You are on page 1of 24

K Kindergarten

Unang Markahan – Modyul 4: Ako ay Kakaiba


Unang Araw - Sariling Kakayahan sa Pag-awit
Ako ay Kakaiba – Kindergarten
Self-Learning Module (SLM)
Unang Markahan – Modyul 4: Sariling Kakayahan sa Pag- awit.
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito. Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Honeybie S. Anunciado Dailyn V. Budiongan, Ma. Shiela B. Bulawan, Richie B. Catubig, Lovely Joy C. Hermoso, Cynthia S. Hofileña,
Fayleen D. Kamad, Theresa M. Ondes, Nolie Rose B. Quiñones, Rowena L. Tropico
Editors: Renato A. Corre, Josephine C. Lorilla, Adela D. Neyra
Tagasuri: Yusof A. Aliudin, Mary Anne A. Barrientos, Mary Joy D. Bautista, Agabai S. Kandalayang, Emily Socorro G. Salanatin,
Tagaguhit: Nolie Rose B. Quiñones, Emman Dwight J. Tuyan
Tagalapat: Emman Dwight J. Tuyan, Hector Lacbayo
Cover Art Designer: Jay Sheen A. Molina
Tagapamahala: Allan G. Farnazo,– Regional Director
Fiel Y. Almendra,– Assistant Regional Director
Isagani S. Dela Cruz, - Schools Division Superintendent
Natividad D. Ocon, - Assistant Schools Division Superintendent
Gilbert B. Barrera – Chief, CLMD
Arturo D. Tingson Jr. – REPS, LRMS
Peter Van C. Ang-ug – REPS, ADM
Jade T. Palomar – REPS Subject Area Supervisor
Elpidio B. Daquipil - CID Chief
Juvy B. Nitura - Division EPS In Charge of LRMS
Marcelo A. Bocatera - Division ADM Coordinator
Rebella S. Dulay – EPS Subject Area Supervisor
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – SOCCSKSARGEN Region
Office Address: Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal
Telefax: (083) 2288825/ (083) 2281893
E-mail Address: region12@deped.gov.ph
K
Kindergarten
Unang Markahan – Modyul 4: Ako ay Kakaiba
Unang Araw - Sariling Kakayahan sa Pag-awit
Paunang Salita
Ang modyul na ito ay isinulat upang makatulong na malinang ang kakayahan ng
bata. Napapaloob dito ang mga gawain na dapat matutunan ng kinder sa bawat araw
na nakapaloob sa bagong Most Essential Learning Competencies na inilabas at inilathala
ng Kagawaran ng Edukasyon para sa panuruang 2020-2021. Isinaalang-alang dito ang
mga layunin na dapat matutunan ng batang may 5 taong gulang. Kinakailangan ng bata
ang iyong gabay at ikaw ang hahalili sa guro upang maisagawa ang mga inaasahang
kasanayan na nakapaloob sa module na ito ng wasto at sa tamang paraan.

Para sa mga Bata:

Ang modyul na ito ay dinisenyo at isinulat na ikaw ang isinaalang-alang. Napapaloob


dito ang mga gawain, babasahin at sagutan ng mga kasanayang dapat mong malaman
sa araw-araw sa tulong ng iyong mga magulang o tagapag-alaga. Inaasahan dito na
malinang ang iyong kakayahan sa mga gawain ng may pagkukusa. Napapaloob dito ang
mga panuto kung paano maisagawa ng tama ang mga gawain at kasanayan.

2
Paalala Para sa mga Guro:

Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pampagtuturo na


katulad nito. Ito ay inyong magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag-
aaral ang tamang kaalaman upang mapalawak at malinang ang kanilang karunungan
tungkol sa Sariling Kakayahan sa Pag-awit. Ang inyong tamang paggabay ay
makatutulong sa mga mag-aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag-aaral.

Ipaalala sa ating mga mag-aaral na basahin, unawain, at sagutin nila nang tama ang
lahat ng mga gawain at katanungan dito sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.

Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit ng ating mga layunin at hangarin para
sa ating mga mag-aaral. Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto.
Maligayang pagtuturo.

