You are on page 1of 20

Aralin 33

Pilipino Ako May


Mayamang
Kultura

by: Sir Rei Marasigan


UNANG
ARAW
Tukoy-Alam

Ano ang inyong reaksyon sa


larawan?
Paglalahad

Ano ang inyong naiisip kapag


naririnig ninyo ang salitang ..

KULTURA
Basahin nang malakas.
Kulturang Pilipino
Ma. Luisa O. Felicia
Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika
Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita
Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga
Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya.

Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga


Sa mga kulturang Pilipinong ating minana
Sa mga ninunong sinauna
Tiyak na lalago ang ating kultura.
Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat
nito ngunit manahin sana natin ang makabubuti
sa ating pagkatao
At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao
Upang sumulong din ang bansa nating mga
Pilipino.

Ang salitang opo ay nakakalimutan na


Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda
Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda
Maipamulat sana natin sa mga bata.
Pagtalakay at Pagpapahalaga
Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa
napakinggang tula?
Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula?
Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa?
Pangatlo? Pang-apat?
Saan mayaman ang Pilipinas?
Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino?
Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang
ating kultura?
Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura?
Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-
unlad ng bayan?
Pagpapayamang Gawain

Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng


po o opo?

Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan


sa pangkat.
Paglalahat

Ano-ano ang dapat tandaan


sa pagbibigay ng reaksyon
sa isang paksa o isyu?
Karagdagang Pagsasanay

Balikan ang inyong mga reaksyon sa


simula ng klase.
Lagyan ng marka ang inyong sarili.
Gamitin ang rubric na ito.
IKALAWANG
ARAW
Tukoy-alam

Nakasali ka na ba sa
Santacruzan o sa isang
reynahan?
Paglalahad

Ano ang mahalagang ginagampanan


ng Prinsipe at reyna sa Santacruzan?
Kakaibang Prinsipe Konstantino
Angelika D. Jabines
Mayo 31. Ang araw na pinakahihintay ng
lahat.
Aiah: Wow! Ate, ang ganda mo talaga.
Angela: Ikaw rin, ang ganda mo!
Teka, nasaan ang pakpak mo?
Aiah: Inaayos pa ni Ate Bobie.
Angela: Si Kamille, bihis na ba?
Aiah: Nagbibihis na rin. Sana paglaki
ko maging Reyna Elena rin
ako katulad mo.
Angela: Hayaan mo, itatago ko ang aking
korona para may
magamit ka.
Tara na, andiyan na si Nonong. Baka
mahuli tayo. Tawagin mo na sila.
Aiah: Nanay, Von, Ate Kamille, tayo na!
Nanay: Von, akin na sabi iyang pakpak ng
ate mo. Lalakad ka lang sa tabi ni Ate
Angela mo.
Hindi ka isang anghel.
Pagtalakay at Pagpapahalaga

Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino?


Sino-sino ang nag-uusap?
Ano ang pinag-uusapan nila?
Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31?
Ano-ano ang pangyayari sa usapang
napakinggan?
Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito?
Pabigyan ng katwiran ang
sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin.
Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang
sa bansa na tulad nito?
Pagpapayamang Gawain

Sumulat ng isang pangungusap


tungkol sa natutuhan
sa usapang binasa.
Paglalahat

Ano ang natutuhan mo


sa aralin?
Karagdagang Pagsasanay

Iguhit ang isang okasyon o


pagdiriwang na hindi mo
malilimutan. Sumulat ng isang
pangungusap tungkol dito.

You might also like