaig parin ang
pagiging maka-sportmanship o katangian ng isang mabuting manlalaro. Hindi dapat magagalit kung matalo man sa laro,
matuto tayong tumanggap sa pagkakatalo o pagkakamali dahil hindi lahat ng panahon ay pumapanig sa atin. Ang
pagkatalo ay dapat isiping isang aral na mag-uudyok sa atin na magsanay ng mabuti upang maging magaling at manalo
sa susunod na laro na gagawin.
1. Ano ang ginagawa ng dalawang bata sa larawan?
_____________________________________________________________________
_________________________
2. Kung ikaw ay natalo sa isang laro, makikipagkamay ka rin ba sa nanalo? Bakit?
_____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
3. Ano sa tingin mo ang mga katangian ng isang mabuting manlalaro?
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

IV-Health: Negatibong Epekto sa Kalusugan ng Maaga at Di-inaasahangPagbubuntis


Maraming paraan para maiwasan ang maagang pagbubuntis ng isang batang-batang tulad mo at isa sa
pinakamabisang paraan ay ang sekswal napagpipigil o yung pag-iwas sa pakikipagtalik sa murang eded. Ngunitpaano ito
magkakaroon ng katuparan?
Kailangang isaisip natin na mas madaling magpalaki ng malusog at masayang anak kung pareho na kayong
handa na magsimula ng pamilya. Kung iniisip mo nang magkaanak, narito ang ilang dapat ding pag-isipan:
• Makakapagpatuloy ka bang pag-aaral?
• Paano sasagutin ang mga bagay na kailangan ng sanggol—pagkain, damit, tirahan, at iba pa?
• Handa ka na bang magbigay ng emosyonal nasuporta na kailangan ng sanggol para lumaking malusog?
• Tutulong ba ang kapartner mo sa pagpapalaki ng anak?
• Paano makakatulong ang pamilya mo?
Panganib sa Kalusugan mula sa Maagang Pagbubuntis
Hindi pa handa para sa ligtas at malusog na panganganak ang katawan ng karamihan ng mga batang babae.
Mas malamang magkaroon ng eclampsia (na sanhi ng kombulsyon) ang mga kabataang ina.
Dahil maaaring maliit pa ang katawan nila para makalabas ang sanggol, mas madalas makaranas ang mga nanay na mas
bata pa sa 17 ng matagal at mahirap na labor at baradong panganganak. Kung walang tulong medikal, maaaring
mamatay ang babae sa alinman sa mga ito.
Maaari ring masira ang puwerta ng baradong panganganak, kaya tatagas ang ihi at dumi. Mas malamang na
sobra ng liit o premature ang sanggol mula sa nanay na mas bata sa 17. Kung buntis ka na, sikaping magpatingin sa
bihasa na komadrona (midwife) o health worker o kaya’y magsadya sa pinakamalapit na ospital sa inyong barangay.

Lagyan ng masayang mukha ( ) kung nagpapakita ng wastong paraan ng pag- iwas sa maaga at di-inaasahang
pagbubuntis at malungkot na mukha ( ) kung hindi.
________1. Iwasang maabutan ng dilim sa daan.
________2. Sumama sa mga barkada o kaibigang lalaki sa gimmick.
________3. Makinig sa payo ng magulang.
________4. Mag-boyfriend lamang pag nasa wastong gulang na.
________5. Iwasang sumama sa boyfriend kung saan-saan.

Gamit ang graphic organizer, talakayin at isulat ang negatibong epekto ng maaga at di-inaasahang pagbubuntis.

Key Answers:
I-Music:
1. tatluhan (¾) 2. 3 3. C-do 4. Apating Nota 1, Kalahating Nota - 2 IV-Health:
II-Arts: 1. smile
1.D 2.A 3.C 4.C 2. sad
III-P.E.: 3. smile
A. 4.smile
1. Nagkamayan 5.smile
2-3. 2. Maaaring magkakaiba ang sagot.

You might also like