3
Alamin
Panuto sa Magulang: Babasahin ang nakasulat sa modyul na ito para maging gabay ng
inyong anak upang malaman ang leksyon na dapat niyang maintindihan. Ikaw ang
magiging kahalili ng guro upang matiyak ang pagkatuto ng iyong anak.
Magulang: Magandang araw! Narito ako upang ibahagi ang bagong kasanayan na
lubhang mahalaga sa iyong pag-aaral. Sa modyul na ito tatalakayin natin ang sariling
kakayahan sa pag-awit.
Most Essential Learning Competencies (MELC)
o Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t – ibang paraan, hal. pag-awit,
pagsayaw, at iba pa. (SEKPSE-If-2)
o Identify the letter, number or word that is different in a group. (LLKVPD-00-6)
Pagkatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
o Naisasakilos ang sariling kakayahan sa iba’t – ibang paraan, hal. pag-awit,
pagsayaw, at iba pa.
o Identify the letter, number or word that is different in a group.

4
Subukin
Magulang: Subukin natin ang inyong kakayahan sa pamamagitan ng pagsagot sa
mga tanong.

Tingnan mo ang mga ginagawa ng mga


batang ito.

Ano ang ginagawa ng batang


babae?

Ang ginawa po ng batang babae ay


umaawit habang pumipinta.

5
Ano ang ginagawa ng batang lalaki?

Ang ginagawa po ng batang lalaki ay


umaawit habang sumasayaw.

6
Tuklasin
Magulang: Para malinang ang iyong sariling kakayahan, magsisimula tayo sa
panonood ng isang video presentation. Panoorin at pakinggan mong mabuti
ang kwento.

“Si Ana at Si Ano”


(Isinulat at Iginuhit ni Nolie Rose Bugahod - Quiňones )

Si Ana at Ano ay isang kambal at nag -aaral sa


Kindergarten.
Si Ana ay batang babae. Si Ano ay batang lalaki. Sila
ay limang taong gulang at sila ay batang malusog at
masayahin.
Kumakain sila ng gulay at mga prutas. Umiinom sila ng
gatas araw – araw.

Habang nasa silid aralan, ipinapakita nila ang iba’t iba


niyang kakayahan. Kaya ni Ana ang sumayaw at magpinta.
Kaya ni Ano ang umaawit at sumayaw.

7
Tuwang – tuwa sila sa kanilang mga ipinakitang
kakayahan.
Kaya, hinahangaan sila ng kanilang guro at kamag
aral. Dahil sa kanilang ginawa nahikayat nila ang mga
kaklase na magpakita din sila ng kani – kanilang sariling
kakayahan.
Nagpasalamat si Ana at Ano sa Panginoon dahil
binigyan sila ng natatanging kakayahan at ginamit nila ito
sa wastong paraan.

8
Suriin
Sagutin natin ang mga katanungan tungkol sa ating kuwento.

a. Sino – sino ang mga bata sa kwento?


b. Bakit malulusog at masasayahin si Ana at Ano?

c. Sa salitang Ana at Ano, anong titik ang naiiba?


d. Bakit hinahangaan sila ng kanilang guro at kamag-aral?

e. Anong ginawa nina Ana at Ano sa mga binigay na kakayahan?

Paalala sa Guro:
Magandang araw! Mapalad kayo na magkaroon ng kagamitang pampagtuturo na katulad nito.Ito ay inyong
magagamit upang maihatid at maibahagi sa inyong mga mag- aaral ang tamang kailangan upang mapalawak at malinang
ang kanilang karununga tungkol sa sariling kakayahan sa pag-awit. Ang inyong tamang paggabay ay makakatulong sa
mga mag-aaral upang makamit ang ating mga layunin sa pag –aaral.
Ipaala sa ating mga-aaral na basahin, unawain,at sagutin nila nang tama ang lahat ng mga gawain at katanungan
ditto sa modyul na sadyang inihanda para sa kanila.
Patuloy tayong maging masigasig sa pagkamit n gating mga layunin at hangarin para sa ating mga mag-aaral.
Maging tulay tayo sa kanilang mabilis at mabisang pagkatuto. Maligayang pagtuturo!

