You are on page 1of 15

Mathematics 3

Kuwarter 1
Modyul 3
Pagbasa at Pagsulat ng Bilang
Hanggang 5 000
Mathematics– Ikatlong Baitang
Unang Markahan – Modyul 3: Pagbasa at Pagsulat ng Bilang Hanggang 5 000
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Jennicca V. Pinugu
Editor: Content – Hanna M. Ledesma, Victoria R. de los Santos
Language – Shielah Marie B. Pascual, Divina V. Cagayan , Gloria C. Monedo
Tagasuri: Lani M. Garcia
Tagaguhit: Pangalan
Tagalapat: Pangalan
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Aurelio G. Alfonso EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Mathematics 3
Unang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto
Pagbasa at Pagsulat ng Bilang
Hanggang 5 000
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Mathematics 3 ng Modyul para
sa araling Pagbasa at Pagsulat ng Bilang Hnggang 5 000 !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Mathematics 3 Modyul ukol sa Pagbasa at


Pagsulat ng Bilang Hanggang 5 000!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa modyul na ito, inaasahang ikaw ay nakababasa at
nakasusulat ng bilang hanggang 5000 sa simbolo o figures at
sa salita.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Paano isinusulat ang 3 450 sa salita?


A. tatlo, apat at lima
B. tatlong libo, apat, lima at bilog
C. tatlong libo, apat na raan at lima
D. tatlong libo, apat na raan at limampu

2. Alin sa mga sumusunod ang tamang pagbasa sa bilang


na 4 100?
A. apat na isang daan
B. apat na tig isang daan
C. apat libo at walong daan
D. apat na libo at isang daan

3. Ano ang tamang pagsulat ng isang libo, limang daan at


pitompu sa simbolo o figure.
A. 1 507
B. 1 517
C. 1 570
D. 1 577
4. Isulat sa salita ang nawawalang bilang sa 1 200 , ______,
1202.
A. isang libo at tatlong daan
B. isang libo at dalawang daan
C. isang libo, dalawang daan at isa
D. isang libo, dalawang daan at dalawa

5. Isulat sa simbolo o figure ang kasunod na bilang sa


4 098, 4 099, _________.
A. 4 100
B. 4 009
C. 4 097
D. 5 000

BALIK–ARAL

Panuto: Lagyan ng tsek ang patlang kung tama ang isinasaad sa


pangungusap at ekis naman kung hindi.
_____1. Sa bilang na 4 568 ang digit 5 ay nasa sandaanan o
hundreds place.
_____2. Ang place value ng digit 3 sa bilang na 1 734 ay libuhan o
thousands place.
_____3. Sa bilang na 2 179, ang digit 9 ang may pinakamataas na
value?

_____4. Mas malaki ang value ng digit 3 sa 1 345 kumpara sa digit 3


na nasa 3 451.

_____5. Ang 4 315 ay may 4 na libuhan (thousands) + 3 sandaanan


(hundreds) + 1 sampuan (tens) + 5 isahan (ones).
ARALIN

Basahin ang sitwasyon.


Ang Lungsod Pasig ay nasa katergoryang General
Community Quarantine (GCQ) simula noong unang araw ng
Hunyo 2020. Isang araw pagkatapos sumailalim sa GCQ, ang
nasabing lungsod ay nakapagtala ng 625 na kumpirmadong kaso
ng Covid-19. Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ang mga
Pasigueño upang maiwasan ang pagtaas ng bilang ng kaso ng
Covid -19 sa lungsod.

Mga Tanong:

1. Kailan isinailalim sa GCQ ang Lungsod ng Pasig?

Sagot: Ika – 1 ng Hunyo , 2020 / Hunyo 1, 2020

2. Ilan ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa


lungsod noong ika-2 ng Hunyo, 2020?

Sagot : May 625 kumpiramadong kaso sa Lungsod Pasig.

3. Ano anong pag-iingat ang dapat isagawa ng mga Pasigueño


upang makaiwas sa sakit na COVID-19?

Sagot : Ugaliing magsuot ng face mask kung lalabas.


Palaging maghugas ng mga kamay.
(Maaring magkaroon ng iba’t ibang kasagutan)
Paano natin babasahin at isusulat ang bilang na may digits na
6,2,5 sa salita?

Ang pagsulat ng mga bilang pasalita ay kung paano natin ito


basahin mula sa pinakamataas na place value o mula sa kaliwa
papunta sa kanan.

625 - anim na raan, dalawampu’t lima

Iba pang halimbawa:

853 - walong daan, limampu’t tatlo


1 476 - isang libo, apat na raan at pitumpu’t anim
- limang libo
5 000

Paano naman natin isusulat ang mga bilang sa simbolo o figures?

Sa pagsulat ng mga bilang sa simbolo o figures dapat ay alam


natin ang place value ng bawat digit. Isulat kung paano natin ito
basahin.

apat na libo, limang daan tatlumpu’t walo 4 538

Basahin at tingnan ang pagkakasulat ng bawat bilang at kung


paano ito isulat gamit ang simbolo o figures.

isang libo 1 000

isang libo’t limang daan 1 500

isang libo, tatlong daan, animnapu’t isa 1 361

isang libo, limang daan, apatnapu’t tatlo 1 543

apat na libo,walong daan at siyamnapu 4 890


Karagdagang Halimbawa:

Basahin ang bawat bilang at isulat ang mga ito gamit ang mga
salita.

