You are on page 1of 16

3

33

H PA
G
IN -A
D AR
II I
PI NG PA
N MA
A HA
G LA
B AN
IB
IL
I
Mother Tongue – Ikatlong Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Worksheet 3: Pangngalang Pamilang at Pangngalang Di-Pamilang
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark atbp.) na ginamit sa Worksheet na ito at nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa
paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang
karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon-Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod
Quezon Lokal na Pamahalaan ng Lungsod Quezon

Bumuo sa Pagsusulat ng Worksheet


Manunulat: PAZ L. SOLER
Editor: ELIZABETH R. QUILING
Tagasuri: RODOLFO F. DE JESUS, RHODORA G. SUNGLAO
Tagaguhit: LEILANIE S. YUTIAMPO
Tagalapat: BRIAN SPENCER REYES, HEIDEE F. FERRER
Tagapamahala: JENILYN ROSE B. CORPUZ, CESO VI, Tagapamanihala
FREDIE V. AVENDAÑO, Pangalawang Tagapamanihala
JUAN C. OBIERNA, Puno, CID
HEIDEE F. FERRER, Tagamasid Pansangay – LRMS
RODOLFO F. DE JESUS, Tagamasid Pansangay – FILIPINO / MTB

Inilimbag sa Pilipinas ng Sangay ng mga Paaralang Panlungsod, Lungsod Quezon

Kagawaran ng Edukasyon, Pambansang Punong Rehiyon

Office Address: Nueva Ecija St., Bago Bantay, Quezon City

Telefax: 3456-0343

E-mail Address: sdoqcactioncenter@gmail.com


Aralin 3
Pangngalang Pamilang at Pangngalang Di-Pamilang

• Nakikilala ang pagkakaiba ng pangngalang nabibilang at


pangngalang di-nabibilang MT3G-Ia-c-4.2
• Nagagamit ang wastong salitang nagsasaad ng bilang o dami
(counters) sa angkop na pangngalang di-nabibilang
(ex: a kilo of meat) MT3G-Ia-c-1.2.1

TUKLASIN

1 Pagsubok

Basahin ang sumusunod na mga tanong at isulat sa malinis


na papel ang letra ng tamang sagot.
• Nakatutukoy ng Malaki at maliit na letrang Mm. MT1PWR-Ib-i-1.1
• Nakapagbibigay ng unahang tunog / letra ng pangalan ng bawat
___1.Ano
larawan.ang tawag sa
MT1PWR-Ib-i-1.2 a. saknong c. sukat
linya ng tula? b. taludtod d. tugma

___2. Tawag sa parehong a. saknong c. sukat


tunog ng huling pantig b. taludtod d. tugma
ng isang tula?

___3. Bugtong, bugtong a. paa c. tuhod


Dalawang magkaibigan, b. mata d. tenga
laging nag-uunahan.

1
___4. Ito ay isang pala-
a. kwento c. tula
isipan o tanong na may
b. bugtong d. talata
nakatagong kahulugan .

___5. Ito ay binubuo ng a. kwento c. tula


mga saknong at mga b. bugtong d. talata
taludtod.

2 Pagganyak

Ano-ano ang mga dapat mong gawin upang makaiwas sa


Covid-19?

2
3 Alamin

Basahin ang isang balita.

Quezon City, Ipinakita ang laman ng


ipinamamahaging Food Packs

Sa pagpapatupad ng Enhanced Community Quarantine


sa buong Luzon, marami sa mga residente ang naghahanap
ng ayuda o tulong mula sa kanilang lokal na pamahalaan.
Bawat Lokal na Pamahalaan ay nagbibigay ng relief packs sa
kanilang mga nasasakupan upang hindi magutom sa
panahon ng “stay at home”.
Ang nilalaman ng Food Packs ay 4 na kilong bigas, pitong
lata ng sardinas, limang instant noodles, isang pack ng bihon,
sampung sachet ng instant 3in1 coffee at isang pack ng
cupcake.
Nagpasalamat ang mga netizens na nakatanggap ng
ayuda.

Sagutin ang mga Tanong: Isulat sa malinis na papel ang tamang sagot.
1. Tungkol saan ang iyong binasa?
2. Ano ang ipinatutupad sa buong Luzon?
3. Sino ang naghahanap ng ayuda o tulong mula sa
pamahalaan?
4. Ano-ano ang laman ng food packs?
5. Bakit kailangan nating sumunod sa ipinatutupad na “stay at
home” ngayong panahon ng Covid-19 na Pandemya?