9
Mga Kakayahan ni Ana

sumasayaw gumuguhit

Mga Kakayahan ni Ano

sumasayaw umaawit

10
prutas

gatas

alugbati

isda

11
Pagyamanin
A. Ginabayang Pagsasanay:

Para sa magulang: Gabayan ang bata sa kanyang kakayahan na


maintindihan at maisasagawa nang tama ang isang Gawain sa tulong ninyo.

Gawain 1. Alin dito ang batang umaawit. E tsek √ ito.

12
B. Malayang Pagsasanay

Para sa magulang: Ang malayang pagsasanay ay ang pagsagot sa pagsasanay


ng bata na mag-isa. Inaalam dito kung ang bata ay mayroong natutunan mula sa
iyong pagtuturo.

Gawain 2: Simple Picture Puzzle – Ibigay sa bata ang larawan puzzle ng isang bata.
Ipabuo ito sa loob ng 5 limang minuto.

13
Gawain 3 Awitin: May mga Bata – Ulitin ng 5 limang beses.

May mga Bata


Isunulat ni: Theresa M. Ondes
Isinatinig ni: Jamelyn L. Gordon

May mga bata na umaawit, na mahal natin magpakailanman (2x)


Pasalamatan Siya
Ang ating Diyos.

14
Gawain 4 Sorting Activity

LETTER CARDS - Bigyan ang mga bata ng card na may nakasulat na letra. Pangkatin
ang mga mag katulad at naiiba. Bigyang diin ang naiiba.

15
Gawain 5. Bilugan ang naiibang letra sa hanay.

1. e e a e e

2. i o o o o

3. u u u u a

4. a e e e e

5. o o o u o

16
Gawain 6. Lagyan ng tsek (√) ang naiibang titik sa bawat hanay.

17
Isaisip

Magulang: Lagi nating tandaan na ang taglay nating kakayahan ay dapat ipakita sa

iba’t ibang pamamaraan tulad ng pagsasanay, pagpapaturo, pagsali sa palatuntunan

at paligsahan. Palagi natin isipin at isapuso na pasalamatan natin ang Panginoon dahil

binigyan ka ng naiibang kakayahan.

18
Isagawa

Gawain 7: Paint me a Picture


Magulang: Isakilos ang sasabihing panuto sa pamamagitan ng paggalaw.
- Ipakita sa akin ang isang lalaking umaawit ng Lupang Hinirang.
- Ipakita sa akin ang isang babaeng umaawit habang naliligo.
- Ipakita sa akin ang isang babaeng umaawit habang pinapatulog ang
nakababatang kapatid.
- Ipakita sa akin ang larawan ng isang lalaking umaawit habang sumasayaw
sa isang kumpetisyon.

19
20
Pagyamanin – Gawain 6
4. b 4. R
5. b 5. X
6. u
Pagyamanin – Gawain 5
Pagyamanin – Gawain 4
1. a 4. a
2. i 5. u N V E I
3. a
Susi sa Pagwawasto
References
• Edukasyon sa Pagpapakatao 2 (pages 2-6)

• Filipino sa Prep. Page 82

21
PAHATID-LIHAM
Ang Sariling Pagkatutong Modyul na ito ay nilinang ng Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyong SOCCSKSARGEN na
may pangunahing layunin na ihanda at tugunan ang pangangailangan sa bagong normal. Ang nilalaman ng modyul na
ito ay batay sa Most Essential Learning Competencies (MELCs) ng Kagawaran ng Edukasyon. Iyo ay pantulong na
kagamitan na gagamitin ng bawat mag-aaral sa pampubikong paaralan ng Rehiyon XII simula sa taong panuruan 2020-
2021. Ang proseso ng paglinang ay tinutukan sa paglimbag ng modyul na ito. Ito ay Bersyong 1.0. Mahigpit naming
hinihimok ang anumang puna, komento at rekomendasyon.

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – SOCCSKSARGEN


Learning Resource Management System (LRMS)

Regional Center, Brgy. Carpenter Hill, City of Koronadal

Telefax No.: (083) 2288825/ (083) 2281893

Email Address: region12@deped.gov.ph

You might also like