1. 4 803 - apat na libo, walong daan at tatlo

2. 2 005 – dalawang libo at lima

3. 1 800 – isang libo at walong daan

4. 4 825 - apat na libo, walong daan, dalawampu’t lima

PAGLALAHAT

Panuto: Tingnan ko ang iyong natutunan sa ating aralin. Ibigay


ang mga nawawalang salita upang mabuo natin ang tamang
paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga bilang. Piliin ang mga
tamang sagot sa loob ng kahon.

pinakamataas kanan pinakamababa kaliwa

Dapat ninyong tandaan, sa pagbasa at pagsulat ng bilang


hanggang 5 000, nagsisimula tayo sa ___________ patungo sa
_________. Ang period na libuhan o thousands ay sinasabi lamang
pagkatapos basahin ang bilang na ito sa nasabing grupo.
Magsimulang magbasa at magsulat sa ___________________ na
place value hanggang sa ____________________.
PAGPAPAHALAGA

Bakit mahalaga na marunong tayong bumasa at sumulat ng


mga bilang, pasalita man o gamit ang simbolo o figures?

_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________
_________________________________________________________

MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1:
Panuto:Isulat ang bawat bilang sa pamamagitan ng salita.

1) 1 475 - __________________________________________
2) 3 480 - __________________________________________
3) 4 537 - __________________________________________
4) 2 462 - __________________________________________
5) 1 484 - __________________________________________

Pagsasanay 2:
Panuto: Isulat ang sumusunod na bilang sa pamamagitan ng
simbolo o figure.
1) tatlong libo, siyam na raan animnapu’t isa
2) isang libo, dalawang daan tatlumpu’t apat
3) apat na libo apatnapu’t apat
4) dalawang libo, tatlong daan pitumpu’t lima
5) isang libo, siyamnapu’t walo
Pagsasanay 3:
Panuto: Basahin at sagutin.
1) Isulat sa simbolo at sa salita ang bilang na kasunod ng
1 473. __________________________________________
2) Ano ang bilang na nasa pagitan ng 2 500 at 2 502? Isulat
ito sa simbulo o figures at sa salita.
________________________________________________
3) Ano ang bilang na nasa pagitan ng 1 345 at 1347? Isulat
ito sa salita at sa simbolo.
____________________________________________
4) Ano ang pinakamaliit na bilang na may 4-na digit? Isulat
sa simbolo at salita.
_________________________________________________
5) Ano ang pinakamalaking bilang na may 4 na digit na
hindi lalagpas sa 5000? Isulat ito sa pamamagitan ng
simbolo at sa salita.
_________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang tamang pagsulat ng 4 451 sa salita?


A. apatang libo, apat, lima at isa
B. apat na libo, apat na limang isa
C. apat na libo, apat na raan at limampu’t isa
D. apat na lilibuhin na may apat na raan at lima.

2. Ano ang tamang pagbasa sa bilang na 1 500?


A. isang libo at limang daan
B. isang libuhin at limang dadaanin
C. isa at limang libo
D. iisa at tig lilima

3. Ano ang tamang pagsulat ng limang libo, limang daan ,


apatnapu’t isa ay sinusulat sa simbolo o figure?
A. 1 514
B. 1 541
C. 5 541
D. 5 571

4. Isulat sa salita ang nawawalang bilang sa 2 200 , ____, 2 202.


A. dalawang libo, dalwang daan
B. dalawang libo at tatlong daan
C. dalawang libo, dalawang daan at isa
D. dalawang libo, dalawang daan at dalawa

5. Isulat sa simbolo o figure ang kasunod na bilang sa 4 298,


4 299, ________
A. 4 200
B. 4 297
C. 4 300
D. 4 910
Paunang Pagsubok Balik Aral
1. D 1. 
2. D 2. 
3. C 3. 
4. C 4. 
5. A 5. 
MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1:
1. Isang libo,apat na raan pitompu’t lima
1. Tatlong libo, apat na raan, at walompu
2. Apat na libo, limang daan tatlumpu’t pito
3. Dalawang libo, apat na raan anim napu’t dalawa
4. Isang libo, apat na raan walompu’t apat.
Pagsasanay 2:
1) 3 961
2) 1 234
3) 4 044
4) 2 375
5) 1 098
Pagsasanay 3:
1) 4 999 – apat na libo, siyam na raan, siyamnapu’t siyam
2) 1 474 – isang libo, apat na raan, pitompu’t apat
3) 2 501 – dalawang libo , limang daan, at isa
4) 1 000 – isang libo
5) 1 346 – isang libo, tatlong daan at anim
PANAPOS NA PAGSUBOK
1. C
2. A
3. C
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN

MGA AKLAT

Chingcuangco, Ofelia, , Henry Contemplacion, Eleanor Flores, Laura


Gonzaga, Carolina Guevara, Gerlie Ilagan, Maritess Patacsil, et al.
Mathematics 3: Kagamitan ng mga Mag-aaral. Kagawaran ng
Edukasyon, 2015

Dagotdot, Imelda, Viola Flora Habon, Mathematics for Global Challenges,


Marikina City:International Coverage System Publishing, Inc., 2005
SDO Pasig Strategic Intervention Material in Math 3

MGA LARAWAN

“COVID-19 Cases in Pasig City.” Pasig City Public Information Office,


Facebook.com, 2 June 2020,
https://www.facebook.com/PasigPIO/photos/pcb.1721721674653610/1
721721604653617/

“Bitmoji –Your Personal Emoji App”, Bitstrips, accessed 1 June2020


fb9cc3df8b7ae6d3503c0fac91431f577cf3faceb.0

You might also like