3
Ano-ano ang laman ng food packs?
4 na kilong bigas
pitong lata ng sardinas
limang instant noodles
isang pack ng bihon
sampung sachet ng instant 3in1 coffee
isang pack ng cupcake

1. Alin sa mga pangngalan ang maaaring bilangin ng isa-isa?


2. Alin sa mga pangngalan ang hindi maaaring bilangin ng isa-
isa?
3. Ilagay ang mga ito sa angkop na kahon.

Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-Nabibilang

4. Ano ang ibig sabihin ng Pangngalang Pamilang?


5. Ano naman ang ibig sabihin ng Pangngalang Di-Pamilang?

TANDAAN

Pangngalang Pamilang - ito ay ang mga pangngalan na


nabibilang o tiyak na nalalaman ang bilang nito sa kabuuan.
Halimbawa: lamesa, ilaw, baso, aklat.
Pangngalang Di-pamilang - ito ay ang pangngalan na hindi
natin nabibilang o maaari din itong abstrak o hindi
nahahawakan. Maaari lamang itong mabilang kung ito ay
lalagyan ng mga tandang pamilang katulad ng mga
sumusunod na halimbawa.
Halimbawa: isang kutsarang asukal, limang kilong bigas,
isang boteng suka, isang sakong buhangin

4
PAGSASANAY

Panuto: Isulat ang PP kung Pangngalang Pamilang at DP kung


Di –Pamilang. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

___ 1. kamatis

___ 2. isang plato ng pansit

___ 3. isang bote ng suka

___ 4. walis

___ 5. tatlong sako ng bigas

5
SUBUKIN
Bigas

Piliin at isulat sa malinis na papel ang letra ng angkop na tandang


pamilang na ginagamit sa mga sumusunod na pangngalang di-
pamilang.

A. isang tasa ng
B. isang plato ng
C. isang baso ng
D. isang kutsara ng
E. isang kilo ng
F. isang mangkok ng

1. _____ sopas 4. ______ kape

2. _____ harina 5. _____ kanin

3. ______ asukal 6. ______ tubig

6
PAGTATAYA

Isulat sa tamang pangkat ang mga sumusunod na pangngalan.


Ilagay ang sagot sa sagutang papel.

buhok mantika aklat gatas


kutsara alcohol itlog tinapay
kandila bola keso saging
palay lobo bayabas

Pangngalang Pamilang Pangngalang Di-Pamilang

7
B. Isulat ang PN kung nabibilang at DN kung hindi nabibilang ang
mga salitang may salungguhit. Ilagay ang sagot sa sagutang papel.
______ 1. Bumili si nanay ng papaya sa palengke.
______ 2. Natapon ang asin sa sahig.
______ 3. Umiinom si Ella ng isang basong gatas bago matulog.
______ 4. May mga lobo si Miel sa kanyang kaarawan.
______ 5. May bagong cellphone si Azley.

PAGPAPAYAMAN

Sumulat ng halimbawa ng pangngalang nabibilang at


pangngalang hindi nabibilang. Ilagay ang sagot sa sagutang
papel.

Pangngalan

Pangngalang Nabibilang Pangngalang Di-Nabibilang

_____________________ _______________________
Lagda ng Magulang Lagda ng Guro

SANGGUNIAN

Antonio, Eleanor D. et.al. Komunikasyon sa Filipino 3, Batayang Aklat sa


Wika, Rex Bookstore Inc.
https://www.google.com.ph/search?q=qc+ipinakita+ang+food+packs&
hl=en&tbm=isch&source=lnms&sa=X&ved=0ahUKEwje08WZhM3qAhVUB
ogKHUMZCecQ_AUICigB#imgrc=Bb0nuZyOS5r0EM
https://www.google.com.ph/search?q=ano+ang+corona+virus&tbm=is
ch&ved=2ahUKEwi9_4ubhM3qAhUOgpQKHSKHBdAQ2
ch&ved=2ahUKEwi9_4ubhM3qAhUOgpQKHSKHBdAQ2-

8
Susi sa Pagwawasto

5. 5.

4. 4.

3. 3.

2. 2.

1. 1.

Pagyamanin Pagyamanin

Sanggunian
LM sa Araling Panlipunan 2

https://drive.google.com/file/d/0B0e7RDIoLG9YNExhVW9JbjVWdUk/view
https://image.slidesharecdn.com/aralingpanlipunan140307121114-
phpapp02/95/k-to-12-grade-2-learningmaterial-in-araling-panlipunan-54-
638.jpg? cb=139419458

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – SDO-Quezon City

Schools Division Office-Quezon City

Telephone No.8352-6806/6809; Telefax-3456-0343

Email Address: sdoqcactioncenter@gmail.com

You might also like